CHAPTER 30

💕 ayy barbie! 💕

Aldrian's POV

Kung alam niyo lang, alas nuebe na ng gabi ngayon at 'di pa rin ako nakakaget-over sa 'make-up challenge'.

Ang daya ng kalaro ko!

Paano 'yung challenge? Ganito lang naman. Ako daw ang unang kukuha ng isang bagay at itatanong ko sa kaniya 'yun kung ano ang pangalan noon sa pamamagitan ng paghawak lamang nito.

Piniringan ko siya. Noong una, ayoko talaga. Talagang ayoko! Pero ang Brianna may sinabing tatawagin daw niya si Damie at Raven para papuntahin dito si Catherine.

Na siyang ok lang sana dahil pusa naman 'yun ngayon! Pero, 'yun na nga ang problema, baka kung saan-saan maghahanap 'yung dalawa at 'pag 'di nakita. Baka, ako pa ang pagalitan at pagbintangan kasi ako lang naman ang nag-iisang tao na naghihintay sa bahay nila kanina. 'Yun naisip ko eh!

Kaya ayon, pumayag ako. Para di na siya magambala ng mga taong may animal na utak. Oh?! Grabe na yun! Mga taong utak ibon na lang hahaha!

May judge-judge pa siyang nalalaman. Sina Marites at Marisol. Si Benjie ayon mas pinili na lang mag-ML kaysa sa walang kwentang laro daw na ito.

Eh?! Daya talaga kasi?! Alam niya naman ang mga ito. Pero okay na sa akin ng sinabi niyang may piring. Hanggang sa nauwing talo nga ako.

Talo sa laro ng bata!

Paano ba naman kasi wala akong kaalam-alam sa mga gamit na to. Makita ko man ito mula sa aking mga mata o magpiring ay 'di ko talaga alam kasi 'di ko nga talaga alam ang pangalan ng mga make-up na 'to.

'Yun na nga mini-make-upan ako ng batang 'yun. Nilagyan pa ng wig at ang kapal ng nilagay na lipstick.

Nakaka-p*t*ng*na!

Kasi naman. They took a picture and post it online!!!

Siyempre natural lang na marami ang maka-kita nito.

Hays, sa account ni Marites ito naka-post but me, Marisol, Benjie, Damie, Raven, Meneiah (yes may fb-account na 'yun), pati si Cathy at kung sino-sino pa ang naka-tagged.

Like,.. wtf?!

Hays, gusto kong idelete 'yun kaso dami ng shares 'langya ang mga utak ibon! Grabe!

Nireport ko pa! Kaso, wala eh! 'Di nila d-in-elete! Dami na daw shares!

Gusto kong matulog ng maaga para bukas wala na ang kahihiyang ito!

Daming reactors! Comments!

Ano ba?!

Dami ng notifications tuloy. Gusto ko i-deactivate muna account ko kaso doon lang namamansin si Cathy.

Tsk!

Comments;

Ayy barbie, sabi ko na!👯

Uyy, Dree! Ganda mo haha!👰

Ops! @catherine Gaile Lopez Caljes look!!! Oh my! Mr. Aldrian or should I say Ms. Aldy? Hahaha, looks good on you!👧

Hoy, kuya Fynn! Anyare?!  @ Marites send video po! 😶

Ayy, sayang niyo po! Pogi naman sana, un pala?! Huhu!😓

Crush!?! Kehet genyen ka, crush pa din kita mwa mwa😘

Hala?! Bakit?! Ba't dinaig mo pa ang kagandahan ko?!😐

Hoy, pre! Yayy mare! Babae ka pala 'di mo man lang sinabi!😉

Ang dami-daming comments pero isa lang ang aking nagustuhan.

'Di naman bagay sa'yo, mas maganda pa ako! Tsk! 'Di ka rin cute!😒

Ni-like ko pa haha!

Ang daming replies sa kaniya pero 'di niya pinansin.

Hahaha!

Kakaiba!

Ano na?!

New notifications:

Marites tagged you and others...

Please like, comment and share this video!

#make-up Challenge na this!

'Yan ang caption!

"What the F**ck?!!" Mapapamura ka na lang talaga 'pag sayo to nangyari.

Bakit may video sila?!

Video ng nilalaro naming challenge!

Aba?! Ang dami agad ng nag-reacts, comments ah?! May nag-s-share pa!!!

Ang totoo?!Gaano ka-famous ang Marites na 'yun?!

Comments;

Wowww!!! @ Raven Jude Meringuez Grellow gusto ko nito hahaha! Try lang po!?

Ops, Brianna! Shout out sayo! Galing mo talagang gumawa ng challenge!😂😊

Kaya pala!!! Buti naman at challenge lang?!! Pina-abot pa talaga alas-10 ah?!😶kele ko totoo na!!

'Di naman pala siya, beks! Hahaha. Pero bagay pa din sa kaniya ang maging babae haha!👯✅

Hayys, Buti nmn at challenge lang😊

Yiee, okay lang po kung 'di kana sumali sa susunod na challenge na yan. Pero ok lang din kung sumali ka. Ang cute mo doon hehe!

Uyy, Bree! 'Wag muna ulitin yan may nagseselos eh! @damie joy Lopez Jimenez right?😊

Yiiee, oo meron haha @catherine Gaile Lopez Caljes 'wag ka ng mainis! Maganda ka naman talaga kaysa sa kaniya haha.😂😉

Wow!!! Just wow! Grabe!!!.

Sino? Magseselos?! Si Cath?! 'Di nga ako gusto noon eh.

Pero okay lang gusto ko naman siya hahaha!

Maka-tulog na nga!

***

Catherine's POV

Kakaiba! Kakaibang challenge?! Make-up challenge?!

