CHAPTER 53

☆banat☆

Cath's POV

"So totoo nga?" tanong ni Damie.

Oo andito siya, kakarating lang niya at kakauwi lang ni Aldrian.

"Oo," sagot ko.

"Wahh!!!" siya habang niyugyog ang mga kamay ko. Shit!

"Dame, ano ba? Para kang sira," ani ko sa kaniya, tumayo siya at nagtatalon pa. Silly girl!

"Eh? So magkuwento ka pa, ang bilis ah? Engaged ka na," tuwang-tuwa na aniya. "Naunahan mo pa kami," dagdag niya pa na ikinairap ko.

"Nagkasundo na kayo?" tanong ko pa.

"Oum, ang galing manuyo," aniya na ikinatawa ko.

Tiningnan niya ako ng masama, "Sabihin mo, marupok ka haha!" sabi ko pa na ikinairap niya pa at may binulong. "May sinasabi ka mahal kong pinsan?" tanong ko pa.

"Sabi ko, magpinsan tayo kaya marupok ka din!" aniya at humiga na.

Humiga na rin ako, tabi ulit kami ngayon, "Tsk, ikaw lang iyon," saad ko.

Tiningnan niya ako, "Hindi pa aminin, oh siya...kailan mawawala iyang tainga ng pusa at buntot pati na rin mga balahibo mo?" tanong pa niya na ikinatahimik ko. Hindi ko rin kasi alam.

"Hindi ko pa alam, ewan siguro...hindi na?" ani ko.

Lumapit siya sa akin at yumakap, "Huwag mong sabihin iyan, magiging ayos din ang lahat, mawawala din ang bangungot na iyan," aniya pa, yumakap naman ako pabalik sa kaniya.

"Salamat pero ganiyan talaga, nangyari na dahil din naman sa mga kagagawan ko," sabi ko at umalis sa pagkakayakap sa kaniya, "muntikan pa akong makapatay ng pusa. Naalala mo?" tanong ko pa sa kaniya.

Birthday ko noon, it was my 15th birthday.

Tumango naman siya, "oo, pero huwag mo na lang alalahanin yun. Ang mahalaga ay hindi mo siya tinuluyan," nakangiting aniya.

"I really hate them,"

"Alam ko," aniya.

"But, being a cat is not easy too. Alam mo ba na kay sama kong tao, dahil sa halip na ako ay tumulong pero pinasama at inilagay ko pa ng husto iyong sitwasyon nila sa alanganin. Yung feeling na guilty ako, kung gaano kahirap kapag walang nag-aaruga, at nagpapakain sa kanila," sabi ko pa. Totoo naman, sa pagkakataong ito alam ko iyong mali ko.

"Oum, okay lang iyan. Makakabawi ka pa," nakangiting aniya. "Atsaka hindi naman ganoon kasama ang iyong ginawa, hindi mo naman sinasadyang magalit at mainis sa kanila. Alam kong nahihirapan ka, pero tama na Cath. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo...sa nangyayari sa iyo ngayon. Magiging okay din ang lahat," aniya pa. Hindi ko alam kung bakit pero sa sinabi niyang huwag ko daw sisihin ang sarili ko ay nagpagaan ng kaunti ang nararamdaman ko. Ang nararamdaman ko na punong-puno ng sisi at konsiyensya.

"Oo Dame, magiging okay din ang lahat ng ito. Babalik din sa normal ako," saad ko pa, tumango naman siya.

"Oh siya matulog na tayo dahil may panibagong bukas na naman at marami pa," aniya at inayos na ang kumot niya. "Good night Cath, sweetdreams!"

"Good night and have a nice dream too," saad ko pa tapos ipinikit na ang mga mata.

...

Nagising ako dahil may gumagalaw ng tenga ko. Nang matingnan ko, si Damie lang pala.

Ngumiti ako sa kaniya kaya ngumiti din siya, "good morning," bati niya.

"Good morning Dame, anong oras na ba? Bakit ang aga ng gising mo ngayon?"

"Anong maaga? Alas nuebe na po Miss Cathy," naiiling na aniya pa na ikinabangon ko.

Gulat ko siyang tiningnan, "seryoso?"

Tumango naman siya, tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa may kabinet.

9:20 am na?

"Ang ganda siguro ng panaginip mo, oh siya dahil hindi naman ako marunong magluto. Pinapunta ko na lang dito fiancee mo," saad niya tapos,may diin pa talaga at gaga mukang kinikilig pa.

