CHAPTER 35
💕 I'm not your Dad!
Catherine's POV
"Cath, kumain ka na lang 'wag ka ng mahiya. Atsaka, bakit ka ganiyan makatingin?" Sabi ng kumag!
Nagtanong pa talaga ah?
Gutom na ako, gusto ko ng kumain pero galit pa ako sa kumag na 'to.
Siyempre sino ba naman ang 'di magagalit?
Nasa kalagitnaan nako ng ending eh, story ending namin ni Cha Eun Wo tapos ang scene ay kasalan na ng dumating si Bright para tigilan yung kasal kasi siya daw ang pakakasalan ko na siyang sumuway naman sina Dylan at Jungkook dahil silang dalawa lang daw ang pagpipilian ko.
Ngunit 'di matapos kasi bigla na lang kung may anong liwanag sa pintuan at bumukas ito. Iniluwa nito si baby ko, baby kong si Deib Lohr na siyang may tao din sa likod, ang future fiancée ko na si Nadech Kugimiya. Sumunod pa si ex-suitor ko na si Kim Taehyung.
Nakisali pa si boy best friend ko na si Z-tao 'yun pala 'di nila alam na kasal na ako kay Xing Zhao Lin. At pumasok sa eksena ang hubby ko, sabay sabi sa kanilang lahat "my wife is not for sale!" Huhuhu! At kissing scene na sana ng makigulo ang hinayupak na kumag! Juice colored! Ano ba naman oh? Panira ang lokong kumag. Panira ng magandang panaginip.
Eh, kung maka-gising kailangan pa talaga ng 'Cath gising andito si Raven. Rave pasok!' kala mo kung sinong host na nagpapasok ng sikat na artist!
"'Di ka kakain? 'Di ka mabubusog ng katitig sa'kin niyan." Sabi niya at ngumisi. Sira!
Akmang kukunin na niya 'yung plate at pagkain ko pero pinigilan ko agad.
"Sinong may sabi na 'di ako kakain?!"
Nangunguha ng pagkain, eh may pagkain pa kaya sa plato niya.
"I-ikaw?" Siya.
Kailan ko sinabing ayaw ko kakain?
Umirap na lang ako at nagsimula ng kumain. Napailing-iling na lang ang kumag!
"Sa-salamat nga pala kanina ah?" Sabi ko.
"Okay lang iyon. Bakit ka kasi umaalis na lang bigla eh. 'Yan tuloy muntik ka ng mapahamak. Kung mapano ka kaya doon at kung walang nakakita sa---"
"Salamat nga dahil ikaw pa nakakita sa akin doon."
"Eh paano nga kung wala ako doon?" Siya.
"Eh, nahanap mo naman ako ah?" Sabi ko.
"Tsk, kulit! Oo, sige na tapusin mo na 'yang pagkain mo."
'Di ko na lang siya pinansin at tinapos na 'yung pagkain.
Pagkatapos kong kumain, ay bago pa niya dinala ang mga pinagkainan namin papunta doon sa labas.
"Want some?"tanong niya pagkabalik. May ice cream?
Whooahhh! Gusto ko niyan!
"Yes, please." Sabi ko.
Ibinigay niya sa akin yung ube flavour. Sa kaniya naman, hmm mukang mango yata o cheese ang flavour.
"Thanks!"
Buti na lang may ice cream. At buti na lang din at 'di na ako masyadong mainit at 'di na masakit ang ulo ko.
"Okay, siguro 6:20 na lang kita ihatid bukas." Sabi niya.
Hala! Ang mga lovies ko at likies ako!
"Okay." Sabi ko na lang.
"Hmm, may masakit pa ba sa'yo? Masakit pa rin ba ang ulo mo?"
Ngumiti ako sa kaniya.
"Hindi na, may ice cream kasi hehe."
"Good answer!?" Siya.
"Oo nga, wala ng masakit sa akin. Malakas kasi ako." Malakas? Madaling mahawa sa sakit!
"Tsk, sabihin mo lang kung sumakit ulit ah?"
"Oo sasabihin ko na Papa." Sabi ko na siyang nagpakunot ng kaniyang noo.
"Papa? I'm not your Dad?!" Sabi niya.
"Oh? Edi, lolo na lang." Sabi ko.
"Hay naku, mukang magaling ka na nga. Magaling na mang-asar eh." Pabirong sabi niya.
"Magpa-asar naman!" Sabi ko.
"Tsk!"
Ang ganda ng tsk niya, sana tsk ko din ay maganda.
"Cathy, bakit ka ba kasi umalis?" Tanong niyang muli.
"Kaya mo ba ako binigyan ng ice cream dahil diyan?"
"H-hindi, gusto ko lang talaga malaman kung bakit bigla ka na lang aalis ng ganun-ganun lang." Mahinang sabi niya.
"Okay, sasabihin ko na. Ang kulit din eh?! Ganito kasi 'yan, may sagot na kasi sa mga katanungan ko pero ang mga sagot na iyon ay mas lalong nagpagulo ng isipan ko." Kung bakit bigla na lang may nagaganap na mahika-mahika na 'yan. Kung paano nagsimula ang lahat.
"Ano ba kasi ang nalaman mo?" Tanong pa niya.
"Nalaman ko na kung sino ang unang naparusahan ng diwata at bakit siya naparusahan, at siya ding pumatay sa kapatid ko. At sure akong kilala mo siya."
