CHAPTER 11

Si crush

Catherine's POV

Nagluluto ngayon si Aldrian ng breakfast namin. Napag isip-isip ko, okay lang din naman na may nakakaintindi sa'kin . Total, si Aldrian naman unang nakabuko sa'kin.

Ayoko na marami ang makaka-alam ng sitwasyon ko.

Kaya okay lang naman siguro na nagpapatulong ako sa kaniya no?
Except sa medyo ano siya, medyo bastos.

Eh wala naman siyang ginagawa na masama. Atsaka kung cat lover ito, dapat naiinis ako ng dahil siya ang nakaka-alam sa sitwasyon ko ngayon.

Oo aminin ko. Naiinis ako sa kaniya ng kaunti, sa ngayon. Pero
nagpapasalamat pa rin ako na siya ang tumutulong sa'kin.

"Cath!" tawag niya sa'kin.

"Oh bakit?"

"A-ano kasi eh, 'yung laman ng refrigerator niyo, kaunti na lang," 'yun pa naman ipinaalam ko kay Damie noong umalis ako.

"Ahh, okay lang. Mamimili na lang ako mamayang gabi."

"Gabi? Teka, sino kasama mo?"
tanong niya.

"Ahhm, si Damie na lang siguro 'yung pinsan ko." Pero ang totoo ay ako lang. Kung tatanungin ako ni Damie kung saan ako galing kahapon? Sinabi ko kasi sa note na iyon na may bibilhin lang ako. Hays. Sana, 'di niya ako mabuko.

"Mabuti naman. Dali na kakain na tayo. Luto na breakfast mo! At ako kakain talaga ako hehe, nakakagutom kasi."

"Okay lang, ahmm pwede ano pakibuhat ako dito sa ibabaw ng mesa? 'Di ko kasi maabot 'yung pagkain eh." Bakit ang liit ko bilang pusa? Matangkad naman akong tao ah!

"Oh, sure!" Aniya.

...

Pagkatapos kumain siya na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Alangan naman ako? Kawawa naman mga pinggan kung sa gabi ko pa sila mahuhugasan no!

"Cath, maganda ba ang mga stories na ito?" Tanong niya.
Di pa siya nakakabasa ng mga 'yan?

Sabagay iilan lang naman ang mga lalaking mahilig magbasa lalo na ng mga wattpad stories.

Tiningnan ko ang mga napili niya, he's into her book, thy love, ILYS1882, training love and heartless.

What?! 'Yan pa talaga napili niya? My ghad!!!

"Ahmm, 'yung dalawa na iyan. Hindi pwede. I-i mean ako muna babasa niyan pumili ka na lang ng iba!" Tsk, nabasa ko na 'yan!  Bigay sa'kin ni Damie ang mga iyan.

Ewan ko ba nuon kung bakit ayaw na ayaw ni mama sa jonaxx stories 'yung pinapabasa niya lang sa akin ay iyong mga stories ni binibiningmia. Hayys.

Pero, noong nag-18 ako nagulat ako ng ibigay sa'kin ni Damie 'to.
Walang kaalam-alam si mama no'n, but after a month nakita niya iyong dalawang books ni Jonaxx. Ang galing kaya ng mga gawa ni Kwinn J.

Hindi matapos-tapos sa panenermon si mama nun.
Eh ng malaman na si Damie nagbigay tumahimik. Sinabi na lang niya na "okay read it on your own risk. Just skip a chapter when there is something wrong."

Diba? Mama ko 'yan!
Nalaman niyang si Damie nagbigay at alam na din ng parents ni Damie na nagbabasa siya ng story ni Jonaxx. Ayun nagalit sila Tito at Tita.

Pero kinampihan, pinanigan ni mama "okay lang iyan Mel, Dave. 'Di naman sila mga bata eh, basta kailangan talaga natin bantayan itong mga ito. Matitigas na mga ulo eh. Lalo na 'tong si Cathy, eh kai-eighteen lang niyan noong nakaraan na buwan," sabi ng mother dear ko!

At mula noon, pagkatapos kong basahin ay napamangha na,lang din si Mama. Ngayon dalawa na kami sa bahay ang mahilig sa mga gawa niya pero ang unfair lang hindi niya ako pinapabasa ng mga nabili niya.

Pero kung babasahin ni Aldrian 'yan eh, malalaman niya mga nabasa ko? 'Di talaga pwede eh. Kasi, ano, ano kasi basta 'di talaga pwede! Tsk. Nahihiya ako!

"Ganun ba, mukhang maganda pa naman ang dalawang ito. Jonaxx stories," Naku, naku, naku! Sobrang ganda!

"Basta ako muna huh? Akin 'to eh, kaya ako dapat mauna bumasa nito," sabi ko.

"Oh okay lang naman itong tatlo na lang ang hihiramin ko," Sabi niya. Buti, naman ay pumayag din.

"Sige, sige ibalik mo na lang pagtapos ka na niyan."
So, magkikita ulit kami nito? Hayys, ano ba naman ito oh?

"Sige, uhm. May ipapagawa ka pa ba?" tanong niya.

"Wala na. Ahmm, diba kailangan mong bumalik agad doon sa inyo? Mag t-tanghali na pala, atsaka baka hinanap kana? Hinanap ng girlfriend mo!

Owwws, ano ba naman itong nasa isip ko?

Pake ko kung sino naghahanap sa kaniya! Hayys.

"Ah, oo nga pala. Baka hinanap na 'ko ni Brianna. Oh sige, paano ba 'to? Ahmm, mauna na ako," sabi na eh! Brianna. Girlfriend nga!

"Okay, bye!"

