CHAPTER 51
☆unexpected☆
Photo is not mine, credits to the rightful owner.
Cath's POV
"Waaaahhhh! Halimaw! Wahhh! Umalis ka dito!" nagising ako sa ingay na ng sigaw na iyan. Iminulat ko ang mga mata at tiningnan ko kung sino iyon. "Hoy! Paano? Anong ginawa mo sa pinsan ko? Ibalik mo siya!" pagsisigaw ni Damie, kinusot ko ang mga mata baka namamalik-mata lang ako. Sa akin kasi siya nakaturo, at takot na takot siya sa akin. Sa isang kamay niya ay hawak-hawak niya ang walis tambo.
"Anyare? Kay aga-aga eh, nagsisigaw ka na diyan. Binangungot ka yata," saad ko pa na ikinakurap-kurap niya. "Tumigil ka na Damie Joy," dagdag ko pa. Hindi naman ako pusa kasi alas singko-emedya pa lang, pagtingin ko sa wall clock na nakasabit sa may kabinet ko.
"Ca-Cathy..." aniya pa at tiningnan ako ng mabuti. Tapos naiiling niya akong tiningnan, "hindi, hindi ikaw ang pinsan ko, u-umalis ka na halimaw ka! Umalis ka dito at ibalik mo yung pinsan ko! Kung hindi ipapapulis kita!" aniya pa, hala? Nasapian yata ang pinsan ko?,Mukang may tama eh!
"Dame, tumahimik ka na nga! Ano ka ba?" saad ko sabay lapit sa kaniya pero lumayo naman siya, lumapit pa ako pero ganoon pa din lumayo pa din siya. "Dame, ako ito! Si Cathy yung pinsan mong sipunin noong mga bata pa tayo, ako ito ang kapatid ni Camzy. Ako ito iyong pinsan mo!" ani ko pa sa kaniya.
"H-hindi, hindi ikaw iyan. Ako pa niloloko mo? Umalis ka!"
"Dame ano ba?!" naiiyak kong ani sa kaniya. "Ako nga ito eh, bahala ka isusumbong kita kay Tita Zeinny! Bahala ka! Hindi rin ako magluluto ng breakfast bahala ka," ani ko pa sabay balik sa kama at humiga tapos nagkumot na. Ang aga-aga nanakot eh! Kala niya maganda ang laro niya?
"I-ikaw ba talaga iyan? So kung ikaw nga sabihin mo nga na kilala mo si Aldrian at sabihin mo pangalan ng mga kapatid niya," paghahamon niya pa, pinunasan ko ang mga luha at tinanggal ang kumot. Umupo ako sa kama at tiningnan siya.
"Aldrian, Fynn Aldrian Laczon Meringuez, he has a brother named Benjie and a sister named Brianna, I don't know about his Dad because I don't have a time to talk with him and his Dad went to Manila with his stepmother for their business there, okay na?" tanong ko pa sa kaniya, matatawa sana ako sa facial expression niya pero naalala ko hindi ito oras sa pagtawa, kasi naman jinojoke time pa niya ako.
"Ikaw nga," aniya at sinampal ang sarili niyang pisngi tapos kinusot ang mga mata at tiningnan ako ng maiigi hindi pa siya nakuntento at sinampal ulit ang kabilang pisngi tapos yung kaliwa't kanan ulit.
"Dame, baka gusto mo ako na ang magsampal sa iyo? Wala namang epekto eh," ani ko pa at umirap.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko, "Cath, bakit? Paano? Ang pangit ng itsura mo," aniya, tinapik ko ang kamay niya. "Seryoso ako, pangit talaga eh muka kang halimaw, costume ba iyan? Saan mo nabili?" dagdag pa niya kaya inirapan ko nang paulit-ulit.
"Duh? Ilang beses mo na nga akong nakita na suot-suot itong dress na ito atsaka itong choker na ito ngayon ko lang naisip na parang terno lang sila," sabi ko na ikinailing niya.
"Hindi iyan, yung ano ang ibig kong sabihin yung cat thingy na suot mo,"
"Pinagsasabi mo? Cat thingy ka diyan," tugon ko pa. Lumapit siyang muli sa akin at dahan-dahang inilapit sa aking ulo ang kamay niya at...ang sakit ng ulo ko. Kinusot niya yung ano...
Lumayo siya sa akin ng kaunti, "Cath, t-tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Cath, anong nangyari sa iyo?" naluluhang tanong niya sa akin kaya dahan-dahan ko ding hinawakan ang ulo ko. At...
"Wahhhhh! Dame! Dame! Damie, ano ito?" gulat kong tanong sabay lapit sa may pintuan ng CR, nasa pinto ng CR kasi nakasabit iyong malaking salamin na nandito sa kwarto ko, yung kabinet ko kasi walang salamin eh hindi nang kabinet na nasa kwarto nila mama't papa.
