CHAPTER 33
💕Brixen Jane
Catherine's POV
Andito lang ako sa treehouse kung saan ang lahat ng mga mata ay nakapikit pero gising na gising ang diwa.
Nang magtanong ako sa kanila kung sino makakasagot sa mga itatanong ko. Itatanong pa lang, wala pa pero ang mga pusang ito ay kaniya-kaniyang kilos pabalik sa kanilang higaan.
Wow! Ang babait naman!
"Bukas, ahmm. Babalik ako dito at sa susunod pang mga araw." Kitang-kita ko kung paano nagsibangon at dumilat ang kanilang mga mata. "Oh, kala ko tulog na kayo! Haha ayaw niyo ba akong bumalik ulit dito? Kahit ako, ayaw ko din, pero kailangan ko. Kaya ano? Tutulungan niyo akong sagutin ang mga katanungan ko o hindi?"
"Kagayang-kagaya at kamukhang-kamukha siya ni Brixen Jane." Bulong ng kung sino. Hinanap ko ito, kung sino boses 'yun. Pero di ko nalaman, 'di ko pa naman kasi kilala sila pati na mga boses nila.
Brixen Jane?
"Sino siya?" Tanong ko. Taka naman nila akong tiningnan.
"'Yung ibinulong ng isa sa inyo. Si Brixen Jane. Sino si Brixen Jane?" Pareho na silang nakayuko ngayon. Ayaw niyo talaga ah?!
"Okay, siguro kung ayaw niyo kong kausapin sa ngayon. Well, kailangan ko ngang bumalik bukas. Gusto niyo?" Aba?! Mukang ayaw nila akong bumalik dito bukas ah?!
"Ano ba?! Wala ba talaga sa inyo ang magsasalita? Sasabihin ko mamaya kay Aldrian na 'wag kayong bigyan ng pagkain. Alam niyo naman siguro na naiintindihan niya ako no?!" Cath! Patience is a virtue! Sabi ko sa isip ko. Mukang mauubos ko pasensya dito ah?
"Okay, aalis na ako. Siguro naman 'di kayo gugutumin no?! By the way, 'di ba hindi pa kayo nag-breakfast? Ayy mukang 'di naman kayo gutom eh." Sabi ko. Hahaha! May naglalaway na sa kanila. As in tulo laway na! Yuckness overload! "Sayang o-order pa naman sana ako o 'di kaya mag-request na lang kay Aldrian ng masasarap na pagkain. Ayy naamoy ko na masarap na luto ni Aldrian. Masarap pa naman talaga luto noon. Hay naku! Sige bye, bukas na lang ulit." Sabi ko. Hahaha! May kakagat na!
Tatlong hakbang pa lang ng may sumunod sa akin.
"C-Cathy!" Haha. Siya 'yung naglalaway kanina.
"Hmm? May kailangan ka?" Tanong ko.
"Ahm-eh pwede naman pag-usapan 'to eh. Basta 'wag mo lang kami kunan ng pagkain. Ahm k-kami, kami ang sasagot sa katanungan mo. Diba? Diba?!" Sabi niya. Pero, hindi umimik ang mga kasama niya. "Ah-eh a-ako na lang pala ang s-sasagot sa katanungan mo." Dagdag niya.
"Okay, madali naman akong kausap eh. So, paano ko malalaman na sasagot ka sa katanungan ko?" Tanong ko. Hahaha.
Tumingin muna siya sa mga kasama niya, pero ang mga walang'ya 'di nakakaintindi!
"Ahmm, si Brixen Jane ay isang pusa na kamukhang-kamukha mo at kagaya mo din kung magsalita." Sabi niya.
"Sorry, but narinig ko na 'yan eh hehe. I want new." Sabi ko.
"Ahhhh." Tumingin mo na siya sa mga kasama niya na wala pa ring imik! "Si Brixen Jane, siya ang kaisa-isang tinuturing na anak ni diwata Maria Catalina. Siya ang pinakainiingat-ingatan niya at ang pusang una niyang minahal bilang anak."
