ABKMEP 32


*^▁^*

Mahal kita Yhaly,  yan ang panghawakan mo.

Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa binitawang kataga kanina ni Taehyung. Feeling ko kasi, lalo akong naguluhan. Mahal niya ako pero may Aira siya? So, forever na lang akong number 2 nya ? The hell am i thinking ?

"Hey! What's bothering you? Saglit na lang magpapalit na ang taon. You should be smiling. Sige ka, ikaw rin. Gusto mo bang nakasimangot sa buong taon na susunod ?"

Magiliw na sabi ni Jin. As if he's trying to claim na may problema talagang gumugulo sa utak ko and which is true. Pero, wala akong planong i-share kung iyon ang gusto niyang mangyari.

"Wala naman. I'm only reminiscing all the things that have happened to me this whole year. The happy and the sad events of my life."

Narito kami ngayon sa labas ng mansyon nila. Naglatag sila ng malaking parihabang lamesa. Nilagyan ito ng puting tela at sa ibabaw nito ay nakahain ang iba't-ibang pagkain na pinagtulungan naming lutuin kanina at mga prutas. May red wine din na nakahanda.

"You should leave the past as lesson to your life. Bring the happy moments with you and goal to add more joyous moments to earn this upcoming new year."

Tumingala ako sa langit. Madaming bituin ngayong gabi. Tila, nakikisama ang kalangitan sa kasiyahan ngayong new year. I took a deep sigh and murmured words that i don't want  him to be heard but he did.

"Yun na nga ang masakit. Yung happy moments ang nagpapalungkot sa akin."

"Care to share ?"

He asked. Pero umiling lang ako still nakatingala ako sa langit. Ayokong pag-uspan. Besides, siya si Jin. Magkapatid sila ni Taehyung kaya hindi pwede. 

Si Hoseok at Yoongi naman ay parang mga batang nakawala. Kanina pa sila naghahabulan. Buti nalang at tumatagos sila sa mga bagay-bagay. Or else baka naging halloween ang new year namin. Napapitlag ako nang may nagsalita sa aming likuran.

"Happy new year, Son."

Agad akong napalingon sa tumawag na son kay Jin. Magkahawig silang dalawa. Siya siguro ang mama niya. Ngayon ko lang kasi siya nakita simula nung dumating ako dito.

"Happy new year, Mom!" Si jin

"Happy new year po!"

Magiliw na sabi ko. Tumuon ang titig niya sa akin buti na lamang at nakangiti siya or else ay mangangatog ako sa kaba.

"Is she your. . . Girlfriend ?"

Tanong ng Mom ni Jin. Agad na nag-init ang aking pisngi. Pwede namang itanong kung friends kami, bakit girlfriend ?

"No Mom. She's Yhaly. A special friend."

Biglang napalingon ako kay Jin at nagkibit-balikat lamang. Mukang maganda ang relationship nilang mag-ina dahil parang magbarkada lang sila kung mag-usap. Masaya. Niyaya kami nito na maupo muna sa upuang inihanda nila. Nagulat pa ako nang biglang mabilis nitong kinuha ang red whine at kunuha din ng wine opener. After niyang matagumpay na mabuksan yung alak ay nagsalin siya sa wine glass. Una niyang inabutan si Jin, tapos ay ako.

Maya-maya lang ay lumingon siya sa kabilang dereksyon at doon nakatayo si Taehyung mag-isa. Nakatingala sa langit habang nakapamulsa.

"Taehyung! Ijo! Come'on, join us here."

Agad siyang napalingon sa akin nguni't binawi din niya agad ang kanyang titig. Naglagay siya ng ngiti sa kanyang mga labi at nilapitan kami. Nagsalin ang mama ni Jin ng wine sa isa pang wine glass at ito ay matulin na iniabot kay Taehyung at tinanggap naman niya ito.

"I wish for a happy and full of  prosperity for this year."

Itinaas ng mom ni Jin ang kanyang wine glass at ginaya namin siya.

"Happy new year!"

Masayang sigaw ni Jin. Nahawa ako sa  pagka-hyper niya kaya bumati din ako ng happy new year. Si Taehyung naman ay hindi manlang nagsalita at dagling sumimsim ng alak. Nag-uupisa na kaming magkwentuhan habang hinihintay ang new year nang may kotseng bumubusina sa may gate. Agad kaming napatingin doon lahat.

"Seems like Aira wants to join the celebration."

Salita ni Jin at automatic na sumalsal ang puso ko. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Paano ko mae-enjoy ang new year kung ganito lang pala?

Nakita kong mabilis na naglakad si Taehyung palapit sa kotse nang sa wakas ay nakapasok na ito. Nag-iwas ako ng tingin dahil nasasaktan ako. Sobrang sakit, baka maiyak lang ako kapag pinilit kong maging kunwari ay okay lang ako.

