CHAPTER 47
★she's my girlfriend★
Catherine's POV
Andito pa din ako sa bahay ng mga Meringuez, sa kwarto ng kumag.
Andoon naman siya sa sinasabi nilang HK daw, sana all. Sana all na lang talaga!
"Cath?" Pagtawag niya. Puting T-shirt and black short shorts lang ang suot niya pero grabe ang pormahan niya. Kakaiba talaga ang awra, nahiya ako sa suot ko na mas lalong ikinadugyot ko huhu.
"Bakit?!"
"You can borrow my shirt and pants there. Mukang basa kasi 'yang suot mo." 'Di mukang basa, basa talaga! Paano ba naman ng pusa pa ako kanina, 'di kasi natuyo 'yung mga balahibo ko.
"Okay, salamat." Tugon ko sa kaniya.
"Oum, kung pwede din. Ahmm, bukas ka na lang din umuwi. Kung ayaw mong makita ka nila." Sabi pa niya.
"Ahm, sige dating gawi." Sabi ko. Tumango naman siya.
"'Wag kang mag-alala, kung gusto mo diyan sa kama ikaw na lang diyan. Ako na lang doon sa sofa. Atsaka ngayon, ayoko kasing matulog sa kama na iyan. Parang mas maganda kasing matulog dito sa sofa mamaya eh." Sabi pa niya.
Maya-maya pa ay tumunog ang tiyan ko, nagagalit yata. 7:30 pm na at wala pa ding dinner huhu. Gutom na ako.
Tumawa siya ng marahan. Bakla!
"Hoy! Ba't ka tumatawa?!" Sita ko sa kaniya.
"A-ano kasi, sorry. Haha, sige na nga bihis ka na lang diyan. Kukunin ko na muna ang pagkain doon." Sabi niya, tumatawa pa! Bwesit! Ang ingay din kasi ng tiyan na ito, 'di man lang makapaghintay.
Hala! Ang lovies at likies ko?!
"Babawi na lang ako sa susunod." Wala sa sariling sabi ko.
Kumuha ako ng T-shirt and black pants sa closet niya. Parang babae lang? Well arranged, by color pa! Ausy, ausy, ausy men!
Pumasok na ako sa comfort room ng kwarto niya. Ang gara talaga! Like, pwede ding dito na lang ako matutulog.
In-undressed ko na ang lahat, buti na lang 'di na basa 'yung underwear ko. Pero gusto kong maligo! Tsk! Bukas na lang nga! Isinuot ko muna ang T-shirt na oversized sa akin.
"Waaaaaaaaahhhhh!" Sigaw ko, sabay takbo palabas ng bathroom na iyon at dire-diretsong lumabas ng kwarto ng kumag.
"Wahhh---" ako.
"Cath---" Si Aldrian na may dala pang main and side dishes sa iisang tray.
"What the hell is going on?!" Tita niya kasama ang daddy niya. Sina Brianna at Benjie andito din. Sa labas ng kwarto ng kumag. Lagot!
"Dad, t-tita..." Banggit ni Aldrian.
"Ate Catherine, you're here!" Galak na galak na sabi ni Brianna. Nginitian ko lang siya. Pero ngiting awkward! Huhu! Bwesit na gagamba 'yun!
"Ahm, sorry po. May g-gagamba po kasi doon sa ano...sa kwarto ni Aldrian." Nakayuko na sabi ko.
"And who are you little Sassy?" Tanong ng tita ni Aldrian. Katakot ng tingin.
"A-ako po si Catherine."
"Why are you here? Inside Aldrian's room?" Kalmado pero may diin ang bawat mga salita.
"Ahm, kasi--"
"She's my girlfriend." Tugon ng kumag. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
Nararamdaman ko ang bawat mga tingin ng tita niya. Mula ulo hanggang paa! Nakakahiya!
Pinasadahan ko din ng tingin ng palihim ang kabuuan ko. Napakurap-kurap na lamang ako ng malaman na wala pala akong pants! My ghad! Kahit mahaba at oversized 'yung T-shirt eh kita pa rin 'yung tuhod ko.
Napalunok ako ng dalawang beses. Intense!
"Oh, so you're the girlfriend."
"Yes, she is. Can we step aside now? Nagugutom na ang girlfriend ko." Sabi pa ng kumag sabay hakbang papunta sa loob ng kwarto niya.
"Ahm, pasensya na po." Sabi ko at yumuko.
"It's okay. Nice meeting you Miss..."
"Cathy po." Dagdag ko.
"Miss Cathy." Sabi niya pa. Ngumiti na lang ako. Tumango naman 'yung daddy niya. Ang pogi ng daddy niya, may pinagmanahan pala.
"Ate Cath, huwag ka muna umuwi ah? May sasabihin pa ako sayo." Sabi ni Brianna. Tumango na lang ako.
"Cath!" Tawag sa akin ng kumag. Kaya sumunod na din ako.
"Eh?! S-sorry. M-may gagamba kasi doon sa bathroom niyo." Sabi ko.
"Ahm. It's okay, I'm sorry. Hindi ko sana sinabi ding girlfriend kita but hindi sila titigil hangga't wala silang nakukuhang sagot na papasa sa kanila. Pasensya na." Aniya.
"Naiintindihan ko. Pero ano, 'yung tita mo. Sa side ba 'yon ng mama mo or papa mo?"tanong ko. May something eh!
"She is my step mom. She is Brianna and Benji's mother." Sabi niya. Kaya pala! May iba talaga! Kakaiba 'yung mga tingin niya kay Aldrian. At sa nakikita ko kay Aldrian may kakaiba din sa kaniya. Parang ayaw niya sa tita niya, ayaw nila sa isa't isa.
