Chapter 10
Zyrene
Back to school again. Hay! Makikita ko na naman ang monster-slash-gorilla-slash-demonito. I welcome again myself to hell university. Hay! Hanggang kailan kaya ako magtitiis sa eskwelahan ng gorillang yun.
Tumingin-tingin naman ako sa paligid at baka atakihin ako ng clan ng gorilla. Whoosh! Clash of clans lang peg!
Pagkadating ko doon ay nakita ko ang armed chair ko. I am shock sa nangyari sa chair ko at nilapitan ko ito. Ang chair ko........... himalang walang gumalaw o sumira. Patay na siguro si gorilla. JOKEEEEEE!!!!!!!!!!!!
Kahit ganito ako hindi ako mamamatay-tao. Hindi ako katulad niyang napakawalang-hiya.
Natapos ang araw ng klase ko at walang kababalaghang nangyari. Nakakapanibago ata. Tumingin-tingin ako sa paligid at baka nandiyan lang siya sa tabi-tabi. Pero wala talaga.
Nang makarating ako sa parking lot ay may biglang may pumalibot na men-in-black sa akin.
"Y-yes? Anong kailangan niyo sa 'kin?"
Bigla na lang nila akong hinawakan sa braso at kinaladkad sa isang kotse.
"Wui! Ano ba?! Bitawan niyo ako! Saan niyo ba ako dadalhin? Maawa kayo! Pakawalan niyo na ako!"
Parang hindi naman sila natinag. Nanginginig na ako sa takot. Kung sino man ang nagpautos sa mga ito, sigurado akong malalagot siya sa akin. Mumultuhin ko siya kung mamamatay ako ngayon hanggang sa mamatay siya.
Tinignan ko ang dalawang men-in-black sa side ko. They look like robots. Hindi man lang sila nangangawit sa pagiging straight look. I mean nakasteady lang talaga sila. Di man lang lumilingon.
"Ah, mga kuya. Pakawalan niyo na ako o. Sige na. Si gor-- i mean si Zaijan bang nag-utos sa inyo nito? Saan niyo ba ako dadalhin talaga" nag-aalalang tanong ko
"Mga kuya. Sige na naman o. Hahanapin na ako ng mama ko eh"
Wala naman silang sinagot.
"Nice talking Zy. Maghanda ka na sa huling sandali mo"
Napapikit naman ako at nanalangin.
"Hay! Hindi ko alam na dito lang pala matatapos ang buhay ko. Ang dami ko pang pangarap sa buhay ngunit di ko na pala iyon matutupad. At sila mama at papa. Sana maging matatag sila. Panginoon, gabayan niyo po sila palagi kahit mawala na ako sa kanila. Kayo na po ang bahala sa kanila. Amen"
"Nandito na po tayo" rinig kong sabi ng lalaki
Napadilat naman ako. Tumingin ako sa paligid at agad na lumabas ng kotse.
"Wait! Hindi niyo ako imumurder? O itatapon sa isang sulok?" tanong ko
Napatawa naman ang lalaki sa sinabi ko.
"Dito po tayo"
Tinuro niya ang daan at umalis. Nagtatakang sinundan ko lang ang lalaking nakasuot din ng black suit and pants.
In fairness sa lugar ha. Hindi mukhang tambakanan ng papataying tao. Napakamagical at romanatic ng lugar.
Sa dinaanan palang namin na parang tunnel na puno ng series lights at yung bulaklak na tumutubo o gumagapang sa kahoy. Ang astig! Pagkalabas namin sa magical tunnel, nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Napakagandang garden. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang lalaking nakaformal suit at nag-aabang sa may table for two.
Napataas ang kilay ko sa kanya habang palapit ako sa kanya at nakacross-arm pa ako.
"Ano na namang pakulo----"
"Bago ka pa mag-assume, hindi para sayo 'to. Mark, lead her on the band"
Ah! Ha! The eff! Langyang lalaki 'to ha.
"Excuse me, hindi rin ako makikipagdate sa isang gorillang kagaya mo. You ambicious demon!"
"Aba't----- get her out of my sight! Now!"
Agad naman akong hinila nung Mark at pinalapit sa isang banda. Napansin ko namang papalapit siya.
"What am I doing here? Kinaladkad mo ako ng napakalayo para lang sa walang kwentang bagay!" sigaw ko sa kanya
"Alam mo, hindi ka talaga naturuan kung paano rumespeto sa nakakataas sayo no?"
"Not with an ambicious gorilla like you!"
"Gorilla pala ha. Tignan lang natin kung mananalo ka sa akin. Ang dami mo nang utang sa akin. Kulang pa ang ipapagawa ko sayo ngayon. Magpasalamat ka at good mood ako ngayon"
"Good mood mong mukha mo! Aalis na ako"
Aakma na sana akong aalis ngunit hinawakan niya ako sa braso at hinila pabalik sa high stool. Muntikan na ako mayumba kasama ng stool sa pagkakatulak niya.
"One mistake again, hindi mo na makikita ang pamilya mo. Now, sing for us or I will make your life a hell"
Agad naman siyang umalis.
"You already made my life a hell"
Naiiyak akong kinuha ang song book at pinalipat-lipat ang page.
"Kainis ka talaga! Sana makarma ka. Sana di ka siputin ng date mo!"
Sa galit ko ay naibagsak ko ang song book sa sahig ng stage. Huminga naman ako ng malalim upang pigilan ang luha ko.
Humanda ka sa akin. Araw mo 'to ngayon, pero darating ang panahon, makakarma ka rin.
Pinahid ko naman ang luhang tumulo sa pisngi ko. Agad ko rin namang pinulot ang song book. Nilingon ko naman ang banda sa likod ko.
