CHAPTER 28

💕 Jogging? 💕

Aldrian's POV

Binigyan ko siya ng flowers. Pero wala akong sinabi. May iniwan lang ako na notes. Pang-thank you!

Pagkarating ko sa'min ayon, nagmessage ako sa kaniya.

'Do you like it?' 'Yan lang naman message ko. Pero, d-in-elete ko agad. Buti na lang 'di pa siya nag-online!

Malapit na mag-8pm. Pero 'di pa ako dinalaw ng antok.

"Kuya Aldrian! Open the door, may nagtabi (nagsabi) sa'kin na nag-date kayo kanina ni Cathy! Tabi (sabi) mo buty (busy) tsiya?" Alam niyo na kung sino 'yun!

Binuksan ko ang pinto. Bumungad sa'kin ang inis na mukha ni Brianna.

"Uy, kuya. Bakit 'di mo pa pinapakilala ta (sa) amin tsi Cathy? Extited (excited) akong nakilala tsiya katsi kapangalan tsiya ni Cathy the cat."

"Wait, sino ang nagsabi sayo na nag-date kami?" Tanong ko.

"Ti kuya Raven at ate Damie." Wow! Good source!

"Paano kayo nagka-usap? It's already late." Tanong ko.

"Duh, I let ate Maritech and ate Maritol (Marisol) do it for me. Nag-i-fb daw tsila. And they taid that kuya Raven and ate Damie are online. Tso, nag-requet (request) ako kung pwede makipag-vt (VC) tsa kanila. Then, thatsh (that's) it. They're talking about you and ate Catherine. Ate Damie taid that pintan (pinsan) daw niya tsi ate Catherine. Doon tsiya ngayon natutulog kila ate Catherine. Tayang (sayang) lang kati 'di humarap tsa camera tsi ate Catherine."  Mahabang sabi niya. 5 years old ba talaga 'to?!

"No, busy siya. Baka ang ibig nilang sabihin ay si Cathy the cat? Kasi, bago ko siya mahatid kanina nag-date muna kami hahaha. Tapos si Raven nag-tanong kung saan ako noon. Sagot ko, sa bahay kasama si Cathy. Hahaha!" Sabi ko at nag-pilit ng tawa.

Tiningnan niya muna ako, tingin na pagtataka kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo.
"Hmm, baka nga. Tch, mali yata ang naiintindihan nila tsayo kuya!" Si Brianna.

Nag-iisip pa rin siya. Hahaha. Kulit!

"Ahmm, may kailangan ka pa Bree? 'Di ka pa ba matutulog? 8:00pm na oh." Sabi ko sabay turo sa wall clock.

"Oh, okay. Tsorry for dishturbing! Good night kuya Aldrian!" Sabi niya at humalik sa pisngi ko.

"Good night baby Brianna!" Nakangiting sabi ko.

"I am not a baby anymore kuya." Sabi niya at lumabas.
Parang si Jade lang!

Ako naman ito...
Nag-stalk!

Stalker! Pero sa kaniya lang haha.

Ang ganda ng mga pictures niya.

Sila pala parents niya.

Si Tita Camile and Tito Gabriel.

😻😻😻😻😻😻😻😻😻😻

Catherine's POV

9pm na pero ito ako ayy may kasama pala ako pero ayon tulog na! Kaya eto ako, mag-isang nanonood ng C-drama!

‘My girlfriend is an alien’!

Naka-apat na episodes pa lang eh? Knock out na! Tulog na si Madame Damie.

Cute matulog ni Damie.
Nakabukas pa 'yung bibig. Tulo laway 'yan matulog.

Ako hindi but 'pag pagod ako niyang araw na 'yan malakas akong humilik.

Pero alam niyo muntik na ako kanina.

Kasi ang batang Brianna nakipag-VC kila Damie at Raven. Gamit ang cellphone siguro ng kasambahay nila. Sino ba 'yun?! Marites?! Tama yun nga!

Sinabi ni Damie na nag-date daw kami ni Mr. Aldrian. Sinali pa ang bata sa kilig---sa kalokohang usapan nila.

