ABKMEP 23※
*^▁^*
"Boss Jin"
Sambit ko sa kanyang pangalan upang makuha ang kanyang atensyon. Nagkita muli kami sa lugar kung saan niya ako unang inimbitahan noon ng surprise date.
"Oh! You're here! Come'on sit down."
Agad naman akong kumilos at naupo sa kanyang tapat. Hindi na ako nagtaka nang may biglang lumapit sa aming waiter at umalis din ito agad dahil itinaboy siya ni Jin. Malamang nag-order na siya ng makakain namin.
"Why would you like to meet?"
Walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kanya. Pinagsalop niya ang kanyang mga palad at tumitig sa akin.
"First, I like to remind you to stop calling me Boss Jin. It's not necessary since we are close friends, right?"
Bumuntong hininga lang ako at sobrang inip ang aking pakiramdam.
"Okay, Jin. So, what's the second?"
I tried to be nice, dahil dati ko siyang boss. Besides, he politely asked me to meet, therefore I can't be rude.
"I am here to offer you work, I mean. Please, go back to the company."
"What!"
Gulat na tanong ko sa kanya. Pinagti-tripan ba ako ng Jin na 'to? Matapos niya akong bigyan ng force resignation ngayon naman ay pababalikin niya ako ng ganun-ganon na lang?
"Look. Jin, may bago na akong trabaho at gusto ko ang bago ko---"
"Taehyung, will soon back and work to my company, I need trustworthy people to guide him. I am not asking you to work AGAIN as my agent. I want you to become his seceretary."
Biglang dumagundong ang puso ko. Ngunit nalilito din ako. Bakit sa dinami-rami ng tao bakit ako pa ang gusto niyang maging secretary nito? Ni hindi naman niya alam na magkakilala kami ni Taehyung.
"B-but, what about my current work? Kakasimula ko lang doon tapos aalis bigla?"
"That's the point, Yhaly. Bago ka lang doon, pwede ka pang umalis. Besides, Namjoon and I are good friends. Pwede ko siyang kausapin about you leaving the hospital."
Nakaka-akit yung offer niya. Una, gagaan na ang buhay ko dahil hindi na sandamakmak na multo ang makikita everyday. Pangalawa, makakasama ko si Taehyung sa iisang trabaho. Di ba? Masaya iyon?
"B-bakit ako?"
Sasagot na dapat siya nang biglang dumating ang pagkain kaya naudlot ito.
"You're capable and fitted to the job I am offering and besides, I will not accept a NO as an answer."
Napabuntong-hininga na lang muli ako. "Okay, let me file a proper resignation first to Namjoon. Besides, magpapagaling pa naman si Taehyung, I mean yung future boss ko di ba? Kaya di ka pa naman masyadong nagmamadali, right?"
I don't know, pero naging very comfortable akong magsalita. I guess, ito yung sign na wala na talaga akong gusto sa kanya kahit na kaunti. At magandang balita iyon para sa akin.
"Then, do it. And right, nagpapagaling pa naman siya. Anyway, I need to confess something."
Marahan kong dinampot and kubyertos at nagbalak na kumain nang muli siyang magsalita.
"Taehyung, is not my bestfriend. We are brothers. Not biologically, but we are real siblings."
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Agad akong nag-angat ng ulo at tinitigan siya ng mataman upang makita ko kung seryoso ba siya sa kanyang sinasabi.
"And also, Taehyung and Aira will get married soon. For business partnership of course at mahal naman nila ang isa't isa."
Tila para akong nakarinig ng bombang sumabog at biglang nanghina ang aking mga kamay. Dahan-dahan kong nilapag ang kubyertos at pinigilan na mapa-iyak nang dahil sa nalaman ko.
"A-alam na ba ni Taehyung ang tungkol sa kasal?"
"Oo naman, mag-nobya sila kaya malamang na nabanggit na iyon sa kanya ni Aira."
Nawalan ako ng ganang kumain, pwede bang mamatay na lang ako now na? Bakit ganito ang tadhana? Naalala na niya ako, tapos ngayon naman ay malalaman kong ikakasal siya? Hindi ba kami ang para sa isa't-isa?
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking maliit na sling bag at kunwari'y nakatanggap ng mensahe mula kay Kuya Jimin.
"Ahm, Jin. I need to go. Hinahanap na ako ni kuya. Tyaka , kailangan kong gumawa ng resignation. Sorry kung 'di kita masasaluhan."
Mapinong ngumunguya si Jin at uminom siya ng red wine at nilunok muna ang pagkain mula sa kanyang bibig. Nginitian niya ako bago nagsalita.
"No worries, papapuntahin ko na lang si Jungkook dito para hindi sayang ang pagkain. Nasa loob pa naman siya ng premises."
"O-okay, bye."
Ibinalik ko ang cellphone sa bag at tumayo na upang maka-alis. Nang sa wakas ay nakalabas na ako ng restaurant ay hinayaan kong maglandas ang aking mga luha.
Bakit ang daming hadlang ?
*^▁^*
Sinundan ko ng tingin si Yhaly habang palabas siya ng restaurant. Hindi nakatakas sa matalas kong paningin ang pagpahid niya sa kanyang mga pisngi.
Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Jungkook. Mabilis niya itong sinagot at sinabi niyag darating siya kung nasaan ako.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na nga siya. Mabilis siyang naupo sa kanina'y upuan ni Yhaly at mabilis na kumain. Kakaiba talaga itong si Jungkook. Sobrang komportable na niya sa akin, sabagay, maasahan ko naman siya pagdating sa mga gusto kong ipagawa.
"Jungkook."
"Hhmm?" Huni niya sapagka't busy siya sa pag-nguya ng pagkain.
"About, Taehyung. I want you to watch him. Hindi ako naniniwalang mapapatawad niya ako at matatanggap ng ganun lang. I know him, very well."
Mabilis na tumungga si Jungkook ng wine upang malunok ang kanyang kinakain at dumighay pa siya pagkatapos. Napa-iling na lang ako.
"Walang problema Boss Jin. Yun lang ba ipapagawa mo? "
Tanong niya sa akin matapos niyang pahiran ng puting tela ang kanyang mga labi. Ang bilis lang niyang nasaid ang laman ng plato.
"Not only that. Bantayan mo din si Yhaly. I am feeling something off about her. I am not sure what is it yet, still, I want you to always be around her."
"Walang problema. Kaso paano? Nasa hospital siya? Lilipat ba ako ng wok?"
I sip gracefully at my wine and chuckled after.
"Nope, I offered her a job. She will be back in the company, I need her closer within my range."
Tumango-tango lang si Jungkook.
"Anyway, boss. "
"Bakit?"
Tinitigan niya ang aking plato na hindi pa halos nangangalahati ang bawas.
"Kakainin mo pa ba yan? Akin na lang? Gutom pa ako eh."
Natawa ako ng mahina. I can't believe this guy, really.
"Go on. Mukha ngang gutom ka pa."
Masayang kinuha ni Jungkook ang aking plato at inilagay sa gilid ang plato niyang walang laman. Kaunti lang naman akong kumain sa gabi kaya okay lang.
Marahan akong sumimsim ulit sa aking wine with this thought running on my mind.
It's great how I've stoned two birds at the same time.
*^▁^*
Update
Votes
Comments po
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top