CHAPTER 17

💕 Little cutie again💕

Aldrian's POV

Andito na ako sa amin.

Tapos nakong kumain ng dinner kila Cathy, grabe pinsan niya. Grabe din bunganga. Paano ba naman walang katapusan mga sinasabi niya. Palaging may tanong, at kuwento. Ano ba pangalan nun?

Damie ba 'yun? Pamilyar!
Basta narinig ko na ang pangalan na 'yun.

Si Cath naman kung ano-anong pinagsasabi sa pinsan niya. 'Di naman lasing pero parang may saltik. Pero maganda... Naku naman oh!!!

Sinasabi ba naman sa pinsan niya na bayot daw ako. Bayot?!! Bakla daw!!! Hays, pero okay lang. Sinabihan ko naman siya na kung bayot ako, siya naman tomboy haha.

Ayun mukhang mas naiinis!
Sabi pa niya sumabay na lang daw ako haha. Pero 'di niya alam na nahahalata siya ng pinsan niya haha.

Ayun, mabait naman pinsan niya. Tsaka niyaya pa ako na magdinner bukas with her family pero sayang lang kasi si Raven nagyaya din. Si Raven. Pinsan ko.

Catherine, Catherine, Catherine.
Catherine pangalan niya pero hate niya ang cats. Hay, ano ba naman oh?

Pero okay lang Cath lover naman ako eh este cat lover hehe.

Ito pala phone conversation namin ng pinsan ko.

(Phone conversation)

"Hello Rave, bakit ka napatawag?" Tanong ko.

"Ano kasi pwede ka bukas, manliligaw lang haha. Pero sinagot na niya ako 'yung nang basted sa'kin. 'Yung ultimate crush ko. Pero sabi ko kasi kahit sinagot na niya ako at manliligaw pa rin ako in a formal way. So, pwede ka?"
Buti naman at sinagot na siya ng babaeng gusto niya.

"Okay."

"I-text ko lang 'yung address. Kasama sila mama at papa. Gusto ka ng makita ng dalawa kaya pumunta ka ah?"

"Ano oras?"
Tanong ko.

"7:00pm. Dinner time. Pwede na ring dinner date haha."

"7:00pm? Okay pupunta ako."
Mukhang may nakikinig ahh? Paano ba naman 'yung isa dito nanahimik na nga lang irap pa ng irap. Hayys, buti nal lang talaga maganda siya kahit umirap.

"Eh dinner date lang naman. So magdala ka ng partner ah?"
Tumawa ako. Partner daw sino naman dadalhin ko?

"Ahh, bakit kailangan ba talaga ng partner?
Narinig ko siyang humindi sa kabilang linya. Ahh, okay!"
Sabi ko.

"So may partner ka na?"

"Hahanap pa 'ko haha."
May umirap na naman.

"Sila Benjie at Bree makapunta ba sila?" Tanong niya.

Matagal ko nang kilala si Raven, nagpupunta 'yan sa amin. Pero, 'pag pumunta siya sa amin at magku-kuwento siya sa tungkol sa buhay ng mga naninirahan sa bahay na ito ay umaalis ako.

Kaya tuwing pupunta sa amin 'yan. Hindi siya nagku-kuwento, akala ko isa lang anak nila. 'Yun pala, dalawa. Kaya buti na lang kahit 'di nila ako masyadong kilala ni Brianna at Benjie ay hindi ko maramdaman na nag-iisa lang ako. Kasi 'di nila ipinaramdam sa akin yun.

Nagpapasalamat ako na bago ko palang silang nakilala ay malapit na sila sa akin.

Paano ba naman 'yung si Raven, 'di nga siya nagku-kuwento sa akin about sa kanila. Pero ako naman ang kinukwento niya sa mga bata. Kaya kahit paano may alam sila tungkol sa akin.

"Di sila makapunta ni Benjie at Brianna 'di kasi sila pwede lumabas 'pag gabi na except lang kung kasama si Tita. Alam mo naman iyon." Wala pa kasi sila dito.

"Oh, sige bye-bye na tinawag na 'ko ng kapatid ko. Punta ka ah?" Ani niya.