Tsk, ayon. Hinanap ako ng bata kaya lang humindi ako. Pero sabagay, 'di naman niya ako nakita na nakapunta na ako sa kanila bilang tao. Kaya okay lang siguro kung nakita niya ako kanina?

Episode 10 na at inaantok na ako kaya natulog na ako.

***

Alas 4:30 am pa lang gumising agad ako at nagluto ng breakfast meal. Walang exercise-exercise haha. Bakit pa?! Tinatamad ako!

Ang aga no?! Nagpa-alarm kasi ako naka-headset lang para di magising ang isang yun.

Pero ang totoo alas kwatro ako nagpa-alarm pero 'di muna ako kumilos hanggang sa naging 4:30 doon pa ako bumangon haha.

Pinakain ko agad mga lovies ko para 'di ko na kailangan pang papuntahin dito ang Kumag.

Ng matapos ay nagwawalis ako sa may bakuran. Naglinis ng bahay. Siyempre para ganado maglinis dapat may music haha! Kaya eto naka-headset!

Alas-singko na! Pagkatapos ko maglinis ay kumain muna ako. Sunod noon ay naligo na ako.

"🎶 La la la, la, la, lala lalala!🎶"

"Ayy, baka magising si Madame!" Sabi ko sa sarili.

Nakapagbihis na ako, square pants (black and white stripes) and maroon fitted shirt.

Nagsulat ako ng note for Damie.

"Hi, Dame! Good morning! ^_^
May pagkain sa may mesa. Mag-breakfast ka and pwede ka ng maka-uwi sa inyo hehe. Baka may date ulit kayo haha. Ahm, nag-j-jogging lang po ako. At 'pag may nakita kang pusa na umaaligid-aligid sa bahay. 'Wag mo na lang pansinin. Ako ng bahala diyan okay?! Thank you!!!"

           -- Cathy 💕

Witwew! Jogging!

6am!

"Meow!" Ako.

Kakanta kaya ako bilang pusa.

"🎶Meow, me-meow, me-meow, meow!!!🎶" Oops napalakas ata!

Si Madame kasi ayan na!

Naghilamos muna siya. At pumunta sa mesa, mukang inaantok pa ah?! Napilitang gumising!

Ingay ko kasi!

"Oh, good morning little cutie! Bakit andito kana palagi tuwing umaga? Hay, nang-iwan na naman si Cathy. Wowww! Jogging?! Hahaha. Napano 'yun at nag-j-jogging?! Hays, buti na lang may breakfast na."  Sabi niya.

"Little cutie gusto mo?!"tanong niya. Umiling-iling naman ako. Mukang napipilitang mang-alok ah.

"Sige akin na lang 'to!" Tapos bumalik sa pagkain.

"Oh, little cutie! Hala! Siya na daw bahala sa'yo mamaya. Baka mapano ka? Ahmm, but mukang magugustuhan ka naman noon kasi boyfriend ni ate mo cat-lover baka naapektuhan 'yun. Haha."

Kumain na nga lang, dami pang sinasabi!

"Alam mo ba na nagluto siya kagabi ng pinakbet?! Grabe ang sarap! Mukang inspired lola mo!" Sabi ng pinsan ko.

Inspired?! Baka?! Pero, 'di eh. Naiinggit lang naman ako.

Kanina ate?! Ngayon lola?! Wow!

"At ngayon pati pritong itlog niya oh. Nag-improve! May pa heartshape-heartshape pa siyang nalalaman! Ang sarapppp! Ohh! Gusto mo?!" Pang-alok niya!

Umiling-iling na naman ako.
Kulit! Tapos na ako!

"Ahm, masarap promise!" Lumayo ako mula sa kaniya.

"Wala namang lason to oh? Pero, if you don't want. Akin na lang hehe!" See?!

Alok-alok pa!

"Bakit kaya nag-j-jogging 'yun?!"

"Meow meow meow!"
"Kumain ka na lang! Jogging?! Ito ako oh! Tsk, palusot lang 'yun uyy!"

