ABKMEP 26※
*^▁^*
Nahirapan akong ilusot ang susi sa door knob ng pinto upang makapasok kami ni Taehyung sa loob. Excited kasi ako at kinakabahan din. Nabigla ako nang bigla niya itong agawin mula sa akin.
"Let me do it."
Umatras ako at hinayaan ko siyang gawin yung pakay niya. Ilang sagilit lang ay tagumpay niya itong nagbuksan. He gave way at nauna akong pumasok.
Kinapa ko ang pader to switch on the light at nang mabuksan ko ito ay halos atakihin ako sa puso nang makita kong nakatayo ilang hakbang lang mula sa kitatatayuan ko si Yoongi at Hoseok.
Kahit naman na matagal ko na silang kasama ay nagugulat pa rin ako lalo na kapag bigla silang sumusulpot. Si Hoseok ay nakangiti sa akin ng nakakaloko habang nakapamewang. Si Yoongi naman ay naka-gummy smile. Tila tuwang tuwa sa nakikita nya.
"Anong problema?"
Napapitlag ako nang maramdaman kong haplusin ni Taehyung ang aking likuran. Bigla kasi akong tumigil sa pag-galaw.
"W-wala medyo nakaramdam
lang ako ng kaunting hilo."
Dinilatan ko yung dalawang multo upang hindi sila gumawa ng kalokohan. Tuluyan na kaming pumasok at komportableng naupo si Taehyung sa sofa ng sala.
"Punta lang ako sa kusina."
Tumango lamang ito at nakita ko pang inabot niya ang remote bago ako tuluyang lumakad patungo sa kusina.
Pagkarating ko doon ay binuksan ko agad ang cabinet kung saan ko itinatago ang mga kornik. Naglagay ako sa mangkok tapos ay kumuha din ako ng softdrinks sa refrigerator.
"Huy! Bakit kasama mo si ex-jowa?"
Ayan na naman sila at trip na trip akong gulatin.
"Nagpunta kasi kami sa Karaoke Booth kanina, kasama namin si Kuya Jimin, Boss Jin, Namjoon at nandoon din si Jungkook."
Sagot ko kay Hoseok at tila nawala yung ngiti niya. Bakit kaya niya pinagseselosan si Jungkook? Pareho namang straight na lalake yung dalawang yun, medyo malandi nga lang kapag nagkikita.
Well, si Jungkook kasi at Kuya Jimin ay nagkakilala ng dahil sa akin. Tapos, nagulat na lang ako na close na sila.
"Hindi mo sinagot yung tanong, bakit kasama mo siya dito sa bahay? Diba may Jowa 'yon?"
Oo, alam nila na may girlfriend si Taehyung. Hindi naman ako naglilihim sa kanila, sa katunayan nga. Sila ang tumutulong sa akin upang makamove-on.
"Inihatid nya lang ako, kasi medyo marami na akong nainom. Si Kuya Jimin kasi eh, nag-iinom pa doon ayoko namang putulin yung kasiyahan niya."
"Saang videoke booth yun, Yhaly?"
Tanong ni Hoseok. Gusto kong matawa, siguradong pupuntahan niya 'yon para bantayan si Kuya.
"Wag ka ng magtangkang pumunta doon! Samahan niyo nalang ako dito sa bahay. Hinatid lang ako ni Taehyung, aalis din 'yon agad."
Masama man ang loob ni Hoseok ay tumango naman siya. Dinampot ko na yung mangkok ay inipit sa aking braso ang dalawang in can na coke at dinala ito sa sala. Naabutan ko si Taehyung na seryosong nanunuod ng t.v. Inilapag ko yung mga dala-dala ko sa maliit na center table at tyaka ako naupo sa tabi niya nguni't may kaunting pagitan. Si hoseok naman at Yoongi ay naupo sa sahig sa harapan namin at agad na nilantakan ang kornik.
Pero balewala lang iyon sa akin. Hindi naman kasi talaga nababawasan yung kornik. Akala lang nila na nauubos nila ang kinakain nila pero ang totoo ay nandoon pa rin iyon kaya ako ang kumakain talaga ng mga kornik na nabibili ko.
"Nakakatuwa naman pala dito. Tahimik tapos tayong dalawa lang yung tao."
Biglang nag-roll eyes si Hoseok at dumakot ng maraming kornik.
"Tara na nga gummy ghost! Pinapalayas tayo ni Taehyung."
Ayoko sanang umalis sila pero ayoko namang matakot si Taehyung. Oo, alam niyang nakakakita ako ng multo pero never naman niya akong nakitang nagsasalita mag-isa, I mean, nakikipag-usap sa multo.
Tapos biglang parang bula naglaho yung dalawa. Kumabog na naman ang puso ko. Literal na kaming dalawa na lang talaga ang nandito ngayon. Hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko at tila ba nawalang bigla yung epekto ng alak sa akin.
Tumutok na lang ako sa t.v at hindi tinitingnan habang inaabot ang kornik nang biglang naramdaman ko na may sumunggab sa aking kamay.
Marahan akong napalingon kay Taehyung. Malungkot ang expression ng kanyang mukha, lalo na ang kanyang mga mata. Sinubukan kong bawiin ang aking kamay ngunit hinigpitan lang niya ang kanyang hawak dito.
"Do you trust me?"
