CHAPTER 25

Catherine's POV

Defensive much☆

Kainis ang loko na kumag na 'yun ah?

Kung 'di niya lang talaga ako tinulungan sa pagpapakain sa mga alaga ko, 'di ko din papasukin 'yan dito.

Hays, kailan ba siya aalis?

Hay, 'di man lang nakakaramdaman ng hiya! Feel na feel at home ang peg! Bwiset!!!

Ayon nagluluto, kala mo pag-aari niya ang kusina.

Teka? Bakit ko siya pinag-mamasdan?

Siyempre d-dahil baka sunugin niya itong bahay. Huhu.

Bumalik ako sa kwarto. Isinara ko ito. Simple lang naman bubuksan 'yan mamaya hahaha. May tali kasi akong nilagay sa may doorknob. Para 'pag lalabas  ako hahatakin ko sa pamamagitan ng pag-kagat ng tali palayo para mabukas.

Tumalon ako sa may kama at kinuha ang cp.

Gallery...

Picture na pinost ni Aldrian, 'yung nakita ko. Sinave ko kasi. 'Di naman siguro masama no?  Kasali naman ako dito. Bilang pusa.

Aha! May atraso pa pala siya. Tsk! Humanda ka na kumag ka!

Hinatak ko 'yung tali. At ng mabukas isinara ko. Ayy?! Bakit ko sinara?

Hindi na 'ko makakapasok niyan. 'Di ko kasi nalagyan 'yun atsaka kahit lagyan ko din ng tali. Eh wala pa ring magbabago, kasi 'di naman kailangan hatakin ang pinto. Kailangan kong i-push not pull. At 'di ko kaya, maliit kasi ako masyado bilang pusa.

Bahala na! Kinagat ko ang damit ko na nilagyan ko ng cellphone. 'Di ko kasi kaya mabuhat ang cellphone bilang pusa. Kaya ito, kakaladkarin ko na lang gamit bibig ko.

"Meow meow meow meow! Meow meow meow meow!"
"Hoy, kumag na Aldrian!

"Oh Cathy, dali na! Kumain kana. Alam kung 'di ka pa rin nakakain."

Tsk.

"Kain na Cath, 'wag mo 'kong titigan 'di ka mabubusog niyan kakatitig sa'kin." sabi pa niya at ngumiti.

Bwiset!

Doon ko lang napansin na nakatitig lang pala 'ko sa kaniya.

Cath, 'wag kang kumain baka may lason 'yan eh.

Itsura pa lang ng kumag oh! Kainis!

Gutom na 'ko!

"Meow meow meow!"
"Hoy may lason ba 'to?!!"

"Cath, 'di nga kita naiintindihan eh. Kulit! Pero teka ano 'yang dala mo? Bakit mo kagat-kagat 'yang damit na 'yan?" Siya.

Pakialam niya? Damit mo masisira? Akin lang naman ito ah!!

Tsaka, 'di naman napupunit ito eh! Maingat naman pagkagat ko, tsk!

Umirap na lang ako. Tinago ko muna ito sa ilalim ng mesa.

"Oh, sige. Sige na kumain kana kasi may pupuntahan pa 'ko."sabi niya.

Saan?

Umirap ako at pumatong sa may mesa. Baka wala naman 'tong lason. Gutom na talaga ako.

Wow!!! •__,•
Shereppp!!!

Simpleng adobo lang naman 'to ah? Pero grabe ang sarap! Ano nilagay niya dito? Wala naman kasi ako masyadong ingredients kaya paano niya ito naluto ng ganito kasarap?

Nakatitig lang siya sa akin. 'Di ba siya kakain?

"Meow meow meow!"
"Sarap, ahmm!"

"Cath, ano ba? 'Di nga kita naiintindihan."

Tsk!

Lumapit ako sa kaniya at humalik sa may pisngi niya.

Nagulat pa siya. Eh, 'yun naman ang gusto niya!

"Oh ayan, maiintindihan mo na 'ko tsk!" Sabi ko bilang pusa at umirap.

Nag-b-blush pa ang mokong.
Masyadong transparent!

"Ah eh Cath, nakakagulat ka naman. Crush mo na 'ko no?" Ako.

"Tsk, bwiset ka na kumag ka! Crush mo mukha mo!
'Di ka pa ba kakain?" Ako.

"Ah, eh busog na ako." Kanina pa siya naninitig ah?

