ABKMEP 21※
*^▁^*
Yhandrei
Sigurado akong kailanman ay di ko pa siya nakilala ngunit may naramdaman akong kakaiba nang masilayan ko ang kanyang magandang mukha.
Hindi ko napigilang mainis nang makita kong close sila ni Jin. Kaya naisip ko na baka nakita ko na siya noon at hindi ko lang matandaan.
Alam kong nagtataka kayo dahil ang totoo niyan ay galit ako at wala akong tiwala kay Jin. Subalit may kasabihang, Make your friends close but enemies closer. Kailangan kong magpanggap na napatawad ko na ang mga alitan namin noon. Na tinatanggap ko na siya sa wakas bilang kapatid. Kailangan ko siyang pag-tiisan upang malaman kung sino ang may gawa niyon sa amin. Lalo na sa aking ama. Di ko man lang siya nakitang ihatid sa huling hantungan dahil 7 months daw akong comatose.
Matapos ang ilang sandaling kwentuhan ay nagdesisyon si Yhandrei na iwanan na kami dahil may trabaho pa siya. Si Jin naman ay inihatid na ako sa kwarto upang magpahinga. Maingat niya akong inihiga at ako'y pumikit.
Napangiti ako nang biglang sumagi sa isip ko ang magandang mukha ni Yhandrei. Ngunit pinigil ko ang aking sarili. Mayroon na akong nobya. Hindi tamang mag-isip ako ng ibang babae bukod sa kanya.
Narinig kong umugong ang pinto. Indikasyon na may iba pang pumasok sa loob nanatili akong nakapikit at nagpanggap na natutulog.
"Nagpapahinga na siya, Namjoon. Sa tingin mo. Hanggang kailan niya hindi maaalala yung nangyari sa kanila ng tatay nya?"
Bigla akong nanlamig. Nagpanggap akong may ilan akong hindi maalala at ang sabi ni Namjoon ay dahil iyon sa comatose ko nguni't babalik din daw iyon kalaunan.
"Babalik din iyon. Lalo na kapag nakakita siya ng mga bagay na magpapa-alala ng mga iyon sa kanya. Ngunit, wag mo siyang piliting maka-alala, makakasama ito sa kanya at baka bumagal ang kanyang recovery. Hayaan mo na lang muna siyang ganyan."
"Sige, thanks dude. Maaasahan ka talaga. Oh, siya. Mauuna na ako. Kayo ng bahala sa kanya. At sana magawan mo ng paraan na wag nang makalapit si Yhaly sa kanya."
Yhaly?
Sino naman yung Yhaly? Mukhang madaming itinatago sa akin si Jin. Di bale, malalaman ko din ang lahat. Kailangan ko munang mag-focus sa pagpapapagaling ko. May up coming therapies kasi ako para makalakad akong muli.
Matapos ng kanilang usapan ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Nakahinga na ako ng maluwag at dahil hindi naman talaga ako tulog ay idinilat ko ang aking mga mata.
"Putang ina!" Naisigaw ko.
Ikaw ba naman makakita ng maputlang tao na nakatitig sa iyo. Medyo maitim ang labi nito at lumamig bigla ang aking pakiramdam.
"Nakakakita ka nga ng multo! "
Narinig kong sabi niya. So, multo pala siya? Oo, nga pala. Nakakita din ako ng multo sa tabi ni Yhandrei kanina. Napangiti nga ako sa sobrang takot.
"H-hindi! Hindi ako nakakakita ng multo! Imagination lang kita!"
"Come'on Taehyung! Tingnan mo ako! Dati lang kasama kitang kumakain ng kornik! Nakabalik ka lang sa katawan mo, isnabero ka na?"
Reklamo ba iyon o paliwanag? Basta iyon ang narinig kong sinabi niya kaya dumilat na ako. At ang una kong nakita ay ang gummy smile niya.
"S-sino ka? Bakit nagpapakita ka sa'kin! Anong sinasabi mong kornik? Kumakain ba ang mga multo?"
Tumawa yung multo ng malakas tapos namaywang at naging seryoso din kalaunan. "Gusto mo patayin ulit kita para malaman mo?"
Nabigla ako sa tinuran niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin at naupo siya sa gilid ng hospital bed ko.
"P-patayin ulit? A-anong ibig mo---"
"Ako ang pumatay sa'yo. Kung naaalala mo, tatlo kami. Napatay namin ang tatay mo. Nguni't hindi ka namin natuluyan."
Biglang sumabog ang galit ko. Agad akong bumangon at sinubukang suntukin siya nguni't tumagos lang ang aking kamay sa kanyang mukha. Nanginginig ako sa galit.
"Hindi ito ang time para magalit ka sa akin, Taehyung. Magpagaling ka. Protektahan mo siya. Kapag maayos ka na. Ako mismo ang lalapit sa'yo at tutulungan kitang mahuli ang mastermind ng lahat."
"S-sinong kailangan kong protektahan?"
Ikinuyom ko ang aking mga palad. Tama siya, wala akong mapapala kung magagalit ako. Siguro, dapat ko siyang pagkatiwalaan.
"Sasabihin ko din 'yan sa tamang panahon. Magpagaling ka agad. Kailangan mong maging malakas. Alam kong mahirap akong paniwalaan lalo pa't ako ang isa sa mga nagtangka sa buhay mo. Ngunit handa akong pagbayaran ang lahat at tulungan ka."
Nakita ko kung gaano kaseryoso ang kanyang mukha. Dapat nga siguro akong magtiwala. Nakita kong umalis na siya sa aking kama at tumayo sa aking harapan.
"Yoongi nga pala ang pangalan ko."
Ngumiti siya nung kagaya kanina. Yung kita ang gums. Napangiti na rin ako nguni't bigla siyang naglaho nang bumukas ang pintuan ng aking silid. At mula doon ay pumasok ang aking nobya, si Aira. May dala-dala siyang mga prutas. Nginitian ko agad siya.
Kung isasama ang mga buwan ng aking pagka-comatose ay 10 months na kaming magnobya. Tama, 3 buwan palang kaming mag-on nang naganap ang malagim na insidente.
Mahal ko naman siya. Hindi ko siya liligawan at gagawing nobya kung hindi di'ba? Kaso, parang may nagbago simula nang magising ako. Hindi buo ang pagkasabik ko. Parang may kulang.
"Babe! Kumusta ka na? Nakausap ko pala ang doktor mo. Bukas daw ay pwede ka na magsimula ng Therapy para makalakad ka na!"
Masayang tugon niya sa akin at naupo siya sa aking kama malapit sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi na puno ng pag-aalala. Tinitigan ko ang kanyang mga mata at hinahanap ang pananabik, ngunit wala akong nahagilap.
"Ganoon ba? Good news yan. Nakakabagot din kasi na nakaupo lang sa wheel chair kapag gusto kong mag-gala."
Patuloy nya akong tinitigan at tyaka ngumiti. "I love you, babe."
Sabi niya gamit ang malambing na boses at marahang inilapit ang mukha niya sa akin. Plano kong tanggapin ang kanyang paanyaya, ngunit biglang sumagi sa isip ko si Yhandrei. Inilihis ko ang aking mukha.
"I'm sorry, babe. Kakabalik ko lang dito sa kwarto ko dahil ipinasyal ako kanina ni Jin. Gusto kong magpahinga."
Nakita kong nalungkot ang kanyang mukha nguni't pilit niya akong inintindi. Nahiga na ako sa kama at pumikit.
BF KO! Teahyung.
*^▁^*
Masipag ako mag-update! Lol
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top