CHAPTER 27
💕unsent message 💕
Catherine's POV
Alas 4 na ng hapon ako naihatid ng kumag!
Pinagbuksan niya muna ako ng bahay kasi ni-lock niya 'yun kanina bago kami umalis.
Pero sa 'di ko malaman na dahilan hindi siya umiimik. Ni hindi nga niya ako pinapansin eh. Atsaka may binigay siya sa akin.
A bouquet of red roses. 'Yung binili niya kanina.
Binigay lang niya sa'kin at umalis.
Wala man lang sinabi!
Tiningnan ko ito baka may letter.
Meron nga!
Thank you for today Cath! :)
Pasasalamat niya. Saan?
Sa pagsama sa kaniya?
Pumunta muna ako sa kusina at kinuha 'yung cellphone ko sa ilalim ng mesa.
Sa sala muna ako. Kasi andon sa sala, malakas na signal haha. Atsaka kung sa kwarto ako. 'Di din naman ako makakapasok doon kasi isinara ko kanina 'yun.
Nag-FB ako.
Aba, kay daming notifications naman nito?!
Tsk!
Kala ko kung ano! 'Yun pala nag-a-add lang naman. Pero di ko kilala 'yung iba kaya 'di ko muna kinumpirma.
10 new messages...
Aldrian...
Mama...
Damie...
Jake...
Jude...
And 5 other...
Binuksan ko una 'yung kay Aldrian.
4:20 pm
...
Aldrian unsent a message.
Tsk! Unsent na pala, nag-notiff pa!
4:18
Mama❤
Cathy, kumusta party? Sabi ni Zeinny uminom ka daw? Oh, Cath 'pag na b-bored ka diyan satin pwede kang pumunta kila Damie. Miss ka na namin, ingat ka palagi diyan Cath ah.💕
Nag-reply ako kay mama.
4:00pm
Damie...
Cath, pumunta ako sa inyo. Ngunit walang tao, saan ka nagpunta? 😏
Hala!
Kaya siguro nag-chat si mama about doon. Doon sa 'bored'!
Sinumbong siguro.
'Di ako nag-reply. Alam ko naman na babalik 'yun ulit mamaya.
3:50pm
Jake
Hi, Cath! Good day! How are you?😊
Nireplyan ko siya.
3:00pm
Jude...
Hi, insan! Pupunta pala kami ni Damie diyan mamaya!😉
Lakas maka-insan ah?!
Lahat sila 'di online except sa kumag! Ang kumag online!
Kaya pala. Tsk!
Hayss. Nag-install ako ng wattpad. 'Di kasi ako pinapayagan ni mama mag-wattpad. Pero ngayon lang naman eh.
20 years old na 'ko 'di pa rin ako pinapayagan buti na lang wattpad books okay lang haha. Kapalit noon ay mag-aral ng mabuti.
Atsaka dahil di ako naging pabaya sa pag-aaral ayon siya na mismo ang bumili ng ibang wattpad books na meron ako ngayon haha.
Pagkatapos ma-install, in-open ko ito.
Create account!
Username?! Cathy the cat?!
No!
Ahmm, cathy_cathy!
'Yun na lang!
Possessive series 22?!
Oops!
Ito na pala ang matagal na nirerecomend ni Damie sa'kin!
Hayss! Sa susunod na lang!
May binasa akong story akong story online! At 'di ko na namamalayan na 5:30 na pala.
Sinave ko yung story. Tapos nag-charge muna ako.
20 minutes to go!
Ito ako, nag-c-countdown haha.
Pumunta akong kitchen and get some candies.
3_2_1...
"Catherine's back!!! 🎶 You!you! you! Come on! Come on! Come on baby!🎶" Ako. Siyempre miss ko na marinig boses ko no!
'Yung kanta na 'yun?! 'Di ko alam!
Lumabas agad ako, at pumunta sa pet house. Pinakain ko sila isa-isa at pinainom ng tubig.
Pagkatapos ay bumalik ako sa loob. Naligo ako.
'Pag hapon o gabi na 'di talaga ako pinapayagan ni mama na maligo, okay lang half-bath pero sa kondisyon kong ito.