Anak-anakan ni diwata Catalina?
"Oh, asan na siya ngayon?" Tanong ko.
"Ahmm, wala na eh. Napatay siya."
"Diba, pinakamamahal niya? Bakit hinayaan niya itong mamatay diba may magic ang diwata, bakit hinayaan niya? Atsaka 'di ba matagal naman namamatay ang mga pusa? At anong napatay? Sino ang pumatay?" Sunod-sunod kong tanong.
"Kahit matagal nga kaming namamatay pero may hangganan din kami. Oo may magic siya, kaya niya kaming gamutin. Pero ang putol na ang leeg ay 'di niya magawang gamutin. 'Di niya kayang buhayin ang patay na." Putol ang leeg?
"Bakit wala siyang nagawa?" Tanong ko.
"May emergency meeting noon ang mga gods and goddesses. Pinatawag sila ng nasa itaas at 'pag may pulong na nagaganap sa itaas ay wala dapat manggulo dito. Walang hahadlang at walang dapat makakinig na hindi kasali sa pulong. Kaya si diwatang Catalina at iba pang gods and goddesses lang ang nakakaalam ng kung ano man ang pagpupulungan nila.. 'Yun na nga dahil may pulong noon ay 'yun din ang araw ng pagkamatay ni Brixen." Sabi niya.
"Sabi mo kanina napatay siya?" Tumango naman siya
"Kung ganoon, kilala niyo ba kung sino ang pumatay sa kaniya?" Tanong ko.
"A-ano kasi ahmm, oo s-siya s-si Jamaica na Jennica na ngayon." Sabi niya.
"Bakit iniba pangalan niya?" Tanong ko.
"A-ano kasi ahmm... Kasi pu---"
"Anne!" Pagputol ng kung sino kay Anne. Anne pala name ng naglalaway.
"Ahmm, sorry." Sabi ng Anne.
"Oh, okay. Sa susunod mo na lang sabihin." Tumango naman siya.
"T-TEKA! Ahmm, kilala niyo ba kung sino ang pusang a-ano...'yung nabato ko sa m-mata? Sino 'yun? Nabulag ba talaga siya? Kailangan ko kasi siyang maka-usap."
"Hindi siya tuluyang nabulag kasi ginamot agad ito ni diwata Catalina. Siya si Jennica."
"J-jenica? 'Yung dating Jamaica? D-diba...siya din ang nakapatay kay Brixen? Bakit---"
"Gulat ka no? Well, magkikita din kayo. Malapit na. 'Wag kang mag-alala, iba na siya ngayon." Sabi ng masungit na pusa.
"Kung siya 'yun, b-bakit buhay pa siya? Bakit? 'Di ba siya naparusahan? Bakit niya pinatay ang kakapwa niyang pusa? Bakit? Bakit?! Siya ang...siya ang pumatay sa k-kapatid ko." Pahina-pahinang sabi ko.
"Alam na niya! Ba't ang daldal niyo?!" Bulong ng kung sino pero dinig na dinig ko.
Ang gulo!!! Siya ang pumatay kay Brixen, siya ang pumatay kay Camzy, 'yung kapatid ko.
Pero, siya...heto. Buhay! Buhay siya, sana pinutol ko din ang leeg niya noon para matapos na siya. Ang unfair! Bakit damay kapatid ko?
"Anong t-taon niya napatay s-si Brixen?" Tanong ko.
Nafdadalawang isip pa ang Anne kung sasagot ba siya.
"Sampung taon na ang nakakalipas." A-ano daw?
10 years ago?!!
Paano?! Parehong taon ng pinatay ang kapatid ko.
Ito ba 'yung sinasabi ni diwata Catalina?
Na ang pusang nakagawa noon ng masama sa kapatid ko ay siyang nabato ko sa mata na naging dahilan ng bwesit na parusa na to, at siya ding pumatay sa alagang pinakamamahal ng diwata. Bakit? Bakit niya nagawa ang lahat ng 'yun?! Bakit nadamay pa kapatid ko?!