"Ahh okay, sige na. Oo pupunta ako. Bye!" Sabi ko.

'Pag lingon ko sa likuran ko. Nagulat ako ng nandoon pa rin si Cathy.

Kaya ang bobo lang ng tanong ko. Hayys. Tinanong ko lang naman kung bakit siya nandoon pa rin.

Ayun, bahay daw nila kasi. Hayy, tama nga naman.

Pero oo pupunta ako bukas para ma-meet ko na rin ang maswerteng babae na kinababaliwan ng pinsan ko.

Okay naman siguro na walang partner, diba?

...

Nag shower muna ako at nagsipilyo. 'Yan lagi ginagawa ko before matulog.

Isang oras na ang lumipas ngunit ito pa rin ako. Nagbabasa ng wattpad books. Tapos na ako sa wattpad story na he's into her ni maxinejiji. Ang hindi ko lang ay bakit ayaw ipahiram sa'kin ni Cathy ang books ni Jonaxx.

'Di pa ba siya tapos nun. Ako nga eh nakatapos, natapos ko na nga ang he's into her.

Ahhhh, siguro dahil 'pag pusa siya sa umaga 'di siya nakakabasa. Hay, makakahiram at makakabasa din ako ng story na 'yun.

Nang matapos ko na ang limang chapters ay dinalaw din ng antok. Good night!!! 💤💤💤💤💤


Catherine's POV

Grabe, 12am na pero ito na naman ako.

Nanonood C-drama, "the brightest star in the sky" pinanood ko. Malapit na naman ako matapos, tatlong episodes na lang. Ending na!!!

Kahapon ko pa ito pinanood hayys, ngayon o 'di kaya bukas ko pa ito matatapos huhu.

Si DAMIE kasama ko ngayon, 'di pa rin dinadalaw ng antok.

Paano aantukin kung kain ng kain? Tinago ko pa ang ibang pagkain na dala niya. Mahirap na at baka matulog itong busog. Sabi nila kasi, masama matulog 'pag busog. Totoo ba 'yun? Oo!

Pero paano naging masama I 'di mabuti. Eh, sabi din kasi ng iba pati si mama ay nagsasabing masama matulog 'pag gutom.
'Pag busog 'di rin mabuti?

'Pag sobrang busog iyon ang hindi mabuti at 'pag natulog kang walang laman ang sikmura 'di rin 'yun mabuti at nakakasama.

Hayst, paano nga mga babies nito? 'Di ba natutulog ang mga bata 'pag busog na??! Hay naku!

"Dame tapusin na lang natin ang natitirang episodes? O bukas na lang sa inyo naman ako matulog bukas eh." Ayy oo nga pala, 'di ako pwede doon matulog hayys. Ang gulo!!!

Paano kung tulog na tulog pa ako ng mahimbing, 'di ko man lang alam pusa na pala ako? Pero okay lang din siguro na, magbilin lang ako ng notes. Ayy, hindi pa rin.

'Di na lang ako sa kanila matulog.

"Cath tapusin na lang natin pero ano kulang na 'tong pagkain. Pahingi kahit iyong super crunch lang hehe. Please!!! Atsaka kung bukas pa natin tapusin, ang tagal pa naman oh. Kahapon pa iyan eh. Hindi pa rin matapos-tapos. Tatlo na lang din naman. Hehe!" Ibinigay ko na sa kaniya, super crunch niya. Isa lang pero ang size? Mahilig kaming dalawa sa mga corn chips na 'yan. Sarap ng mais no!!

Hayss sabi na nga ba!!!

'Pag ako kasi nanuod ng C-drama. Kuma-catch up 'yan si Damie. 'Di nagpapahuli, fav. genre niya ay historical-romance.

Ako naman noong una ayoko talaga ng mga history history na 'yan. But ng mapanuod ko na ang "eternal love" na 'yan. Kaya nahiligan ko na din.

Fantasy and mystery 'yan mga hilig ko. Pero ng mapadpad sa C-drama, k-drama, Thai-drama land haha, ayun naging gusto lahat ng genre haha. My ghaddd!

Maganda kasi! Atsaka buti nga ito kinahihiligan naming panuorin. Iba nga eh, kinahihiligan panuorin 'porn'! Hay naku!

