KABANATA 56

Nixxie

Cathy's POV

"Mang Marco, sino po ang nagdala kay Cathy the cat dito?" Si Brianna nang madaanan namin siya sa may pintuan at mukhang bad mood ito.

"Si Ma'am Damie po, pero nakaalis na po siya. May date kasi," kinikilig pa na tugon ni Mang Marco. Ewan ko ba dito sa guard nila at kinikilig sa love story ng mga bata.

"It's okay Mang Marco, ako na po ang bahala kay Cathy the cat." Ani ni Brianna sabay kuha sa akin at agad niyang hinimas-himas ang aking balahibo sa likod.

Kapansin-pansin ang kaniyang pag-pronounce sa letrang S. Hindi na siya nabubulol sa letrang S, malapit na din kasi siyang magbirthday. Ang cute lang ng pronunciation niya sa letrang S, parang slang tuloy siya kung magsalita.

"Okay Little Miss Bree," ani ni Mang Marco at umalis na.

"Cathy, is your Ate Catherine that busy?" Biglang tanong ni Brianna. "As in, overloaded yung schedule ng work niya?" Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagtatanong siya. Grabe, kay bata pa niya, pero alam na niya ang mga ganiyang salita. "If not, would you mind to tell her that she needs to come often here. I miss her, I do really miss her." Saad pa niya. Na-touch tuloy ako. Ang sarap sa pakiramdam na may namimiss sa iyo. Na pinapahalagahan ka ng isang taong hindi mo naman kaano-ano. Naalaala ko tuloy siya, I do really miss her too. I miss her so much, si Camzy, miss na miss ko na siya.

Pumunta siya sa may sala na kung saan nag-uusap ang kuya at bisita ng kuya niya.

Bumulong si Brianna sa akin, "Look, someone is trying to catch the heart and attention of my kuya." Nakatingin siya sa akin kaya kitang-kita niya ang reaksiyon ko kaya bumulong siya ulit sa may tainga ko, "What? You don't know it? Even Ate Mirasol and Ate Marites told me like that so." Sabi pa niya, kaya naman pala. Kung ano-ano na lang sinasabi niya, may mga bantay pala siyang updated sa bawat ganap. Wala lang kasiguraduhan kong tama ba o hindi ang ina-update.

"I don't like her for my kuya," sabi pa niya sabay kindat sa akin. Bata ba talaga ito? Sabay tingin sa babaeng kausap ng kuya niya, ang lapit naman niya! "She even called me that I am fat! Like duh? Am just being healthy." Sabi pa niya, napatawa na lang ako ng palihim sa sinasabi niya ngayon. Tama nga naman, she's just being healthy. Hahaha.

Tiningnan ko wall clock nila. It’s 10:20 am. Ang bilis ng oras!

"Kuya Fynn!" tawag niya dito sa kuya niya. Agad namang napalingon si Aldrian, mukhang nagulat pa ito sa presensiya ko ngayon. Hindi niya sigurong akalain na bumalik na ako sa pagiging pusa. Pero bumawi din siya, ngumiti ito ng pagkatamis-tamis at lumapit sa amin at kinuha ako sabay halik sa may pisngi ko. Nakakahiya! Para tuloy uminit yung pisngi ko dahil sa ginawa niya, paano na lang pag-tao ako at ginawa niya sa akin yun tapos may nakakita pa. Nakakahiya!

Gulat na nakatingin lang sa amin ang babaeng kausap niya. Pamilyar siya! Pero saan ko ba siya nakita dati?

Maganda siya, heart-shaped red lips, white smile, greenish eyes, pointed and beautiful nose, blonde hair, pinkish cheek at pati na rin ang kaniyang mala-porselanang balat, hourglass shaped body, tall enough, mahinhin kung kumilos, maganda ang pananamit, at ang kaniyang tindig at postura na pang-prinsesa. She's definitely a beauty that every prince love to see and own.

"Miss mo na ako Mew 'no?" Aniya pa habang hinihimas niya yung balahibo ko sa likod. Tumango naman ako bilang tugon kaya napangiti siya at hinalikan akong muli sa may noo ko, may bahid na pagtataka sa mga mata ni Brianna.

"Kuya, akin na nga si Cathy the cat. Tsk, kadiri ka." Ani ni Brianna sabay kuha sa akin mula sa kuya niya. "Kuya she's hungry." Aniya sa kuya niya, pagtutukoy sa akin.

Ako ba talaga? Pagtatanong ko pa sa isip ko. Kasi hindi naman ako gutom!

"Sandali lang kukuha lang ako Cath." Nakangiting sambit ni Aldrian sabay kindat sa akin. Ewan ko lang sa reaksiyon ni Brianna dahil naiiling na nagpipigil ng ngiti ang batang Brianna!

Lumapit siya sa kinauupuan ng babaeng bisita nila, "Ate Nixxie, baka hinahanap ka na po sa inyo." Nakangiting saad niya, ngiting may panunuya.

Nixxie.

