Chapter 20

Zero

After kong bisitahin si Zyrene, hindi na ako nag-alinlangang bisitahin rin ang rason kung bakit napahamak ito.

"Si Zaijan po" tanong ko sa mayordoma ng mansion nila.

"Nasa entertainment room po"

Agad ko naman itong pinuntahan. Nang makapasok ako ay nakita ko siyang papaupo palang.

Magsasalita na sana siya ngunit inunahan ko na ng suntok. Hindi pa ako nakontento at inulit ko pa. Kung hindi lang siguro dumating sina Dean at Vielt ay napatay ko na sana siya.

"Ano bang problema mo?!" sigaw niya. "Bad trip na nga ako sa school, nakikisali ka pa"

"Ikaw?! Ano bang problema mo at nandadamay ka ng iba?! Tiniis ko yang ugali mo pero sumubra ka na this time"

"Ahhh! Siguro yung b*tch na naman yan no?"

"P*t*!" susugurin ko sana siya pero pinigilan ako ni Dean.

"Ano? Mas kakampihan mo yun. I'm just defending what is MINE! Inaagaw na niya kayo sa akin. I just did what right for her"

"P*tch*! Dahil lang dun? DAHIL LANG DUN?! Nagkakaganyan ka na? Why don't you try to evaluate yourself? Are you really fit as my friend? Because practically speaking, we're just different" I breathe deeply. "Literally, I don't know who you are already. If you have a problem, dinadamay mo lahat ng tao. Worst, sila pa ang pinagbubuntungan mo ng galit. Z, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo" naluha na lang ako sa action ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. I can't believe na magkakaganito kami.

"I'm requesting you. Please, stay away from Zyrene. If you respect me as your friend, then stop punishing her kahit wala naman talaga siyang kasalanan" I said without looking at him.

"You really replacing our friendship because of that girl huh? I never expect na mag-aaway tayo dahil lang sa babae. Na hindi naman dapat. Tell me, bakit ba parang napakaimportante ng babaing yun sayo? And worst, dinamay mo pa iyong dalawa" I look at Dean and Vielt.

"Bro, tama na" saway naman ni Dean.

"Bakit? Guilty kayo eh. Ano? Iwanan sa ere ganun? Nasaan ang brother code natin. Actually hindi naman talaga tayo magkakaganito kung hindi dahil sa pakialamerang babaing yun"

"Z!"

"Ano?! Sige! Suntukin mo ako! Akong kaibigan mo!"

Konti na lang at mawawalan na talaga ako ng pasensya sa kanya.

"Can't you see? Nilalamon ka na ng pagiging dominant mo! I thank God na nakilala ko si Zyrene dahil nagising ako sa kasamaan mo. She wake me from a dark world na binuo mo. Ngayon sabihin mo sa akin, is your wrongdoing from those students is justifiable? Matalino ka Z or I assume you use your brain for nothing"

"What did you say? Are you insulting me?"

"See? Lumabas rin ang pagiging masama mo. Why am I surprise? I think stuck on that eight years old boy. Matanda kana Z, tama nang laro. Try to be mature, it will fit you more"

Agad naman akong nagwalk-out. Tinawag pa niya ako pero hindi na ako lumingon.

I really didn't know who he is right now. I know he is lost, but he need to get out to his shell. He needs to be brave enough in order for him to come out.

Kung kakalabanin man niya ako, pwes hinding-hindi ko na siya uurungan. Even if he is my friend, I am ready to disown him. Kung yun lang ang makakatulong sa kanya upang magmature.

---------------------------------

Zaijan

Hindi ko napigilang sirain ang mga gamit sa entertainment room. I'm angry! I'm angry dahil natamaan ako sa mga sinabi ni Zero.

Yun ang pinakaayaw ko sa kanya. Yung magsasalita siya na hindi aware kung masasaktan ang damdamin ng iba. Well, yun ang pagkakatulad naming apat.

But sh*t! I hate it dahil naagaw parin ng freak na yun ang kaibigan ko. Tinignan ko naman ang dalawa na nakatunghay lang sa pagwawala ko.

"Kayo? May balak rin kayong sumunod sa kanya di ba? You disown me also because I'm such an evil. Sige! Iwan niyo ako! I don't need you anyway!" pagtataboy ko sa kanila.

Nagkatinginan lang silang dalawa. Naupo naman ako dahil mukhang naubos lahat ng lakas ko sa pagwawala.

"Iiwan ka namin sa ngayon. Do some meditation. At sana sa pagbalik namin, maayos ka na" advice ni Dean saka sila lumabas.

"Go! Iwan niyo akong lahat! Mga wala kayong kwenta! I don't need a friend like you! AHHHHH!!!!!!"

Nagsira naman ako ulit ng gamit sa galit. Bakit ba lahat nalang iniiwan ako? Bakit ko ba ito nararanasan? Ano bang kasalanan ko? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?

Napasalampak nalang ako sa couch at tinabunan ko ang mga mata ko ng kamay ko. Sh*t! Sabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak.

But d*mn! I'm crying because I'm hurt. I'm crying because I was left again. I'm crying because no one seems to fight for me. Lagi na lang akong may kaagaw.

Kailan ba ako makakaramdam ng saya. Bakit parang pinagkakait lahat sa akin? Ganun na ba talaga ako kasama? Ayoko nang masaktan. Ayoko ng ganito.

God please....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top