CHAPTER 3

curse

Catherine's POV

"Cathy the cat! Cathy the cat! Cathy the cat!" sigaw ng mga pusa. Teka pusa nakakapagsalita? A-at  naiintindihan ko?

"Hindi ako pusa. Hindi ako gaya niyo. Tao ako, tao, T-A-O! Kayo, kayo ang mga pusang walang hiya, walang awa at mga pangit! I hate you all!" sigaw ko pabalik.

"Ahhhh, mga pusa lang pala iyon akala kasi namin ikaw ’yon. Tsk!" sabi ng pus-pin na may kulay kahil at puti na balahibo.

"Tingnan mo nga ang iyong sarili, alamin mo. Kailangan mo nang tanggapin na kauri kana namin," sabi ng isa pang pusa na maliit pero mukhang may kaedaran na ito.

"Well, hindi ka pa rin naniniwala tingnan mo ang iyong anyo sa malinaw na tubig, walang salamin dito kaya roon mo na lang tingnan ang iyong sarili. Mauna na kami, hinahanap na kami ng mga amo namin. Bye Cathy the cat!" saad ng pusang may pinagsamang itim at puting balahibo.

"Bye-bye, Cathy the cat!" ani ng iba pang pusa. Ba't ang dami nila?

Dali-dali akong pumunta sa may palangganang may laman na malinaw na tubig. Tiningnan ko ang wangis ko.

"Oh my GOD! Hindi, hindi ito maaari. Hindi----

"Hindiiiiiiii!" sigaw ko sabay bangon. Tiningnan ko ang paligid nandito ako sa kwarto ko. So, panaginip lang pala iyon. Sana nga.

Pero bakit may... may mga balahibo at amoy ng pusa ang kumot at unan ko? So, totoo iyon?

"Ma, Pa, nasaan kayo? dali-dali akong lumabas at hinanap sila mama. Pero wala, wala din iyong iyong ibang gamit nila.

"Ma, Pa!" tawag kong muli.

Pumunta ako sa kusina, wala rin. May notes akong nakita sa may mesa.

To Cathy:

     Nak, hindi ka na lang namin ginising alas 8:00 na nang umaga 'di ka pa rin lumabas sa kwarto mo nang-lock ka pa. Baka inaantok ka kahihintay sa amin. Pasensya na natagalan kami nang uwi kagabi.

    Nak, may pagkain riyan sa may mesa, mag-breakfast ka. Umalis kami ng papa mo, may aasikasuhin lang kami medyo nagkaproblema kasi nang kaunti. Mag-iingat ka ha, papupuntahin ko lang riyan madalas si Damie

     Nakuha na iyong ahas na iyon kaya pupunta iyon si Damie. 'Wag kayong magpupunta sa kung saan-saan, mga isang buwan pa kami babalik ng papa mo. Huwag kayong mag-away, tumawag ka 'pag may problema rito sa bahay. Sa Maynila lang naman kami, kailangan doon kasi aasikasuhin ang business na iyon.

     Mag-iingat ka palagi, kumain sa oras at huwag maging pabaya, okay? Mahal ka namin ng papa mo. Tandaan mo iyan palagi, isang buwan lang ito. Matatapos din ang lahat.

      -love mama and papa

Umalis na naman sila.

★★★

Ano na bang oras? Tiningnan ko ang wall clock namin sa may sala, 6:30 AM pa lang ha? Ang aga naman yata nila umalis.

Wait sabi sa sulat 8:00 na 'di pa rin ako gumigising.

Tiningnan ko ang cellphone ko.
May 5, 2020. 6:31 PM. Ilang oras ba akong nakatulog? Tsaka tao ako ngayon, panaginip lang pala ang lahat nang iyon. Eh paano ang mga balahibo na iyon, wala kaming pusa. Ewan ko ang gulo-gulo na.

Biglang sumakit ang ulo kasabay noon ay ang pagpasok ng isang alaala.

Flashback:

"Dahil sa iyong mga ginagawang pag-aalipusta sa mga pusa ko ay mapaparusahan ka, marami-raming beses na kitang nakita na may mga pusa kang minamaliit."

"Ang parusa sa ’yo ay magiging pusang-tao ka," dagdag na sabi ng diwata.

"Pusang-tao?" tanong ko.

"Oo, pusang-tao. Pusa sa umaga,  tao sa gabi. Hindi man nararapat ngunit pasensya na dahil kailangan baka sumubra pa ang iyong mga masasamang gawain sa mga pusa ko," saad niya.

"Nagbibiro po ba kayo? You're so funny, I mean your words are. It's too impossible to make it happen. Sila nga dapat parusahan mo dahil sila ang gumagawa ng masama," sabi ko, pero sa kaloob-looban ko kinakabahan na ako.

"Tumatawa ba ako, hindi. Dahil hindi ako nagbibiro. Walang imposible sa aming mga diyosa, Cath. Isang buwan ka magiging isang pusang-tao. Huwag kang mag-alala, hindi ito malalaman ng mama at papa kung hindi mo gustong ipaalam sa kanila. 6:00 AM to 5:59 PM isa kang pusa, 6:00 PM to 5:59 AM  tao ka at isang buwan mawawala ito 'pag nahanap mo ang totoong pag-ibig. True love.

At mamayang pagtulog mo mananaginip ka na isa kang pusa bilang ritwal at bukas nang umaga isa ka ng pusa. Kaya May 5, 2020 - June 5, 2020, 'pag nahanap mo ang tunay na pag-ibig ay mawawala ang sumpang ipinarusa sa iyo sa June 6, 2020. Pero 'pag hindi, habang-buhay kang magiging pusa hindi na pusang-tao kundi pusa."

Nakatulala lang ako habang nakikinig sa kaniya. Bakit, bakit ako?