"Pasensya na kayo ha, ang drama ko na ata. Ano bang ipapakanta ng gorillang yun?"
"Um, forevermore sabi ni Mark" sagot nung naka-bass guitar
"Tss! Siya nagrequest nun?"
"Siguro"
Napatawa naman ako.
"Ang weird niya no? Bipolar"
Nagtinginan lang sila sa sinabi ko.
"Don't mind me na lang. Sadyang naiinis lang talaga ako sa mokong na yun. Kung makapag-utos parang hari sa mundong ito"
Agad naman akong pumwesto sa high stool at hinahanap ang lyrics ng "Forevermore".
Nagrehearse naman kami sandali saka ko napansin na ang gorilla ay bumalik na sa pwesto niya at kinuha ang bouquet ng roses. Psh! Yuck! Di bagay sa kanya. Kailan pa natutong mainlove ang lahi ng demons?
Sumenyas naman si Mark na magsimula na. Sana lang at masira ang gabi niya ngayon.
Zaijan
Kahit kailan talaga, binibigyan ako ng sakit ng ulo ng babaeng yun.
"Señorito, nandito na po si Miss Therese" untag ni Mark sakin
"Ganun ba. I-ready niyo na sila"
"Right away"
Agad namang pinuntahan ni Mark ang banda at ako naman ay nakapwesto malapit sa table habang hawak-hawak ko ang bouquet ng rosas.
Hay! Sana nga umayos ang babaeng yun. Kung hindi talagang patay siya sa akin.
Bakit ba kasi ang hilig ni Therese sa mga live bands. Isa pa tong nahire kong vocalist di dumating. Kaya no choice sa hero girl na yun. Balita ko din eh marunong siyang kumanta kaya siya ang pinakidnap ko.
Narinig ko namang tumugtog na ang banda. Paparating na siya. And there she is. The love of my life. She still beautiful kahit na galing ito sa byahe. Agad ko naman itong nilapitan.
"Hey gorgeous. For you" inabot ko ang bulaklak
"Hi. Um, what's this? I mean you shock me. Bigla-bigla na lang akong sinundo ng mga b.g mo. Is this your welcome party for me?" tanong niya
"Kahit kailan, ang daldal mo"
Agad ko naman siyang niyakap. Oh! How i miss this girl? Niyakap niya rin ako pabalik.
"I really miss you. I'm glad na bumalik ka na"
"Sus. Ang drama mo talaga. I miss you too, pare"
Kumalas naman ako sa kanya.
"Until now, pare pa rin?"
"Bakit? May iba ka na bang pare?" tanong niya habang nakacross-arm
"Wala. Ikaw lang tatawag sakin nun"
"Good. O! Nag-invite ka ng live band?" manghang tanong niya
"Yup. For you"
"Aww! Ang sweet mo talaga. Kaya love na love kita eh. Gosh! Ang ganda ng boses niya ah at forevermore pang kinakanta niya. Para siyang si Juris"
Psh! Kung alam mo lang na kriminal yang babaeng pinupuri mo.
"Shall we?"
Agad ko naman siyang nilead sa table namin. Tutok na tutok pa rin siya sa kumakanta.
"Nagseselos na ako niyan ha. Siya lang ang tinitignan mo" biro ko
"Saan mo siya nakuha? Ang talented niya ha. At ang ganda pa"
"Wait, are you praising that girl?" tanong ko na may kasamang pagkainis
"Yes. I mean, she's very talented. Pakilala mo naman siya mamaya o. Please?" nagpuppy ito habang nakapout ang lips niya
I breathe deep. Maybe dederetsahin ko na siya.
"Therese, hindi na ako magpaligoy pa. We've been friends since elementary. I know its wrong to say this because you see me as your friend. But please, can you accept my love for you more than a friend?" seryoso kong pag-aamin sa kanya
May mga ilang segundo rin bago siya sumagot. At di ko inaasahan ang sagot niya.
"Z, I appreciate what you've done today. I had this feeling na may something sa surprise mo ngayon. And most of all, i'll treasure our friendship......"
Parang di ko ata magugustuhan ang susunod niyang sasabihin.
"Z, i'm a lesbian"
Naspeechless ako sa sinagot niya at napanganga. So, all those years that we're together? I can't believe this. Napangiti ako at napasandal sa upuan.
"So, kaya pala pinupuri mo yung lead singer. May gusto ka dun?"
"Well, when i saw her nabighani ako sa kanya. Saka napakatalented niya. Pwede ko ba siyang ma--"
"Let's end this. Walang papatutunguhan ang usapang ito"
Napatayo ako sa inis ko.
"Wait! Z! Bakit ka ba ganito? We're friends di ba? Sorry if hindi ko kayang ibigay ang gusto mo. And i'm sorry kung friendship lang ang maiibibigay ko sayo. Z, ito ako simula pa lang na nagkakilala tayo. It takes long when i found out that i'm a lesbian. Na mas gusto ko ang mga babae. Z, sorry. Please wag kang ganyan o"
I take a deep breathe saka ko siya hinarap.
"Z...."
"Thanks for being honest to me. At least hindi tinanggap ang pagmamahal ko. Pero Therese, di ko alam kong hanggang kailan kita mahaharap ng napakatagal. Ang sakit palang mareject lalo na yung confesion mo. So please, wag mo muna akong kausapin"
Agad naman akong umalis. I can' t believe na nareject ako. No one's ever rejected me. Grabe! Nasagasaan talaga ang ego ko.
Wait! Kasalanan 'to ng babaeng yun. Kung di siya nakita ni Therese hindi siya mako-confuse. Tama! Humanda siya sa akin. At ngayon, sisimulan ko ito.
--------------
Pronounciation ng name ni Zaijan is "zeejan".
Sa lahat nagbabasa nito thank you so much!!!
Meron nga ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top