Napatitig ako sa kanyang mga mata nang marinig ko ang kanyang tanong.
"Sobrang pinagkakatiwalaan kita, pero hindi ang sarili ko."
Hindi ko alam kung anong klase ng espirito ang sumapi sa akin para magawa kong ilapit ang mukha ko sa kanya at ang aking titig ay gumapang pababa sa kanyang mapulang mga labi.
I'm craving for his kiss, I want to feel his love. I want him, I love him.
Pero napahinto ako when realization hit me. I don't even have the rights to kiss him or even stare at him this way. Babawiin ko na sana ang aking paglapit sa kanya nang bigla niyang sinapo ang aking mga pisngi at kasunod niyon ay naramdaman kong lumapat ang labi niya sa akin.
Napakalambot ng labi niya. I also inhaled his musculine scent mixed with the smell of beer. His lips tasted bitter sweet and I love it. I love his kiss. I answered his kiss the same intensity he's given me. Gusto kong ma-feel niya kung anong nasa kalooban ko. Kung gaano ko siya ka mahal.
Ilang saglit lang ay hinihingal na humiwalay siya sa akin at ang aming matamis na halik ay natapos. Naramdaman kong nag-init ang aking mga pisngi. Nahihiya akong titigan siya pero napagko na sa kanyang mga mata ang titig ko.
He slowly raise my hand and take it closer to his mouth. Hinalikan niya ang likod ng aking kamay.
"Thanks for trusting me."
Usal niya. Hindi ko alam kung ano ng ibig niyang sabihin sa trust na hinihingi niya pero masaya ako, masayang masaya. Hindi ko akalain ni sa panaginip na mangyayari ito.
Ibinaba niya ang aking kamay at hinaplos muli ang aking pisngi.
"I love you, Taehyung."
Naglakas loob na akong mag-confess sa kanya. Nagpahalik na ako so hindi na masama kung sasabihin ko iyon di ba? At isa pa, tunay na pag-ibig yung inuukol ko para sa kanya.
Hindi siya sumagot. Ang sakit, parang biglang may dumukot sa puso ko at piniga ito sa mismo kong harapan. Nguni't tiniis ko. Ganito naman talaga ang pagmamahal di ba? Hindi umaasa ng kapalit.
Siya naman ngayon ang marahan na lumapit sa akin upang ako'y halikan ngunit bago pa man maglapat ang aming mga labi may narinig akong sumisigaw sa labas.
"Kapatid! Buksan mo to! Bakit mo'ko inwan?"
Si Kuya Jimin lang pala. Panira ng moment. Biglang bumitaw sa akin si Taehyung at tumayo. Nginitian niya ako.
"Aalis na ako, may kasama ka na dito sa bahay."
Namulsa siya at nag-umpisang maglakad papalapit sa pinto. Binuksan niya ito at pumasok si Kuya Jimin na medyo parang Zombie kung lumakad. Di na niya napansin si Taehyung at Dumeretso siya sa sofa at nahiga.
Napailing na lang ako. Inihatid ko si Taehyung sa labas ngunit pinapasok na niya ko. Hindi raw siya sasakay sa kotse niya kung hindi niya ako makikitang pumapasok sa loob. At isa pa lalake siya at kaya niya ang kanyang sarili.
*^▁^*
"Alam mo ba kung anong ginagawa mo, Taehyung? Ipinapahamak mo lang si, Yhaly."
Nahigpitan ko ang hawak sa manibela. Alam ko namang wrong move ako. Kaso, hindi ko mapigilan ang selos. Akin lang si Yhaly. Hindi ako papayag na makukuha siya sa akin ni Jin. Isa pa, baka mapahamak lang siya kay Jin.
"I know, Yoongi. Pero--"
"Kailangan mong mag-ingat, Habol lang ni Jin ang pirma mo. Pagkatapos niyon ay malamang na ipapatay ka niya ulit. Worst, baka madamay pa si, Yhaly."
Kinabahan ako lalo. Lalo na bukas , inimbitahan nga pala ni Jin si Yhaly na samahan siya for new year.
"Damn it!"
Nahampas ko na naman ang manibela at nakita ko lang na ngumisi si Yoongi mula sa passenger seat.
"Mahal ka ni Yhaly. Gawin mo na lang ang dapat. Kailangan natin makakuha ng kahit na anong ebidensya na magtuturo na siya ang nag-utos nito. O kahit sinong kasabwat niya."
"Yung mama niya!"
Biglang kumislap ang mga mata ko. Ipinarada ko ang kotse sa gilid ng kalsada tyaka hinarap si Yoongi.
"Tama, baka may alam ang mama niya. Subukan mo kayang multuhin at paaminin?"
Tinitigan din ako ni Yoongi na parang nag-iisip siya ng mabuti.
"Si Hoseok!"
*^▁^*
Meanwhile habang si Jin ay nakauwi na din sa bahay nila.
Phone conversation.
"Bukas, kasama ko siya."
"Oo, nakausap ko na si Taehyung."
"Nakumbinsi ko na siya"
"Aasahan kita"
"Wag mo akong bibiguin."
"Tatawagan ulit kita bukas ng gabi"
"Wag kang mag-alala, babayaran kita ng maayos basta maayos din ang trabaho."
"Sige,"
"Bye."
*^▁^*
Update
Malapit na po ang ending.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top