CHAPTER 10

A/N: Errors ahead.

Wattpad books

Aldrian's POV

Andito ako ngayon sa may gate nila Cathy, bitbit ko siya. Bakit ang bigat pa rin ng isang 'to? Pusa na naman siya eh. Ano kaya kinakain nito? Tsaka 'di pa naman siya nag-breakfast, grabe!
Ano pa kaya ang bigat niya 'pag tao na siya?

Hindi naman siya mataba pero ewan ko lang bakit ang bigat niya, pusa lang naman ito.

"Ahmm, Cathy paano ka makakapasok diyan kung noon nga ng makita kita dito hirap na hirap ka sa pag-akyat eh.
Eh paano naman kasi ang bigat mo. Kaya ikaw mismo nahihirapan sa pag-akyat dito, tsk!" pabulong ko na lang sinabi ang huli. Tsk, baka magsusungit pa ito.

"Meow meow meow meow meow meow meow!"
Ohhhhhhh mukhang narinig niya yata. Nasa bisig ko lang pala siya.

"Oh, sige na. 'Di ka na mataba tsaka 'di ko naman sinabi 'yun eh. Ang sabi ko lang mabig--ahh eh maganda ka. Hehe."

Ayun, napayuko hahaha. Magsusungit pa, eh sabihan lang na maganda 'di naman umiimik.

Well, maganda naman talaga siya. Pusa man o tao siya.

Pero mahirap, paamuhin nito.
'Di kasi niya ako gusto.

"T-tatayo na lang ba t-tayo dito?" Tanong ko pa .

Pero nabigla na lang ako ng hinalikan niya ako sa p-pisngi. Pero pusa siya, pero okay lang siya pa rin naman ang humuli sa puso ko. Tsk, nakakabaduy!

Tiningnan ko siya, nakatingin din siya sa akin pero siya ang una umiwas.

What was that?

"Ahhm--" sabay kami?

"Cath--
"Aldria--
Sabay ulit kami!
Nakakapagsalita siya?
Naiintindihan ko siya?

"P-paano?" Tanong ko.

"Ahmm, Sorry for the kiss! Ah, eh 'yun lang kasi ang paraan para magkaintindihan tayo eh."

"Kiss? Eh bakit ng halikan k-kita bilang pusa sa l-lips eh 'di kita naiintindihan? At bakit si Monica 'yung pusa ko na clingy,  hinahalik-halikan niya ako sa pisngi 'di ko siya naiintindihan?" tanong ko. Ba't nauutal?!

"Ahmm, dahil ako ay isang tao na naging pusa dahil sa parusa kaya 'pag hinalikan ko ang isang tao naiintindihan niya ako. Dapat ako ang humalik. Ang taong hinalikan ko sa pisngi ay maiintindihan niya ako sa loob ng isang araw," sabi niya. Tapos umirap. "Tsaka hindi mo naiintindihan ang iba pang humahalik sa iyo na pusa dahil wala sila sa kamay ng mahika o parusa. Kaya kahit sa lips ka pa nila halikan ay 'di mo sila maiintindihan," dagdag pa niya.

"Ah, ganun pala. Eh bakit mo 'ko hinalikan? May sasabihin ka ba?" nakangisi kong tanong sa kaniya.

"Ah, ahmm d-dahil k-kailangan ko ng t-tulong mo. Kung o-okay lang sayo. Pero kung ayaw mo, o-okay lang talaga. Maghahanap na lang ako ng tulong sa iba, at h-halikan ko na lang siguro para makaintindi sila sa'kin sinasabi?" A-anong?

"Ahmm, o-okay lang sa akin.
P-paano kita matutulungan?"

"Ahmm, naiwan ko kasi susi ko. Tapos sila Mama at Papa ay wala rito. Kaya walang mag-bubukas ng gate."

"Ah okay, so ganito na lang paano ba 'to. Aakyat tayo diyan, kumapit ka lang baka ka mahulog." Mahulog sa'kin.

"Ahm paano kotse mo?"
Tanong niya.

"Babalikan ko lang iyan mamaya, at pwede ko bang ipasok sa loob baka marami na kasi na dadaan na sasakyan mamaya."

"Okay, may space naman sa loob para sa kotse mo."

"Sige, kumapit ka huh?"
Tumango naman siya.

...

Nakapasok na kami sa loob, ibinaba ko siya.

Tumakbo siya papunta sa mga halaman sa gilid ng terrace nila. Sumunod ako sa kaniya.

May hinahanap siya. At ng mahanap itininaas nito ang susi, diyan niya itinatago ang susi?

"Ahhm, bumalik ka sa labas. Umakyat ka na lang ulit doon para makalabas at buksan mo 'yung gate para maipasok mo ang kotse. Okay lang ba?"

"Ah, eh o-okay lang."

Sinunod ko ang sabi niya. Tsk. Kung 'di ko lang siya mahal. Mahal agad?! Well, okay lang din naman. I love cats, and I do love her more.

...

"Ahmm, wala ka talagang kasama dito?" tanong ko.

"Wala, sa susunod na buwan pa uuwi sila mama at papa. Pero 'yung pinsan ko madalas pumupunta dito."

"Sa gabi dito siya natutulog?" tanong kong muli.