"Cath," naiiyak pa rin si Damie, kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na naguguluhan siya, nag-aalala at natatakot.
Kaya nang marating ko iyong puwesto kung saan ang salamin ay nasa harapan ko lang, pumikit ako habang naiiyak na din. Iminulat ko na ang mga mata sabay hawak ng nasa ibabaw ng ulo ko, mga tainga! "Paano?" sambit ko at tumagilid para makita ang naglilikot na buntot.
Nakikita ko pa iyong mga balahibong kulay puti na nasa tenga ko, yung buntot ko ay kulay puti pero yung sa dulo ay itim. Kung gaano kaputi ang balahibo ko kapag pusa ako ay yun din ang ikinaputi ng buhok ko tapos may bangs na ako na hinding-hindi ko naman ginawa, hindi ako nagpa-bangs!
Itinaas ko ang laylayan ng dress at tiningnan ang mga paa ko. Shit! Bakit? Bakit nangyari ito? Ang mga binti ko ay may mga puting balahibo din tapos, tapos yung paa ko dalawa nga lang pero ang mga ito at punong-puno na ng balahibo. Yung kuko ko sa paa ay mahahaba, mga one and half inch ang haba nito.
Tiningnan ko si Damie na nagtatakip na ng bibig niya at nagpapahid ng mga luhang nag-uunahan sa pagtulo. Lumapit siya sa akin at hinawakan yung buntot ko, nakikiliti tuloy ako. Hinila niya ito papunta sa kaniya, ang sakit!
"Huwag Dame, masakit!" pagreklamo ko pa, hinila niya kasi ng malakas na para bang may balak siyang tanggalin ito.
"Cath, huhuhu bakit nangyari sa iyo ito? Baka nagagalit na sa iyo yung tagapangalaga ng lahat na mga pusa, bakit mo kasi sila inaaway eh?" paninisi niya, well? Oo nga naman, kasalanan ko at nangyari na naman iyon pero hindi naman ganito ang pinarusa sa akin eh. Pusang-tao! Pusa sa umaga, tao sa gabi!
"Dame, sa totoo lang pinarusahan nga ako pero hindi naman ganito. Hindi gaya nito," sabi ko, kailangan ko na rin kasing sabihin sa kaniya.
"Anong sinasabi mo? Anong hindi ganito? Totoong pinarusahan ka?" sunod-sunod niyang tanong.
"Oo, pinarusahan ako ng isang diwata. Pusang-tao, pusa sa umaga tao sa gabi, iyan yung parusa niya sa akin pero ang nangyayari ngayon ay hindi ko talaga alam. Wala akong alam dito," sabi ko sa kaniya. Bumalik ako sa may kama at umupo dito sumunod naman si Damie. Buti na lang hindi masakit kapag uupo ako.
"Kailan? Bakit wala kang sinabi sa akin? Alam ba nila tita at tito?" tanong niya, pagtutukoy niya sa mama at papa ko.
"Hindi, hindi at wala dapat silang malaman tungkol dito. Huwag mobg ipaalam ah? Please?"
"Cath, dapat nilang mala-"
"Hindi Dame," pagputol ko sa kaniya. "Huwag ayokong idagdag sa problema nila ito, mag-aalala lang ang mga iyon eh. Dapat nga nagt-trabaho ako nitong mga nakaraang araw pero hindi ko magawa-gawa dahil pusa nga ako sa umaga at hindi naman ako puwede sa gabi. Dame, please tulungan mo akong matapos ito nang hindi nag-aalala ang mga magulang ko. Please," pakiusap ko sa kaniya.
Tinignan niya ako ng mariin, "Cath, kailan pa nagsimula?" tanong niya, kalmado lang ang boses niya pero alam kong naiinis siya.
"Dame."
"Sagutin mo, kailan pa?" tanong niyang muli.
"May 5..." tugon ko tapos yumuko. "Dame ayaw ko kasi na mag-aalala kayo sa akin kaya please, huwag mong ipaalam kina mama at papa, at sana huwag din sa iba pa kahit na kina tito at tita," saad ko.
"Cath, alam mo ba na mas maganda sana kung ako man lang sinabihan mo? Kasi yung tipong nagpupunta ako sa iyo dito yung dinadalaw kita pero may nangyayari na pala sa iyo na hindi ko man lang alam, hindi ko man lang napansin," naiiyak na ani niya, lumapit ako sa kaniya at yinakap siya. Humiwalay siya sa pagkayakap at kinurot ako sa may hita ko. "Ang tanga mo!" saad niya tapos siya na ang yumakap sa akin. Pinunasan niya ang mga matang may luha gamit ang tela ng damit ko banda sa may balikat. "Magsabi ka pa tungkol diyan sa pinarusa sa iyo," dagdag niya at humiwalay sa pagkakayap.