"Ibig sabihin, ahmm... Wala. 'Wag mo na lang isipin iyon. Kain na lang tayo." Sabi ko.
"Sige lang, magtanong ka na." Sabi niya.
"Diba, may step mom ka? Ahm, matagal na bang nakatira din dito sila? Tapos kayo andito din sa iisang bubong? Diba kasi nga, alam mo na...'yung awkwardness."
"Ahh, hindi. 10 years old ako noon at umalis kami ni mama dito sa bahay. Kasi, 'yon din sa mismong taon na iyon. Nabuo si Benjie, magkaibigan 'yan silang tatlo ni mama at papa. But, nakita mo nga naman. Wala na lang ginawa si mama para 'di na rin lumaki ang gulo. Actually, before kami umalis sa bahay na ito. Pinalayas na din kami ng babaeng iyan. Kaya ayon, ang mama ko na lang ang lumayo. Kasi nga teacher si mama ko, masama kung maraming isyu. 'Di nakakaganda sa propesyon niya kaya siya na lang din mismo ang nag-file ng annulment. Kaya ayon." Sabi niya.
"Ahm, so paano ka nakabalik dito?" Tanong kong muli.
"Ahm, mula ng mailibing si mama. Makalipas ang isang buwan noon ay pinabalik ako dito ni Dad, ayaw ko pa sana kaso gabi-gabi akong nanaginip kay mama. Gusto niyang bumalik na din ako doon. Ang saya ko noon eh, kasi nga dinadalaw ako niya Sa panaginip, kaso nagagalit siya at nananakot... Haha, susunduin na niya daw ako. Sa totoo lang okay lang naman sa kaniya na dito lang kami ni mama tumira noon eh. Pero, wala eh. Mas pinili ni mama ang manahimik, ang lumayo." Sabi niya sabay tingin sa akin.
"Ahh, ganoon pala. Grabe naman--"
"Oops, kumain ka na! Sige na. Baka matulog kang 'di makakain dahil sa mga kinukwento ko." Tumawa pa siya habang sinasabi iyon.
"Sige, kakain na po. P-pero, pwede a-ano pakikuha ng pants at da-damit ko doon?" Sabi ko sabay turo sa comfort room ng kwarto niya.
"Ah, sure." Sabi niya.
"B-basa nga 'yung damit mo." Sabi pa niya. Dali-dali ko naman kinuha sa kaniya iyon. Nakakahiya! Kakaiba ang araw na ito! Hiya overload na ako dito sa bahay na ito ay?!
"So, your underwear is wet too." Sabi pa niya. Nabilaukan tuloy ako. Literal! Ba't walang preno 'yung bibig niya?!
Inabot niya sa akin ang baso ng tubig.
"Ahm, o-okay lang hin-hindi naman basa 'yung damit ko lang talaga." Sabi ko ng nakayuko.
"Oh, okay. Sige kumain kana."
"Ikaw? 'Di ka pa ba kakain?" Tanong ko.
"Tapos na ako." Sabi niya.
"Huh?! Ba't ang dami nito? Ako lang uubos nito?" Taka kong tanong.
"Yeah, kailangan mo iyan. Para naman magkalaman ka." Seryosong sabi niya.
Anong ibig niyang sabihin?! Na-flat ako?!
"Hoy! Anong magkalaman?! 'Di naman buto-buto 'yong katawan ko ah?!"
"Hindi nga but your so skinny. Pero mabigat." Tugon pa niya.
"Tsk, bastos!" Sabi ko.
"Hey I am not like that!" Aniya, habang nag-c-cellphone. "Hey, also, please correct your cousin that the author of PS story is not cecebel. It's CeCelib." Dagdag niya na ikinataka ko.
"What?!"
"'Yung wattpad story." Sabi pa niya.
"Did you really read it?!" Taka kong tanong.
"Not yet! But it's on my library na." Sabi niya.
"What?! Diba may advisory content iyon?!"
"Ahm, I'm 20 already and I read at my own risk. And also CeCelib means innocent author. So CeCelib reader is innocent reader." Sabi pa niya. Napaka-inosente nga naman!
"I don't care!" Sabi ko at ipinagpapatuloy na ang pagkain. Ang dami naman nito! 'Di ko talaga mauubos ito.
Busy lang siya sa pagc-cellphone. Tsk, bahala siya.
"Uyy! Tapos na ako! Pero 'di ko maubos ang lahat. Maari ko bang ibigay na lang ito sa mga kaibigan mo?" Tanong ko.
"Kaibigan?" Taka niyang tanong, pero 'di man lang lumingon sa akin.
"Oo 'yung mga pusa mo." Sabi ko pa na ikinalingon niya.
"Haha, oo pwede naman. Pero ako na lang bahala diyan. Baka gusto mo na makita silang muli?" Sabi niya. Aba?! Nang-aasar!
"Tsk, sige na. Ikaw na ang bahala diyan."
"Kung nag-aalala ka sa mga alaga mo. 'Wag na lang. Kasi napakain ko na naman sila kanina. Pumunta kasi ako doon, ibinalik ko ang kotse ng pinsan mo doon sa may garahe niyo."
"Oh? Okay salamat!" Galak kong sabi.
Hayys, 'di na nila ako iinisin nito. Mga tampuhin pa naman ang mga lovies at likies ko na iyon.
★★★
THANK YOU FOR READING MGIAC, LOVIES!
Thank you for reading My own HeartLess Prince (MOHP)❤ love y'all😻
VoCom (votes and comments) are highly appreciated!❤
-jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top