"O-oo. Pero mukhang 'di naman siya pumunta dito kagabi. Buti na rin siguro iyon kasi wala ako dito kagabi dahil may mga sagaba--ah eh ibig kong sabihin dahil tinulungan mo ko," sabi niya sabay ngiti, fake smile. But still a cute cat.
May boyfriend na kaya ito?

"Do you have a bo--, a book?"
Putcha! Ano ba naman ito, bakit libro? Hindi ko hilig magbasa.

Nagtaka naman siya sabay tango.
"Oo, mayroon. Bakit? Mahilig ka pala magbasa?" Hindi, pero hihiligin ko na rin.

"Eh, oo pwede mahiram?"

"O-oo naman! Sandali, 'di ko pala maabot hehe. Ikaw na nga lang kumuha. Nandoon oh," sabi niya sabay turo sa may bookshelves niya. "P-pero a-ano puro romance 'yan eh. Ayy may rom-com din pala hehe," sabi niya pa.

"Oh, okay lang hehe. Pahiram huh?" Kumuha ako ng book, pocket books. Oh at ano 'to?
Wattpad stories?

May nakalagay na notes sa itaas.
'My WP book stories collection'. 
Maxinejiji, Tina lata, OWWSIC, Ventre canard, Jonaxx, Allylony, Knightinblack, at iba pang authors. Ang dami naman yata?

Ano kaya maganda hiramin?
Wala siyang mga academic books?

Nasaan na ba ang pusa na iyon?
Nandito lang siya kanina ah.

"Cath!"

"Bakit may napili ka na ba? Nabasa ko na lahat iyan kaya pwede ko nang ipahiram sayo basta ba ibalik mo lang."

"Wala kang academic books? Nag-aaral ka pa ba?"

"Ah oo naman nag-aaral pa ako no! Atsaka mag t-third year college na'ko sa susunod na pasukan. Academic, 'yun ang hihiramin mo? " Pareha pala kami ng level.

"Ah, hindi pipili pa'ko mamaya dito na lang para maiba naman," sabi ko.

"Mayroon naman akong academic books pero nandun sa kwarto ko. Ito naman kwarto nila lolo at lola ko sa side ng mama ko."

"Ah ganun ba?" ani ko.

"Oo pero ano, dito ko lang inilagay kasi ako lang may hawak ng susi sa kwarto na ito. Hindi kasi gusto ni mama na basahin ko ang iba diyan kaya dito ko na lang inilagay. Alam naman nila that I have a lot of pocket and wattpad books," dagdag niya pa.

Tumango na lang ako, "okay sige pipili na 'ko."

Kinuha ko ang he's into her ni maxinejiji. Ilan ba 'to lahat?

Kinuha ko rin ang iba pang books, 'di naman romance lahat genre nito eh.

May tatlong books akong kinuha, kumuha pa 'ko ng dalawa sa story ni KwinJ!

Very Good! Magalong pumili!

...

"Cath saan tayo pupunta?"
Nandito kasi kami ngayon sa likod ng bahay nila. Hindi ko siya buhat kasi may paa daw naman siya, apat pa tsk. Tutulungan na nga lang eh!

"Basta ayun oh! Dali bilisan mo! Gutom na lovies ko!" Lovies ko?
Sino?!

Tiningnan ko ang itinuro niya, bahay.

May mga hayop, wala siguro mga pusa dito. Okay lang, nandito naman siya eh. Hahaha, my own cat version. Sungit!

May pet house din naman sa amin pero aso, hamsters, bunny, at parrots lang ang nandoon.

Habang dito naman , marami. Maraming hayop but ang dami ng aso. Walangya! Baka mangagat ito?

Different pets, different breeds, and different foods. Pinakain ko sila, paano ba naman 'yung isa dito kinakahol ng mga aso.

"Ssshhhh, lovies it's me. Cath!"
aniya.

"Aw! Aw! Aw!" kahol ng aso.

"No, it's me. I am Cath! Oh my! Okay, silence! Just don't bark, please? Just eat lovies, Cathy will be back soon."

Kumakahol pa rin ang mga pasaway. 'Di talaga siya kilala.

Buti pa sa'kin umamo ang mga lovies niya. Tsk. 'Di ba sila nagkakintindihan?

Ayan kasi, mismong amo nga nila 'di gusto ang pusa. At ngayon pusa siya at 'di rin siya gusto ng mga alaga niya.

Siguro dahil magkaaway talaga ang aso't pusa? But still, I don't like dogs.

Kung hindi lang cute 'tong nasa gilid ko. Tsk. Hindi kayo makakain! Mga hayop na 'to oh!

Speaking of kain, 'di pa kami nag-breakfast. Hays. Buti pa lovies niya, busog na.

"Cath, tara?" Aya ko. Tapos na makakain ang mga alaga niya. Tapos ko na rin painumin ng tubig.

"Ahmm, pwede a-ano magluto ka ng foods natin?" Tanong niya. For you, I will.

'Di niya siguro gusto feeds ng mga pusa.

"Okay, buti naman at naalala mo pa ako at sarili mo no? "

"'Di kasi sila nakakain kahapon, kaya inuna ko sila ngayon. Tsk."

"Okay, tara? Gutom na kasi ako," aya kong muli.

Tumango na lang siya bilang tugon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top