CHAPTER 15

💕J stories💕

Catherine's POV

Alas tres na at nandito pa rin ako sa bahay nila Aldrian. Sa kwarto ni Brianna. Oh my, kailangan ko ng bumalik sa amin.

Pagkatapos namin mag-lunch, sinenyasan ko ang gwapong kumag na uuwi na'ko. Pero 'yung isa mukhang 'di ako naiintindihan. Ngumiti pa, tapos kumindat. Nagpapa-cute yarn? Tsk. Bwiset na kumag!!!

"Meow meow meow!"
"Brianna I need to go home. Kailangan ko ng umuwi!"

Asan na ba 'yung kumag na 'yun.
Si Brianna ayon nanonood naman ng Disney princess na 'yan. At siyempre with snacks.

'Di man lang natulog. Ako noong bata pa ako pinapatulog palagi ako ni mama at siyempre natulog talaga ako kasi 'pag natulog ako sa tanghali may tsokolate o kaya'y mga candies ako paggising haha.

"Cathy, are you hungry?'
Ba't kasi hindi ako naiintindihan ng batang ito.

" Here oh! Cath, ah! Cath, tay (say) ahh! Oh you don't like?" Hindi naman ako gutom eh, kanina pa kaya ako pinapakain ng batang ito. Huhuhu. Bibigat ako nito lalo huhuhu.

"Okay, pupuntahan na lang natin ti (si) kuya Aldrian. I know you like him naman eh, but alam ko din na mahal mo ako haha! Tara Cath."
Tapos binuhat niya ako, hinalik-halikan muna ako sa may pisngi ko bago lumabas ng kwarto.

"Kuya Aldrian! Kuya! Cathy wants to tee (see) you. Tshe mitt (miss) you na kuya Aldrian!" Ba't ba ang kulit mong bata ka nakakabawas cute 'yan huhu!

Ang kumag nakangiti naman siya na lumapit sa'min. Bwiset! Feeling!

"Is that true Cathy? You miss me na daw? Eh andito lang naman tayo sa iisang bahay eh. Hahaha." Kumindat pa ang kumag. Bawas pogi points! Bwiset na kumag ka!

Umiwas ako ng tingin sa dalawa.

"Look kuya tshe't (she's) tshy. Haha. Tshe't bluthing (blushing)! Uyyy! Ti (si) Cathy may cruth (crush) kay kuya. Ayiie!" What ako may crush sa kuya niyang kumag?!! No, wala, hindi ko siya crush!!

Tsaka kailan pa nag-b-blush mga pusa? Tsk. Ako pa pinagloloko ng batang ito. Pero oo, nag-b-blush nga ako pero ba't alam ng batang iyon?

"Meow meow meow! Meow meow meow meow!"
"Hoy, kumag iuwi mo na ako. Babasagin ko 'yang bibig mo eh! Ngisi-ngisi pa diyan!"

Bwiset! Hays! Itong isa naman na 'to buti nga at pinunta ko siya dito. Tsaka buti cute din ang isang 'to. Hayys. Gusto ko ng umuwi!

4pm na oh! Huhuhu!

"Kuya look, mukhang itinanggi niya na wala tiyang cruth tayo hahaha!"
Ano daw? Itinanggi kong wala akong crush sa kuya niya? Natural wala, wala talaga.

"Oh, it's okay Bree. I know that, itatanggi niya talaga na wala siyang crush sa'kin. But, someday she will confess to me na gusto niya at mahal niya ako simula pa ng makilala niya ako. Right Cathy?"
Tapos ngumiti. Bo*ng! Feeling nito oh. Ano 'yun, love at first sight? Eh una ko siyang nakita naiinis ako sa kaniya. Paano ba naman kasi kung makatitig wagas! Bastos! Bwiset!

'Di nga ako na love at first sight kay crush eh. Kasi si crush na love at first sight sa pinsan ko.

"Love at firht (first) tight (sight)?!!"
Tanong ng bata.

Ba't ang dami niyang alam? Tsk.

"Meow meow meow!"
"Uuwi na ako. Bahala kayo diyan!"

Pumunta ako sa may pinto.

Paano ako lalabas nito?

Tumingin ako sa likuran ko, tumingala ako para makita ko reaksiyon ng lalaking iyon.

Bwiset, hoy! Tulungan mo 'ko!

"Meow meow meow!"
"Bwiset na kumag! Buksan mo ang pinto!"

