ABKMEP 17※


*^▁^*

Madilim pa sa loob ng medyo may kalawakang opisina nang may isang matangkad na nilalang ang naupo sa Swivel Chair.

Ipinatong nya ang pares ng mga binti sa ibabaw ng lamesa at ikinuyakoy ang isang paa. Inilibot nya ang kanyang paningin bagama't hindi niya masyadong maaninag ang paligid. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at biglang nagliwanag ang buong paligid. Nilingon niya agad ang pintuan at natunghayan niya kung pa'nong takasan ng kulay ang gwapong mukha ng bagong dating.

"Good morning."

Magiliw na sabi ng binata habang prente pa ring nakaupo. Sa wakas ay nakahuma na rin ang bagong dating at siya'y umismid.

"Glad to see you visiting me here. Anong kailangan mo?"

Sabi ng matangkad na binata at naglakad siya palapit sa lamesa at nakipaglaban ng titigan sa nilalang na nakaupo.

"Stay away from Yhaly. That's all I wanted."

"Paano kung ayaw ko?"

"Then, you'll see me here everyday, sat down on your seat."

Naikuyom ng binata ang kanyang mga palad at pinilit na huwag ipahalata ang galit.

"Lalo mo lang akong binibigyan ng tapang na suyuin si Yhaly, Taehyung. hindi na tuloy ako makapag-hintay na i-date siyang muli hanggang sa marealize niyang walang patutunguhan yang relasyon nyo."

Biglang kumilos ang nasabing binata at tumayo ng matuwid. Tinitigan niya ng masama ang isa at tyaka nagsalita.

"I maybe dead, Jin. Still, I know what I'm capable of doing. Don't underestimate me, I change when I'm mad."

"Tingnan natin, aabangan ko yan Tae---"

Napalingon kaming pareho nang biglang bumukas ang pinto. May pumasok na matangkad na binata nang hindi manlang kumakatok.

"May kausap ka?"

Tanong ng binata at niyakap nito ang sarili pakiramdam niya ay dumoble ang lamig sa loob ng opisina ng kanyang boss.

"Wala, gusto ko lang magsalitang mag-isa, anong kailangan mo?"

Natawang bigla ang nilalang na kakatayo lamang at dahil alam niyang hindi na siya papansinin nito ay naglaan siya ng maraming konsentrasyon at sinipa ang Swivel chair.

Wari napatalon mula sa kinatatayuan ang bagong dating at agad na napayakap pagkatapos sa kanyang Boss.

"Hala! Ipa-blessing mo na'tong office mo Boss. May multo yata dito!"

"Let go of me, Jungkook! Walang multo! Ang tanda mo na para maniwala sa ganoon!"

Nilingon ni Jin si Taehyung na nakatayo parin sa kanyang pwesto at binigyan siya ng nanunuyang ngiti. Matapos iyon ay parang bulang naglaho ito.

Sa wakas ay nakahinga rin siya ng maluwag. Nilapitan niya ang kanyang Swivel chair at hinila pabalik sa tama nitong pwesto. Agad siyang naupo at si Jungkook naman ay nanginginig na lumapit sa lamesa.

"Dumalaw ako kahapon sa kanya."

"Anong balita?"

Naikunot ni Jin ang kanyang makinis na noo. Hindi kasi siya dumadalaw doon. Hindi siya guilty, ayaw lang talaga niyang magpunta at isa pa baka may makakita sa kanyang nagpupunta roon. Kailangan niyang mag-ingat.

"Walang pagbabago Boss. Muntik pa siyang mamatay  kahapon. Tinawagan ako nung Doktor kaya agad akong nagpunta."

"Fuck it!"

Naupo na si Jungkook at mas lumapit ng bahagya kay Jin bago muling ngsalita.

"Isalin mo nalang kasi sayo yung yaman, wala ng pag-asa eh!"

"Damn it, Jungkook! Kung pwede lang ay matagal ko ng ginawa!"

Lumayo na si Jungkook sa kanya at tyaka tumayo.

"Sige, boss. Babalitaan nalang ulit kita. Kailangan ko ng magtrabaho, baka ma-late ako ng in."

Tumango lamang si Jin at lumabas na ang empleyado mula sa kanyang opisina. Matapos iyon ay pinagsalop niya ang kanyang mga palad at nag-isip. Matapos ang ilang sandali ay nakabuo siya ng desisyon.

Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at nag-tipa ng mensahe.