"Bakit mo siya pinapunta? Baka busy iyan tapos inabala mo pa," tugon ko tapos bumukas iyong pinto at iniluwa nito si Aldrian. Naka-black t-shirt at maong na short ang suot niya.

"Hindi kailanman Mew," aniya. Mew! "Good morning, kain ka na Mew," ani pa niya.

"Good morning. Ikaw nakakain ka na ba?" tanong ko pa na ikinangiti niya. Tapos tumango naman ito at hinalikan ako sa may pisngi. Oh my! Kay gandang umaga! Shit! Bakit pumupogi lalo? Tapos ako dito, dugyutin pa rin. Pasimple kong hinawakan mga mata ko at pati na rin mukha ko.

Baka may something eh, like Phillipine Jackfish? Haha, hindi naman ako naglalaway o tumutulo iyong laway kapag natutulog pero para sigurado na din.

"Hoy, huwag nga kayo diyan! Wala dito si baby ko, tsk!" singit ni Damie. "Mew?" takang tanong niya, tumango naman si Aldrian na ikinairap niya. "Ako hindi niyo ba tatanungin kung nakakain na ba ako?" dagdag niya pa.

"Diba tapos ka na naman kumain doon," tugon ni Aldrian.

"Tsk. Bakit mo binuking? Pinapakonsiyensa ko pa itong kaibigan ko eh," saad ni Damie.

"Okay lang iyan, Dame baka gusto mong kumain ulit?" tanong ko pa.

"Tseh! Uuwi na ako, bahala kayo diyan! Uyy Insan Aldrian, huwag mong awayin iyan ah? Lagot ka sa akin," aniya tapos itinuro niya ang kaniyang dalawang mata tapos itinuro din ang kay Aldrian.

Natatawa naman na bumaling si Aldrian dito, "huwag kang mag-alala ako na ang bahala dito hangga't wala pa sila ni mama at papa," aniya na ikinataka ko. Ang Damie ayon, patagong tumatawa.

"Ano na naman ang hindi ko nalalaman?" tanong ko pa sa kanila. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa, si Aldrian kumukurap pa tapos si Damie ay natatawa pa rin na naiiling-iling.

"Cath, tanungin mo diyan sa mapapangasawa mo. Bye!" ani ni Damie at patakbong umalis.

Tiningnan ko si Aldrian, "may sasabihin ka Aw?" tanong ko pa sa kaniya sabay nag-puppy eyes.

"Ano kasi, a-alam na ng parents,mo...si Damie ang nagsumbong," saad niya.

Aba! Nakatakas ang salarin!

"Anong sabi nila?"

"B-bibilisan daw nila ang trabaho doon para makauwi agad dito, iyan lang naman ang sabi nila matapos akong ma-interview," tugon niya.

Natawa ako sa sagot niya, "so, nakapasa ka ba sa interview?" tanong ko pa.

Ngumiti naman siya, "sa tingin ko oo," tugon niya pa tapos sinubuan niya ako ng pagkain. May mga kamay naman ako!

Kinuha ko ang kutsara sa kamay niya, "ako na hehe, kaya ko na ito. Salamat," saad ko pa na ikinangiti niya naman. Hindi ako sanay na may titingin sa akin habang kumakain pero mukang masasanay na ako nito, shems haha!

"Alam na ng parents mo?" tanong ko pa.

"Oo, ang totoo niyan bago pa ako pumunta dito sa inyo kahapon alam na ni Dad," tugon niya. "Atsaka, sa parents mo...ang totoo niyan. Matagal ko ng sinabi sa kanila na liligawan kita, isang araw nagpaalam ako sa kanila na mag-propose na. Pumayag naman sila, ang gusto ko sana sa pagbalik na lang nila para naman mas formal iyong proposal na magaganap," dire-diretsong sabi niya. "Pero sabi nila ayos lang daw na mag-propose na ako at pag-uwi na lang nila ang kasalan," aniya pa.

"Weh? Talaga?" 'di makapaniwalang tanong ko, tumango naman siya. "Kaya pala,ang weird nila," sambit ko pa.

Oo ang weird nila nitong mga nakaraan, sinasabihan nila ako na maging handa, na alagaan mong mabuti iyang bahay para masanay ka 'pag ikaw na ang maybahay. Iyan lang naman ang sinasabi nila na ipinagsawalang bahala ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman papagalitan noon. Kasi alam kong magiging mabuti kang maybahay," aniya pa.

"Pero pa'no ba ito? Nag-aaral pa tayo. Wala pa tayong trabaho," saad ko.

