CHAPTER 23

💕 Aldrian na kumag! 💕

Aldrian's POV

"Cath!" Pag-tawag ng kung sino  kay Cathy.

11pm na...

"Oh bakit?" Tugon ni Cathy.
Inaantok o tinatamaan?

Mukhang lasing nga!

Paano ba naman kasi, ayaw magpaawat sa kaiinom. Wala ngang wine sa table namin pero ang isa pumunta doon sa ibang table. At ang malalala? Whiskey, vodka, at iba pang inumin lang naman 'yung matatapang!

Pambihira!

Ang pinsan? Ayon, mukhang enjoy na enjoy ding uminom. 'Di rin maawat ni Raven. Kaya, ayon nandoon na sa kwarto. Tulog na sa kalasingan!

Ang isa naman ito! Kung ano-anong pinagsasabi, broken hearted daw pero slight lang. Tsk!

Ako nga eh, 'di pa nagsisimula may kaagaw na agad.

"Ah, bro. Makakaalis ka na, ako na ang bahala kay Cathy. Andito naman pinsan niya eh." Sabi ng J-Jake ba 'to?

Tama! Siya nga! Ang kasayaw kanina ni Cathy.

"Ahm, Bro. Ikaw na nagsabi na nandito naman pinsan niya, so ibig sabihin kailangan mo na ding umuwi. Atsaka 'yung pinsan niya natulog na, kaya ang Tita niya na lang bahala sa kaniya." Sabi ko.

"Ano ba ang pinag-uusapan niyo? S-sali naman ako oh." Sumingit pa talaga sa usapan ah.

Hindi na lang namin pinansin dahil pumikit na naman ito.

Ba't 'di na lang kasi matulog!

"Ok, ganito na lang . Ikaw mauna umalis tapos susunod ako." Sabi niya.

"Ikaw na mauna diba malayo pa ang inyo?" Ako.

"Hindi, sige sabay na lang tayong uuwi." Sabi niya.

"Bakit tayo magsasabay eh, 'di naman tayo pareha ng daanan atsaka di rin tayo sabay nagpunta dito." Ako.

"Ikaw, ang nauna dito kaysa sa akin. Tama?.. tumango ako. .. eh 'di ikaw una mauwi!" Mukang naiinis na siya, ako kanina pa.

Pero may point siya!

"Sige sabay na lang tayong uuwi. Kailangan uwian talaga, ikaw na tumawag kay Tita doon." ako.

"Sige." Tapos umalis.

Maya-maya pa, nandito na si tita.
Ang bilis!

"Salamat sa pagbantay sa kaniya. Salamat sa pagpunta Aldrian iho, talagang kamukha ka ng iyong ina.  Male version of her... Ngumiti lang ako bilang tugon.. ... Sayo din Jake salamat at nakapunta ka." Sabi ni Tita.

"Walang anuman po Tita!" Ako.

"Walang anuman po Tita Zein!" Ang Jake.

" Oh sige, magsiuwian na kayo. Mag-iingat kayo sa pagmamaneho ah? Lalo na ikaw Jake, mukang marami din nainom mo ah? Wala na kasing guestroom pero kung okay lang doon na lang kayo sa sala."

"Ah, hindi na po Tita. Mauna na po kami. Maraming salamat sa pagkain." Ako tapos ngumiti.

"Opo Tita, atsaka hinahanap na po din ako ni Mama." Ang Jake, ngumiti din!

"Oh. Sige na. Ako ng bahala kay Cathy." Si Tita. Naalala ko siya, kaibigan siya ni Mama.

Bumisita pa nga siya noon sa amin ni mama. Tapos nagdadala ng mga groceries. Mga fresh vegetables and fruits.

Umalis na si tita, tinawag niya muna si Tito para tulungan siya kay Cathy.

Umalis na din kami ng Jake.

'Di muna ako umalis, andito pa sila Raven. Sabay na kami.

Andito lang ako sa may kotse. Ang Mama at Papa ni Raven umalis na din, kasama din si Jade. Ayon, tulog na!

