CHAPTER 49

☆Happy?☆

Catherine's POV

"Cath, Cathy andito na tayo," pagpukaw ng kung sino sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata, nakangiting nakatingin sa akin si Aldrian."Andito na tayo sa bahay niyo, ang totoo kanina pa tayo nakarating dito hindi lang muna kita ginising,"aniya at binuhat ako tapos pumuta siya sa may mesa. Andito pala kami sa kusina.

"Meow!" pagngiyaw ko pa sa kaniya pero hindi man ako naiintindihan ay tanging ngiti lamang ang tugon niya.

Tiningnan ko ang wall clock namin, 5:50 pm na. Ilang oras pala akong nakatulog? Ang haba naman masyado!

"Kumain ka na lang hindi ka pa naman naglunch, sinubukan kasi kitang gisingin kanina pero hindi ka matinag, siguro dahil sa sobrang pagod," aniya at alanganing ngumiti, na para bang sinisi niya ang sarili. "May masakit pa ba sa iyo?" pagtatanong pa niya, bakit ako na lang palagi ang inaalala mo? Umiling ako bilang tugon. "Okay, malapit na mag-6pm kaya magiging tao ka na rin," nakangiting aniya.

Sinimulan ko na ang pagkain, kain lang ako nang kain hanggang sa may nararamdaman akong kakaiba. Nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti. Umirap na lang ako at kumain ulit. Sinimulan na din niya ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay nanatili akong nakaupo sa inuupuan ko samanatalang si Aldrian ay naghuhugas ng pinagkainan namin.

Tumalon ako mula sa upuan nang nagtransform ako kaya diretso akong bumagsak patagilid sa sahig. Naituko ko ang siko ko, medyo malakas nga yung impact kasi naman namumula na ito, ang sakit din ng gilid ng baywang ko at yung sa may paanan ko.

"Shit!" pagmura ko pa nang dahan-dahang bumangon ay sumakit ito nang sobra. Ang sakit!

Dali-dali naman akong naalalayan ni Aldrian.

Bakit naman kasi tumalon nang basta-basta eh! Ayos na sana kung nakaupo lang ako doon.

Natatawa akong tiningnan ni Aldrian, inirapan ko pa siya na ikinahagikhik niya. Bwesit! Tawanan ba naman?

"Happy?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Note the sarcasm!

"Hahaha, s-sorry," aniya at nag-peace sign pa pero tumatawa pa din.

"Tsk, pakikuha na lang doon ng first aid kit sa may kabinet," pag-uutos ko sa kaniya.

"Yes, Madame!" saad niya pa nang nakangiti.

Pagbalik niya ay siya na mismo ang naglinis at naggamot nang natamo kung sugat sa may siko.

"Tapos ko nang mapakain ang mga alaga mo, siguro agahan mo na lang bukas ang pagpapakain sa kanila," aniya pagkatapos. "Ahmm, wala ka naman siguro na dapat abalahin pa no?" tanong niya, tumango naman ako bilang tugon. "Kung gayon, ako'y uuwi na," dagdag pa niya.

"Oum, salamat nga pala sa lahat," saad ko na ikinangiti at ikinapula nang tenga niya. Luh? Napaano siya? Yung expressions niya, pakiramdam ko din tuloy namumula na iyong pisngi ko. Wala naman akong ibang sinabi ah, pero bakit ganoon ang impact sa kaniya? Transparent boy!

"Okay lang yun hehe, mauna na ako." aniya pa at tumayo na. "Babalik na lang ulit ako bukas, paalam!" aniya sabay takbo, huminto siya at lumingon muli sa akin at ngumiti, tapos tumakbo ulit at lumingon...at nabangga niya yung pinto ayon tuloy hahaha! Lilingon pa kasi eh!

Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa ko, tiningnan niya ako at nginusuan, parang bata. "Happy?" pasigaw niyang tanong, note the sarcasm. Umiiling pa ako habang pinipigilan ang pagtawa pero tumango din agad at humagalpak sa katatawa, naiiling niya akong tiningnan. Haha, ang bilis naman ni K! K is real! Nag-wave sign siya tumago naman ako at tuluyan na siyang umalis.

Maya-maya pa ay tumawag sila mama at papa, ayon si mama nagd-drama pa kala kasi niya kung ano na daw ang nangyari sa akin, nagsumbong siguro ang magaling kong pinsan. Pero okay na naman. Miss ko na sila.

Dahil wala naman akong magawa, tapos ko na ang mga gawaing bahay. At hindi rin naman ako makatulog dahil masyado ng mahaba yung tulog ko kanina kaya ito ako ngayon nanonood ng C-drama na 'She is the one' ika-labinlimang episodes pa lang ako haha may dalawampu't-apat kasi itong episodes. Alas diyes na ng gabi.

***

Nagising ako dahil sa ingay nang alarm clock, oo nga pala kahit alas dose na ako nakatulog kagabi ay nagpa-alarm pa ako ng alas kwatro emedya. Kailangan ko pa kasing pakainin mga lovies at likies ko.

Pagkatapos ko silang mapakain lahat ay nagwalis muna ako nang bakuran namin tapos nagluto ng meal breakfast ko, sinubrahan ko rin yung pagkain na niluto ko para sa pananghalian ko. Mahirap na kung wala akong pagkain mamaya.

Nagpahinga muna ako saglit at naligo na.

-May 17, 2022-

Tiningnan ko iyong calendar na nakasabit sa gilid ng kabinet ko.

Kunting tiis pa Cath! Matatapos din ang lahat ng ito. Pangm-motivate ko pa sa sarili.

