CHAPTER 41
★ nahuhulog ★
Catherine's POV
"Cath! Cathy! Hays! Ang hirap pala talaga manggising ng isang tulog na pusa---" pusa?
'Di niya matapos-tapos ang sasabihin ng bumangon ako.
Tiningnan ko ang sarili ko.
Diyos ko po! Kala ko kung ano na! Kala ko kung alas sais na! Kala ko, nabuking na! Teka? Ano na bang oras?
Turn the lights on!
Oh my?! Bakit ang aga ng gising niya ngayon? Nakakapanibago! Once in a blue moon! Eh dati? Alas sais na ang pinaka-aga niyang gising eh! Ngayon? Alas 4:30 am pa lang po!
"Bakit ka ganiyan makatingin?" Tanong niya.
Ipinatulis ko pa din ang tingin sa kaniya.
"Anyare? Inaantok pa ako eh!" Sabi ko. Istorbo na naman kasi sa maganda kong panaginip. Mag-k-kiss na sana kami ni baby Dawn ko eh! Si Dawn Shou! Oh my goodness! Ang pogi niya!!!
Tiningnan ko ang kabuuan niya. Naka black leggings at white hoody jacket siya with white sport shoes.
"Hoy! Mag j-jogging kami ni baby ko ngayon. 'Di ka sasama? Mas mabuti ang mag-jogging sa umaga kaysa sa tanghali uyy! 'Yan kasi eh, sinasabi ko na nga ba. Eh sinabihan kita kagabi eh. 'Di kasi agad natulog... pwede namang sa umaga na lang tapusin ang tears in heaven na 'yan eh. Ngayon tapos mo na ba ang lahat ng episodes? Natural hindi! Kasi simula pa lang ka gabi eh at ang dami kaya noon." walang pagtigil na pagsasalita niya.
"Oo na, oo na. Sige na mag-jogging na kayo. Tsk. Ayoko sumama no?! Ayoko naman maging third wheel sa inyo haha!" Sabi ko.
"Hala! Grabe naman to oh? Pero, 'di ka naman magiging third wheel eh! Kasi kung gusto mo papupuntahin ko din ang palo-loves mo haha!" Sabi niya. May kakaiba sa evil smile ng pinsan ko.
"Sino naman?!"
"Edi si... Aldrian! Hahaha!" Huminto siya sa pagtawa at ngumisi ng nakaka-loka. "Well, speaking of your palo-loves. 'Di ka ba pupunta mamaya doon sa kanila?" Tanong niya.
"Ahmm? Hindi. Bakit naman ako pupunta doon?!"
"Tanong mo, sagot mo! Eh, ikaw lang naman 'tong nakakaalam no'n eh! Pero 'di ka talaga pupunta?" Tanong niyang muli. Umiling-iling naman ako. "Porket ba 'di siya pumunta noon sa birthday debut mo noon, eh 'di ka na rin pupunta sa birthday niya? Tsk." Sabi niya at umirap. Birthday?! Ni Aldrian?!
Kaya pala! Naalala ko tuloy ang sinabi niya kahapon.
*Flashback*
"Cathy? Ahmm, g-gusto mo bang pumunta sa amin bukas?" tanong niya habang nagmamaneho.
Bakit na naman? Kailangan ko na bang araw-araw-in ang pagpunta doon?
"Bakit? Anong meron?" Tanong ko.
"Ahmm, a-ano kasi...wala lang. Gusto kasi ni Brianna eh." Sabi niya.
Bakit parang may iba pa siyang gustong sabihin?
"Hmm? Pakisabi na lang sa kaniya na sa susunod na lang. Sorry... kasi 'di ako makakapunta bukas." Sabi ko.
Ngumiti siya. Ngiting nakakailang.
"Okay, o-kay lang. Sasabihin ko na lang sa kaniya." Sabi niya.
"Sige."
"May lakad ka bukas?" Tanong niya.
"O-oo. Inaya kasi ako ng kaibigan ko. Umaga pa sana 'yong schedule ng lakad pero alam mo na, 'di naman ako pwede kaya sa 6:00 pm na lang. Buti naman at pumayag siya." Sabi ko.
"Oh... Importante siguro sige sasabihin ko na lang kay Brianna." Sabi niya.
