ABKMEP 11※


*^▁^*

Yhaly's POV 

Nandito ako ngayong sa kwarto ko, nakahiga sa malambot kong kama. Habang tinititigan yung calling card na iniwan ni Namjoon.

"Mag-apply kaya ako? Kaso baka 'di lang din ako makapag-trabaho ng maayos dahil maraming kaluluwa doon." Napabuntong hininga ako.

Hangang sa naramdaman kong may humiga sa tabi ko, niyakap niya ako at dinantay ang mga hita nya sa hita ko.

Si Taehyung.

Sa totoo lang nangatog ako, kasi nga ang lamig niya. Pero panandalian lang naman iyon at mahal ko siya. Pero kung si Hoseok to baka natadyakan ko na kanina pa.

"Anong bumabagabag sa isip mo?

Tanong nya, ramdam ko ang malamig nyang hininga sa leeg ko. Hindi niya kasi pinantay ang ulo n'ya sa akin, mas mababa ng bahagya ang pwesto niya.

"Ini-isip ko kung susubukan ko bang mag-apply ng trabaho doon sa Namjoon."

Bumuntong hininnga ako at ibinaba ko na ang kamay ko, nakakangalay din kaya!

"Marami namang ibang trabaho diyan Gf ko, wala akong tiwala sa mukha ng higanteng dimples na yun eh! Tyaka di ba madaming ghost doon? Baka gambalain ka lang nila."

Nilagay  ko ang kamay ko sa mga kamay niya bago nagsalita. "Yon ba talaga ang dahilan o nagselos ka?"

Narinig ko na tumawa siya ng bahagya." Bakit? May dapat ba akong pagselosan?"

Binitawan niya ang salitang 'yon gamit ang malalim at magaspang nyang boses, yung tipong bagong gising siya. Tinanggal ko muna ang kamay nya na nakayakap sa bewang ko at tumagilid ako paharap sa kanya.

"Syempre wala! Ikaw lang naman ang LOVE OF MY LIFE."

Nakita kong ngumiti siya, kumalas s'ya sa pagkakayakap sa akin at iniangat ang sarili nya, itinukod niya ang isang kamay niya sa may gilid ko at nagtitigan kami ng ilang segundo.

"I love you Gf ko." Biglang sabi niya na ikinatunaw naman ng puso ko.

"I love you too Bf ko." Tinitigan ko ang maganda niyang mga mata, at paunti-unting inilapit niya ang mukha sa akin. Pumikit naman ako at hinintay ang sunod na mangyayari nguni't.

"Ay putda hell! Omg! Genuine book ito! Walang mature content! My gash PDA in the bedroom! Bes di ka na VIR---"

Binato ko siya ng unan bago pa man niya matapos yung sasabihin niya, umayos si Taehyung ng higa sa tabi ko at ako naman ay naupo sa kama. Tinitigan ko siya ng masama. Ang wrong timing naman nya kasi eh! KISS na nga naudlot pa! Badtrip lang!

"Anong ginagawa mo dito! Saka di kaba tinuruang kumatok?" Napakamot siya sa ulo nya.

"Ay, sorry na bes!"

Tumagos siya palabas ng pinto pero ilang segundo lang ay tumagos siya ulit papasok."

"Sorry bes! Di ko mahawakan yung pinto, kaya asahan mo nang hindi ako kakatok forever!"

Binato ko ulit siya ng unan pero tumagos lang sa kanya.

"Ano bang kailangan mo dito?" Inis na tanong ko.

"Nabo-bored kasi ako, wala na si Jimin my labs dito eh! Kayo anong ginagawa nyo ni TAEHYUNG? Di pa kayo kasal uy! Ang e-EL nyo!"

Biglang bumangon si Taehyung sa tabi ko.  "Hoy! Anong ma EL yang sinasabi mo? Bastus mo uy! Kasasabi lang kanina na NO MATURE CONTENT tong book eh!"

Tapos sumabat ako. "Saka anong sinasabi mong KASAL? alam mo namang MULTO SI TAEHYUNG PA'NO KAMI IKAKASAL!"

Katahimikan

Loading

Loading

Loading

99%

Shing !

"Paks! I am sorry! My mouth!"

Sabi ko at nilingon ko si Bf ko na naka sad face din pero pinilit na ngumiti.

"Oh-oh! Maka-exit na nga me!"
Sabi ni Hoseok.

"Hoy! Kabayung multo! Kasalanan mo to! Patayin kita ulit eh! Ano bang kailangan mo talaga?" Inis na tanong ko kay Hoseok. Naupo muna siya sa kama ko at tinitigan ako ng mataman at panay ang buntong hininga.

"Ano? Magbubuntong hininga ka nalang ba diyan o magsasalita ka na?"
Nakakainip kasi eh! Panira kasi ng moment.

"Ganito kasi yan bes! Dumalaw ako sa pinto ng purgatoryo kanina, binigyan ako ng memo! Hindi ko ma-gets. English kasi! Paki translate nga! Bakit ba kasi English yung international language! Tsk!"

Napakamot naman ako sa ulo,  mukhang important nga ang pakay ni bes ( kaya kayo students study HARD bago study HEART! )

"AKIN NA! Pagkatapos neto lumayas ka na!"

Nakita kong tumayo si Hoseok at iniangat yung bestida niya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nakasuot kasi siya ng shorty short o mas kilala sa tawak na pempem short! 

"Tenguna mo Hoseok! Tagal na nating besty now ko lang nalaman na nagsusuot ka ng ganyan? Hindi ba masakit? Ilang taon mo nading suot yan na walang hubad hubad! Baka scramble egg na yan sa sobrang hapit ng shorts mo."