Alas-10am kanina pa na post 'yun. Pero 1 000 000 reacts!  Ghaddd!!

Nag-comment pa ako doon, pero sa'kin na lang 'yun! Hahaha. Basta kakahiya! Kasi naman! Bakit ba kasi nag-c-comment pa ako huhu!

Dami din tuloy, replies huhu! Ni-like pa huhu! Bwesit na kumag!

Pero bahala na! Bahala sila. 'Di na ako nag-comment muli.

Alas diyes na ngayon at may post na naman! At naka-tagged na naman!

Grabe!! Sino mga fans este friends to?! Dami!!! Halo-halo!

With caption; please like, comment, and share this video!

# make-up Challenge na this!

Ghad?!!!

Hahaha! Nakakatawa 'tong video na to! Mukang walang kaalam-alam ang kumag na may video haha!

Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama sa kili---katatawa haha!

Walang kaalam-alam sa make-up, lipstick lang ang natsambahan haha. Kumbaga suwerte pa rin niya kasi may tama naman--sa pus---utak!!! Haha.

Grabe!! Dami na ring nag-reacts, comments at shares! Wala pang isang oras pero dami na!

Comments;

Uyy, Bree! 'Wag muna ulitin yan may nagseselos eh! @damie joy Caljes Jimenez right?😊

Damie Joy Lopez Jimenez reply;
Yiiee, oo meron haha @catherine Gaile Lopez Caljes 'wag ka ng mainis! Maganda ka naman talaga kaysa sa kaniya haha😂😉

What?!! Ako?! What?! Jealous?!!

Kaloka kanina pa sila niyan ah! Sa reply nila doon sa akin sa kinoment ko kanina huhu. Nag-message pa sila.

Ano?! Ito lang naman 'cath, 'wag ka na lang mainis hehe pinsan ko 'di naman kaselos-selos 'yun eh hehe! Kaya support muna sa kalokohan ni Brianna ah?! 'Wag kj!' 'yun lang naman message din ng iba pa.

Ako naiinis?! Oo!!
Selos?!! No way!!!

I'm not jealous, and if I am why is it?! It's because a-ano, ahm... Dahil sa famous siya?! 'Yun siguro! Tama yun! Nagseselos ako kasi, 'yun na nga 'di ako famous eh. Tsk!

Bwiset na dahilan!!!

Basta hindi! Hindi ako nagseselos! Tapos! Period!!!

Nanood na lang ako ng k-drama. K-drama muna sa ngayon. Ako lang mag-isa ngayon kasi naman ang pinsan ko 'di pumunta!

Bukas na lang daw siyang mag-i-sleepover dito.

Si Mama at Papa naman ayon pagkatapos kung nag-dinner nag-VC kami. Miss na miss ko na sila!
7 days na! Matatapos din ang lahat ng ito!

Bukas kailangan ko pumunta sa kanila ni Aldrian. Kahit labag sa loob ko, kailangan ko talagang pumunta at para maka-usap ko ang iba pang mga pusa.

Kailangan ko ng harapin ang katotohanan! Katotohanang wala na talaga kapatid ko dahil sa kagagawan ng pusang ngayon ay kinamumuhian ko na ang kanilang lahi.

At sa pagpunta ko bukas doon, umaasa akong 'di maging sayang araw ko. Dahil sisiguraduhin ko na makakuha ng kahit maliit na impormasyon lamang ukol sa pusa na nakapatay sa kapatid ko na siyang binulag ko mismo ang isang mata nito.

Masakit! Masakit kahit nabulag ko ang isang mata niya. Kahit papaano ay nakaganti ako pero hindi masakit pa rin talaga at mas lalo itong sumasakit sa tuwing naiisip ko, naalala ko ang pangyayaring iyon. Pangyayaring wala man lang akong nagawa, wala man lang akong natulong para 'di siya mawala.

Hindi ko naman kailangan isisi doon sa pusa na 'yun. Kasi ang totoo labis akong nagsisisi, dahil sa pangyayaring iyon.

Nawalan ako ng ganang mabuhay noon.

At doon, doon ako nagsimula na mainis sa lahat ng pusa, guilt, pagkamuhi, inis at galit ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sila.

Lalo na ang pusang iyon, siya na isang hayop nabubuhay pa rin sa kabila ng kapanghasan na nagawa niya samantalang 3, ang 3 years old ko pang kapatid na wala pang muwang dito sa mundo ay 'di man lang nabigyan ng pagkakataon na mabuhay. Kung paano mabuhay sa kabila ng hirap na pagdadaanan.

3 years old pa lang siya ng January 3, 2010 eh, at akong siyam na taong gulang na noon wala man lang akong nagawa. Wala man lang akong naitulong sa kapatid kong pilit kumakawala, pilit lumalaban sa pusang iyon. Super wild kasi!

Para siyang tiger na nakawala sa hawla! Ang bilis kasi ng pangyayari at ang layo ko pa sa kapatid ko, ang layo ng distansiya  namin.

Huli na ang lahat ng makita ko 'yun. Huli na kasi, tanging mga dugo na lang ang nakikita ko na umaagos mula sa leeg ng kapatid ko. Kitang-kita ko kung paano niya labanan 'yun, pero ako na ate wala man lang nagawa.

Walang kwentang ate! 'Yan ang laging kong sinasabi pagnaalala ko iyon.

At dahil araw-araw ko na ding nakikita ko ang sarili bilang pusa, araw-araw ko din ito naalala. Araw-araw akong nakokonsensiya!



💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕
               ❤❤❤

Reads and votes are highly appreciated❣

Thank you so much for supporting MGIAC story😹 readers❣

         💕 Jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top