CHAPTER 48
☆well-matched☆
CATHERINE'S POV
(05-16-20)
"Fynn?" Tawag ng kung sino sa labas. Teka? Nabobosesan ko siya, ahh...daddy niya.
Tiningnan ko ang kumag, ayon tulog pa din.
"Meow! Meow! Meow!" pag-ngiyaw ko sabay hila ng lalayan ng damit ng kumag. Para naman magising na ito, 7:30 am na! And yes, pusa na ako. Tulog pa din?!
"Fynn, breakfast is ready. Fynn, I'm coming..." aniya, kasabay noon ang pagbukas ng pinto. Tama, daddy nga niya.
"Ohh... Baby, sinamahan mo pala si Fynn dito." sabi niya habang hinihimas ang balahibo ko."Fynn...Fynn..." pagpukaw niya kay Aldrian. Buti naman at nagising din ang kumag.
"Dad...Good morning." bati niya sa ama.
"Good morning, get up na. Mag-a-almusal na tayo. ’Tsaka, kung maaari...sumabay ka muna sa hapag kasama ang tita mo. Okay? Aalis na din kami mamaya, babalik pa kami doon sa Manila. Kaya..." Sabi ng daddy niya.
"I will dad, its okay. No worries Dad." Tugon niya sa ama.
"Ahmm, good. Thanks son, by the way..." ani ng daddy niya sabay libot ng mga mata sa loob ng kwarto. "Where is your girl?" tanong niya.
GIRL?!
"Ahh si Cathy, nahatid ko na po." tugon ng kumag na ikinangiti ng daddy niya. Shit!
"Oh? Okay, by the way...WELL-MATCHED." sabi pa ng daddy niya sabay tapik sa balikat ng anak. "Sige na, sumunod ka na lang. One more, dadalhin ko na din ba itong magandang pusa na ito?" dagdag pa ng daddy niya.
Well-matched?! Saan naman galing 'yan?!
"Ahhh, no... Ako na lang magdadala sa kaniya. Susunod na lang kami, Dad." tugon ng kumag sa ama.
"Okay." ani ng daddy niya at umalis na.
Tiningnan ako ng kumag, tapos ngumisi.
"MEOW! MEOW! MEOW!" Pag-ngiyaw ko pa sa kaniya na mas ikinangisi niya.
"You hungry my cute baby girl?" aniya na nakangisi pa rin. KUMAG!
"Meow! Meow! Meow!"
"Oh? Sorry, little lovies...but I don't understand, I don't get it. Would you mind to share it with me?" aniya na ikinairap ko. Does he mean the kiss? Magic cheek kiss!
"Meow! Meow! Meow!" galit kong pag-ngiyaw. Ayokong sundin kung ano man ang gusto niya, bahala siya kung hindi niya ako maiintindihan.
"OHHHH...Okay, we're getting there okay? Papakainin muna kita tapos ihahatid na kita."aniya atsaka tuluyan ng bumangon mula sa kama. Tumayo na siya, then... WTF?!
Bakit naka-boxer lang ang loko?!
SHIT! I changed my gaze into other thing -- opposite direction. My ghaddd! From his movement, mukang hinubad na niya ang pang-itaas niya. Liningon ko siya, nakatalikod siya and...topless. Damn!
Nang makabihis na ay lumingon siya sa akin. Naiiling niya akong kinuha at binuhat. Inilihis ko ang tingin.
"Oo na, alam ko na namang gutom ka nga." aniya. 'Langya! Tumunog kasi ang sikmura ko.
Inirapan ko lang ang kumag! Bwesit!
Nang makababa na kami ay dumiretso agad siya sa kitchen nila. At...
Ang lahat ng mga mata nila ay nakaabang lang pala. Yung pamilya niya maliban sa ama niya.
Diretso lang ang lakad ng kumag habang bitbit niya ako. Yung mga mukha nila. Puno ng pagtataka. At ano naman ang ikinataka nila?! Kahit ang mga kasambahay nila, panay din ang tingin sa pinto na para bang may inaabangan.
ANYARE?!
"Kuya, good morning! Where'sh Ate Cathy?" tanong ni Brianna.
AHHHH!!! Kaya pala!
"Ahm, she? Ahm, nasa bahay nila. Naihatid ko na siya kagabi. Why?" tugon ng kumag.
"Hmm? Bakit mo naman hinatid? Iko-congratsh ko pa tsiya eh." ani ni Brianna.
"Congrats for what?" tanong ng kumag.
"For being your GF. Hmmp, but itsh okay...Cathy the cat ish here naman eh." ani ng batang Brianna.
Ang lahat ay nagsikain na maliban sa isa. Ang kumag! Ako kasi ang pinapakain niya muna. Buhat-buhat niya pa rin ako. Bababa sana ako mula sa kaniya pero...
"Don't move baby." malanding sabi ng kumag na ikinatingin ng lahat sa,akin. Oo pusa ako ngayon, pero ramdam na ramdam ko ang kahihiyan na nangyayari dahil sa kumag na ito.
"Meow! Meow! Meow!" pag-ngiyaw ko pa. Kapag 'di mo pa rin ako pinababa na kumag ka, humanda ka. Dahil matitikman mo na ang bangis ng aking mga ngipin.
Haha, siyempre slight lang naman. Slight na kagat, maamong rabies.
"Stay still baby. Finish your food first." ani pa kumag.
Bwesit kang bayot na kumag ka!
