KABANATA 55
★Liwba?★
Cathy’s POV
“Cath sandali lang, maliligo muna ako hehe. Sandali lang,” sigaw ni Damie sa may banyo. Naliligo siya ngayon, buti na lang at may mga damit siya dito sa amin. Kapag nagdadala kasi ng damit niya dito sa amin hindi na niya inuuwi pabalik sa kanila.
“Bilisan mo!” Sigaw ko pa, pero iwan ko lang kung narinig niya basta pusa kasi ako ay nagiging maliit at manipis ang boses ko, yun ang sa pandinig ko. Ewan ko lang sa pandinig ng mga hinahalikan ko sa pisngi para lang maiintindihan nila ang mga sinasabi ko.
“Kapag tumibok ang puso~” dinig ko pang pagkanta niya. Hays, kanina pa siya diyan. Sabi nang sabi na sandali, eh mag-kakalahating oras na siya diyan sa banyo ng kwarto ko.
“Tada!”
Sa wakas lumabas na rin. Nakabihis na rin siya at naka-make up pa! Pulbos at light pink liptint lang ang mayroon ako at ito lang ang ginamit niya. Medyo namumula din ang pisngi niya, siguro ginawa na naman niya yung gawain niya noon pa man.
Yun ay ang lagyan ng kaunting liptint ang pisngi at ibagay ang pagkapula nito. Gawain niya yan dati pa, ’yan din ang ginagawa niya sa akin kapag ayaw ko magpamake-up ng sosyal haha. Lakas maka-sosyal, siyempre ang galing niyan magmake-up.
“Bakit ganiyan ayos mo?” tanong ko pa. Naka-white half-shoulder floral dress siya ngayon.
“Siyempre! Para bonggalicious ang datingan natin doon,” tugon niya pa. Natin? Eh? Hindi naman ako nakaganiyan! Siya lang kaya!
Lumapit siya sa may munting kabinet ko kung saan ko nilalagay ang mga sandals at sapatos ko. Pero mas marami yung sneakers ko kaysa sandals ko. At ang mga sandals ko ay may one inch at two inches lang ang takon.
“Wala ka na bang iba Cath?” Kumukurap pa ang mga mata niya habang nagtatanong.
“Anong iba?”
“Nang mas maganda pa dito,” aniya pa.
“Wala na. Gamitin mo na lang iyong mga gamit mo diyan oh,” sabi ko pa sa kaniya.
“Ayoko... Pwede na siguro ito,” saad pa niya. Napipilitan! Kinuha niya yung kulay puti kong sandal na may simple lang na desinyo.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya na ikinangisi niya.
Ano na naman ang trip niya?
“Pupunta tayo sa... secret hehe,” sagot niya. Ang seryoso ng tanong ko eh.
“Tsk, kung makikipagdate ka sa baby mo. Ayokong sumama, magmumukha pa akong third wheel sa inyo niyan,” diretsong saad ko.
“Hays mukhang ako nga ang magiging...” saad pa niya na hindi ko malaman kung ano ang kasunod noon. Kinakain kasi niya ang boses niya pagkasabi niya noon.
“Anong sabi mo?”
Ngumiti siya, “wala hehe. Sabi ko, tayong dalawa yung may date haha. I-d-date kita as a cat,” saad pa niya. Kailan ba ito magseseryoso?
“Bahala ka, basta tara na at nagugutom na ako.”
“Ito na nga, treat mo muna hehe. Wala akong pera eh, atsaka ayaw ko munang umuwi. Pagpa-p-praktisin na naman ako ni mama magluto eh.”
“Doon na lang tayo para libre yung pagkain,” sushestiyon ko.
“Hindi, ayaw ko kumain ng sunog na niluluto ko.”
“Bakit mo naman kasi kinakain eh?” palihim akong natawa sa sinabi niyang iyon, “haha wala namang nagpapakain sayo ng sunog na pagkain hahahaha.”