"Tsk!"

"Oo nga kumain na ako sa amin." Sabi pa niya. May sinasabi ba ako? Tsk, lang 'yun hoy!

"Ah, Cath gusto mo sumama sa'kin mamaya?"

"Ayoko!"

"Sige na, promise papakainin ko na 'yan yang mga alaga mo. Kasi si Brianna a-ano gusto ka niyang makita. Sasama kasi dapat siya kanina tapos sinabihan kong 'di pwede.  Ayon, kailangan daw pagbalik ko kasama ka." Sabi niya.

Daming sinasabi!

"O-okay basta ihatid mo 'ko pabalik ah?!" Ako.

Naguilty din kasi ako, siya 'yung nagpakain sa mga alaga ko. Kung 'di siya pumunta baka mamatay sa gutom mga lovies at likies ko huhuhu!

Ngumiti siya at..
"Thank you Cath, but before that. May pupuntahan pa tayo." Sabi niya.

"Oo na, lakas makakonsensiya! " Ako.

Ngumisi-ngisi pa ang loko na kumag!

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. Grabe, sarapppp!

Sana magluto ulit siya nito.

W-wait, ulit? Wala ng ulit!

10:30am umalis na kami. Pero bago kami umalis, pinapainom niya muna ng tubig ang mga alaga ko.

Siyempre 'di ako nagpakita!

Bakit naman ako magpapakita? Baka makagat lang ako ng mga lovies ko. Mali talaga na nagaya nila sa akin ang pagiging cat-hater!

Hininto niya ang kotse. Saan ba 'to?

Flower shop?

"Dito ka lang ah, may bibilhin lang ako." Sabi niya.

Umirap lang ako na ikinangiti niya. Kumag!

Pagbalik niya, may dala siyang bouquet of white roses and a bouquet of red roses.

Aakyat ng ligaw?

Paki ko?!!

Inilagay niya ang mga bulaklak sa may likuran.

Tapos nagsimula ng magmaneho.

In-open niya ang stereo, at what the...

Same music na naman!

Ito 'yung kanta na nag-play din noon. Noong una kong makasakay sa kotse niya dahil k-in-idnap niya 'ko, ayy mali! Noong na Catnap niya ko.

Wala na bang ibang kanta?!

Maki-tulog nga!

Ngunit 'di ako makatulog kasi naman...
"🎶Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama ito ba ang simula
'Di na mapipigilan, pag-ibig na i----🎶"

"Tsk!" Ang ganda ng boses niya! Pero siyempre, 'wag pahalata! Baka ano iisipin nito?!

"Oh, Cath. Akala ko natutulog ka." Sabi niya.

"Paano ba ko makakatulog kung sinasabayan mo ang kanta?!" Ako.

Nag-p-practice siguro siya para sa haharanahin niya.

"Sorry po, Miss Cathy." Sabi niya. At sumimangot pa.

Oh my pog---pusa!

"Malapit na tayo, 'wag ka munang matulog." sabi niya.

'Di ko siya pinansin.

Maya-maya pa ay huminto siya sa pagmamaneho.

Saan ba 'to? Tiningnan ko ang lugar. Cemetery?

Kinuha niya ang bouquet of white roses. Kinuha din niya ako.

Sa kanang kamay niya dala-dala niya ako at sa kaliwa ay bitbit niya 'yung bulaklak.

Sino dadalawin niya dito?

Huminto siya. Nilapag niya ang bulaklak sa may kilid.  Ibinaba din niya ako. Umupo siya sa harap ng lapida.

Marian Laczon Meringuez
January 11, 1970 - April 10, 2020

Kapatid niya? Bakit layo ng agwat?

Bobo ko-- nila!

"Hi Ma! Kumusta ka na Ma? Andito po ako ngayon Ma, kasama ko pala si Cath."
Tapos tumahimik siya sandali.

Ma? Mama niya?

Kaya pala 'di ko makita at mahanap.

Pero sila Benjie at Brianna, sino ang tinatawag nilang Mommy?

Ang Tita nila?

Kasi ako nga eh, sa mga Tita ko; cousin nila Dad. Eh Mommy tawag ko. Baka ganoon din sila?

"I miss you so much Ma, I love you!" Sabi niya.

Lumapit ako sa kaniya at umupo din.

