CHAPTER 42


special visitor ★

Aldrian's POV

Alas dos na ng hapon ng mapagdesisyunan kong umuwi na.

Pagkarating sa bahay. Kay raming nagbago. Nagbago? Ang arrangement, design at program. May naka-set up na. Party? Bakit? Hindi ko naman sinabi na mag-p-party ah?

Si Dad.

"Sir, may mga bisita na po kayong nag-aantay sa loob." Sabi ni Manang Felipa ng madaanan kong nagpu-punas ng mga mesa.

"Manang, sino po may pakana nito?" Tanong ko.

"Daddy niyo po, sayang lang kasi bukas pa daw ng hapon sila makakauwi. Nagkaproblema daw kasi sa mga investors eh." Tugon niya.

Sanay na 'ko. Dating gawi.

"O-okay lang po. Pasok na po muna ako doon." Sabi ko. Ngumiti lang siya, bilang tugon.

Pumasok na ako sa loob at may mga bisita na nga na nag-aantay sa loob. Mga classmate ko.

"Bro Happy birthday!" Si John.

"Uyy, gurang ka na Dree. Hahaha. Happy birthday. Sana tumanda ka pa. Hahaha." Aba? Kahit kailan talaga.

"Hello Fynn! Happy, happy birthday!" Bati ni Kianne.

"Salamat, maraming salamat. Buti nakapunta kayo." Sabi ko. Pero ang totoo, wala akong niyaya na pumunta ngayon dito. Maliban sa isang nilalang na 'yon.

"Hey, sino ang nagtawag na kuya Fynn huh? Sino sa inyo?" Tanong ng bata. Si Meneiah. Nasa kilid lang niya si Brianna na ngumisi-ngisi.

May balak na naman 'tong dalawa na 'to.

"Me, why? 'Yun naman pangalan niya eh. First name." Sabi ni Kianne.

"Hey, I don't know you and I don't like that you call him Fynn. Only me, Brianna, and his girlfriend can call him like that okay?!" Aba?!

"Oh? Okay." Sabi ni Kianne. "Fy--este Aldrian, kayo na? Kaya pala, andito siya ngayon sa bansa, ikaw pala ang bibisitahin. Kala ko doon na lang siya palagi sa States." Tanong niya.

"What? Shtates? Kuya Fynn, do you have other girlfriend?" Si Brianna.

Grabe, wala pa nga akong girlfriend tinatanong na kung may iba pa ba.

"I don't have a girlfriend." Walang gana kong sagot.

"Wala daw tch!' si Brianna.

"Hindi pa pala kayo ni Nexxie? Akala ko sinagot---"

"Ahm excuse me, pupunta lang muna ako sa kwarto. Magbibihis lang." Pagputol ko kay Kianne.

"Hey, who is Nexxie?" Dinig ko pang tanong ni Meneiah.

"She is---" 'di ko na narinig pa dahil tuluyan na akong nakalayo sa ka kanila.

Birthday ko ngayon. Masaya ako. Oo masaya ako, pero may kulang. May kulang pa din.

Pahilata akong humiga sa may kama. Matutulog muna ako.

***
1 hour and 30 minutes later.

Bumangon ako at naghilamos muna bago nagbihis.

"Ma, sana nandito ka ngayon." Sabi ko sa kawalan..

Binuksan ko ang sliding window. Nararamdaman at nalanghap ko agad ang ihip ng masaganang hangin.

Natatanaw ko ang bawat paligid sa labas ng bahay. Nakikita ko mula dito ang treehouse kung saan ang mga pusa ko ngayon din ay nakangiti sa akin. Napangiti na lang din ako sa sarili ko.

Nang mapadako ang mga mata ko nakita ko ang isang pusa. Parang nabibigatan siya sa sarili niya. Wala naman siyang dala pero parang ang bigat ng dala niya.

Parang pamilyar siya. Anong ginagawa ng nilalang na 'yan dito?

Ewan ko, bakit ganito? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ng makita siya. May kung anong saya ang nadarama mula sa puso ko.

Akala ko busy siya.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

"Dree, happy birthday." Salubong sa akin ni Rave. Kasama niya si Damie.

"Happy birthday cous!" Bati ni Damie.

"Thank you. Salamat sa pagpunta niyong dalawa." sabi ko at dali-dali na namang umalis mula doon.

"Uyy Dree, saan ka pupunta?" Dinig kong tanong ng dalawa.