Sumimangot siya, “wala nga, pero sayang. Nag-effort kaya ako tapos sunog lang,” aniya pa.
“Kaya nga mag-practice ka pa,” sushestiyon ko.
“Kapag magpractice pa ako, mas maraming masasayang.” Kinuha niya yung wallet ko, “ sa akin na muna ito. Baka magtaka sila kapag pusa ang pinadala ko nito. Let’s go!” Sigaw pa niya.
Kapag pusa ang pinadala ko nito? Bwisit na magandang pinsan ko oh!
“Cath!” pagtawag niya sa akin, nasa sasakyan kami ngayon, siyempre sasakyan ang gamit niya. Wala naman dito yung sasakyan namin. Kung pwede lang hiramin yung sasakyan na ibinigay ni papa kay tito ginawa ko na.
“Bakit?”
“Pwede ’wag mo muna akong halikan sa pisngi sa susunod kapag pusa ka?” nahihiyang tanong niya.
Ano daw?
“Kapag ikaw nga humalik ’di nga ako nagrereklamo kahit may kasamang laway pa,” seryosong tugon ko sabay irap. “Mapa pusa o tao man ako naamoy ko pa rin at nararamdaman ko pa rin ang pagkabasa ng pisngi ko. Tapos minsan sa labi ka pa nang-hahalik,” pagpaparinig ko pa.
“Grabe ka naman Cath! Hindi ka naman ganiyan magsalita kapag ikaw si Cathy na tao, pero... ngayon na pusa ka, ang dami mong sinasabi.”
“Eh totoo naman eh! Pero hindi totoong mabaho hehe!” saad ko pa sa kaniya na ikinairap niya.
“Siyempre mas mabaho yung sa ’yo!” ani pa niya. “Pero ano, ang gusto ko lang naman ipahiwatig kung bakit ayokong nagpapahalik ka kapag ikaw ay isang pusa dahil ayokong marinig ’yang matinis mong boses... Atsaka ’di ako sanay na marinig ang boses ng pusa na siyang naiintindihan ko. Baka may makakita na nagsasalita ako mag-isa tapos yun pala pusa kausap ko.” Tapos ngumiwi siya, “baka iisipin nilang liwba ako,” tapos kumindat siya sa akin.
Ang daming sinasabi!
“Liwba?” takang tanong ko pa sa kaniya.
Inihinto na niyaang sasakyan at tinanggal ang pagkaka-seatbelt ko. Bakit parang pamilyar yung dinaanan namin kanina?
Umirap ang maganda kong pinsan, “liwba! Like duh? Baliw,” aniya. Baliw! Hindi nga ba? Palihim na lang akong napatawa
Tapos may kumatok sa may pinto ng sasakyan. Kaya naman pagalit na binuksan niya ito.
“Excuse me Miss, who are you talking to?” ani ng binatang kumatok sa may pinto.
“Anggg pogggiiii~” kinikilig na bulong niya. Harot!
Well, totoo naman! Ang pogi nga! Wala lang nakikiharot lang din, bakit ba?
“Miss?”
“Ah-eh, may boyfriend na ako. Pasiyensa na,” saad pa niya sa lalaking mestizo.
Palihim na napangiti ang lalaki. “It’s okay, but... Sinong kausap mo kanina? Ako ba ang sinasabihan mo na baliw?” tanong pa ng lalaki sa kay Damie.
“Oo—ah—eh hindi hehe, sorry... Pero ano, kausap ko iyong pinsan ko na tumawag kanina lang hahaha. S-siya yung baliw hehe,” aniya pa sa lalaki. Ano daw?
Taka kong tiningnan ang pinsan kong maganda, at doon lang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.
Ako daw ang baliw? Eh mas mabait at seryoso pa nga ako sa kaniya. Tapos? Baliw?
“Hoy mas baliw ka!” Sigaw ko pa sa kaniya bilang pusa.
Napatingin tuloy sa akin ang mestizo at ngumiti. “Your kitten is pretty cute,” komento niya sa beauty ko. Kitten? I am not keyten!