"Pwede po bang may makakaalam na pusang-tao ako?"
tanong ko.

"Oh okay lang naman ngunit kailangan mong piliin ang iyong pagsasabihan o ang makakaalam. Kung sa mga magulang mo problema mo ay huwag mo ng po-problemahin dahil 'di nila malalaman ito kung hindi ikaw mismo ang nagpapa-alam."

"Eh paano po 'pag aksidenteng malaman ng iba dahil nag-transform ako sa pagiging tao o pusa?"

"Kaya nga kailangan na mag-ingat para iwas gulo at iwas problema."

"May sasabihin pa pala ako sa iyo. May isang tao rin ang nasa sitwasyon mo noon ngunit 'di siya nagtagumpay mahigit sampung taon na ang nakakalipas. Nakikilala mo siya bilang isang pusa pero 'pag ikaw nagtagumpay ay magiging tao siyang muli ngunit sa ibang katauhan na dahil ang alam ng mga tao ay matagal na siyang patay dahil sampung taon na siyang wala at walang update kung nasaan siya.

Matutulungan mo ang sarili mo at matutulungan mo rin ang kaniyang sarili. Mahaba-haba itong mga sinasabi ko dahil June 6 , 2020 pa tayo magkikitang muli at malalaman mo kung nagtagumpay ka o hindi. Ituring mo itong misyon at hindi parusa . Paalam Cath, hanggang sa muli ng ating pagkikita," sabi niya sabay liwanag tapos nawala na siya na parang bula.

"Maria Catalina nasaan ka na?" 'Di man lang sumagot. Nagbabasakali akong magpakita siyang muli.

"Diyosang Maria Catalina!" tawag kong muli.

"Huwag mo na akong tawagin , maghintay ka sa June 6, 2020. Bye," rinig kong sabi niya 'di man lang nagpakita.

Dali-dali akong pumasok sa bahay at pumunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ito dahil sabi niya bukas May 5, 2020 ay magiging pusa ako.

Ayaw ko sanang matulog baka managinip ako gaya ng sabi niya.  Marami akong ginawa para 'di muna makatulog pero nakatulog pa rin ako.

End of flashback.
.....

So totoong panaginip iyon at kailangan mangyari iyon na managinip ako bilang isang ritwal para maisakatuparan ang parusa.

Hindi rin ako nagiging pusa dahil lagpas 6:00 PM na, hindi rin ako nakita nila mama kaninang umaga dahil na-lock ko ang pinto.

Ibig sabihin mga balahibo ko ang nasa kumot at unan ko. Totoo nga, naging pusa ako kanina nang wala man lang akong  kaalam-alam.

Totoo, totoong taong-pusa ako. Tapos si mama at papa, sigurado ako na ang diwatang iyon ang may kagagawan kung bakit wala sila rito ngayon.

Pero mabuti na lang din at wala sila para hindi na rin sila sobrang mag-alala sa ’kin.

Bakit pa kasi ako pinarusahan, para sa sinasabing misyon na 'yon o talagang sa mga kagagawan ko sa mga malditang pusa. Ay oo nga pala, pusa na rin ako, pusang-tao tsk.

Paano na 'to si Damie siguradong pupunta iyon dito? Bahala na nga. Hayyys. True love na yan sana mahanap ko agad iyan para isang buwan lang ay matatapos na ang lahat. 

'Di kaya si crush ko ang true love ko? Hayys sana siya na lang. Buti na lang din wala pang pasok hayyss.

Maya-maya pa ay dumating si Damie may dala siyang snacks.

Nagluto ako ng hapunan namin, 'di na kasi pwede iyong binilin ni mama't papa na pagkain. Mukhang panis na, umaalingasaw na nga ang amoy eh. Buti na lang 'di napansin noong isa riyan baka magsumbong na 'di ako kumakain dahil napanis na ang pagkain.

Tsaka, oo namin, kahit kumain na iyan sa kanila. 'Di naman tumatanggi ang isang iyan sa pagkain. Sasabihin niya lang na 'bawal tanggihan ang pagkain'. Diba tama naman siya? May point!

Nakakainis nga eh, dahil minsan pinupuri niya ang niluluto ko minsan nilalait pero kumakain pa rin ng luto ko. 'Di rin kasi siya marunong magluto but unlike me, kasi ako marunong ako at ma-perfect ko ang pagluto ng pritong itlog. Hahaha. Siya kasi ’pag nagluto no’n, ahmm-eh, eh ano nagiging kulay itim iyong itlog. Pero kakain din siya no’n, sayang daw kasi.

Kuripot iyang pinsan ko na iyan. Pero pagdating sa pagkain ay gumagastos naman, 'yon nga lang mas trip magpa-libre masarap daw kasi kumain 'pag libre. Well, totoo nga naman. Diba?

Pagkatapos naming maghapunan ay naghugas ako ng pinagkainan at nanood ng Thai-drama pagkatapos. Naubos na namin 'yung snacks na dala niya.

Nakatatlong episodes pa lang kami ay nakatulog din agad siya. Doon ko na lang siya pinatulog sa room ko. Ako naman ay sa kwarto nila mama at papa. Pero bago ako natulog ay nagsulat muna ako ng letter para kay Damie.

Baka maghanap iyon sa'kin 'pag nagising. Hindi maari na magkasama kaming matulog sa iisang kwarto mahirap na baka makita niya na isang pusa na lang kasama niya, wala namang pusa sa amin.

Ayy?

Meron na pala, ako sa tuwing umaga hayyss. Ang pinakaayaw ko magmula noong sampung taon ay mararanasan ko na mismo sa loob ng isang buwan.

Paano na ako nito?

★★★

Comments are highly appreciated.

jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top