CHAPTER 18
💕TLE topic💕
Damie Joy's POV
Asan na ba ang pinsan ko na 'yun?
"Cathy? Cathy! Hoy Cath! Ito na naman nang-iiwan ka na naman ah. Cath!" Habang naghahanap ako 'yung little cutie naman, sumusunod sa akin.
Bakit andito na naman siya? Pagagalitan pa 'ko nun eh!
Pero dito na lang siya, mukhang wala naman pinsan ko dito. Atsaka mukhang gustong-gusto niya dito. Kasi pinalabas ko na siya dati eh. Pero ito, andito na naman siya.
Nasa kitchen kami.
Pumunta siya sa may mesa.
Sa mesa, may notes na naman. Mukhang kinahihiligan na ng pinsan kong magsulat ng letter ah?
Nakasulat sa letter niya na, may pinuntahan pa daw siya. Kaya nauna na siya. Bibili pa daw siya ng gifts para mamaya. Sa party.
'Di daw niya ako sinama para wala akong alam sa gifts na ibibigay niya.
How sweet? Ganiyan pinsan ko, laging may dadalhin 'pag bumisita 'yan sa amin.
Pero, karamihan cakes. Cakes na gawa niya.
Magaling mag bake 'yan. Ang pagluluto naman ng mga iba't-ibang putahe ay pinag-aaralan pa niya. At malapit na niya itong matutunan. Ang lasa lang naman ang kulang sa luto niya. 'Di pareho pareho ang timpla niya.
Pero atleast magaling mag bake hehe. Bakit 'di kasi nag-culinary 'yan eh. Accounting pa kinuha.
Pero ang alam ko, pagkatapos niya nun. Mag-cu-culinary siya. Mag HRM? Pwede! Pwedeng-pwede!!!
Ako? Gusto kong maging teacher. Kaya mag t-third year na 'ko sa pasukan, BS Ed kinuha ko major in TLE.
Hahaha, TLE pa talaga no?
Alam niyo may i-s-share ako.
(Flashback)
Grade 9 kami nun. At TLE time namin nun. Technology and Livelihood Education.
Subject teacher namin si Ms. Hase.
Last subject namin ang TLE sa morning session. Malapit na lunch break at ako naman uwing-uwi na. Umuuwi kasi kami 'pag lunch para sa bahay na lang kakain.
Nag d-discuss si Ms. Hase nun about sa mga types ng nut...
Mga types ng nuts? Ano ba 'yun? 'Di talaga kasi ako nakinig eh.
"Miss, almonds!" Sabi ng isang kaklase ko.
"Very good, what else? Anyone?"
Anyone? Ang dami kayang nagsitaasan ng kamay. Hayys.
"Cashews ma'am!" -Aladen.
Ano ba sinasabi nila?
"Hazelnut Miss." - Miaye.
Hazelnut? Diba mga mata 'yun? Kasi sabi nga nila mala hazel eyes daw. Eyes bakit nut?
"Brazil nut!" -- Bronde.
Brazil? May mani bang Brazil? Lugar yun!
"Peanuts." --- Cathy.
Buti pa 'tong pinsan ko may alam!
Siya lang tama! Peanuts!
"Pecan Miss!" ---Raven.
Pecan? Ano naman 'yun? Peca-chu?
"Pistachios ma'am!" ----si Mina.
Ano daw? Pista shoes? Paano naging nut 'yan?! Asan makain diyan? Sapatos? Pero dahil pista naman, mayroon talagang pagkain.
"What else?" Si ma'am! Meron pa ba?
Wala ng nagtaas ng kamay.
Tatawag na ng name si ma'am niyan. Huhuhu. Ma'am, 'wag ka tumingin dito! Nagpabalik-balik tingin niya sa'min.
"Okay, Damie Joy. What else? Marami pa." Marami pa?
Bakit wala kong alam?
Ma'am time na po! Gusto kong sabihin. Pero di ko sinabi baka magalit hehe.
Tumayo ako. Sino makakatulong sa'kin?
Ma'am pwedeng call a friend? Huhuhu. Ayoko talaga makinig sa klase niya, paano ako makikinig ng maayos kung sumisigaw na sa gutom tiyan ko?
Tumingin ako kay Cathy. Tingin na nanghihingi ng tulong.
