ABKMEP 6※


Dinala ako ni Hoseok sa isang abandonadong bahay, medyo malayo ito sa amin kaya sumakay pa kami ng cab papunta roon.

"Sigurado ka bang nandito siya?"
Tanong ko kay Hoseok habang tinititigan ang isang magandang bahay ngunit napabayaan na.

"Oo naman! Halika ka na dali! Nasa loob ang Bf mo." Hinatak niya ako paakyat, madali naman akong nakapasok dahil hindi naman nakasara ang pinto. Hinatak ko ang bestida ni Hoseok nang makaramdam ako ng kakaibang lamig nang makapasok ako sa lumang bahay na iyon.

"Hoseok, natatakot ako." Sabi ko sa kanya.

"Wag ka mag-alala nandito ako, tyaka akala ko ba nag-aalala ka kay jowa mo? Tara na dalian na natin!"
Hinatak na niya ako paloob hanggang sa makarating kami sa salas.

Magulo ang bahay, sira sira na ang mga gamit, puro alikabok na rin sa loob. Alam mo yung mga bahay sa zombie movies? Ganun ang itsura.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok habang yakap-yakap ang mga binti nya. Agad ko naman syang nilapitan.

"Bf ko! Andito na ako."

--------------------------------------------------------

Bf ko's pov

"BF KO, andito na ako."

Bigla akong natauhan nang marinig ko ang malambing na boses ni Yhaly, tiningan ko siya at halatang halata sa mukha niya ang pag-aalala. Sa likod niya nakita kong nakatayo si Hoseok.

"Pa'no n'yo nalamang nandito ako?"
Tanong ko sa kanila.

"Hinanap ka namin ni Yoongi, kasi itong si Yhaly ay nababaliw na kahahanap sayo alam mo ba yun!"
Si hoseok ang sumagot sa tanong ko.

Tinitigan ko ulit si Yhaly.

"Sorry Gf ko, hindi na muulit, hindi na ulit ako mawawala sa tabi mo."
Niyakap ko siya, naramdaman kong tinugon nya ang yakap ko at mas mahigpit pa.

"Okay lang, basta next time pag mawawala ka nang bigla, bumalik ka agad huh! Ayokong mawala ka sa akin. " Para na siyang maiiyak kaya niyakap ko muli siya.

Naabala ang sweet moments namin nang may narinig kaming bumagsak, sabay-sabay kaming napalingon.

Agad na tumayo si Yhaly upang tingnan at nung nakita kong yung picture frame ang nalaglag ay madali akong tumayo upang pigilan siya, nguni't huli na ako dahil hawak-hawak na niya ito.

"Teka, BF KO, kamuka mo 'tong nasa frame huh! Di kaya, dito ka dati nakatira?"  Kita ko ang pagka-bigla sa mukha niya. Pero wala kong planong sabihing may naaalala na ako.

Flashback 7 months ago

Galing ako sa opisina kung saan ako nagta-trabaho. Pagod na ako at gusto kong magpahinga pero nagugutom din ako kaya nag-init muna ako ng tubig para sa noodles na kakainin ko. Hindi kasi ako marunong magluto, madalas ay sa labas ako kumakain. Nakaupo ako sa couch habang naka-on ang t.v nang may narecieve akong mensahe.

"Naka-uwi ka na ba? Pahinga ka na okay! Kita ulit tayo bukas kapag may time ka! I love you! *^O^* "
Mensahe sa akin ng girlfriend ko.

Di naman sa mayabang pero gwapo ako, mabait, kwela, matalino at higit sa lahat dedicated sa trabaho. Pero may isang bagay akong pilit na itinatago sa mga tao yun ay ang ---

Naputol ang malalim kong iniisip ng marinig kong sumipol ang takure na pinag-initan ko ng tubig.  Nilagay ko ito sa cup noodles at tinakpan saglit. Pumasok ako sa kwarto at nagpalit. Matapos n'yon ay bumalik na ulit ako sa sala nang biglang may nag door bell.

