ABKMEP 01👻


*^▁^*

December 30, 1995.

'Yan ang araw na ipinanganak ang napakagandang sanggol na pagkalabas pa lang ay bumibirit na ng POWER OF LOVE! 'Yan kasi sikat ng time na yun eh!

Syempre, tuwang-tuwa ang magulang niya kasi ine-expect na nila na ang kanilang munting Prinsesa ay lalaking maganda, matalino, mabait, masipag, maganda ulit, mapag-mahal, mapag-bigay, may takot sa Diyos at last but not the least, maganda ulit!

Wag na kayong kumontra kasi maganda talaga ako! Mamaya bigay ko sa inyo INSTADRUM account ko! para makita nyo. Basta wag kayo mai-inlove, huh!

At ang magandang yon ay walang iba kundi, ako.

My name is YHANDREI ALYSA A. ALJAS, I'm 22 years old. I live at d'yan sa puso mo, working at MAKING YOU MINE, de joke, sa call center po.

'Yan kasi profile ko sa EPBI ! Naku, I se-search n'ya yan! Hihi.

Nakapagtapos naman ako ng college kaso two years course lang kasi nga  life is unfair, kung sino pa yung mahal mo, iba ang minamahal. Ay anong konek? De totoo, Kasi nga financial problem. Kaya nagpaka-wais ako at nag-work ako sa call center kasi ang laki ng offer nila, kaya nabubuhay ko naman ang sarili ko nang maayos.

Parents ko?

Tyaka ko na iku-kwento, napaka-aga pa kasi para magdrama ako.

Nag-lalakad ako ngayon papasok sa building kung saan ako nagtatrabaho. Three years na akong nagpapa-uto sa kanila pero okay na din kasi malaki bigayan dito.

Naka-earphone ako habang nakikinig ng mga love songs nang may batang humarang sa daan ko.

"Hello ate kong maganda since birth!"
Nag-wave pa siya sakin. 

"Ay! Ang sweet mo talaga bebe ko! Alam mo talaga kung pano ako pasayahin!" Tinanggal ko earphone ko at lumuhod sa harap nya.

"Ate, gutom na ako," Tapos lumungkot yung mukha nya, naawa naman ako. Kaya inabot ko sa kanya yung biskwit na dinaanan ko pa kagabi sa may kanto namin dahil naisip ko siya. Araw-araw siyang ganito eh.

"Oh ayan! Lagi ka namang gutom eh! But don't worry andito si ate para pakainin ka everyday," Di ko alam kung bakit pero parang naiiyak na ako. At unlike sa mga nakaraang araw, hindi nya ito kinain at ibinulsa na lang.

"Oh, bakit? Ayaw mo ba ng dala ko?"

"Ate, aalis na kasi ako," Nalungkot ako, mababawasan na kasi yung fans ng kagandahan ko. I mean, mababawasan na yung mga taong nakaka-appreciate sa existence ko.

"Sige lang, hindi malulungkot ang maganda mong ate, promise! Kailangan umalis ka na agad. Doon, maraming biscuit tapos may juice pa! Okay!" Hinimas ko ang pisngi nyang nababalutan ng dugo.















Opo. Multo po ang batang kausap ko. Yung biskwit na binigay ko ay galing sa burol doon sa kanto namin. Tropa ko na kasi yung may-ari ng punerarya. Nakakakita kasi ako ng multo, pero hindi ako kagaya ng iba na musmos pa lang ay nakakakita na. Yung akin kasi may nangyari kaya nagulat nalang ako na bigla ko na silang nakikita.

Of course, nung una takot na takot ako. Kasi nga kung anong itsura nila nung namatay ganun na talaga pag multo na sila. So kaya dapat pag mamamatay ka make sure na maganda ka parin para hindi naman mahirapan yung mga tulad kong makakakita sa inyo! Hahahaha

"Naku! ma-mi-miss ko yung pagtawag mo sakin ng Ate kong maganda since birth, pagdating mo doon maligo ka agad huh! Asim mo na bebe eh!"  At nginitian ko siya kahit naiiyak na ako.

"Sige, Ate kong maganda, Thank you! I love you! Bye bye," Paunti-unting umaliwalas ang mukha nya. Yung mga dugo at sugat ay nawala. Alam ko na agad kung saan siya mapupunta. At masaya ako. Unti-unti parang usok na nawala siya.

Pagtayo ko, nakita ko na ang dami ng taong nakatingin sa akin. Akala yata baliw ako! Hmp! Sorry sila di sila talented na katulad ko. Tyaka, sanay na ako sa ganitong eksena kaya di ko na lang sila pinansin.

Flashback 7 years ago

"Huta! Bakit ganyan costume mo, Hoseok?"

Nakasuot kasi siya ng plain white na bestida tapos nilagyan lang ng sandamakmak na polbo yung mukha. Yung uling ginawang makapal na eyeliner tapos yung lipstick ng mama nya na in-order pa sa brosure ay ginawa nyang kunwari dugo sa mukha nya!

