Chapter 22
Zyrene
Maaga akong pumasok sa Snack Bar & Shop bilang umpisa sa unang araw ko. Buti nalang nga at pinayagan ako ni mama dahil na rin sa hindi ko siya tinantanan.
Ayaw pa niya akong papagtrabahuin dahil na rin sa nangyari sa akin. But I still insist my will.
"Reen, okay lang ba talaga sa iyo ang magtrabaho?" tanong ni Boss Kylle nang lumapit ito sa akin.
"Yes po! Don't worry, hindi ako magiging pabigat sa inyo" pagsisiguro ko sa kanya.
"Hindi naman yan ang iniisip ko. Nag-aalala ako baka mapagod ka. Para ko na kayong kapatid ni Lianna kaya mag-aalala ako kapag may mangyari sa inyo"
"Ahh! Na-touch ako. Pwedeng umiyak?" biro ko.
"Baliw! Hala, mag-umpisa ka na sa ginagawa mo. Sabihin mo lang kung pagod ka na. Don't hesitate okay?" he reminded me.
"Okay"
Nagsumula ba akong gumawa ng mga cupcakes. Yun rin kasi ang hilig ko aside from painting. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses ng kaibigan ko.
"Oh my G!!!!!!!" tili niya. "Nandito ka!" sigaw nito sabay hampas sa braso ko.
"Wow ha! Ang brutal lang te? Tsaka wag ka ngang sumigaw diyan. Maya-maya lang may customer na"
"Oo na. Parang namiss lang kita eh. Usap tayo mamaya ha"
"Opo. Tsupi na" taboy ko sa kanya.
Ilang oras din ang nilaan ko para lang matapos ang first batch ng mga cupcakes na ibebenta.
"Zyrene, pahinga ka muna. Si ate Kristine mo na ang tatapos niyan" tugon ni Boss Kyle.
"Okay. Pero hindi pa ako pagod. Pwede ba akong tumulong kay Lianna?"
"Magpahinga ka muna bago mo siya tulungan. Wag ka nang magreklamo" nakangiting sabi nito.
Napailing nalang ako. Pumunta naman ako sa locker room ng mga employee at doon nagpahinga.
Iidlip na sana ako ng tumunog ang phone ko. Nagtaka ako dahil tumatawag sa akin ang school.
"Hello? Good morning po" sagot ko.
"Hello? Miss Miranda? You are being call by our president. Your presence is highly needed today"
"Po? Bakit daw po---- oy! Hello? Ano namang problema ng eskwelahan nayub sa akin?"
Nagbihis naman ako ng damit saka pinuntahan si Boss Kyle na nakikipagharutan kay ate Kristine. Tumikhim naman ako upang kunin ang atensyon nila.
"O, uuwi ka na? Napagod ba kita masyado?" tanong ni Boss Kyle.
"Ah hindi po. Um, pinatawag po kasi ako sa school. Pwede po bang umalis saglit?" paalam ko.
"Oo naman. Mag-iingat ka" pagpayag nito.
"Salamat po. Mauna na ako, Boss, ate Kristine"
"Sige, mag-iingat ka" bilin ni ate Kristine.
"Opo. Sige po"
Agad naman akong lumabas sa kusina at nilapitan si Lianna na busy sa counter.
"Uy! Alis na ako. Pupunta akong school" bulong ko sabay turo sa labas saka ako lumabas.
"Ha? Bakit? Uy!" pahabol niyang sigaw sa akin.
Hindi pa man ako nakakalapit sa paradahan ng jeep ay may huminto na sasakyan malapit sa akin. Hindi ko sana papansanin pero binaba nito ang salamin ng kotse.
"Hey. Hop in"
"Vielt?"
Bumaba naman ito sa sasakyan. "Yup. The one and only" maangas niyang tugon.
"Sinusundan mo ba ako?"
"Nope. Pero susunduin kita. Let me guess, tinawagan ka ng school no?"
"How did---"
"Of course. Magaling ako diyan. Anyways, sakay na. Doon rin ako papunta so sabay na tayo" he smile.
Lumapit naman ako sa kanya. "No" sabi ko sabay umalis.
"Uy! Sige na. Mas makakatipid ka kapag sumabay ka sa akin--- uy!"
Agad naman akong pumara ng jeep pero bago pa ako makapara ay may kumaladkad na sa akin. At alam niyo na kung sino.
"Ano't--- teka lang! Saan mo ba ako dadalhin?"
"Sa heaven" bulong niya.
