ABKMEP 22※
*^▁^*
Pinagmamasdan ko lang mula sa malayo si Taehyung habang ginagawa ang therapy niya upang makalakad muli.
Kitang-kita ko sa kanya ang determinasyon kahit na bakas din sa kanya ang paghihirap. 7 months siyang Comatose at hindi naigagalaw ang parte ng kanyang katawan kaya parang bata ulit siyang nagaaral maglakad sa pamamagitan ng gabay.
Nangiti ako dahil kahit sa malayo ay napagmamasdan ko pa rin ang gwapo niyang mukha. Nakita kong nakangiti siya sa kanyang therapist at tila sila'y nag-uusap nang biglang umalis ito. Baka saglit lang siyang iiwanan. Ganun pa rin ang posisyon nya nakatayo at nakahawak sa railings sa magkabila niyang gilid.
Unti-unting kumilos ang aking mga binti at naglakad akong papalapit sa kanya. Hindi pa niya ako napapansin dahil nakatuon ang kanyang konsentrasyon sa paghakbang.
At, bigla akong napatakbo papalapit sa kanya nang makita kong muntik na siyang matumba dahil nanghina ang kanyang mga binti. Bakit ba kasi pinipilit niyang makalakad agad? Mabuti nalang at mabilis ko siyang nadaluhan kung hindi ay baka nasaktan pa siya.
Kaso.
Hindi ko alam kung paanong sasaluhin ang kanyang mga titig ngayon. Niyakap ko lang naman kasi siya at pinilit na buhatin upang hindi siya tuluyang matumba. Ako lang ang nakayakap sa kanya dahil nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa railings.
Nagwawala ang puso ko. Sana lang ay hindi niya ito marinig dahil binging-bingi na ako sa malakas na ritmo nito.
Naramdaman ko ding nag-init ang aking pisngi.
Natauhan lang ako ng marinig ko siyang magsalita.
"Salamat. Yhandrei, right?"
Bigla akong bumitaw sa kanya at agad kong tinungo ang kanyang wheel chair. "Saglit lang huh. "
Pinaandar ko ito at ipinuwesto ko ito sa kanyang likuran. Nagdadalawang isip man ako ay agad kong ni-lock ang gulong nito at umikot akong muli papunta sa kanyang harapan.
"Magpahinga ka na muna. Maupo ka sa wheel chair mo."
Turan ko at nag-aalangan man ay niyakap ko siyang muli upang hindi siya mahirapan. Nang makaupo na siya sa wakas ay kumalas na ako at bahagyang umatras nguni't magkaharap pa rin kami.
"Salamat ulit, kung di ka dumating baka natumba na ako dito."
"Nako! Wala yun, napadaan lang ako tapos nakita kita. Nagtataka nga ako kung bakit nagmamadali kang makalakad. Dahan-dahan lang dapat. Baka mapano ka pa. Pa'no nalang kapag next time walang makasalo sa'yo?"
Mahaba kong sabi nang hindi tinatago ang concern ko para sa kanya. Wala namang masama doon di ba? Tutal naman ay nakilala na niya ako. Pwede na siguro kaming magsimulang muli kahit bilang magkaibigan.
Sasagot na dapat siya nang dumating ang kanyang therapist. Biglang nag-init ang ulo ko. Tama ba naman iwanan ang pasyente niya? Okay sana kung may kapalit siya eh.
"Nurse, next time please, don't leave your patient unattended. Good thing I passed by earlier, he almost fell off the ground. You should've asked for a replacement if you're going to leave."
Sabi ko at pilit na ginawang mahinahon ang aking tono. Ayoko namang makipag-away kaso kailangan niyang malaman yung pagkakamali niya.
"Sorry po."
Sabi niya at napabuntong hininga lang ako. Si Taehyung naman ay nakangiti lang sa akin. Malakas talaga topak nito. Siya pa rin yung Taehyung na kaluluwang nakilala ko.
"Nurse, pwede bang magpasama ako sa kanya at dumaan sa Garden? Nami-miss ko na kasi ang labas."
Tumango naman ang nurse at sinabihan lang akong ibalik siya sa loob in 30 minutes. Buti na lang at break time ko. Okay na rin to, carry kong magutom basta makasama ko lang siya.
Itinulak ko ang wheelchair hanggang sa makarating kami sa Garden. As usual, madami akong nakasalubong na mumu pero snob ko muna sila. Masyado akong masaya para pagtuunan sila ng pansin.
Inihinto ko ang wheel chair kung saan ko mismo siya nakita kahapon. Ni-lock ko ito upang makasiguradong hindi ito gagalaw saka ako tumayo sa kanyang gilid at tumitig sa kawalan.
"Yhandrei."
Tawag niya sa akin at agad ko naman siyang nilingon. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa kung saan .
