Chapter 17
Zaijan is back!!!
---------------------------
Zaijan
At last nakauwi na rin ako. Argh! I miss the night clubbing. Hindi na ako makapaghintay na makipagparty. Sobrang boring sa mga pinuntahan naming business trip. Kainis!
Speaking of kainis, kumusta na kaya ang ginawa nila ni Vielt sa freak na yun? Nagsuccess kaya sila? Tss! I'm sure they success.
"Nandito na po tayo, senyorito" tawag sakin ni Win.
Agad naman akong bumaba sa kotse. Hay! I miss my school. As usual, maraming kumukuha ng picture ko. Well, I'm the king here. At dapat silang gumalang sa akin.
Malapit na ako sa entrance ng leisure at classroom namin ng mapansin ko si Vielt at Dean. Tatawagin ko sana sila ng may biglang nambatok sa kanila. Walang iba kundi si freak.
Tss! Pati din pala sila walang nagagawa sa freak na yun. I really need to find a way para mapasunod ko ito.
Hindi na ako nag-abalang tulungan ang dalawa na kinakawawa ni freak at pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa leisure room upang magpahinga.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang kaingayan ng dalawa.
"Bumisita kaya tayo ulit doon. Namiss ko nang maja blanca nila. Mukhang paborito ko na ata yun" sambit ni Dean.
"Yeah. I think we should. Pero t*ng*n* pare, ang sakit mangbatok ni Zyrene. Laglag yata----"
"Did I miss something?" pambungad ko sa kanila.
"Z-Zaijan. Bro! Anong oras ka dumating?" tanong ni Dean habang yumayakap ito sa kanya.
"A minute ago" simpleng sagot ko.
"So, how's your trip? Madami bang chix sa Korea?" pambungad naman ni Vielt saka siya nag-man hug sa akin.
"Nah! I prefer Filipina. I don't waste my time for some foreign girl"
"Whoahhhh!!!" they tease.
"Umaandar ang pagka-lover boy image ng hari" biro ni Vielt.
"Shut up. So, how's your plan? Kumagat na ba siya?"
Nawala naman ang ngiti ng mga ito at nagkatinginan. Napakamot lang si Vielt sa batok niya.
"Well, about that thing.... we plan to...."
"What?"
"Let's stop throwing jokes on her" direktang sagot ni Dean.
"What?"
"Z, hindi naman siya natitinag. Kahit anong gawin namin. Can we just forget it? Let's just be friends with her. For real. Kasi...." putol na sabi ni Vielt.
"Did something happen while I'm gone. Don't tell me nagayuma rin kayo ng freak na yun?" inis kong tanong.
"Z...."
"Ano na naman bang ginawa ng freak nayun para magbago kayo ng isip?" napatayo ako sa inis.
Nang wala akong makuha sa kanilang kasagutan ay agad akong umalis.
"T-teka! Zaijan, sa'n ka pupunta?" tawag ni Vielt.
Mabilis akong lumabas sa building namin at tinungo ang Arts Building. Tinangka akong pigilan nila Vielt at Dean pero binalaan ko lang sila.
I will not accept this fact na inaagaw na ng freak na yun ang mga kaibigan ko. Or should I call her witch also. Humanda siya sa akin.
Zyrene
Hay! Salamat naman at walang prof at least makakapagpahinga ako sandali. Kinuha ko naman ang sketch pad ko at nag-umpisang magdrawing. Ito nalang ang gagawin ko kesa matulog eh hindi na rin naman ako inaantok.
"Guys, si Zaijan. Papunta sa building natin!" sigaw ng lalaki.
Psh! Kalalaking tao tsismoso. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Nakauwi na pala ang gorilla. Sigurado akong bubwisitin na naman ako niyan. Pero sana hindi ako ang pinunta niya dito.
Ilang sandali pa ay hindi ko inasahan ang mga sumunod na pangyayari. Bigla nalang lumipad ang desk ko sa kung saan kasama ng sketchpad at lapis ko.
"What h*ll is your problem?!" galit ko siyang hinarap.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ba humaharang ka sa mga plano ko?! Gusto mo ba talagang kalabanin ako?!" singhal niya sa akin.
"Bakit?! Sino bang nauna sa atin ha?! Nananahimik ako, ikaw ang nanggugulo! Hindi na siguro ako magtataka king may sayad ka sa utak!" singhal kong pabalik.
Aakmang sasampalin niya ako pero pinigilan na ito nila Dean at Vielt.
"Zaijan please. Tama na. Babae yang kaharap mo" mahinahong sabi ni Vielt.
"Ano?! Sige! Diyan ka naman magaling eh! Ang manakit! Hindi mo iniisip ang mararamdaman ng iba! Napakaselfish mo kasi! Akala mo pag-aari mo nang lahat" I wipe my tears. Gosh! Bakit ko ba iniiyakan ang mokong nato? "Ang sama-sama mo. Inaano ba kita ha?!"
Nakatakas naman siya sa hawak nila ni Vielt at kwenelyuhan ako.
"Z, please" pigil ni Vielt.
"Sige! Para makita ng lahat kung paano pumatay ang isang tulad mo? Para makita nila kung gaano ka kasama!" sigaw ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagluha.
Kumuyom na ang kamay niya saka susuntukin ang mukha ko. Napapikit nalang ako ngunit napadilat ako ng hindi ko naramdaman ang kamao niya sa pisngi ko. Sinuntok niya lang pala ang pader sa likod ko.
"You're lucky dahil buhay ka pa ngayon. But sa susunod na kinalaban mo pa ako, magdasal ka na dahil ipapakita ko sayo kung gaano ako kasama. Maliwanag?" bulong niya sa akin.
Agad niya akong binitawan na kina tumba ko saka ito umalis. Tinignan lang ako ng may awa nina Dean at Vielt.
Dahan-dahan naman akong tumayo ngunit natumba ulit ako dahil parang hapong-hapo ang katawan ko.
Sinubukan ko pa ring tumayo at pinulot ang sketch pad ko. Nanginginig akong lumabas ng classroom. Mas mabuti pang umuwi muna ako. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sumasakit na naman ito.
Please heart, wag ngayon. Kailangan ko pang umuwi sa amin. Ngunit lalo yatang lumala ang pagkirot nito. Napaluhod naman ako dahil sa sakit. Hindi na rin ako masyadong nakakahinga.
Ilang sandali pa ay napahiga na ako sa daan at it all went to black.
Zaijan
Nagmadali naman akong umalis palayo sa freak na yun. Umiinit talaga ang ulo ko sa kanya.
"Z, sandali." pigil ni Vielt.
Tinignan ko ang kamay niyang pumigil sa akin saka siya tinignan ng masama. "Bitawan mo ako."
"Ano na bang nangyayari sayo? Muntikan mo nang suntukin si Zyrene kanina. Ganun ka na ba talaga kalala?" sumbat niya sa akin.
"Wala kang pakialam." sabi ko saka iniwan sila.
Kahit kailan walang nakakaintindi sa akin. Pwes, ipapaintindi ko sa freak na yun kong gaano ako kasama. Humanda ka sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top