CHAPTER 45
★ bagyo ★
Catherine's POV
"Good morning Cathy!" Bati ni Raven.
"Good morning Cath!" Si Aldrian.
"Good morning!" Bati ko sa kanila.
"Ahem, tara na guys! Pag-aya ni Damie.
"Sandali... Bakit may kotse??! Akala ko ba mag-j-jogging? Bakit may kotse, sino sasakay diyan?" Tanong ko.
"Ah eh, sa akin 'yan hehe. Sandali, ah Cath. Dito lang muna 'yan sa inyo ah? Babalikan ko lang mamaya 'pag tapos na tayo mag-jogging." Sabi ni Damie.
"Oh, okay." Tugon ko. Kinuha ni Raven ang susi kay Damie at ipinark doon sa may balkonahe namin.
"Yiee, guys tingin dito. Three, two, smile! Again three, two, wacky! Oppa!" Si Damie. Hays, kakagulat 'yun ah?! Ba't ba 'di ako masanay-sanay sa kaniya. Hilig kasi niyang kumuha ng pictures pero yung pictures 'di mahilig sa kaniya. Pangit ng kuha huhu. Kahit photogenic ka, 'di ka maliligtas sa pangunguha niya ng picture, picture na may tama.
"Blurred." Komento ni Raven.
"Okay lang 'yan. Haha, tayo pa naman din 'yan eh. Atsaka normal lang 'yan medyo madilim pa kaya. Kaya ganiyan 'yang kuha." Sabi no Damie.
"Haha, oo tayo pa rin 'yan." Ang Aldrian at Raven. Wow, sabay pa talaga sila nagkomento oh.
"Tara, takbo!!!" Si Raven na agad ding tumakbo kasabay ng paghawak niya sa kamay niya Damie. Kaya, nakasabay din agad 'yung pinsan ko.
"Hoy, bakit kayo nang-iiwan?!" Pasigaw kong sabi habang nagtatakbo palapit sa kanila. Pero, mas lalong bumilis ang takbo nila.
"Cath, 'wag kang mag-alala. 'Di naman kita iiwan eh." Sabi ng Kumag na sumasabay sa takbo ko.
Hay naku! Bwesit! Bakit ang hina ko sa mga sports?!
"Tseh! 'Di kita bati ngayon!" Sabi ko at mas binilisan pa ang pagtakbo pero nakahabol pa rin ang kumag.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Kasi, sumama ka!" Tugon ko.
Huminto muna ako, huminto din ang kumag.
"Bakit? Ayaw mo ba akong sumama?" Sabi niya habang nagpupunas ng pawis niya. Gamit niya 'yong handkerchief na binigay ko sa kaniya kagabi.
Ang cute...ni----ni Doraemon!
"Ayaw! Hmpp!" Ako at inalis ang tingin sa kaniya. Mas pinagpapawisan ako. Bwesit! May nunal pala siya sa may kilid ng mata niya pero maliit lang. Maliit pero nakikita ko. Naparaming lunok ako doon ah?!
"Kung 'di ka sana sumama, edi 'di rin sana ako nakasama dito. Humanda ka sa akin na Damie ka." Dagdag pa na sabi ko. Ngayon ko lang naisip na gusto pala ng mag-jowang 'yon na i-match up kaming dalawa ni Aldrian. Bwesit!
Eh, ang ayaw ko sa lahat ay iyong may nangingialam sa desisyon ko. Desisyon ko kung sino ang pipiliin kong makasama habang buhay. College student pa lang ako but 'yung mama at pinsan ko ang dami ba nilang nirereto sa akin. Maypa-blind date pa silang nalalaman. 'Yung akala mo, magl-lunch kayo, tapos bigla ka na lang iiwanan ng kasama mo atay bigla na lang magpapakilala sa iyo at sasabihin na may date kayo. Bwesit! Ang mas malala, makikita mo lang sa paligid 'yung kasama mong kinikilig n parang pusa. Tapos nakikinig pa!
"Cath, alam mo naman na pinilit lang din ako. Pero kung gusto mo, ihatid na kita pabalik sa bahay niyo." Sabi niya. Ihatid?! Ayaw ko!