"Cath ano?" Sabi ko na walang tinig huhuhu.
'Di ko naiintindihan ang sagot niya. Pero ang basa ko sa bibig niya ay coconut.
"Coconut Miss!"
Sabi ko. Buti na lang may nut din hehe.
Pero nanlaki mata ni Miss Hase. Tumingin ako kay Cathy na nakatingin sa akin na umiiling-iling pa. Bakit? Tama naman ah!
"DAMIE JOY, ARE YOU SURE?!!"
Tumango naman si ako.
Tumawa ang iba kong kaklase.
Bakit sila tumawa? Tama naman ah!
"Miss, sure po ako. May kanta pa nga niyan eh. Kantahin ko ah?!
🎶The coconut nut is a giant nut
When you eat too much, you'll get very fat! The coconut nut is a gi--"
"Okay class quite!" Pagputol ni Miss Hase.
Patay, mali siguro ang lyrics.
Inisip ko kung mali nga ba.
Mali nga!
Tumahimik ang lahat.
'Yan tawa kasi ng tawa. Buti na lang si Cathy at Raven hindi tumawa.
"Okay Damie Joy, you will have a special activity. You need to make a report about it, about types of nuts. Pagkatapos magreport ni Damie ay may short quiz! Bye class!"
Bakit ako lang may special activity?
"Bye miss!" We said in unison.
Tapos lumabas.
Bakit kaya 'di ako pinatapos ni Miss sa pagkanta? Tama naman lyri-- ahh baka na offense si ma'am. Kasi medyo mataba siya? Kain ng kain siguro ng coconut. Hahaha.
Sinabihan ako ni Cathy na ang sabi daw niya sa'kin nun ay walnut. Pero atleast tama naman coconut eh.
Pero nalaman ko ang dahilan ng pagpatigil ni ma'am sa'kin at kung bakit tumawa ang mga kaklase ko. Nalaman ko ng magreport ako, kasi ano nag search ako. Huhuhu.
Panira na kanta 'yun oh!
(End of flashback)
Oh see?!! Lutang, gutom at antok nararamdaman ko nun eh.
Kaya resulta? Hayys. 'Di pa rin nakakalimutan ni Cathy yun. Minsan nang-aasar pa.
Paano niya ko maasar nun?
Well, 🎶🎶the coconut nut is a giant nut. When you eat too much, you'll get very fat.🎶🎶
Sinunod pa 'yung maling lyrics.
Sila Raven at Cathy ang 'di tumawa sa akin nun. Pero ngayon inaasar nila ako niyan.
Tawa pa ng tawa! Nakakainis!
Yeah, kakantahin lang naman nila 'yan. Hayys...
Kung 'di ko lang gusto coconut nut na 'yan. Minura ko na 'yan!
TLE!! TLE subject namin nun. Bakit kasi pinahuli ang subject na yan eh.
"Uyyyyy, 'pag bumalik ang may-ari ng bahay nito. Umuwi ka ah? Bumalik sa inyo, baka mapano ka sa kaniya eh. Bye! Aalis na'ko, baka hinanap na'ko ni mama." Sabi ko sa pusa.
"Meow meow meow!"
"Sige umalis ka na!"
"Bye-bye little cutie!" Humalik pa muna ako sa may pisngi niya.
Lumabas na ako kailangan ko pang maghanda para sa pagdating ng pamilyang Grellow mamaya.
Catherine's POV
Ang pinsan kong 'yun talaga. Ayun kaaalis lang! Pero may text, agad agad sa kaniya.
Kung siya daw pinaghanda ko para sa pagdating ng pamilya ng baby niya. Tsk.
Ako, tinext niya ako. Tinext niya ako na kailangan ko din daw maghanda para sa date ko. Akala ko, dinner lang ang magaganap.
Pero, may pa-party rin pala. Kailangan ko talaga mag-ayos niyan. Huhuhu.
Pero date? Ka date? Wala ako nun! Kasi wala akong mayayaya! Sino naman yayain ko?
Highl school classmate? Si crush?
College classmate? Sino? Kaibigan? Bading kaya?
Ahhhh, basta pupunta ako ng walang date! Alangan naman na yayain ko ang kumag na Aldrian na 'yun!!! Te-teka. Sinabi ko bang Aldrian?
