CHAPTER 31
★crazy
Catherine's POV
Gumising ako ng maagang-maaga. 4:00 am haha. Maaga na ba?! Basta 'yun na 'yun, nalampasan ang record na 5:00 am haha.
Salamat sa tulong na maingay na alarm clock na 'to! Tsk!
"Good morning Cathy!" Bati ko sa sarili ko.
Pangpa-good vibes huhu.
Mark the day... May 12, 2020 pupunta ako sa bahay ng mga Meringuez at bilang pusa hayys.
Ayoko magpasundo sa kumag.
Bahala na basta ayaw ko talaga huhu.
Pero 'di ko alam ang daan patungo doon!
Paano na?!!
Aha! Si Damie?!!
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa pet house. Pinapakain ko mga lovies at likies ko habang kumakanta.
Mukang nagulat yata sila dahil ang aga huhu, ang aga din nilang gutumin mamaya!
🎶 "La la la, lalala, lala, lahhh! Lala lala lalala lahh--" 🎶
"Hoy, ano ba!! Magpatulog muna kayo! Parang wala lang kapitbahay ah!! Aga-aga pa, kung ayaw mo ng matulog pwes magpatulog ka muna. Ang ingay 'di naman maganda boses tseh!" Sigaw ni Aleng Bebang. Hay naku, ang may magandang boses kong bagong kapitbahay naiingit sa boses ko na mala-SarahG., Ayy naku talaga!
Ba't kasi 'di natulog ng maaga kagabi, tsk kala mo siya lang 'di nakatulog ng maayos ako din uyy! Bwiset na pa-karaoke na 'yan kagabi.
Kung-makakanta para bang wala ng bukas 'yan tuloy pangit ang gising ayyy 'di pala mukang wala pa talaga silang tulog kasi naman karaoke pa more!
Buti na lang at may earphone ako tsk! Kaya nakatulog ako kahit papaano.
Hiyang-hiya naman boses ko sa mala-paniki niyang boses, tseh ka rin!
Kay bago-bagong kapitbahay! 'Di marunong maki-sama! Tsk!
"Lovies kayo na ang bahala dito ah?! May pupuntahan lang ako."
"Aw aw aw aw!" Pagtahol ni Mikki. Siya kasi ang mahilig magbantay.
Alam na this!
"Oo Mikki. Ikaw magbantay sa harap ng bahay hehe. 'Wag kayong mag-away ah?! Okay??" Bilin ko sa kanila.
🎶 "Lalala lalala lalala!" 🎶 Pagkanta ko gamit ang mahinang boses.
"Kumain pa kayo ng marami hehe, maaga pa kaya maaga din kayo mamayang gutumin. Kaya ngayon pa lang ay bibigyan kayo ng extra feeds hehe." Sabi ko.
Pagkatapos ko doon, ay bumalik ako sa loob ng bahay. Nagsaing ako ng kanin. Tinolang isda at pritong itlog ang ulam ko, 'di kasi ako sanay na walang sabaw ang umagahan ko eh.
Kung wala naman talagang sabaw, kape na lang pares haha. Bakit ba?! Trip ko lang! Ang sarap kayang kumain 'pag may sabaw. Nasanay na rin siguro ako, kasi naman ang mama ganoon din tuwing umaga 'yung breakfast meal namin palaging may sabaw.
"Anong oras na?" Tiningnan ko ang wall clock. Ayy 5:00 am na?! Bilis naman!
Kumain na ako. Woah! Ba't ang sarap ko ng magluto? Ang sarap! May sira na ata dila ko! Nag-iba panimpla ko eh. Haha. Pero totoo, masarap nga!
Pagkatapos kong kumain ay naghugas muna ako ng pinagkainan ko. At nakaligo din.
Suot ko ngayon ay kulay violet na T-shirt with print 'mine' at pants. Ito lang, okay na siguro to. Magiging pusa din naman ako mamaya edi sayang lang kung magbihis ako ng magara eh wala namang makapansin? Pero, simple lang din naman talaga akong manamit pero 'di baduy!
5:30 na. Nag-fb ako muna and tiningnan bio ni Aldrian Kumag. Aws, buti naman specific ang nilagay niyang address. Bwesit! Sh*t, ano ba naman to?! Philippines?! Specific diba?! Kainis!
Tiningnan ko kila Marites at Marisol... Aba?! Kay Marisol, address: sa puso mo papa! Galing!
Marites, address: Laguna de chismiss street. Meron bang ganito?! Laguna de chismiss street?! Pfft!
Kay Benjie, Laguna, Philippines.
Oh sh*t! Galing! Magaling! Saan ako nito pupunta?! 'Di ko alam address! Ginamit ko ang GPS tracker. Bwahahahahaha. Madali at malapit lang pala!
In-off ko ang wifi baka may mag-connect at mahulaan password nito. Galing din kasi ng password namin. Password correct!
Ni-lock ko ang pinto at gate namin. Isinuksok ko ang susi sa ano ko... Sa basta, ako lang nakakaalam. Pero sasabihin ko na, sa loob ng... Sa loob ng pocket ko... Pocket ng bra!
Alam mo na?!
Doon lang pala bahay nila? Hays, lapit lang pala pero kung mag-drive ang kumag ang bagal eh malapit lang pala! Sa kabilang kanto!
Ano na bang oras?!
Di ko kasi dinala phone ko eh. Kasi baka mawala. 'Di 'yun kasya sa ano ko...sa pocket ng bra ko haha.