'Di ako makukuntento kung 'di ako maliligo kasi naman oh, 'di naman ako nakaligo kaninang umaga hayyss.
Maiintindihan din siguro ni mama 'to.
"🎶 La la la. La la la la la la. la la la la.🎶 " Pagkanta ko.
Ganito talaga ako hahaha.
Ang ganda kaya ng boses ko 'pag nasa Bathroom hahaha.
"🎶Kapag tumibok ang puso
Wala ka ng magagawa kundi sundin ito
Kapag tumibok ang puso
Lagot ka na
Siguradong huli ka
Lala lala lala. Lala lala lala lahhh 🎶"
Nagbihis ako, blue t-shirt and blue short suot ko.
Pumunta ako ng kitchen at nagluto.
Nagsaing muna ako ng kanin.
Dahil, pang-dinner na naman. Ang lulutuin kong ulam ay...
Eh?!
Sinigang! 'Di ayoko. Ahmm, pinakbet? May mga gulay naman sa ref. eh. Sarap kasi ng luto ni Aldrian kanina na pinakbet! Nakaka-inspire magluto din noon. Hahaha.
'Yun na lang! Tama, 'yun na lang!
Bakit ba?! Eh sa naiinggit ako eh.
Nagsimula na akong maghanda ng ingredients. Sana 'di ka ma-over cook huhu. Dati ko kasing luto nito na over cooked nga lang kaya bawas sherep points!
Pagkatapos kong mahiwa lahat ng mga gulay na gagamitin ko ay hinugasan ko itong muli.
Fire on!
Ginisa ko muna ang bawang at sibuyas pagkatapos sinunod ko na ang iba pang mga gulay.
"🎶Kapag tumibok ang puso
Wala ka ng magagawa kundi sundin ito
Kapag tumibok ang puso
Lagot ka na🎶" pagluluto ko habang kumakanta at sumasayaw.
"🎶Siguradong huli ka
Sheram sheram, sheram
Sheram sheram, ohhh
Heto na naman nangi-----" pagputol ng kung sinong naririnig kong tumawag sa pangalan ko.
"Cath! Cathy! Catherine! Catherine Gaile! Catherine Gaile Lopez! Catherine Gaile Lopez Caljes! Catherine Caljes Mering---" binuksan ko agad ang pinto. Ang ingay!
"Ano ba?! Ang ingay, katok lang okay na! 'Di na kailangan dugtungan pa ng kung ano-ano 'yung pangalan ko. Tsk! Pumasok ka na." Inis kong sabi!
Hala! 'Di ako pwede mainis! Baka pangit na naman lasa nuon mamaya!
"Anong katok lang okay na?! Hoy kanina pa ako katok ng katok dito. Sumilip pa ako 'yun pala andoon ka lang pala sa kusina nag-c-concert! Dinaig pa concert ni lodi Ms. Anne Curtis ah?!" Sabi niya.
"Hoy, grabe ka naman maka-ano sa boses ko! Kay Ms. Anne talaga?!"
"Ang sabi ko dinaig mo pa concert niya. Atsaka maganda naman boses ni lodi ah. Diba? Ibig sabihin kung dinaig mo pa boses niya eh 'di mas maganda pa boses mo no?! Hahaha." Sabi niya. Kala niya sa'kin boplaks?!
" Oo maganda nga boses niya huhu!"
"Oh diba?! Sabi sayo eh. Mas maganda boses mo pa doon kay lodi kaya ikaw nga pangalawang lodi ko eh!"
"Bakit pangalawa lang?!" Ako.
"Eh kasi, una kong na-discover boses niya hehe."
"Tsk! Nahiya naman ako sa boses mo din eh?! Ikaw siguro leader namin ni Miss Anne!" Sabi ko. Sumimangot naman siya.
"Oo na! Teka, hoy Cath!" Pagtawag niya sa'kin. Ano na naman?! Kita naman na nagluluto pa ako oh?!
"Oh ano?"
"Saan ka pala galing kanina? Pumunta kami ni baby ko kanina dito. Eh,wala ka naman. Pero okay din na wala ka dito kanina haha. Nag-date na lang kasi kami hehehe!" Sabi niya.