"Kapatid? Kilala ko?"
"Oo, pero siguro ano 'di mo na siya natatandaan. Kasi matagal na naman 'yun, mahigit sampung taon na ang nakakalipas. Siya si Jamaica."
"Si Yaya Jamaica? Paano? Matagal na siyang wala. Sabi ni Dad, matagal na daw siyang patay. Pero bakit---" kilala nga niya?
"Yun ay hindi na siya tao ngayon. Sa naiintindihan ko, siya ay nabubuhay ngayon bilang pusa."
"'Yun ba ay dahil 'di siya nagtagumpay sa misyon niya? Ganoon din ba ang mangyayari 'pag 'di ka nagtagumpay sa parusa na may kaakibat na misyon na sinasabi mo? Ganoon din ba Cath?" Andoon ang malumanay na boses niya at pag-aalala sa tono ng sinasabi niya ang mga 'yun.
"Oo, kung 'di ako magtagumpay... magiging pusa na nga ako habang-buhay at wala na akong magagawa doon, 'pag nangyari na iyon." Pang-walong araw ko na ngayon sa kamay ng parusa na iyan. Pero hindi ko alam kung mahahanap ko pa ba ang true love na sinasabi ng diwata na 'yun.
"'Wag kang mag-alala Cath, 'di mangyayari sayo 'yun. 'Di ko hahayaan na maging pusa ka habambuhay. Magtatagumpay ka, tutulungan kita." Sabi niya at ngumiti.
Tutulungan?! Sa paghahanap ng true love?!
"Okay." 'Yun na lang sinabi ko at ngumiti.
"Pero alam mo ba kung bakit siya naparusahan?" Pagtatanong niya.
"Hmm, sabi ng mga pusa na 'yun. Ano daw... Naparusahan daw siya dahil sa kagagawan niya. Maling kagagawan niya, ang patayin ang alaga at itinuturing anak ng diwata." Sabi ko.
At ang patayin ang kapatid ko. Sabi ko sa isipan ko.
"Pero bakit niya nagawa 'yun? Gusto din niya ang mga pusa. Napapalapit siya sa mga pusa dahil sa amin ni mama. Paano niya nagawang pumatay ng pusa? 'Di niya magagawa 'yun." Sabi niya.
"Di niya magagawa 'yun? Eh bakit kapatid ko nagawa din niyang patayin? Siya ay isang pusa na noon. Bakit niya nagawang patayin ang walang kaalam-alam na kapatid ko?! Bakit?!"
Napa-isip naman siya at napailing-iling.
"Bakit siya nagkakaganoon? Mabait naman siya eh." Sabi pa niya. Mukang naguguluhan din siya.
"Mabait, siguro mabait nga siya kung 'di lang niya napatay kapatid ko. Ito pa, ang babaw lang ng dahilan kung bakit ako naparusahan. Dahil binato ko lang naman ang mata niya. Hindi ko 'yun sadya pero sana pinutol ko ma din ang leeg niya. Kung alam ko lang na siya 'yun. Sana pinatay ko na lang din siya. At higit sa lahat sa akin din nakasalalay ang buhay pagiging tao niya. Alam mo... 'Pag nagtagumpay ako, makikinabang din siya dahil magiging tao na din siya. Mabubuhay siyang muli bilang tao sa ibang katangian. Eh, ang kapatid ko... mabubuhay pa ba?! Hindi na... Hindi na. Kaya gustuhin ko man na ayaw magtagumpay para 'di na rin siya babalik sa pagiging tao ay 'di ko magawa, kasi nakasalalay din ang habang-buhay ko na pagkatao. Ayoko maging pusa habangbuhay. Ayoko..."
"Cath... Wag mo siyang patayin dahil 'pag ginawa mo din 'yun ay wala ka na ring pagkaiba sa kaniya. Hayaan mo ang Diyos na ang bahala sa kaniya. Baka may pinagdaanan lang siyang 'di kaaya-aya kaya niya nagawa iyon." Sabi niya.
"Bakit mo siya pinagtatanggol? Dahil pusa na din siya? Ayyy oo nga pala, nakilala mo din ako bilang pusa kaya ka napapalapit sa akin. Ang hilig mo talaga sa pusa no? Pero ito tandaan mo hindi ako pusa kaya 'wag mo akong kahiligan. " Sabi ko.
"Cath... Hindi naman sa ganoon."
"Hindi nga sa ganoon. Hay, okay lang. Gusto ko lang naman sana maghigante sa pusa na iyon. Pero ayaw ko, dahil ayaw ko ding maging pusa na lang habangbuhay kaya 'wag kang mag-alala. 'Di din mamatay ang pusa na 'yun. Kung 'yun ang inaalala mo." Sabi ko.
"C-Cathy---"
"Sshh, okay na. Okay lang. Salamat nga pala sa lahat. Kung okay lang makikitulog na naman ako ngayon dito. Gusto ko ng matulog, gusto ko na munang magpahinga." Sabi ko.
"O-okay." 'Yun na lang ang nasabi niya. Pero bago pa siya nakasagot ay pinikit ko na ang mga mata ko.
Ang sakit! Ang sakit ng ulo ko.
Sana man lang mawala na ang sakit sa ulo ko bukas.
★★★★★★★★★★★★★★★
Votes and comments are highly appreciated.
---jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top