Binilisan ko ang paglalakad ng may mapansin akong kakaiba sa sarili ko. Kakaiba, gaya ng pag-t-transform ko bilang pusa. Kita ko na ang gate ng mga Meringuez kaya mas lalong binilisan ko.
Pero, ramdam ko na talaga mukang mag-6am na! Pumunta ako sa may puno. Malapit lang talaga ang gate mula sa kinatatayuan ko pero mabuti na rin na nakatago agad ako sa may puno huhuhu. Kasi naman! Pusa na 'ko!
Mabuti naman at wala masyadong tao. Isa lang kapitbahay nila?! Nasa tapat lang ng bahay nila, malaki din ang bahay ngunit mas malaki talaga ang bahay ng Meringuez.
Wow! Kay laki naman ng bakanteng lote na 'yun?!
Magkakaroon din ako nito at patatayuan ko ito ng malaking bahay. Malaki lang ayoko ng malaking-malaki, baka mainis ako dahil sa laki at maisipan kong paliitin ito.
"Hey!" Panggulat sa'kin ng itim na pusa.
Anong ginagawa niya dito? Mukang 'di siya kasali sa pusa ni Aldrian ah?! Oo hindi nga! Kasi, kung kasama ito doon. Malamang 'di ito basta-basta pinapalabas ng asungot na guwardiya na iyon
"Hey you!" Sabi ko. Kung maka-hey ah!
Pangit niya manitig! Tusukin ko kaya mata niyang kulay asul?
"How did it happen?" Tanong niya.
"What?!" Takang tanong ko.
"I saw you. You're a human. So how did you end up being a cat?" Kalmadong sabi niya.
'Di niya ako kilala. Pero, nakita niya ako na nag-transform.
"Nakita mo naman pala eh. Ba't nagtatanong ka pa?!" Sabi ko.
"Oh I see."
"I see mo mukha mo!"
"Ouh, brave woman. Brave cat!...I like you." What?!!
Nabo*ng ka?!
"Tseh! I don't like you!" Naiinis na sabi ko. Ang bilis mag-divert ng usapan ah.
"Can I befriend with you?"
Friends? Ayoko! Marami na ko noon! At ayaw ko dagdagan ng may pa-ilikeyou na kaibigan!
"Tsk! Hoy, ano ba?! Pwede umalis ka na ng sa ganoon ay maka-alis na 'ko?!" Tanong ko.
"How can I go if you're still talking to me?" Tanong niya.
"Paano ka makakaalis kung dami mong tanong malamang sasagutin ko talaga. Kaya 'wag ka ng magtanong para 'di kita sinasagot! Bwesit!"
"Oh, okay. But you didn't answer it seriously. Where are you going? And why did you transform into cat? What's that transformation for? You have a magic?" Sunod-sunod niyang tanong.
Aba?! 'Di nakakaintindi! Sinabing 'wag ng magtanong!
Ako iniinis niya ah.
"Hoy! You wanna know?!" Tumango naman siya. "Well, the answer is not your business and mind yours!" Sabi ko.
"You are really something." Tapos ngumiti ang pusang itim.
"Tsk! I. Am. Not. Something. I am someone you don't know and you will never know! Ikaw lang 'tong something eh! May something sa utak!"
"Something sa utak?" Takang sabi niya.
'Di na gets! Slow!
"Marunong lang pala magtagalog. Tsk. Something sa utak. 'Di mo gets?" Tumango siya. Well, that's you. There's something in your blurred mind! Crazy! Gets na?!" Tumango naman siya sa sinabi ko.
"Oh, I am not crazy. But I can be crazy, for you." sabi niya. Crazy mo mukha mo!
"Bilis! Bwesit ka! Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sa kaniya.
"I came here first, and also I am waiting for someone."
Waiting? Here?! Wow!!!
"Oh okay...tsk!" Sabi ko at umalis.
"Hey, what's your name?" Pahabol na sabi niya.
Nakikipag-usap sa 'di alam ang pangalan.
"Tseh!" Sabi ko.
Ngumisi siya.
"Oh, it's nice to meet you Che! I'm Rome!" Sabi niya. Rome?!
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta sa harap ng gate.
Umakyat ako sa malaking gate nila. Ang hirap!
Oh. oh. Oh. Mahuhulog ako! Oops---hayys buti na lang nakakapit ako agad hays. Muntik na ako doon ah!
"Oh nandiyan ka pala Cathy." Sabi ng guard. Bakit siya na naman?! Akala ko nag-s-switch sika ng isang guard? 'Di pa naman alas 7:00 ah?! Ang alam ko kasi 7am simula duty niya.
"'Wag ka muna malikot. Bubuk----yan sabing 'wag malikot eh." Napadaing kasi ako sa sakit huhu. Nahulog na naman! Ang sakit! Tumama sa bato ang paa ko huhu na naman! May dugo! Kainis!
Tiningnan ko ang puno kanina kung saan ko nakita ang itim na pusa buti na lang wala siya baka tawanan pa ako noon.
"Lika na nga ipapagamot na lang natin 'yan doon." Sabi ni manong guard at binuhat ako.
Ng marating niya ang second floor. Pumunta siya sa kwarto ni Aldrian at kumatok.
"Sino iyan?" Tanong ng kumag.
"Ako po ito sir." Sagot ng guard.
💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕
❤❤❤
A/N: Magulo? Pasensya na po, magulo kasi utak ni author hehe kaya asahan niyo ding magulo 'tong story na 'to😹😉
Pasensya na din sa typos and grammatical errors😻
Reads and votes are highly appreciated!💕
❣Thank you for supporting MGIAC story readers and co-writer❣
💕Jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top