"Oh, bakit?! Kakain ka na lang?!" Tsk! Umalis na 'ko. Baka makagat ko 'tong pinsan ko na 'to.

"Uuyy! Bahala ka! Kaya ko 'tong ubusin 'di kita bibigyan!" Dinig kong sabi niya.

Tsk! Baka kulang pa?! Pinsan ko ba talaga siya?!

Oo siguro!

Pumunta ako sa sala. Ayoko muna doon sa kusina.

"Cathy?! Cath!" Sino na naman 'yun?!

T-TEKA! Ang kumag! Kay aga-aga, andito na siya?!

"Wait lang!" Si Damie.

Hala!

"Uyy, little cutie may manliligaw tita mo? Pero wala siya dito!" Sabi niya ng madaanan ako. Umirap lang ako.

Aba?! Tita na naman?! Ate?! Lola?! Tita?! Ano pa?!

"Sino po 'ya-- oh?! Mr. Aldrian? What brings you here?" Sabi ng pinsan ko na may malaking ngiti.

Bwiset!

"Ahm, nandiyan ba si Cathy?" Ang Aldrian.

"Ah-eh wala eh?! Nag-j-jogging daw? Pero kung gusto mo, ahm. Pumasok ka muna at dito mo na lang siya hintayin mabilis lang naman 'yun eh."
Sabi ng pinsan ko.

"Oh, o-okay." Sabi ng kumag at pumasok.

Bwiset!

***

Aldrian's POV

Nag-j-jogging daw. Eh, pagpasok ko sa bahay nila ayon perming-permi ang pagkakaupo sa sofa nila sa sala.

'Di pala alam ng pinsan niya na pusa siya.

Hahaha. Umirap siya!

Pumunta ako dito kasi baka kailangan niya ng tulong para makakain mga alaga lalo na ang mga aso. Puppy daw 'yun 'di daw aso eh pareho lang naman 'yun.

'Di ko talaga gusto ng mga aso o puppy na 'yan? I hate them. But hindi aabot sa pagha-hate ko na pumatay ng isa sa kanila. Ako na lang umiiwas 'pag lumapit sila.

Ayaw ko silang patayin kasi nga kagaya lang din sila ng tao. Taong kailangan ng buhay para manatili sa mundong ito. At ayaw kong agawin 'yun sa kanila. Ayaw kung kunin, kung ano ang nararapat din sa kanila.

'Yun na nga hate ko sila, but because of this cat na kaharap ko at panay ang irap, gugushtuhin ko sila. 'Di naman sila mahirap magustuhan.

Kasi nga kung nagustuhan ko 'yung nagkagusto sa kanila bakit sila hindi ko gugushtuhin kung 'yun din naman ang isa sa dahilan kung bakit ko nagugustuhan 'yung kaharap ko?

Gusto ko siya bilang siya, at siguro dahil sa mga nakikita kong gusto niya 'yung ibang ayaw ko. 'Yung mga likes at hates niya gusto ko. 'Yung best at worst side niya.

Minsan na akong napapaisip? Kung bakit ang bilis kong na-fall sa kaniya? 'Yun mga na-mention ko, 'yun nagbabasakali akong andoon lang sagot pero di pa pala 'yun.

But the truth is I don't know why do I love her. I don't know, why is it so fast? Bakit ko siya gusto? 'Di ko alam, it's just simple that I don't know kasi ang alam ko lang mahal ko na siya. 'Di ko nga alam bakit ko siya gusto, mahal pa kaya? Siyempre 'di ko rin alam, basta ang alam ko lang mahal ko na siya at ang lalim na at di ko alam kung makaka-ahon pa.

Mukang napaaga yata ang pagpana ni Kupido. Pero okay lang perfect timing at person  naman ang napili niya.





★★★★★★★★★★★★★★★
                     ***

Reads and votes are highly appreciated.

At kung gusto niyo mag-comment about sa story. Just comment it down. Nagbabasa po ako ng mga comments😻

Thank you MGIAC readers 😻💕

               -- Jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top