Nagulat ako nang makita ko kung sino iyon.

"Taehyung anak."

Yun ang una niyang sinabi sa akin. Kahit na may sama ako ng loob sa kanya ay Daddy ko pa rin siya. Pinapasok ko siya sa bahay ko. Oo bahay ko, dahil ako ang nagpundar nito at ako din ang bumubuhay sa sarili ko.

Pinaupo ko siya sa sala at ganun din ako. Pawang katahimikan ang namagitan sa amin pero ako unang bumasag nito dahil ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

"Bakit Dad? Anong pakay mo?"
Pinilit kong maging magalang.

"Anak, kailangan ka ng kompanya."

Napa-ngisi ako ng marinig ko 'yon.

"Bakit? Hindi ba nagagampanan ng isa mong anak ang responsabilidad sa kompanya kaya nilalapitan mo ako ngayon?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Hindi ganun sa anak, nalaman ko lang kasi na---"

Nakita kong huminto siya at pinahid ang isa niyang pisngi. Umiyak ba siya? Tanong ko sa sarili ko.

"Anak, hindi ko tunay na anak ang kapatid mo. Niloko lang ako ng step mother mo. Akala ko anak ko talaga siya, nagsisisi na ako. Nagpa-bulag ako sa mga salita n'ya at pekeng pagmamahal para sa akin."

Tuluyan na siyang humagulgol ng iyak. Naawa naman ako sa Ama ko kaya tinabihan ko siya at tinapik ko nang marahan ang likod nya.

"Anong gusto mong gawin ko Dad?"
Tanong ko sa kanya at tinitigan niya ako na hilam ang mata n'ya sa luha.

"Kailangan mo ng bumalik. Tyaka anak tumatanda na ako. Kailangan ko ng maisalin ang lahat ng naipundar ko. At ikaw ang napili kong pamanahan."

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Hindi ako interesado sa yaman ni Dad. Pero kung ito ang paraan upang mapa-alis ko yung walang hiyang mag-ina na yon sa buhay namin ay tatanggapin ko na ito.

"At isa pang bagay anak, nakatanggap ako ng death threat na sasaktan ka daw nila. Kaya simula bukas magpapadala na ako ng security hanngang sa umuwi ka sa amin, naiintindihan ko na hindi mo pwede basta basta iwanan ang kompanyang pinapasukan mo."

Tuloy na pagpapaliwanag ng Daddy ko.

"Salamat Dad sa pag-intindi, pagkatapos kong magresign at matapos ang huli kong projects ay uuwi na ako sa atin." Tugon ko sa kanya.

Niyakap ko ulit ang Daddy nang biglang nakarinig ako ng kalabog sa may pintuan, agad ko tong pinuntahan.

May pumasok na tatlong tao na naka all black at naka bonet kaya hindi ko kita ang mukha nila. Hindi ako handa, bigla akong sinuntok ng isa. May alam ako sa pakikipaglaban dahil nag taekwondo ako noon pero tatlo sila at inisip ko din si Dad. Pinagtulungan ako ng dalawa. Pero pinilit kong lumaban hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril. Si Daddy agad ang naisip ko. Nakita ko siyang bumagsak sa sahig at agad na dumaloy ang dugo mula sa katawan nya.

Nilamon ako ng galit, kaya pinagsasapak ko yung dalawang lalake na bumugbog sa akin nung una, nang mapabagsak ko na sila ay dinaluhan ko naman yung natitirang isa. Sinapak ko siya ng malakas at nung mapatumba ko siya ay sinakyan ko siya at walang tigil na sinuntok. Galit na galit ako. Hanggang sa nakarinig na naman ko ng putok at naramdaman ko na parang may dagliang pagtusok akong naramdaman sa tagiliran ko. Binaril nila ako.

