CHAPTER 40
★ personal business ★
Aldrian's POV
May 14, 2020. Birthday ko ngayon. 20 years of age na ako. Ewan ko, pero sobrang excited ko kahapon. But it turns out na hindi pala makakapunta si Cathy. Nagbago 'yung feeling.
Alas diyes na ako ng umaga nagising. Ang aga ko naman natulog kagabi pero wala eh, ang haba ng tulog ko pero putol-putol.
First birthday na wala si Mama ko. Hayss, bibisita na lang ako mamaya doon.
Naligo na ako, pagkatapos nagbihis. 10:30 am.
Paglabas ko. Nakangiting mga mukha ang bumungad sa akin.
"Happy birthday!!!" Bati nila sa akin. Nila, ang mga tao na nakatira dito. "Happy birthday to you, Happy birthday to you... Happy birthday...happy birthday. Happy birthday to you... Happy birthday!" pagkanta nila.
Alam pala nila. Alam nila 'yung kaarawan ko.
Ngumiti ako sa kanilang lahat.
"Maraming salamat sa inyong lahat. Kala ko walang nakakaalam sa inyo eh."
"Matanda na ako iho, pero 'di ko pa din nakakalimutan ang kaarawan mo gaya ng 'di namin paglimot sa inyo ng mama mo." Si Manang Louisa.
"Sir kaya alas diyes na kayo lumabas ng kwarto niyo? Iyong kwarto ang nakakasama niyo sa loob ng mahabang oras na 'yon." Si Marites.
"Oo nga sir, sana naipasyal muna kami ngayon kung lumabas ka agad." Si Marisol.
"Sir mukang may lakad kayo ah? Gusto niyo ho bang ipag-drive ko kayo?" Tanong ni Mang Marco. Guard namin at driver din.
Tiningnan ko silang lahat. Kumpleto! Kumpleto 'yong mga kasambahay, guard at 'yong iba pang Butler dito. Si Brianna ayon, kumakain na ng chocolate cake. Si Benjie ang may dala ng cake na may mga kandila pa. Pa-simple lang naman kumuha si Brianna na nasa gilid lang ni Benjie.
"Kuya, Happy birthday! Make a wish and blow the Cand---" tiningnan niya ng masama si Brianna. Nakangiti naman si Brianna habang dinidilaan pa nito ang kumalat na icing sa ibabaw ng labi niya. "Bree, can't you see?! Hindi pa nakakawish si kuya. Pero nahiwaan muna agad?" Dagdag pa ni Benjie. Ngumuso naman ang Brianna. Hahaha.
Natatawa na lang ang iba pang mga nandito.
"It's okay Benj... I'll make a wish na okay? Hmmm..." *Blow*
"Happy birthday!!!" Bati nilang muli.
"Salamat... Maraming, maraming salamat sa inyo." Nakangiting sabi ko.
Nagsimula na akong mag-slice ng cake ng may lumapit sa akin at bumulong.
"Kuya lakihan mo pag-shlite (slice) tsa akin ah?" Alam niyo na kung sino 'yon hahaha. Lumapit si Benjie sa akin.
"Kuya, maliit lang kay Brianna na slice kasi kumuha na siya kanina niyan." Sabi ni Benj.
"Hmmp... Kuya Aldrian don't lishten (listen) to him. Ang liit lang kaya ng nakuha ko kanina!" Sabi ni Brianna.
"Wow, maliit? But it's equivalent to two slice na hiniwa na ni kuya. Ang liit pala ng portion na 'yon? Ahh maliit nga kasi 'di naman naka one-fourth sa laki ng cake na ito no? Grabe." Pang-aasar ni Benjie.
"Kuya Aldrian oh!!! Ang bad mo tsa akin kuya Benj! Huhuhu, itsutsumbong (isusumbong) kita kay Dad." Sabi ni Brianna.
"Benj, okay lang 'yan. 'Wag mo na lang siya asarin ngayon. Bree, do you want more slice of it?" Sabi ko habang hawak 'yong cake.
"Yeah I want more!"
"Okay, you can have mine too." Sabi ko.
"But kuya, it'sh your birthday. It'sh your cake. You should tashte (taste) it. Kuya Benjie baked it for you." Sabi niya.
"It's okay, kakain na lang ako. Si Benjie pala nag-bake eh. Thanks Benj." Sabi ko. Ngumiti at tumango naman si Benjie. "I can make more, I can bake more cakes." Sabi ko.
"Really?! Tsige kuya, I don't want more shlicet (slice) of chocolate cake. Jush (just) two shlicet ish okay." Just two? Ang kinain niya kanina. Ang measure noon ay gaya ng dalawang slice na cake. Ang galing ng kapatid ko na ito.
Ang isa naman. Si Benjie. 'Di siya mahilig sa pagkain pero di naman siya mapili at nagpapabaya. 'Di katulad ng isa na kahit anong pagkain, sinusubo sa bibig.
"Tsk." Dinig kong pagsinghap ng isa kong kapatid.
Kumakain na ang lahat ng Chocolate cakes with strawberry juice. Masayang nagkukuwentuhan ang lahat.
"Okay. Magsibalikan na tayo sa trabaho." Dinig kong sabi ni Manang Louisa ng matapos na ang lahat sa pagkain.
"Sige. Tara na! Let's go!" Si Marisol.
"Okay." Sabi ng iba.
"Kuya, doon muna ako." Sabi ni Benj, sabay turo sa hidden kitchen.
"Sure." Tumango siya at umalis din. Tutulong 'yon sa mga gawain doon.