Liningon ko sila at sinenyasan ng  saglit lang at dali-dali na naman akong lumabas patungo sa gate. Bawat nakakasalubong ko ay bumabati sila sa akin. Ang daming tao. Ang dami naman ata masyado? Saan ba sila galing? Wala naman akong masyadong kakilala ah?

"Cathy andito ka ba para sorpresahin si Sir Aldrian." Tanong ni Manong Marco.

"Meow meow meow!"

Hahaha, nakakaintindi ka ba niyan Mang Marco?

"Ahem." Ako.

"Oh Sir, may special visitor kayo oh? Nakakabisado na niya 'yong daan haha. Baka, may pasa na naman ito." Sabi ni Mang Marco.

"Kayo talaga Mang Marco oh. Salamat at nakita niyo agad. Kung hindi, umakyat na naman ito siguro." Pagbibiro ko.

"Siguro? Siguradong aakyat talaga haha hilig niya yata ang umakyat eh, tapos mahuhulog din haha." Si Mang Marco.

"Meow meow meow!" Pag-ngiyaw ni Cathy. Hahaha, mukang naiinis na siya oh.

"Paano na Mang Marco, pasok na po muna kami doon. Mukang naiinis na kasi ang mahilig umakyat. Hahaha." Sabi ko. Hahaha, nakita ko na namang umirap ang pusa na 'yon.

"Sige po Sir. Kargahin niyo na lang po iyan sir. Mukang pagod na eh." Sabi ni Mang Marco.

"Sige ho." Sabi ko, tumango naman si Mang Marco.

Dinala ko na siya sa loob.

"Cathy!!!" Si Brianna.

"Hello Cathy, ikaw lang? 'Di mo kasama ang pinsan ko na iyon?" Si Damie.

"Cathy? Same name ha? Well-named! Sino po siya pet?" Si Meneiah.

"Di namin alam. Pero palagi 'yang nagpupunta sa bahay nila Cath." Tugon ni Damie.

"Ahm, guys...doon muna kami. Nagugutom kasi si Cathy eh." Sabi ko habang nakaturo sa dining area.

"Can I feed Cathy? Please?" Si Meneiah, nag-puppy eyes pa.

"Me too! Kuya, kami na lang po pleashe??" Si Brianna.

"Ahmm, ano pala... pupunta mamaya si ate Cathy niyo dito. Kung gusto niyo, ahmm h-hintayin niyo na lang siya dito ah?" Sabi ko.

4:50 na. Baka nag-t-transform siya mamaya?

Binuhat ko siyang muli.

"Really? Ma-m-meet ko na din tsiya tsa wakash hehe. Dito na lang muna ako." Sabi ni Brianna.

"Ahm, ako gusto ko ako ang magpakain sa kaniya." Sabi ni Meneiah. Lagot!

"Jade, ano kasi magpo-popo pa si Cathy eh. At hindi pwedeng may ibang makakaalam. Magagalit 'yan." Sabi ko.

"Hmmp! Ayaw mo lang talaga na may ibang magpakain sa kaniya eh. Magaling naman ako magpakain ng mga alaga ah?" Sabi niya.

"Yeah, magaling nga. Kaya nga lahat ng pinapakain mong mga alaga ay nagsusuka pagkatapos eh." Sabi ni Raven.

"Kuya naman! Pero 'di naman sila namamatay ah?" Sabi niya at nag-pout.

"Tsk!" Si Raven.

"Jade, ano kasi eh. Totoo ang sinasabi ko, tanungin mo pa si Cathy, sumasagot 'yan sa mga cute." Sabi ko.

"But I am not cute. I am beautiful." Pagtatama niya. Hahaha.

"Okay, sumasagot 'yan sa mga beautiful." Pag-uulit ko.

"Really??? Cathy, ahm magpo-popo kana ba talaga?" Tanong niya kay Cathy.

Pinandilatan ko ang pusa at kinindatan.

"Meow meow meow!"

"Ohhh! Okay, sa susunod na lang kita papakainin." Pagsuko niya. Kinurot pa ni Meneiah Jade ang pisngi ng pusa.

"Sige, guys enjoy lang kayo ah? Doon muna kami." Sabi ko sa kanila.

"Okay birthday boy." Sabay sabi ng dalawa (Damie and Raven).

"Meow meow meow! Meow meow meow?!!" Pag-ngiyaw niya ng makarating na kami sa kwarto.

