Chapter 14

Vielt

This is it. Wala nang urungan ito. Kung gusto naming makaganti sa babaing yun, we need to do this bago pa bumalik si Zaijan.

Ilang araw na rin naming ginawa ni Dean na padalhan siya ng iba't ibang bagay at pagkain. Peace offering ika nga.

But like we expected, hindi niya iyun tinanggap. She has a huge pride para tanggapin ang mga offer namin. Maski special treatment, walang panama.

Kaya no choice kami ni Dean kundi gamitin ang plan b namin. And that is an A for an 'effort'.

Katatapos lang ng klase namin at dumeretso na agad kami sa classroom ni Zyre para abangan siya. Syempre, dinamay namin si Zero. Siya ang alas namin eh.

"Hi Zyrene" bati namin ni Dean

Napataas ito ng kilay. "What do you want?" tumalikod at naglakad

"Sorry na nga di ba. Hindi naman namin alam kung paano magso-sorry sayo. You see, bago sa amin to" sabi ko habang nakasunod sa kanya

Huminto naman siya at lumingon. "Sinabi ko bang magbago kayo. Ang sa akin lang, just stay away from me. Alam ko namang school to ng kaibigan niyo, no offense Zero, pero hindi ibig sabihin na pakikialaman niyo ako" mahabang litanya niya

"Zyrene naman.. please" nagpuppy eyes ako

"Ano ba dapat kong gawin para tantanan niyo ako?" mahinahong tanong niya

Tumingin naman ako kay Zero na parang humhingi ng tulong. Napabuntong-hininga lang si Zero.

"Ano ba talaga ang hidden agenda niyo at kinukuha niyo ang sorry ni Zyrene. To the point na si Zaijan naman ang may kasalanan sa kanya" tanong ni Zero

"Uy wala kaming pinaplano ha! Vielt sabihin mo sa kanila" defensive na tugon ni Dean

"A-ah. Oo. Wala talaga. Sincere kami sa paghingi ng sorry sayo. Tsaka hindi naman kami nagsosorry in behalf of Zaijan. We're saying sorry kasi damay kami sa pagiging spoiled niya. Pero kaibigan namin talaga siya. Di ba Zero, nangako tayo sa isa't isa na hindi tayo mabubuwag? Kaya kami nagsosorry dahil kahit mali na ang ginagawa ni Zaijan, hindi pa rin namin siya iiwan" mahabang paliwanag ko

"Kung tunay na kaibigan niya kayo, sana naman pangaralan niyo siya. Ang tunay na kaibigan ay hindi hinahayaang sirain ang sarili ng kaibigan nila. Sana maintindihan niyo na nasaktan ako sa ginawa ni Zaijan sa akin. No, not just in me but those people na pinahirapan niya. Hindi siya Diyos para magpahirap sa iba. At kayo..., may karapatan kayong pigilan siya dahil kaibigan niya kayo. Sorry kung hindi ko mabibigay ang hinihingi niyo. Maybe, soon but not now. You broke my trust in you, let me heal first. Excuse me, may klase pa ako"

Natahimik kami. Tumalikod naman siya at naglakad palayo.

"Next time, kung gagawin niyo akong props, siguraduhin niyong sincere ang paghingi niyo ng tawad sa kanya. And she's right, kaibigan tayo ni Zaijan. Tayo dapat ang pumipigil sa kanya lalo na't mali na ito" sabi ni Zero saka ito umalis.

"Mukhang sira na naman ang plano natin bro. Pa'nu yan? Ilang araw nalang babalik na si Zaijan. Magagawa pa kaya natin--- uy! (inalog niya ako) 'Nung nangyari sa'yo?" tanong ni Dean

"Wala. I just want to go home. Next time na natin yan pag-usapan" naglakad na ako

"Okay. Pero okay ka lang ba?" concern niyang tanong

Nilingon ko siya. "Yeah. Sige,kita na lang tayo mamaya"

"Okay" nagkibit-balikat siya

Agad naman akong pumasok sa car ko at umuwi sa bahay. After two years, ngayon lang ulit ako nakauwi sa amin. Sinalubong naman ako ng mga maid at binati.