Okay!
Masaya na ako para sa kanila. No hard feelings!
"Ah, ehmm. May pinuntahan lang po." Sabi ko.
'Wag ka ng magtanong?! Tanggapin mo sagot ko!
"Saan? 'Wag mong sabihin na namalengke ka na naman kasi pawala na ng laman refrigerator niyo oh." Sabi niya habang tinitingnan ref. namin.
Oh sh*t!
"Hindi. Sa ano, kila Aldrian." Sabi ko.
Oh shems!
Ngumisi siya at tinititigan akong mabuti.
"Oh Cathy? Why are you blushing?!"
Bwiset!
Pinapakiramdaman ko ang pisngi ko, oh parang nag-iinit nga!
Lumunok ako, at tinitigan siya. Mata sa mata!
Oh my!!!
Ba't siya ang mas kinikilig?!
Sumeryoso ako at sumagot...
"Dame, look I'm serious. I'm not blushing. And I don't do other stuffs doon sa kanila naman eh. Look Dame, it is not like what you think! Just passing by, you know." Sabi ko habang nakikipaglaban pa rin sa titig nitong isa.
"'Di naman kita tinatanong kung anong ginagawa mo doon ah? Atsaka, anong passing by huh? Sabihin mo, stalker ka lang at pinuntahan mo siya doon. Hehe, okay lang couz. Akala ko ako lang may date haha." Inalis na niya 'yung mga mata niya at tiningnan yung niluto ko.
Tapos na naman 'yung pinakbet pero ang lasa 'di ko alam! 'Di ko naman tinikman huhu!
Tiningnan niya itong mabuti.
"Cath, pinakbet na naman?! Pero, mukang masarap na 'to kaysa sa nauna." Kasi 'yung una ko niyong luto, kahit over cooked 'di naman nasayang 'yun kasi kinain naman namin 'yun nila mama at papa.
Pero ang kinain nila mama at papa kunti lang kasi maalat daw tapos malatang-malata! Ang masaklap pa nilagyan ko din 'yun ng leafy vegetables, kagaya ng cabbage at iba pa.
Pero buti na lang at nagkataon na nandoon si noong mga oras na 'yun kaya siya umubos lahat sayang daw haha.
"Cath, may lulutuin ka pa?"sabi niya.
Wala na kaming isda sa ref., pero may dried fish naman kaya mag-prito na lang siguro ako. Gusto pa naman ng isang 'to ang pinirito! Lalo na kung dried fish!
"Ahm, mag-prito pa ako ng isda hehe."
"Oh, okay. Maya ko na lang din tikman 'to" pagtukoy niya sa pinakbet!
Ng matapos ko na ang pagluluto nagulat ako dahil naka-serve na ang kanin at pinakbet. Tapos siya nakaupo na din, mukhang hinihintay na lang ang pritong isda!
Nice!
"Dali na Cath! Excited na akong matikman 'tong new look na pinakbet na 'to!" Sabi niya.
"Tsk, sabihin mo gutom ka na!"
Sumimangot naman siya.
"Oo na! Gutom na nga ako. Kaya dali na, upo na!" umupo naman ako.
"Wow! 'Di lang ang appearance ang nag-iba pati na din ang lasa! Tikman mo Cath! Iba 'to! Except sa pritong itlog na lasa, masarap din 'tong pinakbet mo Cath. Anong nilagay mo?!" 'Di Cathy. Mukang nambobola ah, lakas ng trip!
"Hoy, 'wag mo 'kong ganyanin. Tsk, kumain ka na lang."
"Oh sige! 'Di ka kakain? Kaya kong ubusin to lahat Cath." Tanong niya.
Alam ko!
"Kakain, tsk!" Sabi ko at naglagay na ng pagkain sa pinggan.
Bakit ganadong-ganado? Ayy, always naman pala siyang ganado sa pagkain!
Nagsimula na akong kumain, muntik na akong mabilaukan buti na lang at binigyan agad ako ng tubig ng pinsan ko.
Grabe! Level up!
•••★★★•••
Reads and votes are highly appreciated ❣❣❣
Thank you MGIAC readers😊😻😽
---- Jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top