CHAPTER 13
💕meet Brianna💕
Catherine's POV
Andito ako sa may gate nila Aldrian, pinagbuksan kami ng gate ng guard.
Ipinuwesto ni Aldrian ang kotse sa may garahe nila.
Binuhat niya ako at lumabas na sa sasakyan.
Sa madaanan naming kasambahay nila ay bumabati sa amin. Oo sa amin, mahilig pala sa mga pusa 'to oh.
Nasaan kaya puppies nila.
Narinig ko kasi na may alagang aso Tita niya.
Excited ako na ma-meet sila but not now. Kasi baka cat-hater mga 'to, gaya ng mga lovies ko at gaya ko.
"Ahmm, ate Quel nasaan si Brianna?" Oh diba! See that! Hinahanap agad!
"Nasa kwarto po. Kanina pa po kayo hinihintay ni ma'am, sir." Sagot ng kasambahay nila na si ate Quel.
"Ah, ganoon ba? Sige ho, puntahan ko lang siya." Pagpa-alam ng kumag! Kumag na gwapo. Wa-wait gwa-gwapo?
Bigla akong napaisip. Tama. Tama nga naman, gwapo siya.
Mas gwapo pa nga siya kay crush eh, pero ayoko sa kaniya kay crush pa rin ako.
Sssshhh, kayo ah 'wag kayong maingay. 'Wag niyong ipaalam at ipagsabi sa kumag na iyon. Tsk, baka lumabas puso nun. Bwahahahahaha.
Quite... Quite ...
"Cath behave ka lang ha? 'Di naman talaga siya mahilig sa pusa but ng malaman niyang pareho kami ni Benjie na mahilig sa pusa ayon naiingit. Haha!" Ako? 'Di naman ako makulit ahh? Si Benjie 'yung kapatid niya, alam kong magkakasundo kami ng isang iyon.
"Meow meow meow!"
"Pake ko kung naiingit siya! Naiingit siya sa inyong dalawa, eh wala naman dapat ika-inggit sa pagkakaroon ng pusa."
Dapat kapatid niya ang maiingit kasi wala siyang shuta, naku naman oh!
Mukhang may pagka-childish girlfriend niya ah!
Hays, kung childish 'yun! Ako hindi, 20 anyos na ako. I am a mature woman. Hahaha.
Pero, childish ako kay Mama at Papa hahaha. Pati na rin kay crush.
Andito na kami sa harap ng pinto, ito ang kwarto na ang katabi nitong kwarto 'yung malaki. 'Yung mukhang sa parents niya.
Pero, kung sa girlfriend niya ito dapat sa ibang kwarto siya o 'di kaya'y mag-share na lang sila ng boyfriend niya.
Grabe talaga! Ang ganda talaga!
Sino kaya ang interior designer nito? Magpapagawa din kasi ako nito 'pag naging cook naku. Para sa magiging pamilya ko.
Pero gusto mas maganda dito, gusto ko kulay puti at sky blue ang motifs ng bahay.
Sa kanila kasi. Gold and yellow gold ang kulay, ang mga accessories, painting naman ay bumagay sa kulay ng pader.
Pero ayoko sa kulay gold, masyadong magarbo. Masyadong maganda!
Kung sino nag-designed nito, it's a pleasure to meet him/her.
Ayoko, gusto simple lang na mas maganda hahaha.
Kumatok siya ng tatlong beses.
"Brianna! Brianna it's me Aldrian!" Tagal naman nito! Makagat nga mamaya hahaha!
Pinaghihintay niya ang Diyosa, Diyosa ng mga pusa. Bwahahahahaha.
Siyempre, bahala na pusa atleast Diyosa. Kaysa naman Diyosa nila 'yung maarte na pusa na nasa treehouse. At mas lalong hindi, 'yung muntik ko ng mapatay.
Wala naman akong kasalanan sa kaniya. Siya, siya ang may kasalanan sa akin, sa pamilya ko.
Muntik niya ng masira at mawasak pamilya ko.
