ABKMEP 12※


*^▁^*

YHALY'S POV

nagising ako dahil sa alarm clock ko. Ayoko pang bumangon pero naalala ko na nag-text pala ako kay Namjoon kagabi at mag-a-apply ako sa kanya ngayong araw.

Pikit mata kong kinapa yung alarm clock sa bed side table ko pero nasagi ko ito at nalaglag sa sahig, patuloy parin ito sa pagtunog. Kaya kahit nayayamot ako ay bumangon na ako sa kama at nang imulat ko yung mata ko muntik ng humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko ng dahil sa gulat.

Naka-upo lang naman kasi si Yoongi sa paanan ko, naka-indian seat sya at nakapangalumbaba. Ibinida pa niya sa'kin yung shining bright like diamond na gummy smile nya.

"Ay magilagid!"

Hinawakan ko ang dibdib ko, syempre nagulat nga kasi ako.

"Papatayin mo ba ako sa gulat Yoongi? Susko! Aga-aga! May kailangan ka ba bukod sa gusto mong masilayan ang literal na morning glory? Glory ng kagandahan ko?"

Biglang sumimangot si Yoongi.
"Babalikan kita Yhaly pag nasa tamang pag-iisip kana. Kumain ka ng almusal para 'di ka lumala."

Tapos parang usok siya'ng nawala sa harapan ko. Bumaba na ako sa kama at dinampot yung alarm clock na nasa sahig at ibinalik ito sa bedside table.Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa banyo.

Syempre alam niyo na kung anong ginawa ko kaya di ko na iku-kwento.
Nung fresh na ako, nagpunta ako sa kusina at naghanap ng makakain, nakakita ako sa ref ng itlog. Kumuha ako ng dalawang piraso at ginawa kong scrambled egg, tapos may nakita din akong kanin sa ref kaya isinangag ko ito. Napangiti ako ng matapos ko na itong maluto at agad akong pumunta sa dining area at nilapag yung pagkain ko.

Sumubo ako ng ISA, DALAWA, TATLO nang biglang.

"Ano Yhaly matino kanaba?"

At iyon na po! Nasamid ako! Help! Water! Help!

"T-tub-big!" Nauutal kong sabi ka Yoongi.

"Ano? Paki-ayos di ko maintindihan!"

Ay. Tenguna mamamatay na ako, ayokong mamatay sa ganitong paraan! Kaya para ma-gets niya nag sign nalang ako. Yung sign pag iinom ka ng tubig. Iyon pinakita ko sa kanya.

"Ay! Ew! Yaks! Yan ba natutunan mo kay Teahyung? Ang bastos my gosh! Ano yan? Paganyan ganyan mo?"

Nainis na ako kaya I stop my breathing at sumigaw.  "Tubig! King-ina ka!"

Nataranta naman si Yoongi at bigla siyang naglaho pero lumitaw din agad-agad.

"Sorry di ko mahawakan yung mga gamit sa kusina mo! Ikaw nalang kumuha!"

Ay ang tanga ko po. Oo nga pala mumu siya. Kaya dali-dali akong tumayo at kumuha ng tubig sa jag at straight na ininom ang laman ng isang baso. Matapos no'n ay nakahinga ako ng maluwag, nilagyan ko ulit yung baso baka kasi mamaya mabulunan na naman ako tapos matuluyan ako mahirap na.

Bumalik ako sa dining area at natawa ako nang makita ko si Yoongi na sinusubukan kumuha ng pagkain ko pero hindi nya magawa, naupo ulit ako at nginitian ko siya.

"Mamaya dadaan ako sa punirarya para kumuha ng pagkain."

Nginitian niya ako at tinitigan. "Yhaly'ng maganda! "

Napahinto naman ako sa sa ginagawa ko, my gosh!  Tinawag niya along maganda! My himala! May Himala!

"Ay. Anong nangyayari sa'yo? May sakit kaba? Mamamatay kana ba? Ay sorry patay ka na nga pala!" Tapos lumungkot yung mukha niya.