Nilingon kong muli si Jin at nakita kong nakangisi ito, bigla akong kinilabutan. Tapos, napunta ang tingin ko sa mama ni Jin. Natunghayan ko kung paanong nanlaki ang mag mata niya habang nakatitig kay Jin, pero mukang hindi siya dito nakatingin subali't sa kanyang likuran. Sinilip kung ano ang nasa likod ni Jin at doon nakita ko si Hoseok na nakatayo at masama ang titig sa kanya.

Nakikita ng Mama ni Jin si Hoseok ?

Dagliang napatingin sa akin si Hoseok nguni't ibinalik niya ang tingin sa mama ni Jin agad. Ilang saglit lang ay bigla itong tumili.

"Ahhhhhhhhhhh!!! Tigilan mo na ako!"

Tinakpan niya ang dalawa niyang tenga na tila takot na takot. Siguro ay may ibinubulong sa kanya si Hoseok tapos siya lang ang nakakarinig. Hindi ko maintindihan kung bakit tinatakot niya ito.

Bigla siyang may hinugot mula sa kanyang likuran at itinutok ito hindi kalayuan sa amin ni Jin. Isa itong baril. Alam ba niyang hindi tatalaban ng bala ang mga multo dahil kaluluwa nalang sila eh.

Bigla akong itinago ni Jin sa likod niya. Tinitigan ko ang mama niya. Nanlalaki ang mga mata at galit na galit. Mas naakatakot nga talaga ang buhay kesa sa mga patay.

"Bumalik ka sa impyernong pinanggalingan mo! Kapag hindi mo ako tinigilan ay babarilin kita."

Mabilis na kumilos si Jin at pilit na inagaw ang baril mula sa mama niya.

"Calm down, Mom! Tayo-tayo lang tao dito! Anong nangyayari sa'yo ?"

Hindi nagtagumpay si Jin na maagaw ang baril at umatras ito ng bahagya sa amin. Still. Nakatuktok pa rin ang baril kay Hosoek na kaming dalawa lang ang nakakakita.

Nang biglang may pumutok. Agad kong ininspeksyon ang katawan ko matapos kung mapapikit. Wala namang masakit sa akin. Agad akong dumilat at tininingnan din si Jin nguni't wala din siyang tama. Agad kong sinulyapan ang mama niya nguni't mariin itong umiling.

"H-hindi ako."

Doon namin napag-desisyonan na lingunin si Taehyung. Hindi na kasi namin siya napansin matapos niyang mag-hysterical.

Natutop ko ang aking bibig nang nakita ko si Aira, yung nobya ni Taehyung na may nakayakap sa kanyang leeg na lalaking nakasuot ng bonet at may nakatutok na baril sa kanya.  May kasama pa itong dalawa at nakita kong pinagtutulungan nila si Taehyung.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya nguni't wala akong nagawa dahil ano namang laban ko sa mga lalaking iyon ? Hindi ko namalayang humabol sa akin Si Jin at sinuntok niya yung isang lalake. Matagumpay niya itong nasapak sa panga at napabagsak. Agad niyang dinaluhan yung isang sumusuntok kay Taehyung. Sinipa niya ito ng malakas sa sikmura tapos ay sinuntok din.

Si Taehyung naman ay pinilit na tumayo. Sinabihan niya akong lumayo dahil delikado pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang protektahan, pero paano?

Tinulungan ni Taehyung si Jin na mapatumba yung dalawa at napatigil lamang sila nang nagpaputok muli ng baril yung lalake sa kalangitan.

"Anong kailangan niyo sa amin!"

Sigaw ni Taehyung. Syempre, magaalala siya dahil bihag ng masasamang loob ang girlfriend niya.

"Hindi ka namin kailangan! Siya ang kailangan namin! Sumama ka sa amin at pakakawalan namin itong si miss beautiful."

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi nung lalakeng nakayakap kay Aira. Si Jin pala ang kailangan nila. Bakit kaya ?

"Sige, sasama ko. Bitawan niyo na siya."

Mabilis kong nilapitan si Jin at sinunggaban ang kanyang braso habang umiiling. Di siya pwedeng sumama sa mga iyon! Paano kung patayin siya ng mga ito ?

"I'm fine, Don't worry bout me."

Inialis ni Jin ang pagkakahawak sa aking braso at tinanguhan yung mga lalaki. Yung dalawang binugbog nila kanina ay agad siyang hinawakan sa magkabilang braso. At nang maipasok na nila si Jin ay malakas na itinulak nung may baril si Aira at mabilis naman itong nasalo ni Taehyung. Nguni't may biglang nagpaputok na nagsimula ng gulo.

"Pakawalan niyo ang anak ko!"

*^▁^*

Lapit na talaga.

Gusto ko ng happy ending. As in forever.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top