"Bree, uuwi na siya. Magpa-alam kana sa kaniya."
Hayys! Buti at naiintindihan din.

Lumapit sa akin si Brianna.

"Cathy, bumalik ka dito ahh. May mami-mitt (miss) tayo (sayo) dito. Hehe. Mamimitt (mamimiss) ka ni kuya ette (este) mamimitt kita hehe."
Nag-peace sign pa siya. Ang cute lang. Hayyss.

"Ahem, Bree mauna na kami." Pagpa-alam ng kumag.

Humalik siya sa pisngi ng kuya niya.

"Bye kuya. Bye-bye Cathy!"
Kumindat pa siya sa akin. Ang bilis naman mang-impluwensiya ng kumag na iyon. Kay bilis din matuto ng isang 'to.

Hininto niya ang kotse niya.

Nandito na'ko. Nakauwi rin sa wakas.

Tiningnan ko relo niya. Alam kung naka-set na ito sa tamang oras.

Oh 4:30pm na! Ba't kasi ang daldal nilang dalawa kanina eh. 15 minutes lang naman biyahe kaninang umaga papunta sa kanila eh. Ibig sabihin 'yung walang kwentang pag-uusap na iyon ay 15 minutes din?

Oh, mabagal, I mean binagalan ng kumag ang pagmamaneho?

Bwiset!

Lumabas siya at binuksan ang gate. Tapos bumalik sa kotse at???

Ipinasok niya kotse niya. Inihinto pa sa may garahe namin.

Binuhat niya ako at lumabas sa kotse.

"Cathy, pwede manghiram ng books 'yung Jonaxx stories sana hehe." Nag puppy eyes pa siya.

"Meow meow meow!"
"Hindi ko pa natapos 'yun! Uunahan mo pa ako."

Ang totoo? Tapos na, limang libro ni Jonaxx ang ibinigay  sa'kin ni Damie. At sa limang 'yun tatlo lang alam ni mama at papa. Akala nila tatlo lang pero lima 'yun .

"'Di kita maiintindihan Cath."
Ano gusto niya?  Halikan ko siya sa pisngi para maiintindihan niya ko? O kagatin ko mata niya?

Umirap na lang ako. Makairap nga ulit. Ganiyan talaga, kailangan paulit-ulit para ma feel ko ang beauty ko. Tsk.

'Di ko siya pinansin. Bumaba ako mula sa kaniya.

Ngunit ng maisip kong nasa kaniya pa pala susi ng bahay ay tumingin ako sa kaniya.

"Meow meow meow!"
"Akin na ang susi."

Oh my, 'di pa rin nakakaintindi oh!

Bwiset din 'to eh! Ano gusto niya?

Noong ikalawang araw ko bilang pusa, siya humalik sa'kin.

'Yung pangatlong araw ko naman, ako himalik sa pisngi niya para maiintindihan niya ako kasi tagal maka gets. Akala ko ba cat  lover siya?!!

At ngayon ika-apat na araw ko na ngayon. Ano gusto niya? Bwiset! Hahaha, bahala na kung 'di kami nagkakintindihan basta ayoko humalik ulit sa kumag na ito. Ano siya siniswerte?!
Kahit pusa ako. Ayoko pa din!

"Meow meow meow!"
"Akin na ang susi!" Mahirap na kung 'di niya ito ibigay baka babalik pa 'to dito.

'Di niya talaga ako naiintindihan huh?

Dinambahan ko siya na naging dahilan ng pagkatumba niya. Nang matumba siya, dali-dali kong kinuha ang susi sa kamay niya. Siyempre ginamit ko bibig ko para makuha ang susi na iyon.

Nang makuha ko ay tumakbo ako papunta sa may likod ng bahay namin. 'Di naman ako hinabol ng kumag, sana umuwi na siya

Bahala na kung dito ako nag-transform sa pagiging tao. Wala namang tao dito atsaka ang pet house ay nasa kilid lang ng bahay namin pero sa kabila ako dumaan ng sa ganoon 'di ako makita ng mga alaga oo lalo na ang mga lovies ko.

Bahala na kung naamoy nila ako bilang pusa. At 'yung lalaking iyon, sana man lang umalis na siya.

Bakit wala kasing back door bahay namin eh? Magpapagawa na lang ako sa susunod.

1 hour later!!!
 

Oh my, mukhang malapit na mag-6pm ahh!!