Naghain na ako nang pagkain at nagsimula ng kumain at... 6 am na! Heto na naman, Cathy the cat na naman si ako. Tinapos ko na ang pagkain ko. Hala! Walang magliligpit nito! Bakit wala akong kakayahan na magtrabaho? Kainis, kahit pilitin kong bitbitin yung plato gamit ang bibig ko ay useless pa din. Wala pa ding saysay kung mabuhat ko man iyon kasi hindi ko rin naman maiilagay sa lababo o ang handwashing area.

Bahala na, mamaya na lang siguro iyan. Mamayang alas sais pa, oh shit!

Pero buti na lang at nang tanghali ay pumunta si Aldrian kaya ayon siya ang naghugas ng mga iyon at nagluto pa siya nang pananghalian yung natira ko naman kanina ay ininit niya at tinimplahan ulit. Okay lang masarap naman yung timpla niya.

Tapos nang maghapon na ay ganoon pa din, siya ang nagpakain tapos noon kahit tao na ako kasi 6:30 pm na ay siya pa din ang nagpresenta na magluto ng pagkain, pagkatapos noon ay uuwi na sana siya pero pinigilan ko. Pinakain ko muna siya, siyempre siya ang nagluto tapos hindi ko papakainin.

Tapos noon ay siya pa din ang nagpresenta na maghugas nang plato pero hindi ko na siya hinayaan. Masyado ko na nga siyang inaabala eh.

"Sige Cath, mauna na ako. Bye!" aniya, andito kami sa gilid nang gate ngayon.

"Oum, mag-iingat ka!" saad ko sa kaniya na ikinangiti niya kaya ayon tuloy napangiti na rin ako. Ngayon ko lang napansin na nakakahawa din pala yung mga ngiti niya. Ang ngiti ko, oo nakakahawa din pero binibigay ko lang ito sa taong kakilala ko at yung malalapit sa akin.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay bumalik na ako sa loob ng bahay.

Nang sumunod na sampung araw ay ganoon pa din ang nangyayari, dadalaw siya dito at tinutulungan ako sa mga bagay-bagay. Si Damie dumadalaw din pag-gabi ay nagkakausap kami at kapag sa umaga naman siya dumalaw kasama yung boyfie niya ay si Aldrian ang nag-aasikaso sa kanila. Tapos ako bilang pusa ay nakikinig lang sa mga usapan nila. Minsan nang-aasar pa yung pinsan ko sa kay Aldrian, ang kumag naman ay kay bilis mag-blushed at pumula nang tenga. Pinapahalata masyado eh! Kapagkuwan ay tumitingin pa sa akin.

Kapag hinahanap naman ako ng dalawa sasabihin ni Aldrian na nag-grocery, may binili lang na matagal pang nakabalik dahil may ka-chikang kaibigan, o 'di kaya ay may pinuntahan lang, bumili ng chitchiria, nagpagupit ng buhok kaya nga napilitan akong gupitan ang hanggang pang-upo kong buhok. Pinagupitan ko lang naman ito kay Aldrian ng mga 6-inches, para hindi ako tatanungin nang kung ano-ano ng magaling kung pinsan.

At yung gabing iyon bumalik si Damie at nang-intriga sa buhok ko. Bakit daw ang ikli lang nang pinagupit ko tapos pumunta pa talaga sa barber shop eh pwedeng siya na lang daw ang mag-gupit, sayang pa daw yung pamasahe at binayad ko. Diba? Matipid iyan! Sa pagkain? Hindi!

Atska anong maiikli? Six inches na iyong pinagupit ko tapos maiikli? Yung buhok kasi niya kapag ginupitan hanggang balikat talaga.

Ngayon ay May 28, 2022 na! Alas-singko na nang hapon at kakauwi lang dalawang magshuta! Kaninang 4:30 pm pa sila dito.

Si Aldrian? Ayon, busy sa paghuhugas nang platong pinagkainan ng mga bisitang magshuta.

Pagkatapos niyang maghugas ay pinakin na niya yung mga alaga ko. Pinasama niya ako, atsaka hindi na ako tinatahol ng mga lovies ko napagsabihan ko na kasi sila. Diba ang galing ko? Sinunod kasi nila.

Alas sais-diyes na!

"Cath uuwi na ako,"

"Oum, ingat ka. Salamat nga pala sa lahat-lahat, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa iyo," nakayukong saad ko. Nakokonsensiya kasi ako sa kaniya, ewan ko pero iyon ang nararamdaman ko. Oo napalapit na nga ako sa kaniya, matagal na. Pero iyong parang ako na lang iyong buhay niya? Yung parang nakakalimutan na niyang pagalagagan ang sarili niya. Na kailangan niyang mag-adjust din para lang sa akin.

"Cath, huwag kang mag-isp ng ganiyan. Hindi naman ako humihingi ng kapalit eh atsaka makita lang kitang masaya ay okay na," nakangiting aniya, kaya napangiti na din ako.

"Okay," ani ko at lumapit sa kaniya sabay tapik nhmg balikat niya. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho ah?" saad ko pa sa kaniya nakangiti namang tumango siya.

At umalis na siya. Kaunting oras pa, kaunti pa kumag ko.

-Jessafelovers258

A/N: Hello LOVIES! Pasensya sa update...kailangan ko kasi itong masama para naman makamove-on na tayo, at para na rin makapunta agad tayo sa exciting part XD! KAUNTI PA! Kaunting hintay pa mga Lovies ko :))

Enjoy and thank you for reading!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top