CHAPTER 16


💕Baklang visitor

Catherine's POV

"Cathy? Bakit 'di mo buksan ang pinto? Iniwan mo pang bukas ang gate!!! Hoy!!! 'Pag 'di mo pa buksan 'tong bwiset na pinto na 'to, sisira---"

'Di niya matapos ang sinasabi niya kasi binuksan ko na ang pinto. Ang ingay (ako din), sabagay may mga pinagmanahan!!!

"Hoy, nagtatampo ka ba?" Tanong ni Damie.

Hindi ko siya inimik. Kunwari, nagtatampo nga ako. Hahaha, sorry Dame!

Buti nga at 'di siya dumadalaw dito. Kung nagkataon eh 'di buko na ako!

"Hoy, Cath! Bakit may kotse diyan sa may garahe niyo? Isa lang naman kotse niyo eh. Sino may-ari noon? Ang gara ng dating! Mas gara pa sa tatlong kotse namin! Hayy!!!"

What? Ibig sabihin, 'di pa umalis ang kumag na iyon?

Tiningnan ko garahe namin.
Oh my!!! Bakit andito pa rin siya?

Sa pet house!!!

"Ano kasi, ah-eh... Ahmm sa bayot 'yun hehe. Sa bayot na bwiseta I mean bisita haha. Taray niya no? Gara ng kotse niya haha!" Sana gumana palusot ko. Humanda talaga sa'kin ang kumag na 'yan.

"Ahhhh, kala ko sa menlelegew mo hehe. Pinsan kong Cathy, may sasabihin ako sayo." Tapos ngumiti pa at kinikilig. Alam na this!!! May concert na naman ang BTS at may tickets na siya. Haysss!!! 

Sana all!

"Alam ko na 'yan, kaso 'di kasi ako makakasasama sa'yo. Sorry..." Mahirap na at baka itong buwan na ang concert. May parusa at misyon pa'ko. 

"Ano ka ba?!! Hindi yarn, ano eh. Ganito kasi, si ano kasi, tapos ako ano. Ahmm, ano. Meron na akong ano. Paano ba 'to? Basta meron na ako ng wala ka pa. Tama 'yun! Meron na akong----"

"Boyfriend?" Pag-putol ko sa kaniya. Dami pang sinasabi.
Akala ko kung ano na?!!

"Tama, tama ka! Paano mo nalaman? Ngayon lang uli tayo nagkita ah? Siya kasi eh, uuwi na daw siya para mag-propose ng formal. Sa video chat lang kasi namin siya nag-propose sa'kin kasama pa parents niya. Kakahiya!!! Matagal na naman siyang nanliligaw kaso noong oras ko lang sinagot. Ipinakilala niya ako sa parents niya akala ko 'yun lang." Sabi niya pa.

"Paano ko 'di malalaman eh kung kiligin ka diyan mas grabe pa sa kilig mo sa BTS?
At mabuti naman na sa personal na ang totoo. May GF/BF proposal na magaganap tapos 'di ako kasama? Di mo na nga kinukwento na may manliligaw ka na pala."
Ani ko.

"Anong hindi sinabi, sinabi ko sayo girl!!! Pero akala mo biro lang! Kasi naman, sabi mo pa sa'kin na sa  BTS lang ako na-i-inlove. Hayys, pero 'di ka pa rin huli sa trend. Kasi you know him. Bukas punta ka sa'min, pupunta sila bukas sa'min. Akala mo may kasalan na ng magaganap 'yun pala nanliligaw lang with parents haha!"
Well, kung sino man siya swerte niya sa pinsan kong 'to. Ganiyan lang 'yan pero kung magmahal wagas.

"Ah, sa umaga ba iyan?" Hindi ako pwede sa umaga.

"Ahm, hindi eh. Dinner. Huwag ka ng mag-alala pwede doon ka na lang matulog. Tsaka, pwede ka mag-sama ng date mo hehe?" Buti naman at dinner. Parang dinner date lang!!!

"Ahm, okay pupunta ako baka si mama pa mismo ayain mo. Kaya kung hihindi ako sayo eh wala pa ring silbi kasi siguradong maku-kumbinsi pa rin ako ni mama. Tsk." Umirap siya kaya umirap din ako. Tumawa ako tumawa din siya. Gawain namin 'yan haha. Magpinsan talaga!

