CHAPTER 22

💕 LQ? 💕

Catherine's POV

"Hoy, ano ka ba Cath? 'Di mo pa nga nakasayaw si Mr. Aldrian bayot eh. Amoy, alak ka na." Si Damie.
Pinapaala-ala pa talaga ang eksenang 'yun? Eksenang bayot?!!

Kumuha ako ng isang shot ng vodka at ininom. Kumuha siya ng gin at ininom.

Ngayon lang po ito. Huhuhu. Sakit, sakit ng ulo ko.

"Tsk, bakit siya nandito? Pinilit mo no?!! Baka magalit ang pinsan niya dahil 'di siya pumunta doon, sino ba 'yun R-RJ? Rave... RAVEN JUDE! Oh!!! Magpinsan sila?" Tanong ko.
Bakit 'di ko agad nalaman??!!

"Ah huh. Gulat ka no!? Siya rin, noong sinabi niyang andito ka din ayun, umalis. Pupuntahan daw si Jade. Kaso, nagkataon na nagkabangga kayo hahaha. Siya lang din naman daw ang pinsan ni Raven na tumangging makasali sa 18th roses mo. Diba?" Oo nga. Paano ba naman 'tong si Raven, pinagpilitan na isali 'yung pinsan niya. Isinali naman, pero 'di pala pumayag.

Kala mo kung sino?

Wait!! Magpinsan talaga sila?!!

"Ah, okay lang naman na 'di siya nasali sa 18th roses na 'yun! Baka tumanggi 'yun dahil 'di marunong sumayaw? Alam mo 'yun?" Sabi ko.

Si Damie ayon nagpilit ng ngiti. Ano na naman?!! Tsk!

"Tsaka, baka 'di siya pumunta noon kasi may date sila ng girlfriend niya? Ewan natin. 'Di ko naman siya gusto isali din sana kasi di ko kilala. Eh, halos lahat ng kasali kilala ko tapos makasayaw ako ng 'di ko kilala?! Tsk...tahimik pa rin si Damie at kumurap-kurap. Anyare? Uyy Dame, napano ka?"

"Cath, kasi si A-Aldri.." si Damie sabay turo sa akin. Bakit ako???

"Ano nga 'yun Cath? 'Di ko kasi narinig lahat?" Sabi ng taong nasa likuran ko...

Crap!!! Bakit 'di nagsabi ang pinsan kong 'to? Kanina pa siya diyan?

Sa likod ko pala nakaturo ang pinsan ko.

Pumikit ako sandali at liningon siya...

"Ahmm, Mr. Aldrian gusto niyo bang marinig ulit lahat 'yun?"

Nag-smirk ang loko na kumag! Akala niya ikinagwapo niya 'yan? Kainis!!!

"Maari ba?" Sabi ng kumag.

"Ah sabi ko po eh, baka kasi marunong po kayong sumayaw at ang galing-galing niyo na kaya 'di kayo nakasali noon atsaka baka may sayaw kayo na sasalihan ng girlfriend niyo po."sabi ko.

"Sabi niya 'di ka marunong sumayaw hahaha!" Ohhh, bwiset din pala itong pinsan ko. Hayys.

Pinandilatan ko siya, ayon umirap at...
"Oh, sige na nga. Ayaw ko sumali sa LQ niyo? Tsaka hinihintay na'ko ni baby. La la la la la la la 🎶" kumanta pa siya. Ano, napano 'yun?

LQ? Baka Q lang... Walang L tsk!!

"Ahmm, sinong 'di marunong sumayaw Miss Cathy?" Aba!! Talaga lang ha?!!

Tiningnan ko siya at umirap.
"Siyempre ikaw este ako, tsk!" Sabi ko.

Siya, ( •___• )...
Bwiset!!!

Aldrian's POV

"Ahmm, sinong 'di marunong sumayaw Miss Cathy?"

Grabe 'tong babae na 'to. Ang lakas... Lakas ng tama ko sa babaeng lakas maka-gawa ng istorya. Lakas ng apog niyang inisin ako. Pero, hahaha mukang siya 'yung unang maiinis.

