ABKMEP 15※


*^▁^*

Taehyung's POV

Hindi ko alam kung anong nais mangyari ni Jin. Talaga bang ini-inis nya ako? Alam kong sadya niyang pinarinig sa akin 'yong mga bagay na iyon para ipamukha sa akin na patay na ako at wala na akong magagawa pa.

Hindi ako galit kay Yhaly. Alam kong mahal niya ako at di niya ako iiwanan at mas lalong hindi niya ako ipag-papalit kay Jin. Isa pa, hindi rin ako makaka-payag. Siguro kung iba, basta makakasiguro akong totoong mahal siya ay matatanggap ko. Pero hindi kahit kailanman kung si Jin ang taong iyon.

Tinabihan ko sa pag-tulog si Yhaly. Wala namang makaka-kita at makaka-alam dahil multo nga ako. Si Jimin ay sa sala naman natulog, sa may sofa. Hindi kasi naging handa si Yhaly sa pagdating niya kaya hindi naayos ang dapat na kwarto niya.

Bumangon ako sa kama, tulog pa rin si Yhaly.

Pinagmasdan ko ang maamo at maganda niyang mukha. Yung mapilantik niyang pilik-mata, ang matangos na ilong at mamula mulang labi. Hindi malabong maraming nagkakagusto sa kanya, marahil ay suplada lang talaga siya kaya walang nanliligaw.

Naaakit ako sa mga labi nya. Umangat ako ng bahagya at tumapat sa kayang mukha. Unti-unti, dahan-dahan ay inilapit ko ang mukha ko sa kanya nang biglang bumikas ang pinto. Nakalimutan ni Yhaly mag lock! Tsss! Olats!

"Huy! Gising na aba! Sumama ka sa'kin ngayon sa trabaho ko."

Narinig kong umingit si Yhaly at kumuha ng unan tapos ay niyakap niya ito. Ayaw maistorbo ang mahimbing na tulog. Lumapit agad si Jimin at naupo sa gilid ng kama tapos ay hinablot yung unan na yakap-yakap ni Yhaly.

"Hoy! Gising na aba!"

"Ano ba! Mamaya na kuya Jimin! Nananginip pa ako."

Nagtalukbong ng unan si Yhaly. Mukang mahihirapan si Jimin kaya tutulungan ko na siyang gisingin ito. Niyakap ko si Yhaly at alam kong naramdaman niya iyon.

"Kuya, wag mo'kong daganan! Sige na babangon na ako."

"Hala! Futa! Di kita hinahawakan diyan! Baka si Hoseok na naman yang nararamdaman mo!"

Biglang napabangon si Yhaly. Gulo-gulo pa yung buhok niya at ang taba ng pisngi. Ang cute niya talaga pag bagong gising.

"Kasi naman eh! Nananaginip nga ako. Epal, ganda na ng mangyayari eh!"

Maktol ni Yhaly tapos hinampas niya ng unan si Jimin. Sumulyap siya sa'kin ng bahagya at ngumiti ng palihim.

"Anyway, goodmorning. Bakit ba Kuya?"

"Di'ba sabi ko sa'yo kagabi ay mag-apply ka kay Namjoon. Para pareho tayong may trabaho. Tyaka ano yung panaginip mo? Tungkol na naman sa crush mong Si Jin na mas maganda pa sa'yo?"

Inirapan niya ito ,nayayamot yata

"Che! Matangkad naman! Bahala ka nga diyan, sige na! Labas na susunod ako. May almusal na ba? Magluluto na muna ako."

"Mag toothbrush ka muna Yhaly, di kaaya-aya ang amoy ng morning glory mo. Wag ka na mag abala pa ng almusal, nagluto na ako ng agahan. Hotdog tyaka fried rice."

Nakita kong ngumisi si Yhaly. Mukhang gagantihan ang Kuya niya dahil sa pang-aasar nito sa kanya.

"Ah, kaya pala naka-dungaw dito si Hoseok slash ngiting Doggy, may balak yatang maka-dekwat ng hotdog."

Deretso noyang tugon at tumayo ng mabilis. Nakita ko namang natigilan si Jimin. Naisahan na naman siya ni Yhaly. Sinundan ko si Yhaly at dumeretso sya sa Cr. Syempre hindi na ako sumama, wag kayong ganyan sa akin minsan lang ako manilip guys. Pramis.

Pumunta na lamang ako sa dining area. Nakita ko siya'ng busy sa pag scroll sa cellphone niya. Hinihintay siguro niya si Yhaly upang sabay silang mag agahan. Dumating naman bigla si Hosoek, naupo agad siya sa harap ni Jimin at nag-laway, syempe joke lang 'yon. Walang laway pero malapit ng magkaroon. Si yoongi naman ay dumating din.

Ano kayang meron at dumadating sila lahat? Titig na titig si Yoongi sa pagkain. Na'ko, kaso di sila makakadekwat ng hotdog ni Jimin. Handog sa buhay ang pagkain eh, hindi para sa mga patay.