"Si mama?"

"Nasa entertainment room siya sir" sabi ni Manang Lucy

Tinungo ko naman ang entertainment room. Nakita ko si mama na panay ang tawa sa pinapanuod niya. Tinabihan ko naman siya at niyakap.

"Vielt, ginulat mo naman ako bata ka" niyakap naman niya ako pabalik. "Buti naisipan mong dalawin ako"

"Ano ba yang pinapanood niyo?"

"Beauty and the Bestie, anak. Nakakatawa talaga si Vice" sabay tawa niya. "May problema ka ba?" seryoso niya tanong

"Did your.... did your trust to dad come back?" tanong ko habang nanood

"Hmm. That's tough question anak. Well..... let's say mga 10% pa rin. Why did you ask?"

"That means wala nang pag-asa na magbalikan kayo ulit?"

"Sad to say, hindi na talaga. Years of marriage, ilang beses nang sinira ng dad mo ang tiwala ko sa kanya. Kinalimutan ko lahat ng pagkakamali niya pero nung huling away namin, sumuko na ako. Hindi ko na kaya eh. Now, I'm healing from breaking him my trust. Soon, matatawad ko rin ang dad mo" she cup my face. "I'm sorry kung hindi ka namin nabigyan ng maayos na pamilya. But I assure, magiging best parent pa rin ako sayo. I love you anak" niyakap naman niya ako

"I love you too ma" sumandal ako sa balikat niya.

"Kumusta na pala ang pag-aaral mo? Sumasali ka pa rin ba sa mga dance contest?"

"Hindi masyado. Medyo busy na kasi kami sa school. You know, malapit na rin kaming magtapos."

"Oo nga no? Kahit pa nga ang daming issue na nakakabit sa inyo. Heto kayo at malapit nang magtapos. I'm proud of you anak. Gusto mo bang magpraktis ng katulad ng profession ng dad mo?"

"Nah. I'm okay with business management. Being an specialist in medicine is good pero sino nalang ang mag-aalaga sa inyo kong busy ako palagi. So, wag nalang. Kaya maghanda ka ma dahil araw-araw mo akong makikita."

"Well, ako mismo ang nagluwal sayo kaya sanay na ako sa pagmumukha mo. Ika nga immune na ako anak. Lalo pa't kamukha mo rin ang dad mo. Naku! Ewan ko nalang" natatawang sagot niya.

"Ma, hindi ka ba nasasaktan tuwing sinasambit mo ang pangalan ni dad?"

"Yung totoo? Minsan oo, minsan hindi. Tinatawanan ko nalang minsan dahil ayokong ma-stress sa ama mo. Oh My! Swerte niya lang no! Pero kahit ganitoi ang kinahntungan namin, masaya pa rin ako dahil binigyan niya ako ng napakagandang regalo. And that is you, my son."

"Ma, promise ko hindi ako mawawala sayong tabi. Kung hindi ka magawang pahalagahan ni dad, ako ang gagawa."

"Naku, parang hindi naman mangyayari yang pangako mo." biro ni mommy

"A promise is a promise mom. You can count on me."

"So, is your promise will be implemented today?"

"Parang naman akong nag-implement ng law niyan. Pero oo, dito na ako titira. Medyo nakakalungkot na doon sa condo."

"Good. At least maalagaan kita dito. Ay teka, doon ka muna sa kwarto mo at manonood muna ako ng movie ni Vice. Ikaw talaga, hindi na ako nakapag-concentrate sa panonood. Tsupe na." pagpapaalis niya sa akin.

"Okay. Good night mom," tumayo na ako saka humalik sa pisngi niya. 

"Good night, baby boy. Sige na. tsupe na."

Napapailing nalang ako. Si mom talaga. Pero gusto kong tuparin ang pangako ko sa kanya. Gusto kong alagaan si mom na hindi nagawa ni dad. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top