"Bakit?"
Sa wakas ay nilingon na niya ako. Gusto ko na namang umiyak, gusto ko siyang yakapin, halikan at sabihing paulit-ulit na mahal ko siya.
"Natatandaan ko, bakit mo ako tinawag na BF KO?"
Biglang dumagundong ang puso ko. Ibig sabihin ay narinig niya iyon? Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang katanungan niya. Nanlamig ang kalamnan ko, naramdaman ko din na may namumuong pawis sa aking noo at leeg. Tila din nahihirapan akong huminga.
"H-huh? Nako, Hindi ah! Guni-guni mo lang iyon!"
Yan ang nasabi ko. Ayoko sanang magsinungaling. Gustong gusto Kong sabihin sa kanya na GF NIYA ako at BF KO siya. Kaso, baka sabihin lang niyang baliw ako.
"Ah! Okay. "
Sabi niya at ngumiti. Shet! Ang gwapo talaga ng ngiti niya. Di nakakapagtakang mahal na mahal ito nong Aira. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya?
"Kapatid! Yhaly!"
Napalingon akong bigla. Hindi na ako nagulat kung sino iyon, si kuya Jimin lang namang ang tumatawag sa akin ng kapatid. Lumapit agad siya sa akin at inakbayan ako.
"Uy! Hanap ka ng Crush mo! Si Boss Jin!"
Hindi ko alam kung sasapakin ko ba siya o sasalpakan ko ng kahit na ano yung bunganga niya para manahimik siya. Alam kong hindi ako naaalala ni Taehyung, pero, gusto kong manatiling loyal. Matagal ko ng hindi crush si Jin.
"Ewan ko sa'yo, Kuya! Hindi ko crush 'yon!"
"Aysos, kunwar---"
Pinutol ko ang sasabihin niya dapat.
"Sige, ituloy mo! Ipapagahasa kita kay Hoseok!"
Biglang itinikom ni Kuya ang bibig niya. Tyaka lang namin naalala na nandun si Taehyung. Nakakunot na ang noo niya at tila may gusto siyang sabihin.
"Pwede bang ihatid mo na ako sa kwarto ko?" Narinig kong sabi niya kaya nilingon ko muna si Kuya.
"Paki-sabi kay Boss Jin, i-text na lang niya ako tapos magkita kami. Babalik na din ako sa trabaho pagkahatid ko kay Taehyung sa kwarto niya."
Tumango lang si Kuya Jimin at agad umalis. Kapag talagang mayroon kang kapatid na malakas mang-asar, ewan ko na lang kung di mo masasaktan eh!
Ilang saglit lang ay narating namin ang kwarto niya. Nagtitigan kami ng matagal. Parang may hinihintay siya.
"Pwede mo ba ako tulungang maka-akyat sa kama?"
Paki-usap niya. Agad naman akong kumilos. Niyakap ko sya at iniyakap nya sa akin ang kanyang isang braso at ang isa naman ay nakatukod sa kanyang kama. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit nagwawala na naman ang puso ko.
Gumamit ako ng sapat na lakas at tinulungan siyang makaupo sa kanyang kama. Nguni't nabigla ako nang humiga siyang nang hindi kumakalas ang kanyang brasong nakayakap sa akin. Hindi rin ako agad na nakatakas sa kanya dahil nadaganan niya ang braso kong nakayakap sa kanya.
Pero, pinilit kong kumawala. Subalit hinigpitan lang niya ang yakap niya.
"Can we please stay like this for a while? I felt empty. I don't know why but your presence filled the empty space within me, Yhaly."
Muntik na akong maluha,yet, I did my best to prevent it. After few seconds siya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Matagal ko siyang tinitigan hanggang sa maalala ko ang trabaho ko. Shet! Late na yata ako. I quickly check my phone to see what time is it at nakahinga ako ng maluwag when i still have 10 minutes more.
"S-sige, magpahinga kana. Kailangan ko ng mag-time in."
Agad akong tumalikod. Of course mahalaga din amg trabaho. Di ka naman mabubuhay kung hihinga ka lang, kailangan mo din ng pera at kung anu-ano pa. Nasa pintuan na ako at tangkang bubuksan ito when I heard him called my name.
"Yhaly."
He said it with his low raspy voice. Yung usual na boses niya kapag bagong gising siya sa tabi ko. Noong kami pa. Noong mahal pa niya ako. Noong ako pa ang nobya niya. Nilingon ko siya at naluha ako nang tuluyang nang marinig ko ang sinabi niya.
"Kapag, pwede na. Bilhan mo naman ako ng Kornik, GF KO."
*^▁^*
Nakaka-amoy ako ng happy ending.
Kaso di pa ngayon.
Nandyan pa si Jin! Lol
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top