Nararamdaman ko, malapit na!!!

Kanina pa ako dito at mukhang marami-rami ang mga kagat ng lamok sa'kin ah? Nagustuhan siguro nila dugo ko. Bwiset!!

Mamahalin 'tong dugo ko no!! Uubusin lang ng lamok?

Tiis-tiis lang Cath! Malapit na.
Teka bakit ang ingay???

"Aw aw aw aw!"
"Nasaan na ba si Cathy? Bakit ikaw na naman nagpapakain sa'min?" ---- si lovies 1 (Marky).

"Quack quack quack!"
"Aldrian ba't ka nandito? Magagalit si ma'am Cathy sa'yo niyan!" ---- Mitchie.

"Tweet tweet tweet!"
"Gutom na'ko, ako naman pakainin mo Mr. Aldrian!"
----si Jea. Kahit kailan talaga ang takaw niya. 'Di naman tumataba ng sa ganoon maihaw ko 'to oh. Huhuhu... Charr! Okay lang sa'kin kahit matakaw pareha naman kami. Hahaha.

"Heeeelooooo! Hand-someeee! Cute, cute, gwa-foooo youu po huhu!"
"Hello, handsome! Cute,cute mo! Gwapo din niyo po! Huhu!!!"
---- ang ingay naman nitong parrot na 'to. Siya si Brixx a.k.a. Brixxie!

Alam niyo na!

"Aw, aw, aw!"
"Bro, bilis na sa pagpakain sa'min! Gutom na kami atsaka uhaw na uhaw gusto mo bang ikaw na lang kainin namin?"
Ang bad talagang nitong si lovies 2 ko oh. Siya si Micky.

Ang lovies ko ay sampu. Iba't-ibang klase, breeds pero 'yung dalawa si Marie and 'yung bagong bili ko lang, si Ally. Pero mas cute si Ally.

"Aw aw aw aw! Aw aw aw aw!"
"Nasaan na 'yung kasama mong pusa kahapon? Alam kong nandito lang siya, sayo ba 'yun? Mag-aalaga na ba si Cathy ng pusa dahil sayo?"

Ano ba Snoopy? Mahilig 'tong mag-masid. Minsan nagiging Marites na nga ito eh!

"Oink oink oink oink!"
"Tumigil na nga kayo, mas gutom kami ni Dale oh!"
Si Kelly, nobyo niya si Dale!
Para 'pag dumami sila ay may mal-lechon kami 'pag birthday ko. Hahaha. Oh 'di kaya ibenta? Huhuhu, okay na siguro kung i-lechon.

"Guys, ang lovies ni Cathy muna mauna ha? Baka magalit 'yun eh. Si Cathy kasi ano, ah-eh natutulog hehe."  Sabi ng Aldrian.

Natutulog? Natutulog mo mukha mo!

Kung hindi mo lang pinakain lovies ko baka ipakagat kita diyan?!!

3,,2,,1...

Oh my, Catherine Gaile Lopez Caljes is back!!! Hep, hep?
Hooray!!!

Yehey, pero magpapakita ba ako sa kumag na ito?

Eh? Basta kahit siya pa ang nagpakain ng mga lovies ko at alaga ko. Ayoko, eh paano naman hihiramin niya ang Jonaxx books na binigay sa'kin ni Damie. Baka hanapin sa'kin ng pinsan ko na 'yun?

Tsaka ayoko talaga ipahiram din no!!!

Bumalik ako sa dinaanan ko, pabalik sa harap ng bahay namin.

Binuksan ko ito at pumasok.
Pumunta ako sa kwarto nila lolo at lola kinuha ko ang Jonaxx stories na mga libro.

Pumunta ako sa kwarto ko at itinago sa may cabinet with lock ang mga books na 'yun. Haha. Ayan, safe na.

May kumatok sa may pinto.
Eh, bakit ko bubuksan kung alam ko naman na ang kumag lang naman 'yun?

Tsk. Kailan ba 'to uuwi alas 6:5 na oh?!!

Kumatok ulit, kumatok ng sunod-sunod na limang beses.

Bwiset talaga 'to oh!!!

Panira ng buhay!!!
Asa siya, hindi ko siya pagbubuksan.

Kumatok ulit.
Kulit ahh!!

"Catherine bubuksan mo o hindi? Isusumbong kita kay Tita ah?" Si Damie.

Paano na 'to?
Oh my, umalis na ba ang kumag na iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top