Ngumiti naman siya na para bang hindi iyon ikinabahala niya, "live no worries Mew. Magtatapos tayo ng pag-aaral, tapos papakasal na tayo at huwag mo ng alalahanin ang mga gastusin," saad niya at kinuha niya iyong cellphone niya. Tapos ipinakita niya sa akin ang isang picture, picture ng hindi pa natatapos na building. "Dito tayo titira," aniya pa.

Tumawa ako dahil sa sinabi niya, "nagbibiro ka ba Aww?" tanong ko pa.

"Hindi Mew, totoo dito tayo titira soon. Binigyan ako ni Dad ng pera para allowance ko daw then naisip ko na wala naman akong bibilhin o paggagamitan ko. Kaya ginamit ko ito, I used it on a small busines. Small earnings tapos ayon lumago ng paunti ng paunti, hindi pa nag-isang buwan pero maayos naman ang kita," saad pa niya. Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

"Talaga? Congrats Aww," nakangiting bati ko pa sa kaniya. Tapos na akong kumain, kaya tumayo ako at pumunta sa kusina. Sumunod naman siya.

"Salamat Mew, para sa atin 'to," saad niya. Nagsusumikap siya para sa amin, kahit hindi pa siya sigurado sa mga oras na iyon kung magiging kami ba. Parang nanliit tuloy ako sa sarili ko kasi ako wala man lang akong nagawa, wala man lang akong nagawa para makatulong sa pamilya ko.

"Paano kung hindi talaga tayo?" tanong ko pa tapos humarap ako sa kaniya.

"Mew, tayo-"

"Hindi, paano nga kung hindi pala tayo para sa isa't isa?" pagputol ko sa kaniya.

"Kung hindi magiging tayo, gagawa ako ng paraan at maghihintay hanggang sa tadhana na mismo ang gagawa para maging tayo," tugon niya sa akin.

Napangiti ako ng kusa, "pasensya na kung tinanong ko pa," ani ko.

"Ayos lang Mew, kahit ilang beses ka pang magtanong sasagutin at sasagutin pa rin kita," aniya. Mais!

"Tara manood tayo ng C-drama," pag-aya ko pa sa kaniya. Noong mga nagdaang araw ganito kasi ang ginagawa namin. Manood ng C-drama o 'di kaya'y mag-w-wattpad.

"Naalala ko lang, kahapon may nakita akong pusa sa gilid ng kalye," biglang sambit niya, pinindut ko muna ang pause button para makinig sa sinasabi niya. "Kamukhang-kamukha mo kapag naging buong pusa ka. Kaso noong tinawag ko hindi naman tumugon tapos dire-diretso pa niyang naakyat ang punong kay taas," dagdag pa niya. Naalala ko tuloy ang alaga ni Diwata Catalina, nalaman ko kasi na ang alaga nito ay kagaya na kagaya sa hitsura na ibinigay niya sa akin bilang pusa.

"Nagkataon lang siguro, atsaka ibig mo bang sabihin na nakilala mo lang siya na hindi ako iyon dahil hindi ako marunong umakyat ng puno?" tanong ko pa sa kaniya tapos umirap.

"Hindi ganoon iyon, ayy? Parang ganoon na nga," aniya.

"Tsk! Matuto din ako niyan no?"

"Okay lang kahit hindi na. Marunong ka namang umakyat papunta sa puso ko eh, kay tagal mo ng narating ito," sabi niya sabay turo sa puso niya.

"Asus! Sige na nga lang, tara continue na natin ito," pagtutukoy ko sa pinapanood namin. Bitin kasi!

Tumango naman siya, "sa susunod, sisiguraduhin ko na hindi lang sa C-drama ka kikiligin kundi pati na rin sa love story natin."

Tiningnan ko siya at gamit ang dalawa kong kamay, dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi niya. Tapos hinihimas ito, "Banat ka nang banat, eh alam mo naman na ikaw lang ang nandito sa puso ko," saad ko na ikinapula ng pisngi niya. Shems! Kilig overload si Aww ko! Natatawa na lang tuloy ako sa reaksiyon niya, paano ba naman kasi natahimik bigla at ti-nap na ang continue button. 'Yan bumanat ka pa!

May 31, 2020! Hindi pa rin bumabalik ang dati kong anyo, may tenga sa ibabaw ng ulo, makapal na balahibo at may mahabang buntot na parang pusa. Masasabi kong half-human, and half-cat! Pero sa kabila ng lahat ay ayos lang ako dahil palaging may gumagabay sa akin nasa malayo man o nasa harapan ko lang. At lalaban pa rin sa hamon na ito kasi may naghihintay, may nag-aabang sa pag-ahon ko.

-jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top