Ayoko! Ayoko muna siyang makasama ngayon. Ang gulo kasi ng pakiramdam ko. Ang gulo! Bakit ba kasi siya ganito?!
"Ahm, pwede bang ibili mo muna ako ng pandesal?" Paghingi ko ng pabor.
"Ahm, okay. Sandali lang ah? Dito ka muna. Huwag kang aalis." Bilin niya.
"Oo, dito lang ako. Nakakapagod kayang tumakbo. Hehe." Sabi ko. Ngumiti naman siya.
Sorry Aldrian. Ayoko lang na pinapangunahan ang desisyon ko ng iba.
"Okay." Sabi niya at tumakbo na sa may bakeshop.
Pagkatakbo niya, tumakbo na rin ako pabalik sa tinatakbuhan ko kanina. Uuwi na ako.
Bigla-bigla na lang bumuhos ng napakalakas na ulan. 'Di pa ko nakakalahati sa tinatakbuhan ko kanina.
Ang hirap ng tumakbo kasi ang lakas ng ulan sinabayan pa ng malakas na hangin. May bagyo!
Bigla-bigla naman yata! Huhuhu. Pakihinto po muna ng ulan, please.
Naglakad na lang ako ng mabilis, wala kasing bahay-bahay dito. Kaya wala akong masisilungan. Ano ba naman?!
Mas binilisan ko pa ang lakad. Pa-lakad takbo ako para lang makarating sa bahay namin.
Pero... mukang iba na 'tong dinaanan ko. Ang dami na kasing mga mga puno't halaman. Bakit?! Hindi, hindi ito maari! Nagkakasugat na iyong balat ko dahil sa minsan na nadaanan kong kahoy. Natatapisod!
Naliligaw yata ako. Gusto ko ng umuwi! Bumalik ako sa dinaanan ko. Kailangan ko makauwi agad. Ang ginaw at ang lagkit na ng daan.
Ang hirap ihakbang din ng paa ko kasi bawat paghakbang ko, bawat pagtapak ko sa lupa ay pumapailalim pa 'yong paa ko dahil sa sobrang basa na ng lupa.
Lord Jesus, kota na po muna ako ngayon. Tulungan niyo po ako panginoon. Gusto ko na pong umuwi. Pasensya na po sa mga kagagawan kong 'di niyo gusto. Alam ko pong tutulungan niyo ako kaya ikaw na po ang bahala sa akin.
Pagtuloy pa rin ako sa paglalakad kahit padahan-dahan lang.
Basang-basa na ako. Sana 'di ko na lang iniwan doon si Aldrian. Sana 'di na lang ako naging ma-pride. Baka nag-aalala na iyon.
Nanlalambot na iyong katawan ko sa sobrang lamig. Hindi ko na kaya pang makabalik sa bahay.
Kahit ang labo na ng paningin ko dahil sa buhos ng ulan na siyang sinabayan pa ng luha ko ay nakikita ko na ang daan ng kalsada na siyang nadaanan namin kanina ng mag-jogging.
Thank you Lord Jesus.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa 'di kalayuan may naririnig akong sigaw.
"Cath! Cathy!" Si Aldrian.
"A-andito ako." Sambit ko, pero alam kong 'di niya ako naririnig. 'Di na sapat 'yung tinig ko. Paos na, kaya alam kong 'di niya talaga naririnig.
Nararamdaman ko na lang na nag-transform na pala ako sa pusa.
'Di ko na kaya. Bago pa ako tuluyang bumagsak ay may nakita akong munting ilaw na paparating sa akin.
Aldrian's POV
Binilin ko sa kaniya na doon lang siya ngunit ng makabili na ako ng pandesal wala na siya.
Iniwan ko ang pandesal sa puwesto niya kanina. Dali-dali akong tumakbo papunta sa tinakbuhan kanina nila Damie at Raven.
Umulan pa. Ngayon pa talaga umulan!
Makalipas ang limang minuto sa katatakbo ko ay 'di ko pa rin siya nakikita.
May text si Raven sa akin.