Kailan ba 'to aalis si Raven.

Ohhh!
Lumabas si Raven .

"Bro. Tara?" Sabi niya.

Tumango lang ako.
12am na!

Paalis na din sana ng...
"Uyy!! Aldrian na kumag!!!" Tawag sa akin ni Cathy?

Kumag?

Bumaba si Raven. At humalakhak na lang. Tawa ng tawa! Tsk!

Bumaba din muna ako. Buti na lang wala na ang Jake.

"Hoy, ihatid mo mu-muna ako sa'min! Hoy!" Akala ko tulog na?

Lumabas si Tita.
"Iho, Aldrian. Andito ka pa pala. Si Cathy kasi a-ano uuwi daw."

Uuwi?

Akala ko dito siya mag-i-stay?

"Ah, opo. Pinaghintay kasi ako ni Raven." Sabi ko.

"Ah opo, Tita. Ako po nagpahintay hehe." Sabi ni Raven.

"Paano ba 'to? Mga pinsan ni Damie tulog na. Ang dad niya tulog na din atsaka lasing din iyon. Kung pwede ka-kayo na lang ang magha--.."

"Opo Tita. Kami na po ang bahala kay Cathy atsaka nakapunta na naman si Aldrian kila Cathy eh." Pagputol ni Raven sa sasabihin ni Tita. 'Di na awkward. 'Di na siya nahihiya sa mama ni Damie.

Ang tagal na naman din nilang magkakilala.

"Okay, salamat. Mag-ingat kayo." Si Tita.

"Opo Tita." Kami ni Raven.

"Sakay na Cath. Saan ka sasabay kay Raven or kay Aldrian." Si Tita.

"Kay Aldrian na lang po." Sabi niya.

Mukang napipilitan ah?

"Sige, mag-l-lock ka ng pinto ah?" Si Tita.

"Opo Tita."sabi ni Cathy.

Nagpaalam na siya sa Tita niya at sumakay na sa kotse.

May na daanan kaming 24/7 coffee shop kaya ayun pinahinto niya ang kotse.

Ipinark ko lang ang kotse kung saan pinark ng ibang customers ang mga sasakyan nila.

Hininto din ni Raven ang sasakyan niya.

"Dree, Cath mauna na pala ako. Nag-text si mama na kailangan ko ng umuwi kasi hinahanap na daw ako ni Jade." Si Jade talaga oh. Palaging hinanap niyan kuya niya, paano naman kasi noong bata pa iyan nasanay na si Raven lang kasama.

Sila Tita kasi, may business na kailangan aasikasuhin sa States noon.

Kaya lang, 'di naman ito sasama si Jade sa parents nila. Mas gugustuhin kasing doon lang sa bahay sila kaysa sa ibang bansa.

Buti na lang noong mag-6 years old siya. Sumasama na sa bakasyon pero kailangan nandiyan kuya Raven niya.

At kailangan pag natulog 'yun, may kasama. Kahit yaya okay lang basta may kasama naghahanap kasi 'yan pagnagising. Iiyak pag hindi niya makita ang hinahanap.

"Okay, dree. Atsaka mukang nahimas-masan na naman 'tong si Cathy. Iinom-inom pa kasi eh!" Sabi ko ng may diin ang huling mga salita.

Umirap naman ang isa.

See? Okay na! Okay na okay na!
Nang-iirap na eh.

"Okay lang Raven. Baka kailangan ka na nga ni Jade." Sabi ni Cathy.

"Sige, bye guys." Si Raven. Tapos tumingin siya sa akin at kumindat at umalis na.

Ano na naman iyon?

"Haaayyy!" Si Cathy. Napano siya?

"Hoy! Ano 'yun?!"ako.

"Ang alin?!" Siya.

"Wala, sabi ko tara na baka magsara! Tsk." Ako.

"Tssk-tssk pa eh mali naman! Hoy! 'Di to magsasara! 24/7 nga diba? Diba?! Tsk. Tara na nga!"
Siya.