Makalipas lamang ang sandali ay dumating na si Yhaly, bagong ligo, mabango at naka-ngiti. Naupo agad siya sa Mesa at nagsimula na silang kumain ni Jimin.

#^_^#

Yhaly's POV

8:OO am ng dumating kami ni kuya Jimin dito sa hospital, oo hospital. Nasa labas palang ako ay para na akong hihimatayin sa nerbyos. Sa labas pa lamang kasi ay ramdam ko na ang nakakapanindig-balahibong kakaibang ginaw.

Pumasok agad si Kuya, galit pa siya dahil ang bagal ko daw. Palibhasa kasi wala siyang ability maka-kita ng multo. Pa'no naman ako?

Napaka-rami kong pinagdaanan bago ko narating ang opisina ni Namjoon. Para akong lasing na pagewang gewang na naglalakad kaka-iwas sa mga multong nakasalubong ko. Mabuti nalang at naglagay ako ng. Bahagyang make-up dahil kung hindi ay mahahalatang mamamatay na ako sa kaba.

"Doctor Namjoon"

Nakita kong naka-paskil sa pinto kaya kumatok muna ako ng tatlong beses bago dahan-dahan na binuksan ang pintuan ng kanyang opisnina.

Una ko siyang nakita na naka-upo at abalang nagbabasa ng ilang papel. Hindi niya yata namalayan na naka-pasok na ako. Lumapit ako sa office table niya.

Napaka-gwapo ng ayos niya ngayon. Maayos na naka-brush up ang kanyang buhok na sa tingin ko ay nilagyan niya ng gel, nakasuot din siya ng kanyang puting gown and sa ilalim niyon ay kulay asul na polo. Naamoy ko din ang kanyang mabangong perfume mula dito sa kinatatayuan ko.

"Aherm, good morning Sir. Namjoon."

"Please, be seated."

Hind manlang siya nag-abalang tingnan ako at nakatuon ang kanyang atensyon sa mga binabasang papel.

"I came here to apply for work Sir.Namjoon."

Finally ay tumingala na siya. Agad siyang tumingin sa akin. Ngumiti siya ng matamis at nag resulta iyon upang sumilay ang kanyang malalim na dimples. Gumanti ako ng ngiti at inabot sa kanya ang aking resume. Malugod niya itong tinanggap at nakita ko siyang ilang ulit na tumango habang ito ay binabasa.

"Matatanggap ba ako?"

"Kaya mo bang tumagal dito, di'ba nakakakita ka ng multo?"

Napatawa ako ng bahagya. Iyon lang pala ang problema. Yung mga multo.

"Actually, sandamakmak na mutlo ang nasalubong ko kanina. Pero, okay lang naman tyaka hindi naman dito sa loob ang magiging opisina ko diba?"

"Yeah, hindi nga dito. Doon sa may bandang exit ang Cashier's office."

Tumayo siya ng matuwid at inilahad ang kamay niya sa akin. Agad naman akong tumayo at nakipag-kamayan.

"Pwede ka ng magsimula bukas, you're hired."

Ganun lang 'yon? Tanong ko sa utak ko. Pero inisip ko nalang na baka nakatulong yung three years background ko sa dati kong trabaho,besides computer din naman ang hawak ko dito.

"Salamat. Sige, bukas."

"Samahan mo'ko, ipapakita ko sa'yo kung saan yung cashier's office."

Nauna siyang lumabas at sumunod naman ako. Ayan na naman yung mga multo. Iba-iba ang itsura, merong maputla lang, merong iba na madugo, may iba naman na wakwak pa yung katawan, siguro namatay yun habang ino-operahan.

Nakarating kami sa Cashier's office nang hindi manlang nag-uusap. Pumasok kami sa loob at seryoso niya akong ipinakilala sa mga magiging katrabaho ko. Mukha naman silang mababait.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas na kami.

"Tara, ihahatid kita sa opisina ng Kuya---"

Natigil siya nang nag-ring ng malakas yung cellphone niya at agad niya itong sinagot .

"What? Check his Vitals! I'll be there soon."

Nilingon nya ako at halata sa mukha nya ang pagkabahala.

"I need to go now. Next time nalang kita i-tour dito sa hospital. See you tomorrow and take care."

Tumakbo siya at iniwanan ko. Napa-iling nalang ako. Ganito yata talaga ang buhay ng mga doctor. Di pwedeng chumika ng matagal dahil bigla-bigla nalang magkakaroon ng call of duty.

Bumuntong hininga na lamang ako at nagdesisyong lumabas na lang. Nag-umpisa na naman ako sa pag-iwas sa mga multo. Mukhang araw araw ko tong gagawin, masasanay din ako.
Matapos ang isa na namang adventure with ghost ay nakalabas din ako. Sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Puntahan ko kaya yung asawa ni Yoongi?"

*^▁^*

Nakapag update din!

Vote and comment po!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top