"If nothing changes after one week. Finish it."

Bumuntong hininga siya at inilapag ang cellphone sa lamesa.

*^▁^*

Mataimtim akong nanunuod ng korean drama sa maliit kong flat screen t.v nang may naupo sa tabi ko.

Si Hoseok.

"S'an Jowa mo?"

Di ko siya sinagot at nagkibit-balikat lang ako. Pagkagising ko kasi ay wala na si Bf ko sa tabi ko. Napapadalas ang pag-alis niya.

"Hoy! Baka nangangabit na yang , Jowa mo! Laging wala."

Nilingon ko na si Hoseok. Ganun pa rin naman ang itsura niya. Walang nagbago. Multo pa rin.

"Ewan ko sa'yo. Di magagawa ni Taehyung yun, baka trip lang gumala."

Humalukipkip si Hoseok sa sofa at dumikit sa akin. "Di ba may work ka na? Bakit ka nandito sa bahay?"

Bigla akong nanlamig at dumagundong ang puso ko. Shit! Nakalimutan kong ngayon na pala agad ang start ng bago kong trabaho.

"Fuck! 7:30 na! 8:00 am pasok ko! Punyeta!"

Mabilis akong tumayo at pinatay ang t.v matapos niyon ay tumakbo ako papasok sa loob ng CR. Wala ng hilod hilod! Tang-ina lang talaga, first day late ako? Piste.!

Matapos iyon ay nagbihis agad ako.  Lumabas ako ng kwarto habang nagsusuklay. Inilapag ko lang kung saan ang aking tuwalya. Nadaanan ko si Hoseok na may malawak na ngiti sa mga labi. Tila inaasar pa ako. Agad kong sinuot ang aking black close shoes at lumabas ng bahay. Ni-lock ko ito at nakita ko si Hoseok na tumagos sa pinto at hinabol ako.

"Ingat bespren!"

Narinig kong sabi niya, nakalabas na ako at may mga naglalakad nading tao. Mga papasok din yata sa trabaho at eskwela.

"Salamat! Sabihin mo kay Taehyung nasa trabaho na ako, okay?"

Sigaw ko pabalik at nakita kong napalingon sa akin ang mga tao. Piste lang kasi, sumigaw ako pabalik wala naman silang nakikitang may kasama ako.

Inggit lang kayo, wala kayong talent makakita ng mumu!


Nag-umpisa na akong tumakbo at nang nakarating ako sa kanto ay pumara agad ako ng taxi at mabilis na sumakay.

*^▁^*

10 minutes late.

Halos matunaw ako sa kahihiyan nang hindi man lang nila ako pinagalitan kahit na-late ako sa first day ng trabaho ko.

Agad akong nilapitan ng isang babae na medyo chubby pero maganda. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Tara, maupo ka dito sa katabi kong table. Don't pressure yourself okay. 1 week training pa lang naman ito."

Kumilos naman ako at naupo. Inilapag ko ang dala kong bag sa may gilid at nag-umpisa na akong magtrabaho.

12:10 pm

Break time.  Hindi pa ako gutom nguni't iyan ang schedule ko kaya kakain na ako kahit ayaw ko pa.  Binitbit ko ulit ang aking bag.  Hindi ko alam kung saan ako maaring kumain, buti na lamang at kasama ko yung Chubby na babae, si Ezra.

Para na naman akong tungaw kaka-iwas sa mga mumu na nakakasalubong ko. Alam kong nagtataka si Ezra at hindi niya napigilang magtanong.

"Lasing ka ba? Pagewang-gewang ka diyan!"

"Nako! Hindi no!"

Sagot ko at pinilit na ngumiti. Patuloy pa rin akong umiiwas nang may nakita akong batang lumipad kaya napaupo ako. Para hindi kami magkabungguan.

"Hey, anong nangyayari sa'yo? Nahihilo ka ba? May masakit ba sa'yo?"

Marahan akong tumayo at nilapitan si Ezra.  "Secret lang to huh. Nakakakita kasi ako ng multo. Napaka-rami nila. Iniiwasan ko lang sila."


Nakita kong bigla siyang namutla. "M-multo? Sigurado ka?"


"Oo, kaya be thankful na hindi mo sila nakikita."

Nakahinga naman siya ng maluwag ngunit halata pa rin ang gulat sa kanyang mukha. Patuloy kami sa paglalalakad nang may nakita akong pamilyar na lalake habang naglakakad siya sa unahan namin.