"Asan na ba 'yung bakla mong bisita?" Tanong niya.

Bakit mo hinanap?
Huhuhu.

"Ah, ahmm... Ah-eh nagpahangin lang hehe."

"Ahhhh okay. Bago mo lang nakilala?" Alam na this!!!
Interview mode on!!!

"Ah, oo eh. Hehe, ano Dame pwede mo 'ko tulungan magluto?"
Pag-iiba ko ng usapan.
Sana gumana.

"'To naman oh, 'di nga ako marunong magsaing ng kanin eh. Hayys, kahit anong turo sa'kin ni mama 'di ko talaga makuha. Teka, ganito na lang tatawagin ko na lang bisita mo para siya tutulong sa'yo hehe." Sabi pa niya. Paano na?

"Ah, ehmm ako na lang tatawag sa kaniya hehe. Dito ka lang ah? Tawagin ko lang ang bayot na kuma--ah... kumakarampawagas (kung maka-rampa wagas) hahaha."
Sabi ko at lumabas.

Bwiset na kumag!!!

Pumunta ako sa pet house.

Naabutan ko ang mokong na nagpapakain pa rin. Uubusin niya ba feeds ng lovies at likies ko. Likies ko is 'yung mga alaga ko except sa mga puppy na lovies ko.

Nakita kong nag vibrate ang phone niya.

May tumatawag!

RJ is calling...

Sino naman ito?
Girlfriend, friend, kapatid?

Eh pake ko kung sino 'yan? 'Wag kang maki-alam Cath. Wala kang pake sa kumag na iyan. Hayys. 

Mukhang 'di niya ito napansin. Paano niya naman kasi mapapansin kung naka-total silence?

"Hoy! Hinanap ka na ng kapatid mo!" Sabi ko. Sabay pakita ng cp niya.

Kinuha niya ito.

Mga lovies at likies ko naman nag-iingay. Di 'ko na maiintindihan mga sinasabi nila.

Sinagot niya ang tawag.
"Hello Rave, bakit ka napatawag?" Bungad niya.

"Ahh, okay."
  Di man lang naka-loud speaker?

Cath, 'wag kang chismosa! Sabi ko sa isipan ko.

Ayy, 'di naman talaga ako naki-chismis ahh! Hays, wala nga akong naririnig mula sa kausap niya. Tsk. Ano ang i-tsismis ko?

"Ano oras?"
Tanong niya sa kausap niya.

"7:00 pm? Okay pupunta ako."

Tapos tumawa... Baliw!

"Ahh, bakit kailangan ba talaga ng partner? Ahhhh, okay!"
Partner? Sino?

"Hahanap pa 'ko haha!" Edi maghanap ka!

"'Di sila makapunta ni Benjie at Brianna 'di kasi sila pwede lumabas 'pag gabi na. Except kung kasama si Tita. Alam mo naman iyon."

"Ahh okay, sige na. Oo pupunta ako. Bye!"
Natapos din.

Tapos lumingon sa akin.

"Ahmm, Cath. Bakit ka nandito?"
Tanong ng kumag.

"Hoy, a-ano?!! Bahay kaya namin 'to! Hoy, hinanap ka ng pinsan ko. Tulungan mo daw ako magluto. Ba't kasi 'di pa umalis eh!"

Nag-iingay mga lovies at likies ko.

"Ah oo nga pala, sorry."
Ani niya.

"Oh siya, tulungan mo na lang ako at basta 'wag ka lang salita ng salita okay?"

"Ah oo sige. Tara?" Tapos umalis na.

Andito na kami may pinto. Pagkabukas pa lang ay nakita agad namin ang pinsan ko na nasa kilid ng pinto at nakangiti.

Anong ngiti 'yan? 

"Ahmm. Hoy, bakit ka nakangiti mag-isa diyan?  Napano ka?"
Tanong ko.

"Ah, kasi tumawag ang baby ko hehe." Kaya pala. Sino kaya ang maswerteng lalaki na 'yun?