Kinilabutan naman ako. Bago ko pa siya mabatukan ay napapasok na niya ako sa loob ng sasakyan. Lalabas na sana ako pero nakalock ito.
Nang makapasok na siya sa loob ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Nakatanaw lang ako sa labas habang naka-cross arm.
"I really hate you" walang-lingong sambit ko.
"Well, I like you too"
Napalingon naman ako sa kanya at binigyan siya ng malamig na tingin. Pero ang loko ay nakangiti lang. Hay! Mamatay talaga ako ng di oras dahil sa mga asungot na to.
Ilang oras naman ang binyahe namin saka kami nakarating sa school. Napansin ko namang may naghihintay sa may parking area na exclusive lang sa kanilang apat.
Nang makapagpark na si Vielt ay agad akong bumaba. Medyo na-shock ako dahil si Zero pala ang naghihintay sa tabi ng kotse nito.
"I told you I can take care of her" komento naman ni Vielt na ikinalingon ko.
"Don't mind him. Let's go. The president's waiting for us" maotoridad na sabi ni Zero sabay hila sa akin.
"T-teka, b-bakit--- kasama ko kayong pinatawag ng president?" takang tanong ko.
"Yep. Remember the woman who drag Zaijan the other day? She's the new president of their school. Pero temporary lang naman. Kasi kay Zaijan talaga 'tong school eh" mahabang paliwanag niya.
"Eh bakit nya tayo pinapatawag?"
Nagkibit-balikat lang si Vielt. Medyo kinabahan naman ako ng matanaw namin ang office ng presidente.
Actually, it was a mixed emotion. Kinakabahan dahil baka may malaking kasalanan akong ginawa lalo na't kaaway ko ang kapatid ng presidente ng school. But aside from it, it will be my honor kung papaalisin nila ako sa school. Gusto ko ba talagang umalis dito.
"Don't get nervous that much. Baka atakihin ka dito" bulong sa akin ni Zero.
Napatango nalang ako. I breathe deeply as we enter the president's premises. At sa kamalas-malasan ay si gorilla pa ang una kong nakita. What a bad day to start?
"Teka? Bakit nandito yang freak na yan?" reklamo niya.
What can you expect for a gorilla-slash-alien like him?
"I invited her. May reklamo?" sagot naman ng babae.
Napatulala naman ako sa kanya. Ito ba ang ate ni alien? Ang ganda niya. I can't believe na kapatid niya ito.
"You must be Zyrene. Hi, I'm Charlotte Liano. Older sister of this childish brat" turo niya kay alien.
"H-hi po" nahihiyang sambit ko.
"Psh!" He reacted.
"Pabayaan mo siya. I'm glad that I finally meet you. Sa wakas, matatapos na rin ang pagiging feelingero nitong spoiled brat kung kapatid" sabi niya habang binibigyan ng matalim na tingin ang kapatid.
"Um, b-bakit po ninyo ako pinatawag?"
"I have an agreement to offer to you"
"Po?"
"Operation: Make Zaijan a better leader. It means, kailangan niyang baguhin ang attitudes niya, ang pagiging childish nito at pagiging demon prince niya. If you can change him, I can do anything that you want. But if you fail, you will be punish. What do you think?"
"What the hell ate?! Ano na naman yang walang kwentang plano mo?" He reacted.
"Ikaw ba ang kausap ko? Di ba sabi ko tumahimik ka. Or gusto mo lang talagang makatikim ng totoong punishment?" she warns him. "Anyways, hindi mo naman kailangan ng sagutin agad-agad. I'll give you...... a week to decide" komento niya.
"Um, hindi ba't ang hirap ng pinapagawa niyo sa akin. Ang turuan ang kagaya niya ay masa mahirap pa sa hindi humihinga ng pangmatagalan."
"Whoah! That's a tough comparison" komento ni Dean.
"Sinabi mo pa" segunda naman ni Vielt.
"Don't worry, you can ask for help with these three handsome jerks. I mean two jerks and your knight."
"Ouch naman. Grabe ka naman ate Shar" pagreact ni Vielt.
"Pero...."
"A week. I don't accept no for it."
Tinignan ko naman si alien na ngayon ay nakangisi. Alam kong may binabalak na naman ito.
"Tsk! Tsk! Tsk! If pumayag man siya, hi di niya ako mapapasunod. I will never going to be a servant. Never" seryoso niyang tugon.
"Well, brother. Well see."
Napabuntong-hininga nalang ako. Hay! Ano ba itong pinasok kung gulo? God help me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top