Lumapit si Brianna sa akin. Nasa kanan siya ni Aldrian, habang nasa kaliwa niya si Benjie. Hinimas niya saglit ang mga balahibo ko, and it feels so good.
"Oh, Cathy baby... Don't move hehe." si Brianna. Sabay bulong ng..."Mom, doeshn't like catsh, tso bare with kuya Fynn. He ish trying to annoy Mom." ani niya, sabay ngiti ng matamis sa lahat ng mga matang tutok sa kaniya.
Annoy?! WOW! Dinamay pa ako.
"What is it my little honey? Want to share with us too?" tanong pa ng tita ni Aldrian sa anak na si Brianna.
"Nothing mommy, I wassh jusht...shaying shomething to Cathy." she said, then giggled. "She ish sho cute, I really like and love Cathy the cat. I want her to shtay and live in thish houshe." Brianna added and winked at me. Makurot nga pisngi nito. Ayyy? Kapag tao na lang, baka masugatan ko pa ang malulusog niyang pisngi.
"Oh, okay little honey. Take your time to enjoy delicious meal honey, take it easy. No one will snatch it from you." sabi ng mommy niya. Paano ba naman kasi, puno na nga ang bibig at hindi pa nangunguya ay dadagdagan pa ng ilang subo ng pagkain. Hanggang sa punong-puno na talaga yung bunganga niya.
"Are you full baby?" tanong ng kumag sa akin. BABY?! Kanina pa ang baby na 'yan ah?! I AM NOT A BABY!
"Meow! Meow! Meow!" Oo, busog na ako. Tsk, ang daming pinakain sa akin ng kumag. Ang hirap tuloy kumilos.
Sinubukan kong umalis mula sa kaniya, gusto ko lang naman na maglakad-lakad.
"Oh? Okay, if you're done. Ako naman ang kakain, but still...stay here." ani pa niya sabay tapik sa lap niya. Nakangiti pa ang,kumag.
Ang lahat ay mukang tapos na din, maliban sa isa. Ang batang malusog.
"Ahm, excuse me everyone. Hon, I'll go ahead to our room first. I have something else to do, am not yet done packing up my things." sabi ng tita ni Aldrian.
"Okay hon, take your time." ani ng daddy ni Aldrian. Ngumiti naman ang tita niya at humalik sa lips ng daddy niya. Pagkatapos ay umalis na.
Kimbot left, kimbot right, kimbot left, kimbot right --- nakakaumay! Grabe, arte very much si tita niya.
"Kids, kayo na ang bahala dito ah? Fynn, please help our servants to take care of your siblings. Benj iho, Bree honey... huwag kayong magpasaway okay? Help Kuya Fynn to take care of this house. Huwag kayong gala ng gala at don't communicate to those weird strangers who passes by or come at home. Am I clear?" bilin ng ama sa kanila. Grabe, anong nangyari?
"Is there something wrong Dad?" tanong ni Aldrian. Tapos na din siguro siya kumain.
"N-no, but just be observant kids. Iba na ang panahon ngayon. Medyo matagal pa kasi kami doon mga 2-4 weeks? Kaya, kayo dito lang muna kayo. Hindi rin kasi pwedeng sumama kayo kasi mas..." huminto muna siya. "I mean, mas matagal pa tayo doon." dagdag pa ng daddy niya.
"Okay dad. Mag-iingat kayo palagi." ani ng kumag.
"Dad, take care as always. Both of you, and also...wag mo na lang kami alalahanin. A lot of people here will take care of us and this house. So, don't worry that much daddy." si Benjie sabay lapit at yakap sa ama sumunod din si Brianna na humalik pa sa pisngi ng ama.
Napangiti ang ama dahil sa ikinilos ng mga anak, sabay tingin kay Aldrian at tumango.
"Come here Son." tawag ng daddy ni Aldrian sa kaniya.
Lumapit naman ang kumag at yumakap din sa ama. Sa nakikita ko, mukang mas close din sina Brianna at Benjie sa daddy nila kaysa sa mommy nila.
"Smile..." si Benjie sabay click sa camera gamit ang cellphone niya.
"Ahh... Can I join?" yung mommy nila na kapapasok lang.
"Sure honey, come..." ani ng daddy niya. Medyo lumayo ng kaunti ang kumag nang dumikit yung tita sa daddy niya.
"Okay, honey be ready. Mamaya na yung flight natin." Ani ng tita niya. Tumango naman ang daddy niya.
"Kids, mag-iingat kayo dito ah? Mabilis lang kami doon." Nakangiting ani ng tita nila. Tumango yung dalawang bata. Lumapit sa akin ang kumag at binuhat ako.
Umalis na ang dalawang bata sa kusina. Maliligo pa daw. Pinapaligo na kasi ng daddy nila.
"Dad, mauna na po ako. Ibabalik ko lang po si Cathy sa kanila." tumango yung daddy.
"Okay son, go on. Drive slowly and safely." ani ng daddy niya, ngumiti siya at tumango sabay alis na.
"Cath, you okay?" tanong niya. Ba't ako ang tinatanong? Tumango na lang ako bilang tugon.
"Okay, ihahatid na kita. Pasensya na late ako ng gising but don't worry, ako na ang bahala magpakain sa mga alaga mo." ani pa niya, tanging tango lang din ang sagot ko. Tapos katahimikan ang nanatili habang nagmamaneho siya.
- jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top