6-Paper Figure
Magkasama kami ni Leianne na tumutulong sa kainan ng tatay ko, habang ang tatay naman niya ang nagtatrabaho bilang assistant cook.
Tinuruan ko si Leianne kung paano ang sistema ng paghuhugas ng mga pinggan, kubyertos, at baso. Kailangan malinis na malinis ito kahit na paspasan ang paghuhugas. Bukod pa diyan ay tinutulungan ko rin siya na kumuha ng mga orders. Mabilis naman siya matuto, at kahit papaano ay nababawasan ang pagka-mahiyain niya. Hindi siya mahirap ka-trabaho.
Pero kahit na maayos naman kami makisama sa isa't isa, hindi pa rin siya ganoon ka-friendly sa akin. Halos hindi nga kami nag-uusap, maliban na lang kung tungkol ito sa mga gawain.
Awkward pa rin. Matatapos na nga ang bakasyon na wala man lang kaming interaction.
☆☆☆
Isang araw, nagka-ideya ako kung paano ko magagawang kausapin si Leianne.
Naalala ko na marunong pala ako mag-origami. Hobby ko na ito dati pa, at may koleksyon nga ako ng origami figures na naka-paskil sa isang scrapbook. Luma na iyon, Grade 3 pa ata ako nang huli akong nag-origami. Kaya naisip ko na bigyan siya ng origami figure, para man lang maging friend ko siya. Kumbaga, "break the ice."
Kinabukasan, nang tapos na ang oras namin ni Leianne sa restawran, nilapitan ko siya habang nakaupo siya sa likod ng gusali, kung saan may mga plastik na upuan na nakadikit sa pader. Dito kasi tumatambay ang mga waiters at ibang kitchen assistants pag break nila.
"Hi," bati ko sa kanya.
"Hi," sagot niya sa kanyang trademark na mahinang boses.
"Pwede tumabi sa iyo?" Tanong ko.
Napatingin sa akin si Leianne. Tapos sabi niya, "Sige."
Tinabihan ko siya, at agad kong nilabas sa aking bulsa ang ginawa kong origami figure. "Tignan mo to oh," bungad ko.
Pinakita ko ito sa kanya. Isa itong kulay green na papel na tinupi-tupi ko at naging hawig ni Yoda, ang isang character sa Star Wars. May drawing pa nga itong mata at bibig na pinilit kong maging kahawig din ng nasabing Jedi Master.
"Si Yoda!" Natutuwa niyang nasambit. Hindi niya mapigilan ang ngumiti, at tanong niya, "Pwede mahawakan?"
"Oo naman." Inabot ko ito sa kanya. Pinagmasdan ni Leianne ang ginawa ko. "Cute naman nito." Lalong lumaki ang ngiti niya, at nakita ko ulit na umaliwalas ang mukha niya.
"Pwede mo ako turuan niyan?" Hiling niya.
"Oo naman!"
Nilabas ko ang dala kong mga papel na kulay berde rin. Halos isang oras kaming gumawa ng mga origami figures ni Yoda. Tahimik pa rin kami, pero ramdam ko na unti-unting nababawasan ang pagka-reserved ni Leianne.
☆☆☆
Sa mga sumunod na araw ay mas naging friendly si Leianne sa akin. Nagbibiruan na kami habang gumagawa ng mga tasks sa restawran. Minsan, nagwiwisikan kami ng tubig habang naghuhugas ng pinggan, o kaya naman ay ginagawa naming kunyaring light saber ang mga walis tambo at naglalaban kami habang nagwawalis. Okay pala siya na kaibigan. Marunong din pala siya makipagbiruan, at unti-unti kong nakikilala ang Nerdy Girl sa klase.
"Bakit ka pala lumipat dito sa Manila?" Tanong ko kay Leianne habang nasa swings kami sa kalapit na playground park. Papagabi na nun, at inaya ko siyang lumabas para mailibre ko siya ng ice cream. Buti napapayag ko siya pati ang tatay ko na i-dismiss kami ng maaga. Sabado kasi ng gabi, at mas maagang nagsasara ang Tonyo's dahil nangingilin kami pag Linggo.
"Naghahanap kasi ng trabaho si Papa. Dati kaming nakatira sa bahay ng lola ko sa Calamba."
"Pinaalis ba kayo?"
"Hindi ah! Kusang umalis ang tatay ko."
"Nasaan mama mo?" Pagtataka ko.
Tumahimik si Leianne. Tapos sumagot siya.
"Wala na siya."
Hindi ako makasagot sa kanyang sinabi. "Sorry tinanong ko pa," paumanhin ko.
"Ayos lang iyon." Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti.
"Mahilig ka talaga sa Star Wars?" Ayan, buti nakaisip ako ng isa pang topic.
"Oo. Favorite namin iyon ni Papa," galak na nasabi ni Leianne.
"Di ko alam may mga libro pala ang Star Wars," komento ko.
"Maraming libro ang Star Wars! Meron mga book versions ng movies, pati yung tinatawag na Expanded Universe! Tungkol ito sa after ng nangyari sa Return of the Jedi."
"Huh, so may nangyari pa pala pagkatapos nun?"
"Oo, nagpakasal sila Princess Leia at Han Solo, tapos kambal mga anak nila."
"Okay yun ah. Parang telenobela," sagot ko.
"Bakit mo alam yung mga libro ng Star Wars?" Bigla niyang tinanong.
"Narinig ko kayo sa library nila Ma'am Mitchie. Pinag-uusapan niyo yung mga Star Wars books. Iyon yung na-suspend kami ni Jabe tapos dun kami nagdu-duty," paliwanag ko. Di ko masabi na nag-eavesdrop ako sa kanila dati pa.
"Ah," tango ni Leianne.
Natahimik kaming dalawa habang nakaupo kami sa may swings. Nang dumilim na, ay inaya ko na siyang bumalik sa Tonyo's. Baka hinhintay na siya ng tatay niya.
Habang naglalakad kami, ay di ko sinasadyang nasabi sa kanya:
"Huwag mo nang kaibiganin sila Leslie."
Silence. Tapos tinignan niya ako.
"Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng barkada. Di ko naman naisip na ganoon pala sila."
"Basta, wag mo na silang lapitan ulit. B*tches sila," pagdidiin ko.
Nanlaki ang mga mata ni Leianne sa akin. "Bad word iyon!"
"Ano naman ngayon? Totoo naman eh!"
Bigla siyang natawa sa sagot ko. "B*tches, haha!"
Tawa siya ng tawa hanggang sa makarating kami sa restawran. Tapos, hinarap niya ako at sinabing, "Thank you Bearwin. Di na masama loob ko sa kanila. Iiwasan ko na lang sila, tama ka. At b*tches talaga sila."
"Yes, they're b*tches! High five!"
Nakipag-apir si Leianne sa akin. "Alam mo, gumaan loob ko pagkatapos kong magsabi ng bad word," wika niya.
"Kay Jabe ko iyon natutunan. Huwag mo lang gagawin palagi," reminder ko.
"Of course, Jedi Master!"
Hindi ko maikakaila na gumaan ang pakiramdam niya. Halata naman sa ngiti niya.
Natapos ang bakasyon na halos magkaibigan na kami ni Leianne. Naturuan ko siya na tumulong sa restawran, gumawa ng Origami Yoda, at magmura ng B word.
At binigay ko na sa kanya ang Origami Yoda na una kong ginawa.
(To be continued)
A/N: Origami Yoda image is from origamiyoda.com. Try niyo rin gawin! And thanks for reading! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top