Sinulyapan ko muna si Daddy bago ako nakaramdam ng isang hampas sa ulo ko at tyaka ako nawalan ng malay.

End of flashback

Nakita Kong may sumilay na ngiti sa mga labi ni Yhaly. Excited na nilapitan niya ako. 

"Sa wakas Bf ko,  my clue na tayo kung pa'no natin malalaman kung sino ka at kung paano ka namatay."

Hinawakan ko ang kamay niyang naka-hawak sa frame.

"Taehyung, Teahyung ang pangalan ko Yhaly."

Nanlaki na naman ang mata niya nang marinig 'yon.

"Wow! Taehyung ang pangalan mo? Nakaka-alala ka na? Kailan pa? Pa'no m0 nasigurong Taehyung nga?"
Sunod-sunod na tanong niya sa akin. 

"Nung makita ko yan, bigla akong nahilo tapos narinig ko na may tumatawag saking Taehyung. So, feeling ko yan ang pangalan ko."

Nag gui-guilty ako na kailangan kong magsinungaling pero sa ngayon ayoko muna talagang malaman ang nakaraan ko. Pa'no kung mawala nalang ako bigla pag nalaman ko na ang lahat?

"Grabe bruh! Pati pangalan mo pang pogi! How to be you ba talaga?"
Sumingit si Hoseok sa usapan.

"Wag ka ngang ano d'yan Hoseok, palibhasa katunog ng usok yang pangalan mo kaya nagpapaka- bitter ka na naman!" Sabat naman ni Yhaly kay Hoseok.

"Tara na, Gf ko uwi na tayo." Aya ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya nang biglang mahilo ako.

Bigla akong nakarinig ng malambing na tinig na tinatawag ang pangalan ko at medyo kaboses nya si Yhaly pero di ko makita ang mukha dahil malabo.

"Okay ka lang Taehyung? Anong nangyayari sayo? Taehyung!" Sabi niya sa'kin habang hinihimas ang likod ko. Pilit akong ngumiti.

"Wala ito, di lang kasi ako nakakain. Magdamag akong nag-iisip dito mula pa kagabi."

"Yun lang pala eh! Nerbyosa masyado bespren? Tara na taehyung, daan tayo sa punerarya may lamay dun ngayon eh! Makikain tayo!" Yaya ni Hosoek sa akin at tinanguan ko naman siya.

Nakita kong ipinulupot ni Yhaly ang braso niya sa braso ko at nginitian ko siya ng matamis.

"I love you Bf ko."

Sabi niya at nag-umpisa na kaming maglakad palabas ng bahay ko.

--------------------------------------------------------

Jin's pov

Saglit lang akong nawala umalis na agad si Yhaly? Grabe naman yung babaeng yon. Tsk!

Naupo ulit ako sa swivel chair nang may kumatok.

"Come in."  Walang buhay na tugon ko.

"Hey Boss! nakita mo ba si Yhaly?"
Tanong sa akin ni Jungkook.

"Ah! Sabi ko kasi sabay ulit kami kakain. Two weeks na kaming sabay na kumakain, ako pa naman nag-handa ng pagkain nya." Nag-pout pa siya sa harap ko.

"Itigil mo yan! Baka may pinuntahan lang siya. Basta ituloy mo lang yang pakikipag-close mo kay Yhaly." Sabi ko pa kanya.

"Aye aye Boss!" Pabirong sagot niya at lumabas na nang opisina ko.

Iniisip ko kung nasan ba sya? Pero feeling ko ay papasok naman siya bukas. Kailangan ko na talagang maibigay ito sa kanya.

Tumayo ako at tinitigan ang papel na nakalagay sa ibabaw ng office table ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Force Resignation letter for Ms. Yhandrie A. Aljas

----------------------------------------------------

Twist! Twist !

madaming twist !

Please support nyo po amg story namin ni TaeSaJinBwii07 at nilagyan naman ng cover ni mikaelaarlette

Vote, comment any !!
I will appreciate !

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top