Tahimik lang siya. Nakatingala sa kulay asul na kalangitan. Maya-maya pa ay nagpupunas na siya ng luha. Pagkatapos ngumiti.

"Sorry Cath." Sabi niya.

"It's okay. It's okay to miss her, and it's okay to cry." sabi ko.

Ngumiti siya at tuluyan ng umiyak ng may tinig. Kanina kasi, pinipigilan niya. Parang ngayon lang niya iniyak ang lahat.

Ng tumahan siya ay nagsimula na siyang maging makulit. Ang daming sinasabi.

"Ma, si Cathy ma oh nakakapagsalita I-I mean naiintindihan ko hehe." Sabi niya.

Hays, umirap na lang ako.

Kuwento siya ng kuwento pero about naman sa mga pusa at sa'kin.

"Ma, si Cathy crush niya si Raven. Hahaha." Aba loko 'to ah!

Ano masama sa pagkakaroon ng cru---ano? Paano niya nalaman?

"Hoy anong pinagsasabi mong kumag ka?" Ako.

"Ma, kumag daw anak niyo oh?" Aba, talaga lang ah?! Nagsumbong ang bata?

"Sabi ko, ano po ba iyong pinagsasabi kamahalan? Kumag!" Ako, sabay bulong ng huling salita na 'yun.

"Ma, narinig mo ba 'yun? Kumag da--"

"Oo na nga, 'di ka na kumag!" Sa ngayon!

"Anong mga pinagsasabi mo?! Ako?! Crush ko si Raven?! Paano mo naman nasabi 'yun aber?!!" Ako.

"Defensive much." Tapos tumawa.

Baliw!

"Hoy, d-di ah!" Ako.

"Hay, oo na. Pero di mo talaga maalala?" Umiling ako. "Gusto mo ipapaalala ko sa'yo? Oh!" Sabi niya sabay abot sa'kin ng cellphone niyang naka-open na.

Video?

Ba't ko nasabi 'yun?
Oh my!!! Ba't kinuhanan niya?!

Alam na ng pinsang kumag ni Raven. Bwiset na kumag!

Na-delete ko na! Bwahahahahaha.
"Hoy, bakit mo kinuhanan?! Atsaka si-sinabi mo ba sa k-kaniya? 'Di naman totoo 'yun, lasing lang siguro ako kaya ko nasabi 'yun no." Ako.

"'Di ko pa nasabi sa kaniya." Tiningnan niya ang phone niya. .. oh you deleted... It's okay, I had a copy of it naman." *Smirk.

"Tsk, eh 'di isumbong mo! Atsaka tapos na naman ako doon. Crush lang naman. Dami ko kayang crush tsk! 'Di lang naman siya atsaka masaya na ako na masaya sila ng pinsan ko no." Ako.

"Okay, sinabi mo eh. And ibig sabihin na marami kang crush, kasali ba ako diyan?" Siya.

What the...

"Kapal! 'Di no!"

"Ouch, pero 'di naman masakit! Hahaha. How about love?"

Pinagsasabi ng kumag na 'to?

"Love?! You?!!!"

"Yeah, you've said it better."

"What?!! I don't! Ang sabi ko, love?!! You?!!! Not I love you!!! I don't even have a crush on you and I love you?!! How can you say that? Ni hindi nga ako na inlove kay Raven kasi crush ko lang naman talaga siya. Oh my!!! Crap that thing. I need to go home!" Sabi ko.

Ang init!
Baka ma-dehydrate ako nito!

"Ohhhhhhh, o-okay. Ma, uuwi na po k-kami. Bye! Love you!"
Sabi niya.

Oo nga pala. Andito nga pala kami sa cemetery. Sa harap ng puntod ng mama niya.

"Tita, sorry for my attitude. Anak niyo kasi eh! Kulit! Bye-bye po!"ako.

"Let's go?" Bubuhatin niya sana ako pero inunahan ko siya.

Bahala siya. Kapal ng mukha! Mahal daw? Oh, gosh!

Nagmamaneho lang siya, walang imik. Siyempre ako din. Ayoko pansinin ang lalaki na 'to! Naiinis ako!

Huminto siya sa may store. Bumalik siya na kay dami-daming binili. Chocolates, candies and cupcakes?



***************************
                      ★★★

Reads and votes are highly appreciated ❣ 😸

❤ Thank you so much MGIAC readers ❤
              

               -- Jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top