"Eh, paki mo ba! Gender bender ang konsepto ko! Tapos horror pa! Sa'n ka pa? Palibhasa wala kang creativity!"

"Gago ba you! Pero bahala ka yan ang trip mo, eh! Tara na mag-umpisa na tayo mag trick or treat!" Anyaya ko sa kanya pero pinigilan ako.

"Bakit ganyan costume mo Yhaly? Halloween ang event hindi children's Party! Nangangati baba ko sayo eh!"

Nakasuot kasi ako ng snow white na costume. Eh, ganun talaga pag maganda! Bakit ko naman kasi gagawing pangit sarili ko kung pwede naman na pagandahin nalang lalo? Charot lang! Hehe

"At isa pa! 15 years old na tayo Yhaly! Gusto mo pa rin ng trick or treat? Tatadyakan na kita, mataob ka dyan eh!"

"Eh, ano bang gagawin natin?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin .

"May alam akong nakakatakot na lugar! Check natin!" Bigla akong napaharap sa kanya.

"Kailan ka pa tumapang, Hoseok? Baka iwanan mo lang ako roon. Mala kabayo pa naman ang running speed mo!" Tinawanan ko sya.

"Hindi nga, promise! Di kita iiwanan doon! Sige na! Tyaka may nakapunta ng iba doon kaya siguro hindi naman siya super nakakatakot puntahan."

Tumango nalang ako, para may thrill din ang gabi namin.

👻👻👻

Pumasok kami sa isang abandonadong lote, at sa di kalayuan ay may di kalakihang bahay na unang tingin pa lang ay masasabi mo ng kasing tanda na ito ng lolo ng lolo ng lolo mo. At halata ring walang nakatira.

"Hoseok! Sure ka ba dito? Baka huling gabi na natin to sa Earth pag papasok tayo dyan!" Hila-hila ko yung white bestida nya.

"Shut up! Tara na andito na tayo e."

At pumasok nga kami sa masyon na 'yon. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang lamig. Kinikilabutan ako, tapos sobrang tahimik pa at yung dala dala naming flashlight ang tanging nagpapa-ilaw sa daanan namin.

"Hoseok, uwi na tayo!" Anyaya ko sa kanya, kahit naman kasi inaasar kong duwag tong kabayong kasama ko ay duwag din naman ako.

"Wait lang! Wala namang nangyayari dito e!" Shocking! Ang tapang nya tonight.

Umakyat kami sa 2nd floor at lalong lumamig ang paligid at nakakadagdag sa takot effect yung paglangitngit ng kahoy na sahig ng mansyon.

Biglang humangin ng malakas, napa-yakap ako kay Hoseok, pero hindi manlang siya natinag. At parang malamig itong kayakap ko.

May narinig akong pinong nakaka-takot na tawa.

At nang ini-angat ko ang aking ulo.

Huta! Totoong white lady! Mama ko!

At syempre gumana ang defense mechanism ko kaya itinulak ko siya nang pagkalakas-lakas. Bahala siya kung ma-hurt siya at lalong mainis, ang importante mawala siya sa paningin ko.

Pero napatakip ako sa aking bibig nang makita ko si Hoseok sa dulo ng hangdanan, sa baba, at nakahandusay at parang may likidong kumakalat sa tabi nya.

"Hoseok!" Umiiyak akong dali-dali siyang tinakbo at nung mahawakan ko siya ay nahawakan ko din yung mainit na likido.

"Dugo!" may trauma ako sa dugo kaya nawalan ako ng malay.

Nagising nalang ako sa hospital.

At si hoseok ay namatay ng gabing 'yon.

Sobrang sinisi ko ang aking sarili.
Wala akong ginawa kundi umiyak, kung sana naging matapang ako, edi sana hindi ko itinulak ung punyetang pangit na white lady na 'yon!

Edi sana kasama ko pang bumirit si Hoseok ng kanta o kaya magsayaw na parang kiti-kiti.

Hanggang sa isang gabi, habang umiiyak pa rin ako, dahil hinatid na namin kanina si Hoseok sa huling hantungan.

Nagsisisi pa rin ako.

Nang may narinig akong kumakanta.

"Because tonight will be the night that I will fall for you, over again!
Don't make me change my mind.
I won't leaveee *piyok, to see the other day  I swear it's true! Because a girl like you is impossible to find! You're impossible to find!"

Umiyak ako lalo. Nababaliw na yata ako! Naririnig ko si Hoseok na kumakanta! "Hoseok! Misss na kitang kabayo ka!"

Sitsit

Tingin ako sa kanan.

Sitsit

Tingin sa kaliwa.

Sitsit

"Anu ba ---"  sabay lingon sa likuran.

May white lady nakatayo sa likod ko na kamukha ni Hoseok.

"Hi."

At nahimatay na ako.

------------------------------------------------

Hooooo.. Please vote and comment kung natawa kayo !

Hihihi

Lame ba ?

TaeSaJinBwii07
mikaelaarlette


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top