CHAPTER 7
☆Manyak?☆
Aldrian's POV
"Ohh, wa-wait. A-anong nang-y-yar-i, nasa-nasaan si Cathy? Pa-paano? Ahh!!!" Napasigaw at napaatras ako. 'Di na man siya hayop pero kung makakagat grabe. Nakatayo na lang ako ngayon sa harap niya. Eh baka, mangagat na naman, mahirap na baka may rabies ito.
Pero paano ngang naging tao siya? Tsaka kung hindi siya 'yung pusa, eh malabo dahil may pagkapareha sila ng katangian. Masungit, ma-attitude, makulit at laging nang-iirap. Siya 'yung babaeng iyon, 'yung nakita ko sa market.
Ang babaeng nakapasok sa puso ko, ngunit wala siyang kaalam-alam. Paano niya malalaman kung siya mismo 'di ako gusto? Unang kita pa nga lang namin, nagsusungit na. Hay naku!
Pero cute niya talaga maiinis. Parang pusa!
"Ang ingay mo, tsk oo ako nga si Cathy. 'Di ka nagkakamali, at 'di ka namamalik-mata. Pero isa lang masasabi ko, gusto mong magsumbong? I don't care! Gusto mong magsumbong na pusang-tao ako? I don't even ever! Gusto mo akong palayasin? I don't care! Gusto mo 'kong tawanan? I don't care! The hell I ever care!" Anong mga pinagsasabi niya? Pusang-tao?
"Now, tawagin mo guard niyo at ipadakip ako. What? A-anong tingin iyan? 'Wag ka nga, I am not a cat anymore. So don't feel pity on me!" dagdag niya.
Pity? I am not! I'm attracted! May sakit ba mata niya? Ganda ng tingin na ibinato ko sa kaniya tapos sasabihin lang na na-p-pity ako sa kaniya?
"Cats hated me so do I? Dagdag niya pa. Hindi na lang ako umimik. Tiningnan ko lang siya.
"Hoy, manyak na lalaki!" What manyak? Sino?
"M-manyak? Me?" Tanong ko sa kaniya. Kailan pa 'ko naging manyak?
"Oo may iba pa bang humahalik sa babae kahit may girlfriend ka na ha? Ikaw nga!
Ano gusto mo ako na lang tumawag sa pulis?" tanong niya. Grabe, ibang klase din eh?
"I'm sorry? I don't know what are you talking about? I haven't kiss anyone. Also who is my girlfriend?"
"Hoy! 'Wag ako linlangin mo! Tsk. Sino bang nanghahalik sa babaeng pusa? At bakit ako tinatanong mo sa girlfriend mo, e-ewan ko baka 'di mo matandaan pangalan kasi marami sila? Naku naku naku naku!" Mukang naiinip na siya hahaha. Ahh sa pusa pala, oo nga hinalikan ko nga ang pusa dahil naiingit na dinilaan ako ng isa pang pusa haha.
"Ahh may hinalikan nga akong babae. Dalawa, 'yung isa sa pisngi lang ako humahalik. Pero iyong isa, mukhang sa lips yata ng babaeng pusa na iyon. Hehe!" Tingnan lang natin.
"Ah-ahm bahala k-ka na nga diyan." Tapos tumayo siya.
"Ouh ouuuuch!" Sabi ko na nga ba eh. Matigas kasi ang ulo. Nginisian ko siya. Buti na lang at di pa tapos nagamot sugat niya.
At saka saan siya nakatira? Doon siguro sa kalye na iyon.
"Ba't ba ang sama ng tingin mo sa akin? Marami katangian humahanga at na-i-inlove sa'kin kaya buti ka nga ay hindi kita tinataboy gaya ng ibang lumalapit sa akin. Tsk. 'Di naman ako masama," saad ko.
"Oh-oooh, oo sige na nga. 'Di ka na masama. Ahm pwede bang tulungan mo ako malinis at magamot ang mga sugat ko? Please, tsaka aalis na talaga ako. Promise, hindi na ako babalik." Wow, iba talaga! Hanep! Pero, nag-please siya.
Kung pwede lang eh, pero bahala na. 'Di talaga pwede, sa sitwasyon niyang iyan? Saka, gabi na.
"O-okay lang naman. Kaso kahit magamot ko ang mga iyan 'di ka pa pwedeng umalis ngayon dahil baka mas sumakit lang at magdurugo ito. May mga pasa ka rin kasi sa may talampakan mo. Dahil sa katatakas mo iyan eh!" Pasaway kasi. Gaya ko, hahaha.
