CHAPTER 4

Cath is a cat

Catherine's POV

"Cath! Cath nasaan ka? Uuwi na'ko gusto mong doon na lang mag-breakfast? Cath? Cath!!!" 7:00 am na! Siyempre si Dame pagka-gising pa lang. At pusa na ako. Hays. Rinig na rinig ko ang mga sinasabi ng isang ito.

'Di man lang nakita 'yung nasa table na notes.

Lumapit ako sa kaniya.

"Meow! Meow! meow meow!" Ay 'di na pala ako naiintindihan nito dahil pusa na ako. Pero bakit ako naiintindihan ko siya? Siguro dahil tao rin ako? My GOD!

"Cathy the cat"
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

"Uy ang cute mo naman!" sabi niya. Tsk pag ako'y tao, 'di man lang nasabihan ng cute. Tapos ito ako pusa, cute? Kailan pa nagiging cute ang mga pusa? Well siguro may cute na pusa na ngayon. At ako iyon. Kadiri!!! Ayoko talaga sa pusa.

"Ayys teka nasaan na ba iyong cousin ko na iyon? Nakita mo little cutie? Teka bakit ka nandito magagalit iyon 'pag narito ka! 'Di niya gusto mga pusa, lalo na mga pusang cute. Naiingit iyon, 'di kasi cute haha!" Ako pa talagang tinanong, eh ako naman cousin niya. Tsk. Ako hindi cute, well atleast maganda naman at sexy. Haha, charot. Pero maganda talaga ako.

"Meow meow meow!" boses ko bilang pusa 'di naman kasi ako naiintindihan kaya lumapit ako sa may lamesa at doon lang ako tumitingin para mapansin ng pinsan ko ang notes.

Lumapit naman siya at sa wakas napansin na niya ang notes na iyon.

"Dame good morning. Dahil tulog-mantika ka pa, ay lumabas ako para mag-grocery. Baka matagalan pa ako kasi may dadaanan din akong ibang tindahan para sa ibang bibilhin ko," sambit niya. Kita ko naman sa kaniyang noo ang pagkunot nito. "Sa inyo ka nalang mag-breakfast o 'di kaya'y magluto ka nalang diyan kung marunong ka, kaso 'di naman. Sorry 'di ako nagluto. Tsaka nag-text na'ko sa mama mo na uuwi ka na. Para maghanda sila ng marami-raming pagkain este masasarap na pagkain hehe. 'Pag umalis ka paki-lock lang ng pinto. May susi naman ako. Thanks, Cathy!" basa niya sa letter ko.

Para namang nag-iisip muna siya, "sige na nga, maka-uwi na baka hinanap na'ko saka baka masayang lang ang pagkain na hinanda nila," Sabi niya.

"Teka dapat umuwi ka na rin sa amo mo baka hinanap ka na rin. Kukupkupin sana kita kaso baka bumisita 'yung cat hater kong pinsan tsaka baka may amo ka rin. So, sabay na tayong lumabas," aniya. Ha? hindi pwede. Baka maligaw ako. Hindi, tsaka nasa bag ko ang susi sa bahay namin.

Tumakbo ako pero nakuha pa rin ako. Tsk paano na 'to?

"Little cutie hindi ka pwede rito, magagalit ang pinsan ko tsaka 'pag iwanan lang kita sa bahay na ito baka mapatay ka niya. Cat murderer iyon."

"Meow meow meow meow!" pag-ngiyaw ko. Grabe siya maka-cat murderer ha, I am a cat bully, but still I'm not a murderer. Wala akong napapatay na pusa sila pa nga mamamatay eh.

"Hindi ka talaga pwedeng iwanan dito. Kaya dito ka nalang sa gilid ng kalye 'wag kang pumagitna baka masagasaan ka. Pwede kang umuwi sa inyo, sa gilid ka dumaan o 'di kaya'y hintayin mo na lang amo mo dito ha? Pero 'wag kang lumapit sa babaeng masungit sa mga pusa. Babye!" sabi niya at umalis. Paano na 'to?

Aha! Paano makaakyat sa gate na ito?

Nagsimula akong gumapang paakyat pero nahulog ako, umakyat, nahulog. Nang gumapang akong muli, may lumapit sa aking lalaki.

"Anong ginagawa mo diyan baby? Hindi pwede umakyat diyan, nasasaktan ka na nga eh. Tsaka naliligaw ka ba, marami ka ng galos sa paa mo oh. Gusto mong sumama sa akin?" sabi niya. Tiningnan ko siya. Tsaka maka-baby ha, 'di ako baby. 'Di mo rin baby! Parang familiar siya. Saan ko ba siya nakita?

"Pauwi na ako sa amin, gusto mong sumama? Maraming cats doon siguradong magugustuhan ka nila," hindi ko siya pinansin. Umakyat akong muli, pero binuhat niya ako. Hays... Huwag! Ayaw ko sa iyo, sa iyo na ang mga pusang mga iyon. Ayaw ko sa mga pusa, ayaw ko sa sarili ko.

"Bawal pumunta diyan saka naka lock ang pinto. Naliligaw ka ba? Walang tao riyan, kaya walang mag-aalaga sa iyo. Tingnan mo marami kanang galos oh," sabi niya sabay turo ng mga pasa ko sa may tuhod. Hays, baka 'pag tao na ako magka-piklat pa. Pero ok lang sana sumama sa kaniya dahil mukha namang mabait, may hitsura, pog--- parang nakita ko na siya. Saan nga ba iyon? Naka-cap kasi siya eh.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha. Mukang mas pogi pa kay crush, pet lover din pero cat-lover siya unlike my crush na puppy-lover pareha kami. Pero 'di ako ang crush noon. Okay lang 3 years ko lang naman siyang naging crush. Pero siya 5 years na siyang nagkacrush sa pinsan ko. Alam ko diba, crush ko kasi.