Hilig ni Benjie ang maglaro ng online games, reading stories (novel), and playing basketball. Pero kahit ganoon ang mga hilig niya, sa kunting panahon pa lang na pamamalagi ko dito. Napapansin ko na mahilig din siyang tumulong sa mga gawaing bahay dito.
"Kuya may lakad ka ba ngayon?" Tanong ni Brianna.
"Ahmm, yeah."
"Hmm? Tso, kailan ka po ba mag-b-bake ng maraming cakesh?" Tanong ulit niya.
Kaya pala. Hahaha. Katatapos lang namin kumain ah?
"Oh? Maybe tomorr---"
"Okay. Tomorrow. Hehehe. Okay doon na lang muna ako tsa kanila ni ate Maritech. Bye-bye!" Sabi niya at umalis. Tapos bumalik din. "Wait, ate Catherine should be with you ah? Are you two having a date?"
"No she's busy... I am going to visit Mom." Sabi ko.
"Hmmp. Kailan mo ba tsiya ipapakilala tsa akin? Tsige, Cathy the cat musht (must) be with you pagbalik mo ah?"
"Oh? I-I can't promise." Sabi ko. Na ikina-simangot niya.
Busy kasi si Cathy. Mas importante ang lakad niya sa kaibigan niya. Ako kaibigan lang din niya, pero 'yong lakad niya. Kaibigan niya na matagal na niyang kilala.
Eh? Ako? Baguhan pa lang.
"Why? Butsy (busy) din ba tsi Cathy the cat? Ano 'yong ginagawa nila? May businessh din ba tsila gaya nila Dad and Mom?"
"Ahmm, well yeah. They are busy about their own business. Personal business." Sabi ko.
"Pershonal businessh? Okay. Maybe shomeday (someday) na lang. Ma-m-meet ko din tsi ate Catherine."
"Okay sure. You'll meet her someday." Sabi ko.
"Shure (sure), I will. Kung 'di mo pa rin ako ipapakilala tsa girlfriend mo ako ang magpapakilala tsa kaniya." Sabi niya.
"Girlfriend? Who? Cathy?" Sunod-sunod kong tanong.
"Yesh." Tugon niya.
"Sino ang nagsabi?"
"Ate Maritech, ate Maritol, ate Damie and kuya Raven." Sabi niya. Aba?! Ang galing!
"'Di 'yun totoo. She is not my girlfriend...not for now."
"Tsee (see)? Ikaw na nagtsabi, edi magiging girlfriend mo pa din tsiya. Pareha lang 'yon. Hay naku. Even ate Meneiah tsaid (said) it too. Ate Catherine will be mad at you 'caute ('cause) you still denying it." Sabi ng Brianna. Bata pa ba ito?
"No, Cathy? Mad at me? Yes! At maybe sa inyo na siya magagalit ngayon."
"And why ish that?"
"Because you spread the fake news." Sabi ko.
"Well, 'di naman fake newsh (news) 'yon ah? Magiging kayo din naman. It'sh okay that the newsh ish early. Kaytsa (kaysa) late na. Edi late din namin malalaman. Buti nga advantse (advance) eh. Advantse talaga kaming mga Catdrian. Kami pa?!" Sabi niya.
"Catdrian?" Takang tanong ko.
"Yesh! Why? Don't you like it? What do you like then? CatFyn? AldriCath? Ano nga 'yong shecond (second) name niya oh?" Nag-iisip pa. May pa hawak-hawak pa siya sa nguso niya. "Aha! Gaile! AldriGaile? GaileDrian? Eh? Bashta (basta) CathDrian pa rin!"
"Haha ang galing-galing naman ninyo?" Sabi ko.
"Yesh of courshe! Kami pa!" Proud niyang sabi.
"Okay, mauna na ako." Sabi ko. Baka magiliw pa ako sa 'pagsasalita sa lola niyo este Brianna niyo.
Tumango naman siya at ngumiti.
"Okay. Bye-bye! Drive shlowly." Sabi niya at humalik sa pisngi ko.
"I will."
***
11:30 na.
"Ma, it's my birthday... First birthday na wala ka sa tabi ko pero nandito lang sa puso ko. Ma, I miss you so much. Salamat sa lahat-lahat Ma. 'Wag kayong mag-alala sa akin, okay lang po ako. Masaya po ang anak niyo ngayon." Sabi ko.
'Pag birthday ko kasi, palagi akong sinasabihan ni Mama na dapat daw maging masaya ako. Dapat daw totoo 'yong ngiti ko. Noon kasi, may something sa akin na sa tuwing birthday ko kahit nandoon lang si Mama sa amin ay may hinahanap pa rin ako. Presensya ng isang tao. Presence ni Dad.
Gabi kasi palagi si Dad pupunta sa akin. Minsan naman hindi siya nakakapunta at sa ikalawang araw na lang pupunta. Kaya 'pag naka-simangot ako. Palaging naghahanap si Mama ng paraan na maging masaya ako.
Kaya nga sinabihan ako niya na "Mas naging cute ka 'pag naka-simangot pero pumopogi 'pag nakangiti. Ngingiti na 'yan! Ngingiti na 'yan!" Diba? Ang galing niya, 'yan lang sasabihin niya tapos magtatawanan na kami.
Kaya nga minsan nagpapanggap akong naka-simangot para kulitin niya ako.
"Ma, dito lang muna ako ah?" 'Di naman masyadong mainit atsaka may bubong naman.
Tiningnan ko ang relo ko.
"12:05 na pala." Sambit ko. Mamayang ala una na lang ako uuwi.
A/N: Pasensya na po sa wrong grammar at typo error. Hindi pa po kasi na-e-edit ni author.
Salamat sa pagbabasa ng nobelang ito. Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta MGIAC readers!
--jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top