Ayy 'di pala muntik, kasi talagang nakakawasak iyon sa pamilya ko. Nakakawasak ng puso.
Pusong dalawang taon pa bago nakabangon muli, bago tuluyan ng magamot.
Pero kahit naghilom na ang sugat sa aming mga puso ay hindi ibig-sabihin na wala na, wala na ang sakit.
Kasi kahit anong pilit, pilit na makalimot ay wala eh, 'di pa talaga naglaho, hindi pa tuluyang nailibing ang sakit.
Kaya ang pusang iyon ay hindi talaga magiging Diyosa.
Diyosa ng pusang mamamatay siguro, oo.
Pasensiya na, naalala ko na naman iyon. Ako lang ang nakaka-alam noon, at ang diwata.
Kaya kahit mga magulang ko nakabangon na. Ako hindi pa. Kasi may mali din ako eh, hindi ko man lang natulungan siya.
Nakatingin lang ako, tulala, 'di makaisip anong dapat gawin, 'di mabuka ang bibig at 'di maikilos ang katawan palapit sa kaniya. Palapit sa nakakabatang kapatid ko.
"Brianna, andito na ako. Andito din si Cathy. Iuwi ko na lang siya sa kanila, baka hinanap na siya ng amo ni---"
Bumukas ang pinto at lumabas ang babaeng...
"Kuya Aldrian, bakit ang tagal mong nakuha ti Cathy? Kanina pa ako naghihintay tayo." Bata? Siya si Brianna? Ang cute!!!
"Eh, Brianna. Ano kasi, itinakas ko lang siya sa amo niya. Tsaka, matagal ba ang 20 minutes?" Tanong ni Aldrian.
"Opo matagal."
Tapos kinuha ako ng bata kay Aldrian.
"Ah, eh, ano kasi malayo bahay nila. Hehe." Napakamot pa siya sa ulo niya. May kuto siguro. Tsk, kay lalaki at kay gurang niyang tao may kuto pa rin.
(Author: Wala pong kuto si Aldrian, napakamot lang siya dahil nahihirapan siyang mag-explain sa bata XD )
"Batta matagal pa rin. Diba Cathy?" Cute!!! Bulol pa siya sa 's', ang cute lang. Mga 5-6 years old siguro ito.
'Di na lang umimik ang isa dito.
"Cathy are you happy? 'Caute I am happy to tee you Cathy." Sabi ng bata. So cute!!! Happy daw siya dahil nakita niya ako.
"Meow meow meow meow!"
"I am. It's nice to see and meet you Brianna."
"Wow, kuya!!! Tshe mew!!! I think tshe liket me! Pwede ta'tin na lang tiya?" Omooo!!! So cute, can I kidnapp her? XD.
Ibabahay ko lang sana. Hayyss.
May ipapakain naman ako sa kaniya, 1 month lang nga lang ang budget.
"Meow meow meow!"
"Yes, I do like you."
Wait, ano daw? Anong sabi niya?
Sa kanila na lang ako?
Hindi! Hindi pwede!
"No, Brianna. Hahanapin siya ng family cats niya doon."
Sagot ni Aldrian.
" It tad. But it'h okay, by the way where it kuya Benjie?"
Tanong niya.
"Maybe sa kwarto niya?"
'Di siguradong sagot ni Aldrian. Eh paano naman niya kasi malalaman kung kadarating niya lang. Tsk, buti na lang at cute 'tong isa na 'to.
"Kuya Aldrian come with me I'm gonna teate ( tease ) him. Hehe!" Wow, ang kulit din nito ahh.
Ano kaya nasa isip nito?
Paano niya kukulitin kuya Benjie niya?
Una siyang humakbang at sumunod naman kuya niya. Hinihimas-himas niya balahibo ko.
Kumatok siya ng ilang beses. Hahaha. Baka mapikon kuya niya? Eh paano naman tatlong beses nga lang kumatok si Aldrian sa kwarto niya. Pero kung siya makakatok oh!
Wagas, hahaha.
"Kuya open the door. Kuya!!!" Maya-maya pa ay bumukas ang pinto.