"Paano? Bakit?! Bakit kailangan niyang pumatay?!" Tanong ko.
Ang gulo! Sana 'di na lang ako pumunta dito! Mas lalong gumulo! 'Di ko na naiintindihan!
"Sorry pero ano, 'di pa namin masabi lahat kasi ano, ahmm... hindi pa ang tamang oras."
"Tamang oras?! Wow, okay! Okay... Salamat... Mauna na ako. Ahmm, Anne." Pagtawag ko doon sa babaeng naglalaway. "'Wag kang mag-alala, parating na pagkain niyo. Ahmm, mauna na ako ahh... Siguro ano--ahmm. Sa susunod na lang ako babalik. 'Di ba siya nagpapakita sa inyo? Ahmm, malamang hindi. Hayss, salamat... Update niyo na lang ako ah?"
"Cathy!" Tawag ng Anne.
"Bakit?"
"Ahmm, bumalik ka ah?" Sabi niya.
Ang bilis lang namin nagkausap pero okay na rin. Gumaan na rin kasi ang pakiramdam ko. Nabawasan medyo ang galit ko.
Pero siyang mas ikinagulo ng puso't isipan ko!
"Oo, babalik ako. May itatanong pa kasi ako eh. Sige mauna na ako."
"Mag-iingat ka." Sabi ng isa pang pusa. Ito 'yung pusa na nung una pa lang niya akong makita ay mukang galak na galak siya.
Ngumiti lang ako at umalis na.
"Oh, Cathy?! Uuwi ka na?! Teka! Tawagin ko lang si Sir Aldrian, baka tumakas ka na naman!" Dali-dali niyang isinara ang gate at tumakbo patungo sa treehouse. Tsk, bobo! Malamang tatakas talaga ako, tinulungan mo pa nga!
Wala diyan sir mo!
Dali-dali akong pumunta sa kilid ng puno at binilisang umakyat. Kahit masakit pa ang paa ko ay pinilit ko pa rin umakyat sa puno para makaalis na ako dito. Kailangan ko lang mapag-isa.
Ng maka-akyat ako ay dali-dali naman akong tumalon pababa na siyang mali kasi naman pagkababa ko doon, tumama na naman ang paa ko sa bato.
Paa kong may band aid pa. 'Di pa nga nakaka-recover eh! May bago na naman! Dumudugo na! Malas!
Umalis na ako kahit masakit pa rin paa ko. Mas sumakit!
Tigas kasi ng ulo mo Cath!
Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa...bumuhos ang napalakas na ulan!
Bakit umulan? Ang init-init pa kanina ah?!
Umiiyak na naman siya.
Tiningnan ko ang nadaanan ko na. Malayo-layo na pala! Huhu!
'Wag ka ng bumalik Cath! Panindigan mong umalis ka doon!
Sabi ng inner self ko.
Nagsisisi na nga eh!
Dapat lang!
'Di rin nakakatulong mga bacteria sa utak ko no? Dapat ng linisin!
Nagsimula na naman akong lumakad. Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad...
Hindi ko na kaya! Huhuhu!
🎶 "Rain, rain go away
Come again, another day
Little Cathy wants to play
Rain, rain go away...
Rain, rain go away
Come again another day
Little Cathy wants to play
Rain, rain go away."🎶 kanta ko habang humahakbang ng pilit.
Oh, no! Basang-basa na balahibo ko! Ang ginaw na! Gusto ko ng umuwi! Pahintuin niyo muna. Please!! Tumahan na po kayo!
Lakad, lakad, lakad... Hanggang sa sobrang hapdi na ng sugat ko. Pinilit ko pa ring humakbang pero...Bigla na lang dumilim ang lahat.
💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕
❤❤❤
A/N: Hindi pa po edited ito kaya pasensya na talaga sa wrong grammar and typo error.
Reads, votes and comments are highly appreciated. 😻😹
Nagbabasa po ako ng lahat ng comments, share ko lang hehe.
Thank you so much for reading this story MGIAC readers! Wo AI Ni !!!❤
--- jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top