Natawa din si taehyung sa tabi ko. "Hahaha! Scrambled egg! Akala ko sunny side up!"

Nag-pout naman si Hoseok at mula sa bulsa ng Pempem short niya ay may inilabas siyang maliit na kulay gintong papel.

"Wow hanep! Pwede bang isanla to?"
Sabi ko nang mahawakan ko yung papel ngunit bigla itong inagaw ni Taehyung!

"Ako na magta-translate!" Sigaw ni Taehyung.

"Sigurado ka?" Tanong ni Hoseok na naka-upo na ulit sa kama ko.

"Basta! Sige babasahin ko na yung English part."

Tumango si Hoseok ako naman ay nagpipigil na ng tawa di pa man siya nagsisimula.

"Jung Hoseok, to be able to enter this place and pass through to heaven. You need have at least done 3 good things to any human alive that needs help . When you're done this mission you automatically will be send here and have your journey."

Nakita kong natahimik si Taehyung at napalunok ng maraming beses tyaka tintitigan si Hoseok.

"Ano na? Kala ko ba kaya mo? Pogi ka lang boy? Walang brain?" Asik ni Hoseok.

"Tanga mo at least pogi! Oh eto na! Makinig ka."

Ubo!  Ubo!

"Jung Hoseok, para may kakayahan ka na pumasok sa lugar at makatagos sa langit!  *ubo again,  kahit na makagawa ka ng Tatlong mabuting bagay sa kahit anong buhay na tao na hinid naman kailangan, pag nagawa mo ito, otomatiko kang ipapadala doon pero ibabalik dito para gumala! "

Katahimikan ulit.

"Tangenuh! Binabawi ko na yung sinasabi ko kanina! Di kalang pogi! Ang talino mo pa Bro!" Sabi ni Hoseok bigla na ang saya saya pa!

"Sabi sayo eh! Ikaw lang tanga dito!  Alam mo na gagawin mo okay!"
Pagmamayabang ni Taehyung.

"Ewan ko sa inyo, lalayas nalang ako!"

Kakayamot eh! Baka mahawa pa ako sa dalawang ito!

"San ka pupunta Gf ko?" Tanong ni Taehyung.

"Gagawa ng RESUME sa computer shop para magkatrabaho na ako!"

Tumayo na ako sa kama at akmang aalis ng magsalita pa si Hoseok.
"Ang galing bes! Ang high tech mo! Gagawa ka lang ng RESUME sa comp shop magkakawork kana?"

Tinitigan ko ng masama si Hosoek.

"Ay, sama nalang ako, baka madaming fafabol na Dota players! Pero wag ka magsusumbong kay Jimin my labs ah!" At hinabol ako ni Hoseok.

"San ba ako naiinis? Sa translate ni Taehyung o sa katotohanang, kahit gusto ko, kahit mahal ko siya. Imposibleng magkaroon ng KASAL?"

Malungkot akong naglalakad, nasa likod ko naman si Hoseok na palutang lutang. Kinuha ko yung phone ko at Nag-text.

"Good eveninG MR.KIM NAMJOON.  Naisip kong, mag-apply bukas. Pupunta nalang ako sa Hospital ng Umaga. Thank you."

Tinago ko na ang cellphone ko at nag rent ng PC. Syempre, binuksan ko muna yung EPBI ko! Tagal ko nang di nakapag post eh. Ganito status ko.

"Kung sino pa yung mahal mo, siya pa yung hindi mo pwedeng makasama. Pero yung mas masakit, yung alam mong nasa tabi mo lang siya ngayon pero balang araw IIWAN ka din nya."

May mga nag-likes agad!  Ay peymus pala ang EPBI KO! Ikaw ba naman kamukha ni Jimin ewan ko na lang kung hindi ka dagsain ng FANS? hehehe. Binasa ko pa yung mga comments nila, mga nakikisimpatya sa kalungkutan ko.

Pero may isang status na nagpakabog ng PUSO KO.

Kim seokjin ♡♡
"Wag ka ng malungkot, nandito lang ako. Alam mo naman number ko! Tawagan mo'ko pag kailangan mo lang ako 😘

Na Jungshook ako! My gash!

"May gusto ba siya sa akin?"

-----------------------------------------------------------

Jin's POV

Nandito ako sa opisina kasama si Jungkook.

Di ako makapag concentrate sa trabaho ko kasi bigla nalang siyang tumatawa o biglang sisigaw na parang baliw.

"Boss! Boss! Nag post si Yhaly! Basahin mo dali!"

Kaya inopen ko yung EPBI ko sa laptop ko at dun ko nga nakita ang post niya kaya nag comment ako.

"Ay imba ka boss! Nabasa ko comment mo! IS THIS LOVE? Na ba?" Kinikilig na sabi ni Jungkook.

"Love-hin mo ilong mo! Di porke wala na dito si Yhaly sa kompanya ay pakakawalan ko na siya, lalo pa ngayon na nagpakita na siya sakin."

"Sino naman yun boss?" Tanong niya ng hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone.

"Malalama----" Di ko na natapos sasabihin ko kasi bigla siyang tumayo at nataranta.

"Tengunah! Lagpas na ko sa time lagot na naman ako sa anaconda naming TL!  Bye boss! " At Dali Dali siyang tumakbo palabas. 

Napa-iling nalang ako sa kanya at tumutok ako ulit sa paperwork's ko ng mag notification ang EPBI ko. Nag message si Yhaly.

"Anong trip mo, boss?"

Napa-ngiti ako ng maluwag.

"Gotcha ALJAS! Di ka makakawala sakin, lalo ka na TAEHYUNG."

---------------------------------------------------------

naka pag update ulit !

Hehehe

Boring tong chapter na to!

Pero sige lang !

TaeSaJinBwii07

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top