"Ano na naman Bree? Ibinalik na ni kuya Aldrian si Cathy sa amo niya. Aawayin mo na naman ako dahil hindi mo nakita si Ca---"
Nanlaki mga mata niya! Bakit? Parang nakakitang multo? Tsk, multo ba ako? Pusa lang ako hind multo!
"Oh hi Cathy!" Bati niya sa'kin.
"Kuya look oh! Ti Cathy 'to diba? Mat cute tsiya ta pertonal haha. Picture lang kati pinakita mo tsa akin eh. Akala mo kayo lang ni kuya Aldrian mahilig ta cat. Ako din, mahilig! Cathy liket me too." Sabi pa niya. Hahaha! Grabe mangulit ang isang 'to ah.
Si kuya Aldrian niya napakamot na naman sa sentido niya. Kanina pa siya ganyan ng ganyan. Haha. Si Benjie, ayon napailing-iling na lang.
"Ahmm, Brianna ako at si kuya Benjie mo 'di na namin gusto ng pusa." Sabi ng Aldrian.
Kumunot ang noo ni Brianna.
Naguguluhan.
"Why? Becaute I liket catsh? Then, don't tell me that gutto ( gusto ) niyo na ng puppiet?! Oh no!!! I like puppiet too! And alto catt hehe. Kaya tayong tatlo, we have the tame liket."
Sabi pa ni Brianna.
"No, Brianna. We don't like puppies too. 'Cause we hate it, we hate them. But we're not a bully sa kanilang mga aso.
Sabi ni kuya we don't like cats, because we do love cats. We love cats and mahal din nila kami hahaha! And you, you don't kasi gusto mo lang sila."
Pang-aasar ni Benjie sa kapatid.
Sumimangot at ngumuso si Brianna. Hayss, kawawa ang baby girl ko.
"But now, I do like them. And tomorrow I will love them and they will love me back too! Hmmp. Right Cathy? But that cat of yourt kuya Aldrian, who't name it Monica. I don't like her, 'caute tshe it too maarte and clingy to the both of you. Tshe it bad! I don't like her ever!"
Sino kaya ang pusa na iyon? Tsk, oo nga pala. 'Yung maarte na 'yun na feeling tao, paano ba naman kasi feeling niya siya ang girlfriend. Haller?!
She's not and she will never be! That pussy girl, I don't like her. She's the second cat na pinaka-ayoko. Na kinaiinisan ko. Feeling tao! Tsk. Kung angkinin si Aldrian ay wagas, tsk. Pagmamay-ari niya ba si Aldrian? Hindi naman bagay 'yun.
Pero hindi ko naman siya aagawin. May hinihintay pa ako no!
Sabi nga nila, ' patience is a virtue ' diba. Kaya maghintay-hintay lang muna. Nakaya ko nga ang ilang taon eh. Kahit siya, may hinihintay din. Huhuhu. Hays, ano ba 'to?
Kaya wala akong plano jowain 'yung isa dito. Si M-Monica. Tama, Monica! Kung gusto niyang kainin na lang ang lalaking iyon eh, para wala ng maka-agaw. Tsk.
"Oh, she's being sweet Bree. Are you jealous? You don't have to. Because I love you more than cats hehe!" Ani Aldrian. Tsk, being sweet. In short, beswet! Bwiset!
"I know that, but tshe't not tweet to me. Tshe't being clingy. But then it'h okay, I don't like her!"
" Okay, it's okay. Just be good girl." Sabi ni Benjie. Kanina nag-iinisan! Ngayon? Ayys, ewan! Ganiyan din naman kami ni mama.
"Okay. Cathy are you hungry?" Yes I am. Tumango ako.
"Meow meow!?"
"Yeah will you feed me?"
Nagpa-cute ako.
"Oh my!!! Kuya Aldrian! Kuya Benj. Tshe't hungry!"
"Yeah, kakain na tayo. Dahil pati ikaw, mukhang gutom din hahaha." Sabi ni Benjie.
Sumabay sa tawa naman si Aldrian.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top