Oo nga no? Ang bobo ko naman pag nandiyan siya.

Okay na nga talaga. Lakas mang-asar!

Ako naman mamaya! Hahaha!

"Good morning ma'am en sir!"
Nakangiting bati ng isang staff sa amin pagbungad namin sa may pintuan.

"Good morning!" Bati ko at ngumiti.

Anong problema ng pusang ito?

Umirap na naman kasi kasama ko!

"Cath ba't ang sungit mo nag good morning lang naman ah." Sabi ko.

Bumalik siya sa labas...
"Thank you for coming ma'am. Please come again!" Ang staff.

Lumingon siya sa akin at umirap..

Napangiti na lang ako at napailing-iling.

Pumasok siyang muli at.... ngumiti.. tapos......

"Good morning ma'am!" Bati ng staff ulit, nakangiti pa rin.

Huminto siya..
"Good morning Miss!" Nakangiting bati ni Cathy.

Hay, pilit na ngiti!

Nawewierduhan na siguro yung ibang staff dito.

Napailing-iling na lang ako.

Unbelievable?!

Lumapit siya sa'kin at..
"Okay na ba 'yun?!  Tsk!" At umirap.

Baka may dalaw?!

"Maupo ka muna. Ako na lang o-order. Anong sayo?"

"Kahit ano basta mainit na kape. 'Yung mapait sana okay?" Tumango na lang ako.

Pwede naman na 'di na lang ako pupunta pa dun sa counter kaso anong magagawa ko? Baka ano pang magawa ng isang 'to.

Epekto ng vodka, at whiskey yan!

Ayy, 'di pala. Palagi naman siyang ganiyan.

Pagkatapos kong magbayad ay bumalik na ako sa may table kung saan naroon ang nakasimangot na namang babae.

Problema nito?

"Bakit ganiyan na naman mukha mo?" Tanong ko.

"Tsk, paano ba naman kasi yung mga babaeng iyon kanina pa kasi ako pinag-uusapan."sabi niya sabay turo sa mga babaeng nagkukumpulan.

"Bakit mo naman nasabi na ikaw nga 'yung pinag-uusapan nila? Paano?" Tanong ko.

"Eh, kasi kanina pa sila tingin ng tingin dito tapos tatawa at bubulong na naman. Tsk!"
Sabi niya sabay irap.

"Okay lang 'yan. 'Wag mo na lang pansinin. Ito na mapait at mainit na kape mo oh." Sabi ko at ibinigay na sa kaniya ang kape.

"May menthol candy ako dito gusto mo?" Maxx candy :)

"Okay pahingi dalawa... ibinigay ko naman.... Salamat." Sabi ko.

"Ngumiti ka na pangit ka na niyan... Atleast ako pag sumimangot cute hehe." Ako.

"Tsk, oo na hayss. 'Di lang maganda pakiramdam ko ngayon." Sabi niya.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko.

"Wala, sakit lang ng ulo ko." Sabi niya.

"Hangover siguro. Uminom pa kasi... Umirap siya. ..oo na heartbroken I-I mean slight heartbroken. Pero nakatulong ba ang alak?"

"Hindi.. sabi niya at ngumuso. ..okay na ako. Nawala na naman 'yun. Crush lang naman eh. Mabuti na rin 'yun , 'di naman malala natamo ko dahil sa crush-crush na 'yan."
Sabi niya.

"Ba't kasi hindi na lang ako." Mahinang sabi ko. Pero mukhang narinig niya nanlaki mata eh!

"Ah, hehehehe. Sabi ko buti pa ako, crush din ng crush ko hehe!" Gumana kang palusot ka!

"Ah,oo nga eh. Dami kasing girlfriend I-i mean crush eh hehehehe." Mabuti na rin at napangiti na siya. Totoong ngiti, 'di 'yung sinasabi niyang fake.

💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕
                   ❤❤❤

Reads and votes are highly appreciated.  💕😻

❣ Thank you cat readers! 😻 ❣

                 -- Jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top