“Yes she is! Oh, excuse us. May appointment pa kasi kami, sorry.”
“Is that so? Well, it is nice to meet you Ms.”
“Damie. Damie Joy Lopez Jimenez,” nakangiting saad ng pinsan ko. Nang tumingin siya sa akin ay binigyan ko siya ng makahulugang tingin, 'pogi ba?'
Ngumiwi naman siya at umirap. Irap na hindi niya pinahalata sa binata.
"Oh, then have a good day Miss Damie Joy Lopez Jimenez!" Nakangiting ani ng Mestizong binata. Tapos iminuwestra pa nito ang kaniyang kamay at pagbigyan kami ng daan.
Nag-flipped ng hair si Damie sabay baling sa mestizo, “thanks,” tanging sabi ng pinsan ko at lumakad na palayo doon.
Napailing na lang ako sa kung anong mayroong pag-iisip ’tong pinsan ko.
“Heart, dito ka muna ah? ’Wag kang magpabigat sa amo mo okay?” aniya at binuksan niya ang gate ng mga Meringuez. Yes! Tama, mansyon ng mga Meringuez! Bakit nga kami nandito? Baka busy si Aww, tapos papansin pa itong pinsan ko.
Sabi niya? Sasamahan niya ako?
“Manong, pakibigay po siya sa amo niya hehe. KayAldrian po, thank you!”
“Okay po Miss Damie, atsaka kaaalis lang po ni Sir Raven may lakad daw kasi kayo eh.” Ani pa ni Mang Marco sabay ngiti. “’Di naman iba si Cathy the cat dito sa bahay eh haha ang totoo hinahanap nga siya ni Brianna. Tapos kahit makulit itong si Cathy the cat, mahal na mahal ito ni sir.” Natatawang ani ni Mang Marco.
“Kaya nga po eh kulang na lang kasal hehe.” Nanlaki mata ko sa sinabing iyon ni Damie. Sh*t, namumula yata ang pisngi ko kahit pusa ako, ang init! Paano ba naman kasi, engage din kami ’no!
“Si Miss Damie talaga oh, ang totoong amo talaga ang pakakasalan ni Sir Aldrian alangan naman sa pusa siya ipakasal edi malalaman ng buong mundo na sobra-sobra na ang pagkahibang niya sa pusa,” natatawang sabi ni Mang Marco. Tama nga naman! Pero yung isa dito grabe din ang tawa, pinsan ko ba talaga ito.
Pero imbes na mainis ako, nararamdaman kong mas uminit yung pisngi ko. Wala palang patawad sa kilig din ang mga pusa, atsaka tao naman talaga ako kaya ganito na lang siguro ang nararamdaman ko.
“Hahahaha tama po kayo hahaha, oh siya Manong Marco mauna na po ako. Hindi na po ako papasok hehe may naghihintay kasi... Paalam Cathy, paalam Mang Marco!” Sabi ng pinsan ko at agad kumaripas na sa pagtakbo. Traydor! Isa kang lapastangan mabait kong pinsan! Cathy? Cathy the cat, iyan tawag nila sa akin dito!
Tiningnan ko ang reaksyon ni Mang Marco, parang wala naman sa kaniya ang kaniyang narinig. Tawa pa rin siya ng tawa.
Bakit niya ako iniwan mag-isa dito? Baka isipin niyang... Ayyy? Bahala na! Miss ko na naman din siya.
“Cathy the cat, may bisita ang amo mo... Kaibigan niya daw, kaya ’wag kang magsumbong sa isa mo pang amo ah? Magpakabait ka,” ani pa ni Mang Marco habang naglalakad kami papasok sa loob ng mansyon.
Bakit naman ako magsusumbong? Ako naman ito! Tapos kaibigan lang naman ah? Edi wala tayong ikapangamba!
Wala nga ba? Tanong ng kung sinong may sungay sa isip ko.
Siyempre wala!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top