Chapter 2
Enrollment Day!
Hay! Hindi na ako makapaghintay na makapag-enroll. Prepare na lahat ng requirements at ready na rin ako sa interview. Paglabas ko ng kwarto ay di ko inaasahang may bisita si mama.
"Zyrene anak, aalis ka na ba?"
"O-opo. May bisita po pala tayo"
"Magandang araw sayo, Miss Zyrene" bati ng lalaking naka-amerikana
"Magandang araw din naman po. Napakapormal niyo naman po sa akin"
"Zyrene anak, may sasabihin sayo si Mr. Perez. Maupo ka muna. Kukuha lang ako ng maiinom"
Teka, anong nangyayari dito? Bakit parang kinakabahan si mama? Ha! Di kaya—
"Ako nga po pala si Greg Perez. Secretary po ako ng magiging sponsor mo sa pag-aaral niyo"
"A-ano? Sponsor? T-teka, b-baka nagkakamali lang po kayo. Ako ba talaga ang hinahanap niyo?"
"Hindi po ako nagkakamali"
"Ahahaha. Um, wrong timing po kayo. Ano kasi...nakakuha na kasi ako ng scholarship sa isang eskwelahan at pasensya na dahil hindi ko po kayo kilala or yung mag-i-sponsor sa akin"
Lumabas naman si mama galing sa kusina dala ang mga drinks.
"Si Mr. Mi—-"
"Ah, magpalamig ka muna, Mr. Perez. Ikaw rin anak"
"Salamat ma pero kailangan ko na talagang umalis. Male-late na ako"
"A-anak, wag ka na lang kayang tumuloy sa eskwelahan na yun"
"Ma, pangarap kong makapasok doon"
Huminga naman siya ng malalim. Teka, may hindi ba sinasabi itong si mama sa akin?
"Ma.."
"Anak kasi...."
"Malaki ang utang na loob ng boss ko sa mama mo kaya sinusuklian lang niya ito" paliwanag naman ni Mr. Perez
Napatingin naman ako sa mama ko. Kailan siya nagkaroon ng mayamang kaibigan?
"Anak, pumayag ka please? Sa ikabubuti mo rin ito eh"
"Okay, let's just say na tatangapin kko ang offer ng kaibigan niyong mayaman pero sa Philippine State University ako mag-aaral"
"Patawad po pero napasok na namin kayo sa NSU"
"NSU, okay—— what?! No, no, no, no. Hindi ako papayag na sa eskwelahang yun ako papasok. No"
Nagtinginan lang sila mama at Mr. Perez. Mukha talaga silang seryoso. Katapusan na talaga ng mundo ko. Ni hindi ko man lang mahindian si mama. Brace yourself Zyrene, you are going to enter the hell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top