"Bye-bye Cath! Babalik ako ha?" 'Wag na! Baka may maghahanap sayong Brianna! Tsk. Ba't ang bitter ng dating?! My ghad!!!

"P-paki-lock ng pinto, thanks!"

Umismid lang siya at kumindat pa. Wow, kagatin kita eh! Tusukin ko kaya 'yang mata na iyan? Makaka-ismid ka pa ba kung may rabies ka na ha?

Ba't lakas maka-mood swings 'tong lalaki na ito? Hayys, huwag ka na sanang bumalik!

Umirap ako. Hay, ba't ganito nararamdaman ko?

Buti at umalis na iyon. May maghahanap naman pala!

Inutusan mo pa kasi eh!

Ang gulo ko no? Ako rin eh naguguluhan sa sarili ko, dapat mainis at magalit ako sa kaniya.
Pero ano naman ikakagalit ko?

Na tinulungan niya pa ako?
Mali, mali bang may tutulong sa'kin? Hayys.

Oo, ma-pride ako. Ayoko na may tumutulong sa'kin dahil pakiramdam ko mahina ako. Pero 'yun naman talaga ang totoo, mahina ako.

Ayoko na makikita nila akong nahihirapan, ayoko na kaawaan, at ayaw ko na tinutulungan.

Hindi ko man lang nalalaman na nasanay na pala ako. Nasanay ako na may tumutulong sa'kin. Na ang akala ko ay walang gumagabay sa'kin.

Kasi 'di naman ako pinapabayaan ng mga magulang ko. Nasanay ako na may karamay ako, karamay sa lahat ng problema.

At ngayon na wala sila sa may tabi ko, andito ako naghahangad ng atensiyon. Atensiyon, tulong, at gagabay sa'kin.

Pero ayokong maging makasarili. Sila Mama at Papa nandoon sa Maynila. Nakikipagsapalaran, nagsisikap para sa aming pamilya. Pamilya.

Kung sa kanila ako hihingi ng tulong sa kondisyon kong ito ngayon ay mas makakadagdag lang ako sa kanilang problema.

Ayoko na mag-alala sila. Kaya kahit kailangan ko ng atensiyon nila ngayon ay okay lang dahil ginagabayan naman nila ako palagi.

Tsaka hindi ko naman kasalanan na ang lakaking iyon na may girlfriend ay tutulungan ako. Na bigyan niya ako ng atensiyon.

Ayokong humati ng atensiyon niya. Ayokong may kahati ang girlfriend niya sa'kin.

Pero wala namang masama doon diba? Tinulungan niya ako dahil kailangan ko. At nagpatulong ako dahil nga kailangan ko.

...
4pm na. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng iyon? Kahit kailan talaga itong si Damie oh.

May lalaking pinagkakaabalahan na naman siguro. Pero ang mga lalaking iyon ay nakikita niya lang, nakikita lang namin sa K-drama, C-drama, at Thai-drama. Hays, ngayon alam niyo na! Pero mas gusto niya 'yung mga K-pop idols.

Mamayang gabi ko na lang pakainin 'tong mga lovies ko. Mahirap na 'pag pinakain ko sila ngayon na ang anyo ko'y pusa.

Well, my lovies are just like me.

They also hate cats! We hate cats!
And now, I hate my self for being a Cat!

Pero wala na 'kong magagawa!

Kailangan ko mahanap true love ko. Para 'di ako magiging pusa habambuhay.

Pero 'yun na nga, paano ko mahahanap true love ko if limang buwan ko ng 'di siya nakikita sa personal?

Sino?

Si crush!

Si Raven Jude! Ang nag-iisang Raven Jude Grellow sa buhay ko!
Ayy, 'di pala sa buhay ko kundi sa puso ko.

Kasi, wala naman talaga siya sa buhay ko.

My ghad!!! Eh? Limang taon ko lang naman siyang crush. At 'di niya alam iyon.

Eh, paano niya malalaman kung atensiyon niya palaging nasa pinsan ko. At ang pinsan ko naman iba ang gusto. Idagdag pa ang labis niyang pagkahumaling sa BTS na iyan, lalong-lalo na 'yung si Taehyung.

...
Andito ako ngayon sa market, sa dry market. Bumili ako ng can goods, at iba pang easy to serve na pagkain. Buti ako lang sa amin.

'Yung isang nakikikain, 'di magsusumbong iyon. Siyempre wala namang pili iyon. Tsk.

7:00pm na, ako lang mag-isa. Alam niyo naman ang mangyayari 'pag isinama ko ang pinsan ko. Eh 'di mabuko ako na 'di pala ako nakapag-groceries kahapon.

At 'pag nangyari 'yun, eh manenermon at tanong ng tanong iyon. Eh, nagmana iyan siguro kay mama. Kung maka-sermon iyan eh parang si lola. Matatapos lang kung makuntento sa sagot.

Malapit lang bilihan ng feeds para sa lovies ko at sa iba pang pets ko.

But hindi muna ako bibili ng sa kanila, marami pa naman ang pagkain nila.

Pagkatapos ko mamaya dito, pupunta na ko sa market kung saan binebenta ang iba't-ibang klase ng karne.

Karne ng baboy, at isda ang binili ko tig dalawang kilo. Hinanap ko ang bilihan ng gulay. Pumili ako ng magandang bilihin nito.

Naglakad-lakad muna ako dito at tumitingin-tingin sa mga ibinebenta ng mga tao dito.

Maya-maya  pa ay umalis na ako at umuwi na.

Please don't forget to vote, comment, and fan.  Xìèxìè😊

Comments are highly appreciated!
Wo Ai Ni 💕

                  -jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top