"Taehyung?"

Kinilig akong bigla. Talaga pa lang babantayan niya ako. Kaso bakit doon siya papunta? Aaaahh baka hinahanap niya ako. Nagpa-alam ako kay Ezra na may pupuntahan lang ako at susunod ako sa canteen.

Naglakad ako at hinanap ko si Taehyung nang may narinig ako tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito at ang una kong napansin ay ang malalalim na biloy sa magkabilang pisngi. Kasama niya si Kuya Jimin.

"Kapatid, break time mo din? Sama ka na sa amin."

Tumango naman ako. Alangan namang tanggihan ko si kuya. Mamaya ko nalang siguro hahanapin si Bf ko. Nagtungo kaming tatlo sa  Canteen. Agad akong kinawayan ni Ezra ng makita ako at agad na namula ang kanyang pisngi ng mapunta ang kanyang titig kay Kuya.


As usual. Chick magnet talaga si Kuya Jimin.

Naupo agad ako at si Kuya at Namjoon nalang ang nagpresintang mag-order ng pagkain.

"Uy! Kilala mo yung Jimin? Ang swerte mo naman! Suplado yun eh!"

"Swerte ka dyan! Kuya ko yun!"

Nakita kong nanlaki ang mata niya at napatakip ng bibig. "Oh my! Nakakahiya naman ako! Ngayon ko lang nakita na magkahawig kayo! Grabe! Pwede na bang sister itawag ko sa'yo?"


Napangiti naman ako. Masisisi ko ba siya? Sandmakmak na babae ang naghahangad sa sexy body at pretty face ni Kuya kaya sanay na ako.

Ilang sandali lang ay dumating na si Kuya at Namjoon na may dalang Tray. Naupo sa tabi ni Ezra si kuya at tila siya'y di na humihinga sa kilig. Si Namjoon naman ay sa tabi ko. Nag-umpisa na kaming kumain at nagkukwentuhan ng kung ano-ano lang nang biglang maistorbo kami ng malakas na ringtone ni Namjoon.


Sinagot niya agad yung tawag. "What? Seizure again? Okay, i'm coming ."


Agad na tumayo si Namjoon at nagmadaling tumakbo. Hindi manlang siya nagpa-alam. Napapa-iling nalang ako. Buti na lang hindi ko pinangarap maging doctor.

"Tsk! Nag seizure na naman yung pasyente ni Dok."

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi ngunit ang mga sumunod niyang pahayag ay tila nagpahinto sa aking mundo.

"7 months na siyang comatose. Sayang gwapo pa naman. Ni wala manlang yatang dumadalaw doon bukod sa isang binata na minsan lang din maparito. Nguni't maswerte pa rin siya dahil kung sino man ang nagbabayad ng bill niya ay siguradong mayaman iyon. Umabot na yata ng 3 million gastos sa kanya."

Marahan kong binitawan ang aking kubyertos at nagtanong sa kanya kalakip ang malakas na pagtibok ng aking puso at panalangin na sana ay mali ang hinala ko.

"Ano'ng pangalan? Pwde ko bang malaman? Nung paseyente."

Tumingin siya sa kisame na parang nag-iisip ng malalim.

"Hmmm. . Te .  Tae . . Tehan ----"

"Taehyung?"

Nanginginig na ang mga kamay ko at nagbabadya na ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata

"Oo! Oo! Kim Taehyung!"

Tila niliban ako ng aking lakas. Nanlamig ang aking pakiramdam. Ibig sabihin ay buhay si Taehyung? May pag-asa pang maging forever ang love story namin? Kaya ba siya pagala-gala ay dahil hindi niya alam na comatose lang ang katawan niya?

Agad akong tumayo at hindi nag-paalam , saktong pagtalikod ko para sana umalis nang makita ko si Taehyung na  nakatayo sa gitna ng Canteen. Nakangiti siya ng maluwag sa akin. Parang hinaplos talaga ang puso ko.

Agad ko siyang nilapitan upang sabihin ang magandang balita kahit pa magmukha akong baliw. Bsta dapat masabi ko yung nalaman ko nang biglang unti-unti siyang umusok hanggang sa nawala sa aking paningin.

At tanging ang pagpatak ng aking luha ang huli kong nasaksihan.

*^▁^*

Climax na rin ako sa wakas

Once a week update ?

Salamat po sa pagbabasa nito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top