Chapter 15

Leonardo

Nakailang baso na ako ng alak pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. This is my past time whenever I'm alone. How ironic na nakatira nga ako sa bahay na malaki pero ako lang mag-isang nakatira.

Hindi kasi masyadong lumalagi ang ang anak kong si Quartz dito. Minsan nga ay sa kompanya na siya natutulog.

I can't blame my son if he keeps his distance on me. After all it is my fault why we didn't end up into a happy family.

This isn't the future I wanted. I always visioned a happy and simple family with Christina. The only woman I love. But she's in the hand of some other guy. Our friend to be exact.

I envy him dahil nabigyan niya ng simpleng buhay si Christina na sana ako ang tumupad.

"I can't believe na kasama mo naman yang bestfriend mong alak"

Nilingon ko ang nagsalita. Of course, sino pa ba ang ibang papasok sa bahay kundi ang magaling kong ate.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya habang umiinom pa rin ako ng alak.

"Is that how you greet me dear brother? Nandito lang naman ako para i-remind ka sa pagpili mo ng magiging fiancee ng anak mo"

Naibagsak ko naman ang basong hawak ko. "Pumunta ka lang ba dito dahil sa walang kwentang engagement party'ng yan?"

"Ano pa ba ang ibang ipupunta ko dito? Don't tell me na ikukumusta pa kita. Oh! Leo, stop being so child. You are old enough to do that"

"And you are old enough para pakialaman ang buhay ko. Lagi niyo na lang ba akong mananalipuhin? Pati sarili kong anak kinokontrol niyo. Tell me, sino bang magulang niya at kung makaasta ka na parang ikaw ang parent niya"

"You're right. I'm acting like his parent dahil ang sarili niyang ama ay hindi man makapagdesisyon ng tama. Magkatulad nga kayo ng ex wife mo"

"Shut up! Wag na wag mong idadamay si Christina dito. At wala ka ring karapatang sirain ang buhay ng anak ko! You once destroy my family. I will not tolerate your action within my son. Ako ang ama niya kaya ako ang magdedesisyon sa buhay na gusto niya"

"You are fool Leonardo. Wala ka paring pinagbago. Nilalamon ka pa rin ng tinatawag mong pag-ibig. Hindi mo naman mapapakinabangan yan. At kung totoo yang pagmamahal na sinasabi mo, nasaan ngayon si Christina? Di ba nasa kandungan na ng ibang lalaki. Kaya wag na wag mong ipagmalaki sa akin yang prinsipyo mo. You are a Miranda, you should act like a Miranda"

"Shut up!" naihagis ko naman ang baso sa kung saan dahil sa galit ko. Napaupo nalang ako dahil sumakit bigla ang ulo ko.

"What's happening here? Auntie? Dad, are you okay?" tumango lang ako

"You should go auntie. Baka makalimutan kong kapamilya kita" malamig na sabi nito

"Mag-ama nga kayo" umalis na ito

"Hey dad, tulungan na kita" tinulungan niya akong tumayo saka dumiretso na kami sa kwarto ko.

"Bakit ka na naman ba naglalasing? Kung hindi pa ako dumating baka napano ka na" litanya sa akin habang binibihisan niya ako.

"I'm sorry son. I'm a failure father" napahinto naman ito sa pagpupunas sa akin. "Sana masaya ang pamilya natin kung ipinaglaban ko ang mama mo" naiiyak kong sabi

"Dad..."

"Sana kasama na natin si Zyrene ngayon. Masaya tayong kumakain ng sabay sa habag kainan. Sana hindi kayo nagkahiwalay ni Charlotte" naluluha kong sambit.

"Dad, how did you-----"

"Ako pa ba ang mahuhuli sa love life ng anak ko. Of course, kahit minsan lang tayo nagkikita, sinisigurado ko pa ring updated ako sayo lalo na sa bunso natin"

"Dad, I'm sorry kung napagsalitaan ko kayo ng masama--"

"No. It's okay son. The blame is on me"

"But please, wag naman kayong uminom. Alam niyo namang makakasama yan sa inyo di ba?"

"Ayos lang ako. I was just drinking para makatulog ako"

"Hay! Sigurado akong magagalit sayo si mama niyan sayo"

"Why would she will be mad at me?"

"Dad, kahit hiwalay kayo concern pa rin naman si mama sa inyo. Kaya bawas-bawasan niyo na ang pag-iinom ninyo. Hindi pa ako prepared mawalan ng ama"

"Sus, itong anak ko. Sabihin mo na lang na mahal mo ako" natatawang tukso ko sa kanya

"Hay! Lasing ka na talaga. Matulog na nga kayo. Dito na rin muna ako matutulog. Baka ano pang gawin niyo dito" lumabas na ito

Napatawa na lang ako. Hay! Sana nga maayos na ang lahat. Gusto ko mang buuin ang pamilya ko pero mukhang imposible na yung mangyari. Ang hiling ko na lang ay magkakilala kami ng anak kong si Zyrene. Sana nga at dumating ang panahon na yun at tanggapin niya rin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top