"Ahhhhhh. E-eh pwede makaligo? Ahmm pero ayos lang kung hindi. At tsaka pwede sa iyong girlfrien ka na lang matulog. Kung nandito man kasi baka magalit eh."
Bakit nagbago ugali niya? Kasi 'di siya pwedeng umalis dito sa bahay dahil tatanungin siya ng guard kung paano siya nakapasok? Well, dahil hindi pa siya nagso-sorry. Ako naman ang mag-s-sungit ngayon hahaha. Cute niya pa rin kahit nahihiya hahaha.
"Ahm, ano kasi hindi ka pwede sa mga kwarto sa 1st floor dahil doon natutulog mga kasambahay baka makita ka nila."
"Sa 2nd floor, mayroong 4 na kwarto, sa kay Tita a--at kay Dad ko ay hindi pwede dahil may lock at wala kaming susi nito," sabi ko. "Sa mga kapatid ko naman, ay mukhang 'di mo gustong magpakita dahil baka iisipin nilang girlfriend kita at tatanungin ka ng maraming tanong. Sa sala, baka may makakita sa iyo. So, dito ka lang talaga pwede matulog. Pero dito rin ako," sambit ko, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Sa kama ako ikaw sa sofa, hindi kasi ako pwede sa sofa kasi ako masyadong maliit iyan para sa matangkad na gaya ko. Ano, okay lang? O pwede rin naman tayong dalawa sa kama. 'Yun nga lang malikot ako," dagdag ko pa. Hahahahaha, ano na? Oh no! Mukhang mag-s-sungit na naman ah.
"Ahm okay lang naman po. Sa sofa na lang po ako. Nakakahiya naman po kasi sa iyo. Hehe! Salamat po at 'di ako ninyo isinumbong hehe," aniya. May diin pa talaga ang ibang salita ah.
"Ahmm, hindi na kita tatanungin sa bagay na natutunghayan ko kanina. Pero sana darating din ang araw na magku-kuwento ka. Kung bakit nakikita ko na sobrang laki ng galit mo sa mga pusa," sabi ko.
"Ah ano kasi, 'di ka pa rin pwede maligo. Siguro okay na iyong basang towel, para pampunas na lang muna. Tsaka gusto mo bang magpalit ng damit?
"Ah, sige kung maaari. Salamat." Kaya naman pala niyang maging mabait, bakit kailangan pa magsungit?
Kumuha ako ng damit ko na hindi ko pa nagagamit.
"Ah iyan oh, huwag kang mag-alala lahat ng iyan ay bago pa at hindi ko pa nagagamit," sabi ko, tiningnan niya lang ako. "Tsaka bababa lang ako mamaya para kumuha ng hapunan, sasabihin ko na lang na may gagawin pa ako kaya hindi ako makakasabay sa kanila." Buti na lang wala sila Dad at Tita dito.
"Ah, okay. Salamat."
Parang naging maamo naman talaga ito?
Lumabas ako para makapagbihis na siya. Sa sala lang muna ako.
Habang nasa sala , kinuha ko ang cellphone ko at nag-search ng gaya ng sinabi niya. Ano daw iyon? Pusang-tao?
"Bakit iba ang lumabas?" sambit ko sa sarili. Wala, walang pusang-tao. Pero may mga video dito, mga teleserye, at iba pang video na ang isang tao ay nag-c-costume ng pangpusa.
Si Catnoir? Hayys ano ba ito?
Mukhang walang lumabas na angkop sa kaniyang kondisyon. Pusang-tao, may drama dito na tao sa umaga at pusa sa gabi. Mukang ganito sitwasyon niya, pero pusa siya sa umaga at ngayon ay tao na siya.
Ngunit bakit noong nasa market ako, nakita ko pa siya. I mean hindi naman gabi ng mga oras na iyon pero isa siyang tao.
I-ibig bang sabihin bago lang siya nagiging pusang-tao, pusang-tao?
Taong-pusa dapat iyon ah? Eh kasi tao naman talaga siya na naging pusa. Tsk. Sino ba nakaisip sa pusang-tao na iyan?
Well pareha lang naman din dahil nag-t-transform naman sa pusa at tao.
Tsaka bagay naman, pusang-tao. Pus-tao! Pus-tao? Bakit ko ba ito iniisip?
Makilaro na nga ng ML.
Hala, talo na'ko. Again, again, again!
Nanalo ako. Nakabawi din, pagkatapos ng 3 subok.
Mamayang alas-7 pa naman ang hapunan, kaya maglaro na lang muna ako. Tsk, baka 'pag bumalik ako doon. Maiinit na naman ulo.
A/N: don't forget to vote, comment and fan.
Comments are highly appreciated. Thanks! But so far, there is no comments 😌
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top