"Ahm, ano sa June 6 malalaman ko kung mawawala na ba iyong sumpa o hindi. Kaya kaunting tiis lang muna, pero dahil sa nangyayari ngayon...hindi ko alam kung nagtagumpay ba ako. Kasi nang nakaraang mga araw okay lang naman," tugon ko.
"Sumpa pala iyan? Hala, bakit naman hindi ka magtatagumpay? Ano bang kailangan mong gawin para magtagumpay ka?" sunod-sunod niyang tanong.
"True love, kailangan ko mahanap yung true love ko. At wala akong alam tungkol diyan," sabi ko at bigla na lang nanapak yung pinsan ko. "Aray Dame, kanina ka pa ah?" bulyaw ko pa sa kaniya pero inirapan lang ako.
"Tseh! True love lang pala eh, madali lang iyan! Si Aldrian naman true love mo eh!" aniya at yinuyugyog ang mga balikat ko. Shit! Nahihilo na ako! Lumayo ako sa kaniya. Mahirap na at masapak ko itong pinsan ko.
"Dame, walang nakakaalam niyan kung sino man ang para sa atin," sabi ko sa kaniya. "Baka nga kayo ni Rave eh maghiwalay pa hahaha!" dagdag ko na ikinairap at sinimangot niya.
"Hmmp, bahala siya!" aniya pa.
"Hala? Anong nangyari?" tanong ko.
"Call off muna kami," aniya pa.
"Hindi na lang ako magtatanong kung bakit," saad ko. "Okay lang iyan kayo naman talaga para sa isa't isa eh. Pag-usapan niyo iyan, maayos niyo din iyan,"
"Oum, kung makapagpayo ka ah? Pero ang totoo? Si Aldrian ba ay may alam sa sitwasyon mo? Medyo nakakapaghalata na araw-araw siyang pumupunta dito eh," sabi niya at tiningnan ako ng may pataas-taas pa ng kilay.
"Ah, Dame magluluto pa pala ako ng breakfast nagugutom ka na ba?" tanong ko at binuksan na iyon pinto. "Nagugutom ka na nga diyan ka lang ah," sabi ko pa at sinarado agad ng sinubukan niyang sumunod. "Magluluto pa ako!" dagdag ko at dahil hindi ko ma-lock yung pinto kasi nandoon sa loob ang padlock at susi. Kaya gumamit ako ng mesa at hinarang ko ito sa may pinto. Siguro naman hindi niya matatanggal ito, mabigat yung katawan niya kaya hindi niya kaya ang ganitong kabigat na mesa. Siyempre alam ko na ito, minsan na kasi niyang ginawa sa akin ito pero nahuli ko siya kasi ang bagal niya. Kaya ito, idea niya ay para sa kaniya. Yan okay na! Mangungulit na naman iyon eh.
"Uyy Catherine Gaile isusumbong kita kay tita-" pagkasabi niya noon ay agad kong hinila pabalik ang mesa at ibinalik sa puwesto nito kaya naman muntikan nang matumba si Dame ng binuksan niya ang pinto.
Tiningnan niya ako masama kaya nginitian ko lang siya, "Sabihin mo kay mama at papa, ikaw din baka ihiling ko kay Diwata Catalina na ipagaya ka sa akin," saad ko na ikinairap niya.
"Okay lang pero kailangan maganda ako," aniya. "Mas maganda sa little cutie na tinatawag ko ikaw na pala iyon kaya pala kapag hinahanap kita sumusulpot na lang siya bigla, hayyy! Bakit hindi ko agad naisip iyon?" aniya pa sabay himas ng ulo niya.
"Dame huwag mong ipaalam sa kanila please!" pakiusap ko sa kaniya, paulit-ulit na lang eh! Ang kulit din kasi!
"Pero kay Aldrian, sinabi mo agad! Kakaloka ka," aniya.
"Mahabang istorya," saad ko.
"Gaano kahaba? Makikinig ako, at promise hindi na kita isusumbong ayaw ko din naman na nag-aalala sila," saad niya! Yes!
"Thank you!" sabi ko sa kaniya at tinalikuran na siya.
"Hoy, sabihin mo muna kung paano nalaman ni Aldrian," sabi pa niya.
"Oo, mamaya na! Magluluto pa ako, hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ko pa.
"Nagugutom, isabay muna lang para may inspirasyon ka sa pagluluto hehe,"
"Tigilan mo ako diyan ha, tulungan mo nga ako dito! May nalalaman ka pang ganiyan!" sabi ko sa kaniya.
"Tsk, kulit! Ganito kasi iyan..." saad ko at sinimulan na ang pagluluto at kinuwento sa kaniya ang mga nangyari noon. Ang dami niyang sinisingit, kesyo ganiyan, ganito hayyy! Pinsan ko nga siya!
May 30, 2022! 6:30 am na, kainan na! Pero hindi pa rin ako naging pusa, kundi ganoon pa rin ang itsura ko. Kung ano man ito, sana lang maging maayos na ang lahat.
This thing is unexpected!
- Jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top