"Oh? Sorry, Miss Cathy. Pero okay lang 'yun, maganda naman palusot ko eh. Hahaha." Sabi ko na ikinairap niya.

Hahaha. Akala ko 'di siya makakapunta. Pero paano niya nalaman?

"Cathy, bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

"Meow meow meow me--" 'di niya tinapos ang pag-ngiyaw at bigla na lang dumamba sa akin. Tapos hinalikan ako sa may pisngi.

"Hoy! Huwag ka ngang ano?! Parang tanga! Tusukin ko mga mata mo diyan eh!" Inilipat ko na lang ang tingin ko sa iba. Everytime she do that, I'll get stunned. Natutulala ako sa kaniyang mga mukha kahit pusa naman itsura niya. Pusa pa lang, lakas na ng tibok ng puso ko. 'Pag tao pa kaya siya?

"Happy birthday!" Bati niya.

"Thank you!" Sabi ko.

"Paano mo pala nalaman? Atsaka akala ko may importante kang lakad?" Tanong ko, umiwas naman siya ng tingin.

"Ahm, sinabi sa akin ni Damie. Sorry, huli ko ng malaman. 'Yung lakad naman na 'yon, bukas na lang matutuloy. Postponed muna." Sabi niya.

"Ahh, so bakit ka pala nandito? Gusto mo din akong makita no?" Tanong ko. Umirap naman ang pusang-tao na nasa harap ko.

"Tsk, hangin! Ano, p-pumunta ako dito kasi akala ko a-ano...akala ko maraming wine. 'Yun wine, pero wala akong nakikita dito sa loob. Sa labas ba, mayroon bang mga drinks doon?" Sabi niya. Hahaha, ang cute lang ng pusa na kaharap ko.

Parang nag-b-blush siya haha, kung tao siya ngayon siguro namumula na 'yong pisngi niya. Pero, siguro din mas pula pa 'yong pisngi ko kaysa sa kaniya. Ang dali kasing pumula nitong pisngi ko eh! Kasalanan ng pusa na ito.

"Oo mayroon, pero bawal ang mga pusa." Sabi ko. Sumimangot naman siya.

"Hoy! Inaano ba kita? Porket ba birthday mo ngayon 'di kita kayang awayin? Akala mo lang! Kagatin kita diyan eh?! Baka 'di pa matapos ang araw na ito isusugod kana sa hospital para sa anti-rabies. Tsk!" Daldal niya.

"Okay, pero oo nga. 'Di ka pwedeng uminom. Bahala ka baka 'pag malasing ka, maulit lang ang ginawa mo noon." Sabi ko.

"Ang alin?"

"Nung proposal party. Pero ngayon, dahil birthday ko baka ang masabi mo ay ako na 'yong crush mo. Hahaha. Kasi 'pag nasabi mo 'yon edi buking ka!" Sabi ko.

"Kapal ng mukha! Eh ano naman kung maulit 'yon at marinig nila? Eh, matagal na naman akong wala ng crush doon sa kaniya." Sabi niya.

"Ahh, okay. 'Di naman ako ang maririnig nila eh."  Sabi ko.

"Tsk, ano na bang oras?" Pagtatanong niya.

"5:30 na."

"Pwede mo 'ko ihatid sa labas? At sa kotse mo na lang nag-transform? Baka 'pag dito ako mag-transform, at lalabas ako dito. Maghihinala sila. Magtataka kung saan ako dumaan at paano ako nakapasok."  Dagdag niya pang sabi.

"Galing ah? Pinagplanuhan na talaga." Pang-aasar ko.

"Tseh! Ihahatid mo na lang ako doon sa labas at uuwi na 'ko. Parang tinataboy mo 'ko eh!" Sabi niya.

"Tsk, hinintay kitang makapunta dito tapos itataboy? Tsk, oo na. Doon ka na lang mag-transform Misis Catnoir." Sabi ko.

"Hoy babae ako no?! Lalaki naman iyon eh!"

"Kaya nga Misis eh. Tsk!" Sabi ko.

"Tara na nga!" Sabi niya at naunang lumakad. "Pasalamat ka birthday mo ngayon na kumag ka. Bwesit!" Dinig ko pang bulong niya.

Hahaha, napikon!

★★★★★★★★★★★★★★★

Thank you for reading!

Votes and comments are highly appreciated😻❤

--jessafelovers258























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top