"Tara, doon tayo sa kitchen Aldrian. Baka tumawag ulit 'yun hays." Aya ko sa kumag.

DAMIE JOY Lopez Jimenez POV

Hi Damie joy is here. Ako muna haha. Sorry maliit lang naman i-share ko sa inyo eh.

Nandito ngayon sa kitchen kaming tatlo. Silang dalawa ang nagluluto bayot daw si Mr. Aldrian eh kilala ko na 'yun eh. 'Di nga lang niya ako kilala.

Pero 'yun na nga, kanina pinipilit ng pinsan kong 'di mahilig sa cat na bayot, beke, gay, bakla, bekleta, girlalu daw si Aldrian hahaha.

Si Mr. Aldrian kilala ko siya dahil cousin lang naman siya ni baby ko.  Baby ko pala si Mr. Raven Jude Meringuez Grellow.

Sabi ni Jude father daw ni Aldrian at mama ni Jude mag pinsan. Ganito daw, ang lolo ni Jude at lolo ni Aldrian ay magkapatid na Meringuez. Ang lolo ni Aldrian ay nagka-anak ng lalaki at 'yun ang papa ni Aldrian na isang Meringuez. At ang lolo naman ni Jude ay nagka-anak ng babae na isang Meringuez na nakapangasawa ng Grellow na siyang parents ni Raven Jude Meringuez Grellow. Kaya mag pinsan pa rin sila right?

Ano ba tawag doon? Second cousin?

Gets niyo o ginigets niyo? Hahaha.  Basta 'yun na 'yun. Mag pinsan sila haha.

Paano ko naman 'di malalaman kung nagse-send ng pics yung baby ko. Pics ng mga bisita namin bukas. Siyempre kasama na doon mga cousins and friends niya. Matagal ko ng kaibigan si Jude. Kaming tatlo ni Cathy. Pero wala kaming kaalam-alam sa pamilya niya haha.

Matagal na siyang nanliligaw sa'kin. Actually, nanliligaw din siya sa'kin dati pero binasted ko. Alam ni Cathy 'yun. Pero nakipagkaibigan na lang siya para maging malapit pa daw siya sa'kin hayys.

Limang buwan na siyang nasa ibang bansa.

Kaya nitong dalawang buwan na ang nakakalipas ay nanligaw ulit. Kaya sinagot ko na. Okay naman siya eh. Mahal niya ako at naiintindihan din niya ako. At mahal ko na man siya talaga.

Ito naman si girl. Akala niya 'di ako magaling haha.

Tingnan natin mamaya kung anong lasa ng pagkain ang maihahain nila mamaya kasi naman nagluluto na nga lang may pag-aasaran pang nagaganap.

Pero sa bagay kung ang pagluluto nila ay may love. Edi masarap pa din haha.

'Di gaya ko na kahit anong buhos ng pagmamahal ko sa pagluluto para naman 'di nakakahiya sa parents kung mga may-ari ng resto no! Si mama cook,  si papa naman chef. Ako tiga-kain huhu.

Sabi pa ni Aldrian kung siya ay bayot, tomboy naman daw si Cathy haha. Parang aso't pusa 'tong mga ito oh. Ang cute lang...

Atsaka kanina ng tinawag niya doon si bayot. Sinundan ko siya kaya ayun nalaman kung si Aldrian lang naman pala ang bisita niya haha.

(Flashback)

"Ah, ehmm ako na lang tatawag sa kaniya hehe. Dito ka lang ah? Tawagin ko lang ang kuma--ah... Kumakarampawagas hahaha!"
At lumabas siya.

Sinundan ko siya.

Andito lang pala sa pet house nagpapahangin bisita niya.

Ng makita ko kung sino 'yun ay nagtago muna ako. Para naman malaman ko kung anong meron sa kanila ng magiging cousin ko na rin 'pag naging asawa ko na baby ko haha.

Nararamdaman ko na magkakaroon din ng something sa kanila haha. Ayy may something na pala.

Nakikinig at nanonood lang ako hanggang sa maramdaman kung papunta na sila sa loob ay tumakbo ako at hinintay sila sa may gilid ng pinto. Walang kaalam-alam ang dalawa na nandoon lang ako kanina haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top