"Okay. Thank you."
"Eh sa umaga Cath? Kahit bilang pusa, makakapunta ka ba?" Tanong ulit niya.
"Mukhang hindi eh." Kailangan ko muna magpahinga sa lakad-lakad na 'yan.
"Hmm, okay."
Ngumiti na lang ako sa kaniya.
"Ano na bang oras?" Tanong ko.
"5:45, 'wag kang mag-alala. Andito na tayo." Sabi niya at inihinto ang sasakyan sa kilid ng kalsada.
"Salamat, ahmm pwedeng paki-pasok na lang doon ng mga 'yan?" Sabi ko. Pagtutukoy sa mga binili namin.
"Sure. No problem."
Binuhat niya ang mga 'yon papasok sa loob.
"Okay, mauna na ako. Hinanap na kasi ako ni Brianna." Pagpa-alam niya.
*End of flashback*
Kaya siguro ng-seen lang 'yon sa chat message ko kagabi. Nagtatampo ang kumag!
Paano na nito? Naka-oo na ako sa aya ni Jake. Birthday pala niya. 'Di man lang sinabi ng diretso. Paano naman kasi, ng in-stalk ko siya. Hidden ang information about sa birthday niya.
"Uyy Catherine Gaile Lopez Caljes bakit ka nakatulala diyan. Kung ayaw mo edi 'wag kang pumunta doon, balita ko pupunta daw ang mga friends niya." Sabi niya.
Eh ano naman ngayon?! Natural, may party! Alangan naman papuntahin niya ang 'di niya mga kaibigan.
"Dame, antok pa ako... Hintayin mo na lang si Raven okay?" Sabi ko.
"Tsk, ikaw bahala sa ayaw at sa gusto mo. Alam ko, pupunta ka din haha! Alam na this! Kala ko si Aldrian lang ang nahuhulog, ikaw din pala hahaha!" Sabi niya.
"Pinagsasabi mo?! 'Di naman ako nahuhulog ah?! Kitang buhay pa oh! Saan naman ako mahuhulog eh wala namang second floor 'tong bahay namin no?! Atsaka problema ko kung nahulog 'yon?! Birthday na birthday niya 'di siya nag-iingat. Kung tumalon siya mula sa second floor nila, pasalamat lang siya kung buhay pa. Hay naku! Makatulog na nga!" Sabi ko.
Mukang naguguluhan si Damie sa sinasabi ko. Pero, ng maja-gets... ngumisi na naman na parang aso.
"Hahaha hahaha hahaha hahaha! Hahaha hahaha hahaha hah--*ubo* *ubo* *ubo* ---hahaha! Haha--"
"Ayy nabo*ng na!" Pagputol ko sa tawa niya.
Sumeryoso siya at ngumisi na naman.
"Cathy, kayo ni Aldrian ay nahuhulog na sa isa't isa. 'Yung puso niyo! Hahaha. Figure of speech! 'Di ko alam na ang pinsan ko ay may topak din pala." Sabi niya ulit. Tiningnan ko siya ng masama.
Alam ko naman 'yung ibig sabihin niya kanina eh. Alam ko...Pero 'di 'yon totoo. 'Di pa ako nahuhulog no! Ayyy?! Talagang hindi!
"Basta buhay pa ako, at hanggang buhay pa ako 'di ako mahuhulog s kaniya no? Sino naman ma-i-inlove doon?" Sabi ko. Sino nga kaya? Sabi ko sa utak ko.
Ayyy paki-alam ko?! Wala akong paki kung sino man 'yon!
"Nagsalita ng 'di pa tapos. Eh? Ikaw din, baka may something na pala sa puso mo hehe. Okay, matulog ka na at sana pumunta ka doon sa kanila. Gusto ka ng ma-meet nila Brianna, paano ba naman kasi nakapunta na nga doon 'di pa nagpakita sa mga kapatid niya hays." Sabi niya.
"Dame?!" Tawag ng kung sino.
"Oo nandiyan na! Oh? Mauna na 'ko? 'Di ka talaga sasama?" Tanong niya. Umiling-iling ako.
"Sige kita na lang tayo mamayang hapon sa kanila ni Aldrian. Bye!" At sa wakas! Umalis na din.