Okay lang naman kila mama at papa na manood kami ng ganito. Nakiinood pa nga din sila eh.

So paano ba 'to bukas, 'yung sinabi ni Damie. Pupunta ako doon. Tsaka tao naman ako nun eh. So sasama ako. Para naman ma-meet ko din ang bumihag sa puso ng pinsan ko noh! Hayss. Support tayo...

"Cath 2 more na lang. Malapit na... Two more..." Sabi niya.

"Oo kaya tumahimik ka na lang muna." Ganiyan kasi siya 'pag pagpatapos na.

Ng matapos na namin 'yun ay nagchikahan mo na kami. Siyempre chika namin about pa rin sa the brightest star in the sky. Kami na nga lang ang katatapos lang nanonood kami pa rin ang magchichika hayss.

2am na kami nakatulog, pero bago ako natulog, pinatulog ko muna si Damie. Tapos nagsulat na naman ng letter.

Kinabukasan...

Alas nuebe na ng umaga pagkagising ko. Pang limang araw na huhu.

Matagal-tagal ko pang makikita ang beauty ko sa umaga. Human beauty, hindi cat beauty!

Nagmuni-muni muna ako sa labas ng bahay.

Pagbalik ko sa loob, tiningnan ko ang orasan. Alas 10:30 na!!!
Ano ba? Bakit ang tagal niya gumising? Nauna pa siya sa akin natulog ah.

Hayss, wala pa kong breakfast. Lovies at likies ko din, 'di pa naka-breakfast. Huhuhu. Kawawa naman sila.

Pumunta ako sa kitchen. Lumundag ako sa may mesa. Mukhang may pagkain dito ah. Naghanap-hanap ako.

Huhuhu may biscuits!! Hayss, salamat. Okay na 'to. Buti nalang at dito ko natago kagabi. Kung hindi wala akong makain.

Bakit 'di ko kasi mabuksan ang refrigerator namin?!! 'Yung food storage!!!

Bibili na lang ako ng cat feeds sa susunod. Bahala, 'di ko gusto ang mga 'yun.

Kung bibili ako ng cat feeds at nakita ng magaling kong pinsan. Paano na?

Hayss, basta bibili ako. Itatago ko na lang sa ilalim ng kama ko.

Bakit tagal niyang gumising?

Gisingin ko na nga lang!

"Meow meow meow meow meow meow!"
"Uyy Damie Joy Caljes Jimenez gumising ka. Kung hindi, kakagatin kita."

Aba! Talagang mahimbing pa rin ah! Paano ba 'to gisingin?

Lumundag lundag ako sa kama at sa kaniya. Haha.

"Meow meow meow! Meow meow meow!"
"Hoy ma-l-late ka sa date niyo mamaya! Baka magtampo baby mo!"

Baby!!!

"Uhmmm, Cathy? Cath!"
Minulat niya ang mga mata.

Baby lang pala niya.

"Ohhh! Hi little cutie! Where's Cathy?" Little cutie?  My ghad!!!

"Meow meow meow!"
"Hoy bumangon ka na diyan! Baby mo nandoon na sa inyo!"

"Oh, so cute!" Kinurot pa niya pisngi ko. Ang sakit!!!

"Ahmm, Cathy! Oh, baka makita ka niya. Bakit nandito ka na naman? Hindi niya gusto ang cat."

Sinabi mo pa!

"Ahm, hanapin ko muna si Cathy ah?"
Sabi niya pa.

Hanapin? Nandito lang naman ako.

Hanap ng hanap sa wala, bakit nga ba? Bakit hinahanap ang wala, kung nandiyan lang naman sa harap, tabi-tabi, sa kilid o likod ang hinahanap mo?

Bakit kailangan pang hanapin ang wala?
Siyempre!! Alangan hanapin pa ang nasa harap na!!! Malamang hahanapin talaga ang wala.

Ikaw, Dame hanapin mo ako kahit nasa harap mo na lang ako!

Hayys, 'di niya kasi alam na pusa ako sa umaga!

"Cath! Cath! Cathy?" 'Pag tawag niya sa'kin.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top