"Badtrip ka namna Yhaly eh! Nakakayamot kana! Sarap mong pataying din para pare-pareho na tayong multo!"

Napatawa naman ako pero agad ding sumeryoso, mahirap na baka ma possess na naman si Yoongi, ayokong magbasa ng EL FILI! Wew!

"Bakit ba kasi? My problema ka ba?"
Tanong ko sa kanya at akma akong susubo ng mapatigil na naman ako.

"Nakalimutan mo ng tutulungan mo akong mahanap asawa ko."

Lalong lumungkot yung mukha niya. Kasalanan ko nga, nawala sa isip ko yung tungkol sa pangako ko sa kanya. Anong klase akong kaibigan! Tsk!

"Ah, oo pasensya na, may nangyari lang kasi, sige bukas nalang ako mag aapply ng trabaho punta nalang muna tayo ngayon sa punerarya."

Biglang nagliwanag yung gums este yung awra ng muka niya. Sumaya siya, pero kasabay no'n ay kalungkutan ko. Pa'no pag nawala na siya pag nahanap namin ang misis niya?

"Sige, tatapusin ko lang tong pagkain ko. Kanina ka pa eh! Gutom na ako . Tapusin ko lang to tapos alis na tayo."

-----------

Sa punerarya

Nandito na kami ngayon, dere-deretso akong pumasok sa opisina, may nasalubong ako kaninang mumu pero di ko pinansin. Mahirap na, mamaya madagdagan yung papakainin ko sa bahay! Ang mahal pa naman ng tubo ng benta ng pagkain dito.

Pumasok ako sa opisina at nadatnan kong busy yung may-ari sa paglalaro ng troll sa cellphone nya. Dinig na dinig ko yung nakaka-hanimal na tawa ng trolls eh! Kayamot lang! Si Yoongi ayun naki-usyoso na sa nilalaro nung may-ari, kita na naman yung gums nya kaka-ngiti.

"Ahm! Goodmorning! Pwede bang maistorbo?"

Saka niya ako tiningala at agad niyang pinatay yung cellphone nya, nakita ko namang sumimangot si Yoongi na katabi niya lang.

"May patay kayo?"

Ay! Buset to ah! Porke pupunta sa punerarya may patay agad? Di ba pwedeng may papatayin palang? Ay erase, erase! Bawal dahas sakin!

"Patay agad sir? Di ba pwedeng may itatanong lang?"

Natawa nama siya, close na kasi kami eh. Ikaw ba naman halos araw araw nadaan para bumili ng pagkain.

"Sige, susubukan kong matulungan ka. Ano ba yun?"

Naupo ako sa upuan sa harap lang ng table nya, aba! Nakaka-ngalay din kanina pa ako nakatayo. Di manlang niya ako niyayang maupo!

"Mayroon ba kayong ibinurol na YOONGI ang pangalan?"

(Katok katok sa kahoy! Story lang po ito! Sorry na sa mga nagmamahal kay SUGA HONEY MA LOVE SO SWEET")

"Ay, oo meron pero 4 months ago pa yun, bakit?"

Nakita kong napasuntok sa hangin si Yoongi, so totoo ngang may posible na asawa niya yung nakita nya?

"Ahm, gusto ko lang po sanang malaman kung pwedeng makuha yung address ng kaanak niya, asawa or magulang? May kailangan lang kasi ako sa kanila."

Agad namang tumayo siya at may kinuha sa bakal na drawer malapit lang sa pwesto nya, ilang segundo din siyang naghanap tapos may kinuha siyang folder. Naupo siyang muli at binuklat ito. Maya maya lang ay kumuha siya ng maliit na papel at nag-sulat.

"'Yan ang address nila, di masyadong kalayuan dito. Ipagtanong mo nalang para madali mong mahanap."

Ngumiti naman ako ng  naluwag at nagpasalamat, aalis na sana ako nang may maalala ako.