Pero hindi rin nagpapahuli ang sinasabi niyang si Nixxie, ngumiti rin ito at ginaya ang ngiti ni Brianna, may panunuya rin sa kaniyang boses. "Sweetie, my Mom? Oh, she knows that I am here and even told me to stay here for a while..." huminto muna siya saglit, "and that's what I love to do. I can stay here for good, as long as I want and as long as Tita Emilia want me to stay here."

Ano?

Napalunok ng laway si Brianna dahil sa kaniyang pagkagulat pero ibinalik niya agad ang kaniyang reaksiyon sa mukha para hindi mahalata. "Okay but you need to sleep in my room." Mautoridad na tugon ng bata. "Kung sinabihan ka man ng ganiyan ni Mommy, well, I can also tell her that I don't want you here." Nakangiti ngunit may diin na pagkasabi niya nito kay Nixxie, habang si Nixxie ay nagbigay lang ng nakakainsultong ngiti.

Well, she's indeed not a baby! She can handle herself more. Palaban na Brianna!

Mukhang napikon niya si Nixxie, taas kilay nitong tiningnan ang bata.

Dahil sa kanilang paglalaban ng tingin, mata sa mata ay 'di nila napansin ang pagsulpot ni Aww at may dala siyang pagkain. Ang sarap! Amoy pa lang! Oh siya, gutom na talaga ako! "Anong nangyari dito? An'tahimik niyo." sambit nito. Inilagay niya sa mesa ang tray na pinaglagyan niya ng naka-serve na pagkain. May dalawang klaseng side dish, main dish, strawberry juice as beverage, water, at salad na pang dessert.

Okay naman na dito na lang kami kumain, total may mesa naman dito.

Pinagmasdan ko lang mga reaksiyon nilang lahat. Ibinaba ako ni Brianna sa isang bakanteng upuan na malapit sa kaniya.

Si Nixxie ayon nagsusuklay ng kaniyang buhok gamit ang isang kamay, pasimpleng naglagay ng red liptint at agad na ibinulsa ito tapos bumalik sa pag-aayos ng buhok. Si Brianna naman ay pasimpleng kumuha ng adobong manok at agad na isinubo sa kaniyang bibig habang abala naman si Aldrian sa pag-aayos ng mga ito sa mesa.

"We just talked about this cute cat." Nagulat pa ako sa isinagot ni Nixxie. Shems! Akala ko? Well, that's it. Akala ko lang.

Ngumuso si Brianna habang ngumunguya pa, "We talked about yo-"

"Yeah, we talked about you too just while ago." Nixxie cut her off.

"Oh, what about her? What about me too?" pilyong tanong ni Aww.

"Nothing's important," said Brianna.

"Yeah," sang-ayon ni Nixxie kay Brianna. "Just simple things about you Fynn," she added.

Fynn.

"I told you! Hindi mo na pwede siyang tawagin na ganoon!" Brianna exclaimed.

Naiiling na lang si Aldrian, "Bree it's okay."

Ngumiti si Nixxie ng pagkatamis-tamis kay Aldrian at ng tingnan niya si Brianna ay ngumisi ito.

Lumapit sa 'kin si Aldrian at binuhat niya ako mula sa pagka-upo sa upuan sa kabilang side ng mesa kung saan mas malapit sa puwesto ng pagkain. Humila siya ng isang upuan at doon umupo.

Taka ko siyang tiningnan ng hindi pa rin niya ako binaba at pinaupo sa ibang upuan, ngunit ang nakangising mukha ang bumungad sa akin. He's really cute and handsome at the same time.

Gosh!

Dati naman hindi ako attracted sa kaniya pero ngayon...

"Say ah..." he said as he feed me. Walang kung ano-ano naman na kinain ko ito.

May nalalaman pa siyang 'say ah!', bwisit! Kinikilig na nga eh, tinutukso pa rin ako ng kilig.

"Fynn ..." sambit ni Nixxie. "Can I sleep to your room tonight? Gusto ko kasi ang amoy at disenyo ng kwarto mo 'saka I know I am safe there. If it is okay ..."

Narinig ko pang bumulong si Brianna, "safe there." Tapos tumingin sa aking banda, "Kuya Fynn, maganda rin naman ang disenyo at mabango rin naman doon sa kwarto ko kaya doon na lang siya." dagdag ni Brianna. Bakit sa akin siya tumitingin?

Biglang nag-iba ang hitsura ni Nixxie, galit na naman ang kaniyang mga mata ngunit kaagad na ngumiti ng napansing nakatingin sa kaniya si Aldrian. Pa-cute! Eh, maganda naman siya ah!

Bwisit lang!

Isang ngiti mo pa riyan ...

"It's okay. You can stay there Nixx," nakangiting saad ni Aldrian. Bigla kong naluwa ang pagkaing nasa bibig ko.

Ang pait!

Ano ba iyon?

"Well that's great!" masayang sabi ng babae sabay lapit kay Aldrian at humalik ito sa pisngi ni Aww. Shit!

Ako ginagalit niya ah?

Dali-dali itong nagpa-alam at umalis na. Ang sabi rito matutulog? Sa kwarto ni Aldrian? Eh ba't umalis?

Kung ganoon, edi mabuti!

~jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top