Bakit ang bilis nitong mainis sa'kin? Eh sa kasayaw niya kanina, 'di man lang siya umirap ngumiti pa. Pero okay lang, na sa akin siya umirap ng paulit-ulit kasi sa'kin naman din ang bagsak ng mga mata niya haha pati na rin puso niya.

Oo nakita ko, nandoon lang naman ako sa isang Lugar kung saan kitang-kita ko ang pagsasayaw nila.

Tiningnan niya ako at umirap. Hahaha. Sige umirap ka pa...'di ka ba niyan mahihilo.

"Siyempre ikaw este ako, tsk!" Sabi niya. Mukang naiinis na... Cute niyang inisin haha.

Sabi ni Raven, wala siyang boyfriend.

"May I dance with you?"tanong ko na nakangiti sabay lahad ng kamay.

Mukang nagulat siya, pero umirap lang naman din.

Ano kaya iniisip nito?

"Ahmm, okay." Sagot niya at inabot ang kaniyang kamay.

Umirap na naman! Hay naku! Ngumiti lang naman ako ah.
Dapat ba na magsusungit din ako? Hayys!

"Ahm, bakit ka ba ngiti ng ngiti? Tsk!" Sabi niya.

Ang tugtug ay nagsimula na...
🎶🎶 Not sure if you know this

But when we first met

I got so nervous, I couldn't speak

In that very moment

I found the one and my life had found it missing piece🎶🎶

Kulay puti ang suot niyang dress, sadyang napakaganda.
Napakaganda niya.

Ang ganda kasi ng kanta. Bumagay. Kulang na lang ang altar at si father. Para kasalan na!

"Bakit 'di mo magugustuhan ngiti ko? Pangit ba?" Tanong ko ay sumimangot. Hay, sabi ko ng ngiti ang problema eh.

🎶🎶So as long as I live I'll love you

Well have and hold you

You look so beautiful in white

And from now to my very last breath

This day I'll cherish

You look so beautiful in white

Tonight 🎶🎶

Tumawa siya, may nakakatawa ba?

"Haha, 'di bagay sa'yo! Hahaha."si Cathy.

"Ang ngumiti?" Naka-simangot pa rin ako.

"Ang sumimangot! Hahaha."
Ang gulo. Pati simangot ko pangit pa din? Ang cute kaya!

"Hoy, sabi ni Mama cute ko daw lalo na pagnakasimangot."

"Tsk, ano gusto mo sumimangot para sabihan na cute? O ngumiti para pogi ang dating?" Siya. Ang gulo niya, akala ko ba ayaw niya sa ngiti at simangot kong mukha?

"Gulo mo." Ako.

"Okay, kainis kasi ngiti mo. Nakakairita!!"cathy.

"Pero cute ayy, pogi pala. Naiirita ka sa ka-pogian ko?" Tapos ngumiti ako.

"Hay naku, ang lakas masyado ng hangin oh. Tsk!..huminto siya at tinitigan ang mukha ko...Bakit kasi ganda ng ngiti niyo eh? Nakakahawa."

Niyo?

"Same with you." Umirap na naman siya.

"Bolero!"

"I'm not! I'm serious, I love your smile... Tiningnan niya lang ako... ay ano, I like your smile hehe."

"Ahh thanks, but it's limited." Sabi niya.

Limited? Di naman ah?!

Sa akin unlimited. :)

"And why is it?" Tanong ko.

"Because it is fake... Hayss..."
Fake?

"Huh?" Ako.

"Sabi ko, the music is pretty good." Pag-iiba niya.

Well, yeah it is. Indeed!!!
At gusto ko pag-kinasal na tayo ay ito ang gusto kong kanta na matugtug kapag naglalakad na siya sa patungo sa akin. Patungo sa altar.

"How can you say that it is fake? Kung ako, kami mismo na nakakita nito ay totoo? So, totoo din 'yung ngiti mo, totoo kami eh. Totoo 'yung nakikita namin?" Sabi ko.