Pero wala namang alam 'yun si girl. Iba kasi crush noon eh.

'Yun na nga okay lang sana sumama kung pusa talaga ako kaso nagta-transform ako sa tao tuwing 6:00Pm hays. Kaya 'di talaga pwede.

"Tara, magugustuhan mo doon maraming foods doon mukhang nagugutom kana ah. 'Di ka pa nag-breakfast? Nasaan ba iyong amo mo? Kung itiknakwil ka sa akin ka nalang," isinakay na niya ako sa kotse niya na kulay itim, I hate black pero maganda naman ang sasakyan niya gusto ko ang pagka-black nito. Malibog tayo, ayy? Ako lang pala.

Habang nagmamaneho siya nagpatugtug siya ng music. Romantic music. Tsk. Inlove? Bahala siya. 'Di pa rin tinanggal cap niya, tsk.

'Di ko namamalayang nakatulog na pala ako sa biyahe.

Aldrian's POV

May 6 ngayon at inutusan ako ni Dad na pumunta sa kabilang kanto para kunin ang ibang mga papeles na kailangan niya. Kasi kailangan niya ito, para maka-punta siya ng Maynila bukas. 'Di kasi makakapunta sa amin ang inutusan niya dahil nilagnat. Kaya ako nalang daw kukuha ng mga papeles na sinasabi niya.

Binigyan niya ako ng kotse, marami siya nito kaya binigyan niya ako nito. Okay lang naman sa babaeng iyon. Ay kay Tita pala.

Pagkatapos kung kunin ang mga papeles ay nagpapa-alam na ako.

Sa 'di kalayuan, sa gilid ng kalye nakikita ko kung paano iwanan ng isang babae ang isang pusa. Mukang labag sa kalooban ng babaeng iyon na sa tingin ko'y nasa kaedaran ko lamang.

Pero iniwan niya pa rin. Hininto ko muna ang sasakyan ng makalapit na sa may pusa.

Cute cat, hinintay ko munang makalayo-layo ang babaeng iyon.
Lock ang gate kaya 'di siguro dito nakatira ang babaeng iyon.

Maya-maya pa ay umakyat ang pusa sa may gate, ngunit nahulog siya. Umakyat muli, nahulog na naman.

Lumabas na ako sa kotse at lumapit sa kaniya umakyat pa rin. Kawawang baby.

"Anong ginagawa mo diyan baby? Hindi pwede umakyat diyan, nasasaktan ka na nga eh.
Tsaka naliligaw ka ba, marami ka ng galos sa paa mo oh. Gusto mong sumama sa akin?" tanong ko sa kaniya as if naiintindihan niya ako. Tumingin siya sa akin. Mukang kinikilala niya ako.

"Pauwi na ako sa amin, gusto mong sumama? Maraming cats doon siguradong magugustuhan ka nila," hindi niya 'ko pinansin. Umakyat siyang muli ngunit binuhat ko siya agad baka mahulog na naman.

"Bawal pumunta diyan saka naka-locked ang pinto. Naliligaw ka ba? Walang tao riyan, kaya walang mag-aalaga sa iyo. Tingnan mo marami kanang galos oh," itinuro ko pa ang mga pasa niya. Kawawang baby ko.
Tinitigan lang ako, cute din ako no? Titig kasi ng titig, hirap maging cute.

"Tara magugustuhan mo doon maraming foods doon mukhang nagugutom kana ah.
'Di ka pa nag-breakfast? Nasaan ba iyong amo mo, kung itiknakwil ka sa akin ka nalang." sabi ko. Tsaka isinakay ko na. Nagpumalag pa siya. May attitude din 'to ah.

Sa passenger seat ko siya sinakay. Tiningnan niya sasakyan ko. Mukhang namamangha ito, siyempre maganda ba naman sasakyan ni Dad. Buti sa'kin na 'to marami naman siya nito iba-iba pa ang kulay.

In-open ko ang stereo nito, 'pag open ko romantic songs.
Love song. Ok na siguro 'to mukhang nagugustuhan ng baby ko. Maya-maya lang nakatulog na siya. Ang bilis naman patulugin nito. Mukang napagod ata.

Andito na kami sa bahay ni Dad, ay namin pala. Bumisina ako para mapagbuksan ng tao sa loob. Maya-maya lang ay pinagbuksan na ako ng isang kasambahay.

'Pag lingon ko sa kasama ko, gising na. Nagising ata sa pagbusina ko. Alas 9:00 AM na.

Ibinigay ko ang susi sa isang driver para siya na lang magpark ng kotse. Dala-dala ko si.... Ano ipapangalan ko sa kaniya?

"Cate! Kat! Kath! Kathryn? Caitline? Cally? Kitty? Ano ba? 'Pag lumingon ka sa'kin iyon na pangalan mo pero marami na ang natawag ko sa iyo, hindi ka lumilingon. Kung... Katy 'di pa rin? Ahh, Cathy!" lumingon siya so Cathy! Sa wakas Cathy, Cathy maganda pero maganda 'pag...

"Catherine!" gulat siyang lumingon ulit sa'kin. Haha, Catherine. Very well, bagay sa kaniya.

"Oh sige, Catherine is your name and Cathy is your nickname baby," sambit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top