Ano na ang gagawin ko?
Gusto ko sanang andoon ako sa birthday niya kahit saglit lang ako doon. Paano ba naman kasi, malakas pakiramdam ko na may tampo iyon. Tsk! 'Di naman ng s-seen 'yon ng message eh.
Atsaka pang-bawi man lang sa tulong niya sa tuwing kailangan ko ng tulong. Siya kasi ang nakakaalam ng pagiging pusa ko sa umaga.
'Di na ako makatulog ulit, nawala na ang antok ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-fb.
I-c-chat ko na lang si Jake.
4:50 am
Jake: pwede ba na sa susunod na lang na araw i-set 'yung pagkikita natin? Ganoon pa din ang oras...pero bukas na lang. Pasensya na may gagawin pa kasi ako ngayon. Salamat.
Open na kaya ang mga mall? Alas 5:00 am na.
Dali-dali akong naligo at nagbihis. Mag-t-taxi na lang ako.
Nga nakarating ako sa isang mall, mall na mas malapit lang. Ayoko na muna doon sa malayong mall. Baka abutin ako ng pagiging pusa eh.
"Ano kayang magandang pang-regalo doon? Meron naman siyang mga gamit eh, 'di ko na kailangan pang bumili ng meron na siya." Sabi ko sa sarili.
"Miss, ahmm... pasensya na po pero pang-birthday gift po ba ang hinahanap niyo?" Tanong ng isang saleslady.
"Yes."
"Para sa babae po ba o sa lalaki?" Tanong niyang muli.
"Lalaki."
"Ah, sa boyfriend niyo po ba? Kung hindi ka pa po nakapili, isipin niyo po kung ano 'yung paborito niyang gamitin o mga hilig niya." Sabi pa niya. Aba?!
Hilig? Pusa?! Pusa ang kinahihiligan noon eh.
"I don't know more about him. Pero mahilig siya sa pusa."
"Ahh, so your boyfriend is into cats? Well, pwede po naman na pusa na lang ibigay mo sa kaniya." Suggestion niya.
What?! Ako, magbibigay ng pusa? I hate them! Argggghhh! Kahit 'di ko na sila masyadong kinaiinisan but still I hate cats. Cats are lazy, and smelly! But there is an exemption, me being a cat. I am not lazy and I am not stinky not like the other cats.
Hindi! Hindi ako bibili ng pusa kahit iregalo ko lang naman din. Ayoko pa din.
"Sorry, pero mayroon ba kayong mga gamit that is related to cats? Cat thingy." Sabi ko.
"Opo, mayroon po. Doon po tayo." Sabi niya, sumunod naman ako.
"What? Hello Kitty? Doraemon? And Tom? Catnoir? Wow! Galing!" Sabi ko. I'm not into cats, but still when I was a child I'm a fan of Hello Kitty and Doraemon. 'Yung iba na bago lang sa paningin ko like Catnoir ay nakita ko 'yun sa internet accidentally.
Mga teddy bear? Ang iba naman, mug, cap, shoes, t-shirt, costumes, stickers, handkerchief, and even a mask with print like cats, lalo na 'yong na mentioned ko kanina? 'Yun ang karamihan na mga design. May bracelet at necklace din na ganoon pa din ang mga design. May headband din na may ear ng pusa. May cat cages pa.
"Miss, ahm. May napili na po ba kayo?" Tanong ng saleslady.
"O-oo." Sabi ko. Bahala na si Batman!
"Okay po."
"Cap, mug, T-shirt with terno short, handkerchief, and necklace with the Doraemon design." Sabi ko. Nakita ko kasi siya noon, nanonood ng Doraemon sila ni Brianna at Benjie. Doraemon siblings!
"Wait, do you have balloon with Doraemon design too?" Tanong ko.
"Yes Miss." At ipinakita ito sa akin. Wow! Cute!
Nang maka-bayad na ako doon sa cashier ay lumabas na ako. Tiningnan ko ang oras, 5:30 na, there's still 30 minutes left.
Dali-dali akong nag-para ng taxi at sumakay. Makauwi na nga!
★★★★★★★★★★★★★★★
A/N: Unedited! Sorry for typographical errors and wrong grammar.
--jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top