Hindi, hindi naman din 'yun sasama sa akin. Naghahanap pa nga 'yun ng partner niya eh. Tsk, 7:00 pm pa rin talaga ah! Hayys, may party din siguro!
Kaya mamaya kailangan ko pang bumili at pumili ng pwedeng ipang- gifts sa pinsan ko na 'yun.
Tsaka, kahit okay lang cake! Magdala na rin ako nun. Gusto kasi nila ang gawa kong cake! Haha, si mama nagturo sa'kin magbake. Kaya ayun. Natuto din.
Paano 'di ako matuto kong may bakeshop si mother dear ko.
Ang pagluluto naman, ewan ko parents ni Damie cook and chef. Sana all.
Sa akin naman, baker and cook! See! Pero di ko makuha kuha. Kahit pinsan ko 'di rin makuha.
Sabi nila kulang na lang daw sa akin ay ang pag-timpla. Lasa!!!
Kulang lang daw ako sa practice! Sabi nila Tito at Tita.
Sabi ni mama at papa naman. Tama naman sana, kaso kulang daw sa pagmamahal.
Ang gulo, pagmamahal? Love? Sa pagluto? May ingredients ba nun? Hayys, ako inlove nga ako eh. Pero kulang pa din talaga. Huhuhu. 'Di ko ma-gets sinasabi nila.
Ohh! May message na naman!!
Kay Damie pa rin?
Pusa ako ngayon but alam ko ang paggamit ng cp. Nung unang try ko, di ko maayos ang hirap kasi. Pero, nakuha ko din ang technique hahaha kaya ito. Pusa nag-c-cellphone!!!
Binasa ko text niya...
"Okay lang pumunta ka ng walang partner! Dito ka na lang maghanap. Okay? Ako ng bahala hahaha hahaha hahaha!!!"
Wow, ano kaya ang nasa isip ng babaeng 'yun?
Kung maka-hahaha siya wagas!!
Mukang may binabalak siya ah...
6:10 pm na!
Hahaha, tao na ako!!!
"🎶🎶🎶 Here I am, the one that you love 🎶🎶🎶 I am Catherine Gaile-leeee 🎶🎶🎶 ohhh ohh ohhh🎶🎶 lalala lalala lalala🎶🎶🎶" pagkanta ko.
Naliligo ako haha. Ganito talaga ako maligo... Kumakanta!!
Wala naman masama kumanta habang naliligo diba?
"🎶🎶🎶Hmmm, hmmm, lalala the one that you love ohhh ohh ohhh. Lalala lalala lalala-ahh!🎶🎶 🎶Pagkanta ko pa rin.
"🎶🎶🎶🎶🎶"
Nagsipilyo na ako!
Nagbibihis na ako. A simple yellow T-shirt and a blue jeans with white rubber shoes ang suot ko! Okay na 'to, bibili pa naman muna ako ng gift.
Nasa mall ako, yeah 'di na sa market haha. Mas malayo ang market kaysa sa mall atsaka wala naman sa market bibilhin ko.
Ano kaya maganda i-gift sa pinsan kong 'yun?
Ng may napili na ay lumipat muna ako sa kabila. May binili din ako.
Hahaha, 'di talaga ako magaling pumili ng magandang pang regalo. Mahilig kasi ako magsulat ng letter, kaya sa letter ako bumabawi. Kaya hindi man niya gusto mga gifts ko ay ma-t-touch naman siya.
A simple beautiful painting binili ko, painting ng dagat with a beautiful sunset. Mahilig kasi siya sa pag-c-capture sa mga sunset. Kaya ito nalang pinili ko.
Tapos bumili 'din ako ng picture frame para sa akin. Haha, 'di para sa kaniya. May camera naman ako, kaya kukuhanan ko muna sila ng picture ng baby niya at ang picture nila ilalagay ko sa frame na ito. May message din akong ilalagay sa likod nito.
Sana lang magugustuhan niya.
'Di naman talaga siya mahilig sa mga material things na 'yan! Like me, pero 'pag may nagbigay okay din. Pangdagdag collection, remembrance!
💕 Votes and comments are highly appreciated💕
Xìè Xìè😊 readers💕 (thank you)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top