Chapter 1
Zyrene
North Star University.
The coolest and famous school around Asia. Halos ng estudyante dito ay kilala sa pagiging fashionable, intelligent, at maituturing mong mga critique. Ito na siguro ang school na pinakamagaling when it comes to academic, contest and games. Pero the worst, ang ugali ng mga estudyante doon ay talagang to the highest level na ang kasamaan.
By the way, I'm Zyrene Miranda. In my 17 years of existence, hindi ko alam kung bakit hindi pinalitan ni mama ang apelyido ko. Aquino kasi ang apelyido ng mama at papa ko. Actually, anak ako ni mama sa first husband niya but unfortunately namatay ito nung mga five years old na ako.
Anyway, masasabi kong napakaganda na ng buhay ko. Bakit? If wala akong part-time job, katulong ako ni mama sa karinderia niya; graduate ako as class salutatorian school namin; at ang pinakamaganda sa lahat, nakapasa ako sa isang public university na noon ko pa rin pinangarap na makapasok. At plano kong kumuha ng Fine Arts dahil gusto ko talagang maging isang sikat na painter not just in my country but the whole world.
Napatigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni maama.
"Anak, o heto ha. Pakideliver na yan kina Aling Alice" utos ni mama sabay lagay ng taperware sa mesa
"Opo"
Agad naman akong pumunta sa kwarto upang magbihis. Ano na nga bang oras ngayon? Sa ganitong oras ng gabi pa talaga ipapahatid. Inilagay ko naman sa basket sa harapan ng bisekleta ang tupperrware na may lamang kaldereta.
Hay, ang lucky naman ng anak ni Aling Alice. Buti pa siya, graduate na ng college, samantalang ako--teka anong ginagawa niya? Hindi naman sa tsismosa akong tao pero curious lang. Napanganga naman ako ng may isang babaeng nakaschool unform ang naglalakad sa kalsada. Teka magpapakamatay bang isang 'to?
"Ah miss, bawal maglakad diyan"
Hindi ito lumingon o umimik man lang. Naku, mukhang lasing pa.
"Wala nang silbi ang buhay ko. Isa akong walang silbi! sigaw ng babae
"T-teka miss"
Agad naman akong napababa sa bisekleta ko. Napansin ko naman na may dumarating na trak.
"M-miss, wag kang tumawid diyan. Miss!"
Naku at hindi pa nakikinig. Walang pag-alinlangan ay hinabol ko ito at tinulak. Parehas naman kaming natumba. Napahinto naman ang trak na muntikang makasagasa sa amin.
"Ano ba?! Magpapakamatay ba kayo? Kami pang piniperwesyo ninyo!"
"S-sorry po"
Tinignan ko naman ang babaeng sinagip ko. Hala! Mukhang nahimatay na ito.
"M-manong tulungan niyo po ako. Miss gising"
Agad namang may tumulong na ilang tao sa amin at tumawag sila ng ambulansya. Hindi na ako sumama sa ospital dahil may delivery pa ako. Buti na lang at di kinuha ang bike ko.
Nakauwi naman ako na pagod na pagod.
"O, anong nangyari sayo at bakit may galos ka?" tanong ni mama
"Ah eto, kunting galos lang po 'to. Malayo po sa bituka"
"Saan nga yan galing?"
"Ah kasi,.... may sinagip po akong estudyante" mahinang sagot ko
"Ano?! Naku, baka masali ka pa sa gulo niyang tinulungan mo. Halika nga dito at gagamutin kita. Ikaw talaga, napapahamak ka dahil sa kabaitan mong bata ka"
"Aray! Hinay-hinay lang naman ma. Aray!"
"O tapos nagrereklamo ka? Ikaw, maghinay-hinay ka sa nakakatagpo mo ha"
"Alam niyo po, ang OA na ng reaksyon niyo ha. Para naman pong mayaman ako at kailangan kong mag-ingat"
"Kahit na. O bukas, yung mga requirements mo wag mong kalilimutan ha?"
"Ma, ready na po lahat"
Ngumiti na lang si mama. Hay, makakapasok na talaga ako sa college. At matutupad ko na ang pangarap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top