"Ay, oo nga po pala, o-oder ako ng 2 supot ng kornik tapos 2 balot ng assorted biscuit!"

Natawa yung lalake at tumango sa akin. Matapos no'n ay lumabas na kami ni Yoongi at hindi ko maipaliwanag kung gaano siya kasaya tapos idagdag mo pa yung nakakasilaw na gums niya gawa ng ngiti niya.

"Gusto mo bang puntahan na natin ngayon?"

Tinanong ko muna siya syempre! Kahit naman impossibleng makita siya ng asawa niya eh, makikita niya ito at siguradong excited slash kabado siya.

"Sige, miss ko nadin kagandahan ng Misis ko eh."

Napangiti ako "Asus, kinekeleg and gummy ghost bear ko!"

Tapos sinundot ko yung tagiliran niya pero tumagos lang. Lagi kong nakakalimutan na multo yung mga kaibigan ko. Pumara ako ng taxi, at ipinakita ko sa kanya yung address, inabot din ng kalahating oras bago namin narating yung lugar.

Bumungad sa amin ang napaka-raming bahay, pero hindi siya iskwater, alam mo yung mga bahay na halos magkakamukha? Pero maayos.

Lingon sa kaliwa.

Lingin sa kanan.

May nakita akong mumu! Tingin sa kaliwa ulit, may nakita akong tao kaya nilapitan ko agad.

"Miss, miss. Kilala mo ba tong may -ari ng pangalan na ito?"

Tumango naman yung babae

"Oo, si Mica yan! Lakad lang ka ng deretso diyan sa iskinita na yan tapos yung ika-sampung bahay na may color red na bakal na gate, yun na yun! Pero di ko lang sure kung nandyan siya today!"

Matapos niyang maipaliwanag ay nagpasalamat ako at nag-umpisa ng maglakad. Si Yoongi naman ay halatang hindi mapakali, di ko kasi maintindihan kung lalakad ba siya o lulutang nalang. Ang gulo nya.

"Yhaly, feeling ko tumitibok na ulit puso ko." Sabi niya kaya tinawanan ko para naman mabawasan yung kaba nya.

"Gagu ba you? Di na titibok yan! Deds kana kaya!"

Tapos ng ilang segundong lakaran ay huminto kami sa isang bahay na may pulang gate gaya ng sabi ng babae kanina. Nakasarado ang pinto. Pero nandito na kami kaya sisigaw na sana ako nang may napansin ako, may nakita akong sapatos na panlalake sa pintuan at ayoko ko man mag-isip ng masama ay kinilabutan pa rin ako sa bad ideas na pumusok sa utak ko.

Pero paano ko aayain umalis si Yoongi dito?

Ah alam ko na!

"Yoongi, nahihilo ako. Tinamaan yata ako sa itlog at fried rice kanina, pwede bang umuwi muna tayo? Balik nalang tayo. Tutal naman wala pa akong idea kung anong mga sasabihin sa kanya."

Nakita kong lumungkot ang mukha niya pero ngumiti rin. "Sige na nga! Mamaya mapano ka pa, papatayin ako ng Jowa mo!"

Nakahinga ako ng maluwag, dahan-dahan akong naglakad papalayo sa bahay na iyon na mabigat ang loob. Sana hindi tama ang hinala ko. Ilang buwan palang wala si Yoongi. Pero aalamin ko, aalamin ko ng hindi nalalaman ni Yoongi para makasiguro ako.

"Pasensya na Yoongi, promise babalik tayo dito. At sana wag kang babalik dito ng hindi ako kasama, ayokong bigla kang hatakin sa langit ng hindi ko nalalaman."

Nginitian ako ni Yoongi at sumagot." Oo naman, di kita iiwan ng hindi ako nakakapag-goodbye na maayos sa'yo."

-----------------------------------------------------------

Nakapag-update din ako sa wakas !

Salamat !

Basahin nyo po please !

Hello ! TaeSaJinBwii07

Mister

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top