"Ewan ko, siguro nga totoo? O hindi, ay may limitasyon pa rin ito. May hangganan." Bakit ang drama niya?

"Ahmm, Cath." Pagtawag ko. Mukang nakainom yata? Inilapit ko mukha ko sa mukha kaniya.

"Yesss? Manghahalik ka na naman ba?" Inilayo ko mukha sa kaniya. Naka-inom nga!

"Ahmm, kailangan mo ng umuwi." Ako.

"Whyyyy? Bakit? Dito muna ako, ayoko muna umuwi. Dito ako makutulog kila Damie." Sabi niya.

Natapos ang kantang 'yun.

Sumunod naman ito... Sumayaw pa rin kami...

🎶🎶🎶 Hey, there's a look in your eyes

Must be love at first sight

You were just part of a dream

Nothing more so it seemed

But my love couldn't wait much longer

Jud can't forget the picture of your smile

'Coz every time I close my eyes you come alive🎶🎶🎶

Bakit ganito mga kanta nila?
Ako lang naman ang na love at first sight sa'min.

🎶🎶🎶The closer I get to touching you,

The closer I get to loving you

Give it time

Just a little more time

We'll be together

Every little smile

That special special smile

The twinkle in your eye in a little while

Give it time

Just a little more time

So we can get closer

You and I...🎶🎶🎶

"'Di naman totoo, love at first sight na 'yan. Siguro sa kanila totoo." Si Cathy.

"Para sa akin totoo." Ako.

Tiningnan niya lang ako.

"Kanino ka naman na love at first sight?" Tanong niya.

Sayo!
"Ahmm, sa babaeng nagpapatibok ng puso ko."

"Ah, akala ko sa mga pusa hahaha!" Siya.

"Grabe, ka naman. Pero pwede rin, hehe."

Ito pa rin kami sa dance floor sumasayaw....

"Ah, Cath sino pala 'yung kasayaw mo kanina?" Tanong ko.

"Si Jake." Jake?

Jake pala name nun!?

"Kaano-ano mo siya?" Tanong ko ulit.

"Kaibigan bakit?" Si Cathy.

"Wala, a-ako kaano-ano mo ako?" Bakit nauutal?

"Ahmm, friend din siguro? Kung gusto mo." Sabi niya.

"Huh? Magkapareha kami nun? Kaibigan?" Tanong ko.

"Oo, gusto mo kapatid na lang kita?" Siya.

🎶🎶Every little smile, that special smile

The twinkle in your eye

In a little while

Give it time

Just a little more time

So we can get closer

You and I...🎶🎶🎶

Natapos na ang kantang iyan ay pumunta kami ni Cath sa may table. Buti na lang walang alak dito. May drinks but fresh juices lang.

"Ayoko, ayoko ang maging kapatid mo lang. I-I mean maging kapatid mo."ako.

"Oh sige. Kaibigan na lang." Sabi ni Cathy.

"O-okay, siya pwede mo siyang maging kapatid." Sabi ko.

"Sino? Si Jake? Kaibigan na kami noon dati pa. Ayaw ko 'yun maging kapatid. Makulit!"
Si Cathy.

Ano na bang oras? Tiningnan ko ang relo ko.

"10:00 pm?" Gulat kong tanong.

Ang bilis naman ng oras na iyan.

"10 pm pa lang? Kanina pa ako dito ah..." Pa lang?
Sabi niya.

Isinuksok niya ang ulo niya sa may table. At pumikit...
"Dito ka matutulog?" Tanong ko.

"Ayaw! Ayaw ko dito, doon ako sa guestroom nila Damie kung saan ako nag-s-stay tuwing andito kami ng family ko." Sabi niya.
Literal meaning?

Well, oo nga naman. Tsk!



✴✳✴✳✴✳✴✳✴✳✴✳✴✳✴✳

Beautiful in white. --- westlife

closer you and I ---Gino Padilla

Reads and votes are highly appreciated...💕💕💕

-----Jessafelovers258💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top