From: RJ
Dree, umuwi na kayo ni Cathy. Uulan daw ng malakas ngayon. Kagabi pa ang balitang iyan kaya malapit na darating ang bagyo. Umuwi na kayo, bilisan niyo na. Andito kami ni Damie sa bahay nila Uncle Ben. Kung maari bumalik kayo sa dinaanan oh 'di kaya ay dumiretso din kayo dito.
Bumuhos na ang malakas na ulan na sinabayan pa ng malakas na hangin.
Nasaan ka na Cath?
Takbo ako ng takbo pabalik sa dinaanan ko. Nadaanan ko agad 'yung puwesto kung saan ko siya kanina iniwan. Nakita ko pang natapon na sa daan ang pandesal, basang-basa na ito kahit may balot eh paperbag naman. Dumiretso na ako, binilisan ko pa ang pagtakbo. Palakas ng palakas ang hangin.
"Cath! Cathy" pagtawag ko sa kaniya habang tumatakbo. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.
"Catherine!"
"Cath! Cathy! Nasaan ka na ba?!" Pagtawag kong muli. Bakit ba kasi siya umalis doon eh?! Kung ayaw niya akong makasama, kung iyon ang gusto niya eh ano pa 'yong magagawa ko?
Kailangan ko siya munang makita. Ang tigas kasi eh!
"Catherine!!!"
"Cath! Cathy!" pagsigaw kong tawag muli. At sa pagkakataon na ito parang may tumugon sa 'di kalayuan. Kahit ang lakas ng ulan ay narinig ko ang munting boses
Iwan ko pero parang si Cathy 'yun. Dali-dali akong tumakbo ng mabilis papunta sa unahan.
"Cath!" Nakita ko na lang siya na pusa na at nakahiga na.
Sh*t! Ba't may mga sugat siya?!
"Cath, 'wag kang mag-alala. Iuuwi na kita. Cath, please tatagan mo muna ang loob mo. Cathy." Sabi ko na siyang ikinabagal ng buhos ng ulan.
Dali-dali ko siyang kinarga at tumakbo ng mabilis na mabilis habang karga-karga ko siya. Ang init-init ng katawan niya. Kahit ang daming balahibo, pero 'yung balahibo niya ay basang-basa na kaya 'yong init ay lumalabas pa rin. Nanginginig siya, sobrang ginaw na ginaw na siguro siya.
Maya-maya pa ay nakikita ko na ang bahay nila. Dali-dali kong kinuha 'yung hairpin ni Brianna. Oo hairpin ni Brianna, kasi 'di naman palaging may dalang susi ang pusang 'to.
Nang mabuksan ay dali-dali din akong pumasok at isinara 'yung gate.
Binuksan ko din ang naka-lock din na pinto ng bahay nila gamit ang hairpin.
"Cath! Nandito na tayo sa inyo. Cath?! Cathy gumising ka! Cath! Idilat mo muna 'yang mga mata mo." Sabi ko at dali-dali siyang pinasok sa kwarto niya. Madali lang ako nakapag-groceries kasi hindi naka-lock.
"Nasaan ba iyong first aid kit niyo?" Tanong ko habang naghahanap. Natataranta na ako. Asan ba iyon?!
Aldrian kumalma ka. Inhale, exhale. Inhale, exhale.
Dinala ko siya sa CR at doon ko hinugasan ang sugat niya gamit ang sabon niya, buti na lang at dalawa ang sabon niya dito. Bioderm at safeguard. Ano naman ang iba-bandage ko dito?
Kinuha ko ang puting tela na nakapatong sa ibabaw ng kama niya. 'Di naman siguro niya ito gaamitin. Winasak ko ito at kumuha lang ako ng gigamit ko. Ipinahiga ko siya sa kama at kinumutan.
Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto niya. Pumunta ako sa kitchen nila, nagpakulo ng tubig gamit ang heater nila. Sinabay ko ang pagluluto ng lugaw.
Ano ba ang mayroon siya dito? Itlog, meat(pork), noddles, can goods and vegetables.
Kinuha ko ang tatlong itlog at iba pang pampalasa, ito na lang ang gagamitin ko para sa porridge. Mamaya na lang ako gagawa ng vegetables soup.
Pagkatapos kong magluto ay bumalik ako agad sa kwarto niya para mapakain na siyang maganda dahil gising na siya.
---jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top